I'm not sure if I can upload another update today. May sakit kasi ang kapatid ko at hindi ako makasulat nang maayos kasi siya ang iniisip ko. Guys, can I ask for prayers? Pray for my brother, please? Ako ang kinakabahan kasi sa kanya, e. Iyong prayers po ay malaking bagay na para sa akin/amin. Anyway, I'll try to write pa rin po. Hopefully maayos din ang lahat. Thank you so much! —Twinkle
Chapter 123Tiningnan ni Mirael ang layout ng maliit na villa. Sa labas, parang tatlong palapag ito, pero sa loob, dalawa lang pala. Dahil doon, mas malawak ang dating ng espasyo. Umakyat siya sa spiral staircase, at nang makarating sa second floor, sumandal siya sa railing at tumingin pababa. Doon lang niya napansin na halos tapos na pala ang buong ayos ng villa, may mga kasangkapan na, kahit medyo may kalat pa at hindi pa masyadong nalilinis.“Gusto mo ba?” tanong ni Chiles habang niyayakap siya mula sa likod, mahina at malambing ang boses sa may tenga niya.“Bibilhin mo ba 'to?” tanong ni Mirael habang nakatingin sa maaliwalas na villa. Sa unang tingin, parang normal lang na commercial villa, pero pag tinignan mong mabuti, mapapansin mong maraming bahagi ang unique ang disenyo. Makikita mong pinaghirapan talaga ang mga detalye, halatang may malasakit ang nag-design nito.“Ako ang nag-design niyan,” sagot ni Chiles, sabay kagat ng dahan-dahan sa dulo ng tainga niya.Napapikit si Mir
Chapter 122Hindi agad sumagot si Mirael. Tumalikod siya at tumingin sa Lexus na dumiretso, hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin, kinuha ang cellphone mula sa bag, at tinawagan si Lorelei.Noong nakaraang Sabado sa Royal Hotel, nakita niya si Ali kasama ang matangkad na babae. Sabi ni Ali, hindi daw yun ang iniisip nito... and she believed him! Pero ngayong araw, sa itim na Lexus, nakita na naman niya si Ali at ang parehong babae!Matagal bago sinagot ang tawag. Malamya ang boses ni Lorelei, parang kakagising lang. "Hello? Sino 'to?""Ako 'to," sagot ni Mirael, pero nang bumukas na ang bibig niya, hindi na niya alam kung paano itutuloy ang pag-uusap."Oh, Master Miracle... bakit ka tumatawag?" sabay hikab ni Lorelei, halatang antok pa."Ayos lang ba kayo ni Ali?" tanong ni Mirael, maingat ang boses."Ayos naman. Bakit mo natanong?" Medyo nagtatakang sagot ni Lorelei. "Parang pangalawang beses mo na akong tinanong niyan. May probl
Chapter 121"Di naman ganun." Pinunasan ni Mirael ang bibig gamit ang tissue, ngumiti siya at tumingin kay Dalia, sabay sabing, "Nabulunan lang ako sa crystal shrimp dati, pero sa ibang hipon, hindi pa. Hindi naman ibig sabihin nun eh titigil na akong kumain ng ibang hipon dahil lang sa crystal shrimp, 'di ba, Mr. Marasigan?"Sa huli, lumipad ang malamig niyang tingin kay Louis. Nagulat si Louis, agad siyang tumingin at nakita ang malamig na ngiti ni Mirael. May katahimikan sa mga mata nito, pulidong makeup, malamig at mataas ang dating, malayong-malayo sa dating Mirael na mahinahon at mabait.Parang may humigpit sa dibdib ni Louis. Tinitigan lang niya si Mirael, hindi siya makapagsalita… Ayaw niyang paniwalaan na tuluyan na itong nakalimot sa kanila at wala nang pakialam sa nakaraan.Simula pa lang nang bumalik siya ng mabilis sa Pilipinas at muling makita si Mirael, alam niyang hindi pa rin siya nakaka-move on. Gusto pa rin niyang makasama ito. Hindi niya mahal si Dalia, hindi talag
120.Ngumiti si Zhaira nang pilyo, saka sumulyap kina Reola at Mirael. Pagkatapos ay ngumiti siya nang maamo, medyo pa-charming pa, at sinabing may lambing, “Mr. Sanchez, sumama ka na rin.”Ayaw sana ni Mirael na sumama si Chiles. Alam niyang si Reola ay palihim na may gusto rito, at si Zhaira naman ay may ibang intensyon. Pero nahihiya siyang magsalita sa ganitong sitwasyon kaya ngumiti na lang siya at tiningnan si Chiles.Syempre, agad naintindihan ni Chiles ang ibig niyang sabihin. Kaya inakbayan niya si Mirael at mahinahong sinabi, “I won’t join the fun. Uuwi muna ako para ayusin mga gamit niya.”Pagkatapos niyang sabihin ‘yon, sa harap ng lahat, hinalikan niya si Mirael sa noo. Mahinahon niyang sinabi, “I’ll come back later, hatid na kita sa capital.”Nahihiyang hinawakan ni Mirael ang noo niya kung saan siya hinalikan, pero ngumiti rin siya at tumango, saka bumalik sa grupo ni Zhaira.Nginitian ni Chiles ang lahat, magalang at maayos, bago siya sumakay sa Hummer at umalis.Medyo
119.Napahinto si Old Commander Evangeles, at may kakaibang pakiramdam na kumalat sa dibdib niya. Si Noemi ang panganay niyang anak. Siya mismo ang nagpalaki, niyakap, inalagaan. Paano ba naman siya walang nararamdaman? Pero dahil pinilit nitong pakasalan si Alfred noon at ayaw magpakumbaba kahit kailan, naging malamig ang relasyon nila bilang mag-ama.Ngayon, narinig niya ang anak niyang nagsalita sa ganitong mapagpakumbabang tono, at agad siyang nabalot ng emosyon. Tinitigan niya si Noemi nang may halong lungkot at guilt. Bumuka ang labi niya, pero wala siyang nasabi.“Dad, iisa lang ang anak ko, si Mary. Sa lagay niyang ‘to, uuwi ko na lang muna siya sa bahay para hindi siya magalit sa’yo,” mahinahon na sabi ni Noemi habang hinahawakan si Mary. Pero agad na pumiglas si Mary at sumagot, “Ayokong sumama sa’yo! Gusto ko kay Grandpa ako!”Matagal nang nabubuhay si Commander Evangeles, kaya alam na alam niya kung bakit gusto ni Mary manatili sa tabi niya kahit galit siya. Hindi dahil sa
118.Nang marinig ni Chiles ang ingay, tumayo siya at tiningnan si Mirael na abalang-abala sa pagbabasa at parang wala sa sarili. Mahina siyang ngumiti, lumabas ng study sa unang palapag, at binuksan ang pinto, at laking gulat niya, si Mary pala ang nandoon!Hindi na siya pinagsalita ni Mary. Bigla na lang ito yumakap sa kanya. Napakabilis ng kilos niya kaya hindi agad naka-react si Chiles. Nakatayo pa siya sa pinto at gulat na gulat nang makita itong lumitaw sa harap niya.Dahil sa yakap, agad na kumunot ang noo ni Chiles. Walang pag-aalinlangang sinubukan niyang alisin ang babae sa pagkakayakap, pero mas lalo siyang hinigpitan ni Mary. May halong lungkot at panghihina ang boses niya, "Chiles, please, don’t push me away. Let me hold you, just for a moment."Talagang nasasaktan siya at punong-puno ng hinanakit. Minsan lang siya umibig nang ganito. Paulit-ulit siyang nagpapakumbaba, pero hindi man lang siya pinapansin ni Chiles. Mas pinipili pa nitong maging mabait sa isang babaeng wal