1/1 I'll give time to readers na mamili sino ang gusto sa side characters na next (kung wala, let's proceed to Zephyr siguro - and actually busy ako for other stuff). iyon lang! have a nice day!
Forsaken Marriage: I Want You Back, Wife(ZEPHYR & LEILA) Chapter 1“SINABI KO na bang magpahinga ka? Hindi pa, 'di ba? Labhan mo 'to lahat!”Kauupo pa lang ni Leila sa sofa, tinapon na sa harapan niya ang mga mabibigat na bed sheets at mga curtains ni Gina, ang mayordoma at personal yaya ni Zephyr. “What will I do with that?” maang niya. Leila's been married to Zephyr for almost a year. Hindi madalas umuwi ang lalaki at naiiwan lang si Leila rito sa malaking bahay ng asawa. At first, she was treated right by this old woman. But when they saw how dismissive Zephyr was to her, they changed their attitude towards her. Kung dati ay ginagalang si Leila ng mga katulong sa bahay na ito, ngayon ay hindi na. Lalo pa't ang pasimuno noon ay itong si Manang Gina na nagpalaki kay Zephyr. Malaki ang tiwala ni Zephyr sa matandang 'to kaya alam ni Leila na kahit magsumbong siya sa pang-aapi, hindi siya paniniwalaan. Paano niya nalaman? She already tried it. Sinabi niyang pinagkakaisahan siya ng
Chapter 2“ZEPHYR,” tawag ni Leila sa asawa. Napabaling sa kanya ang lalaki at maging ang kasamang babae ni Zephyr ay napatingin din kay Leila. Hindi naman pinansin ni Leila ang babae at nasa isip niya, kailangan niyang ipakita na hindi siya apektado sa presensya nito. “Why are you still awake?” tanong nito kay Leila. “A-Ah, ano kasi… hinihintay kita para sabay tayong kumain,” maliit ang boses niya nang sabihin iyon at nagulat naman si Zephyr. Dumaan ang kung anong emosyon sa mga mata nito at sa huli, bumuntong hininga ito. “Mauna ka na. I already ate with Sienna.”Nabura ang munting ngiti sa mukha ni Leila at siya ngayon ang napatingin sa babaeng kasama ng asawa. Pinipigil niyang tumikwas ang kilay at matarayan ang babae. “Anong ginagawa niya rito?” tanong niya at humalukipkip. Hindi na si Zephyr ang nagsalita kundi ang Sienna na kasama ng lalaki. “You didn't know that I live here?”Nagsalubong ang kilay niya. Paanong nakatira ang babaeng ito rito eh ngayon lang niya ito nakita
Chapter 3MAAGANG gumising si Leila para mag-prepare ng pagkain na dadalhin para kay Zephyr. Yeah, yeah, she knew that Zephyr kinda broke her heart last night. Pero nakapag-isip isip si Leila at binigyan ng dahilan kung bakit ganoon si Zephyr. Sino bang gustong i-announce sa ibang tao na kasal ito sa kanya? Lalo kung napipilitan lang si Zephyr na pakasalan siya? She understands his reasons so now, she's not hurt. Pinangako niyang makukuha niya rin ang loob ni Zephyr at magiging masaya silang dalawa. Hindi agad siya susuko dahil eto na siya, oh. Asawa na niya ito tulad ng matagal na niyang kahilingan. Nakangiting nga-prepare si Leila ng pagkain at nang matapos siya, agad niyang inayos iyon at nilagay sa thermal bag para hindi kaagad lumamig ang baon. Nag-ayos din si Leila para makapasok. Ngayong narito si Zephyr, hindi niya kailangan kumilos na parang katulong dahil nangangamba ang matandang iyon na mahuli kaya hindi siya sinusubukan ngayon. Isa rin iyon kaya masaya si Leila. Zephy
Chapter 4GUTOM NA GUTOM si Leila pero wala siyang gana kumain. Ewan niya ba pero kahit kumukulo na ang tiyan niya, hindi niya magawang utusan ang mga paa na maglakad patungo sa cafeteria para bumili ng pagkain. Masama ang loob niya. Kanino? Kay Zephyr. Siguro hindi naman kalabisan na magtampo siya, hindi ba? Hinanda niyang pagkain iyon kay Zephyr; naroon din ang parte ng lunch niya dahil hindi niya pa nakuha sa bag. Pagkatapos, kahit naitapon na iyong mga pagkain, hindi man lang nagalit si Zephyr sa babaeng iyon? Nang bumalik sa alaala niya iyon, napasinghot si Leila para pigilan ang tutulong luha sa mga mata. Sabagay, paanong magagalit si Zephyr sa babaeng iyon kung walang halaga para dito ang niluto niya? Walang importansya kaya nagkibit balikat lang ito sa ginawa ng Sienna na iyon. Maybe he's thinking of buying lunch for himself, he disregarded the lunch she cooked. Samantalang siya rito, nagugutom na. Napakagat labi si Leila at palihim na hinugot ang wallet. There's only one
Chapter 5 MAY ALINLANGAN na tumawa si Leila para pagtakpan ang kabang nararamdaman. Napahawak din siya sa gilid ng noo at bahagya siyang napapiksi noong lumapat ang kamay sa pasa dahil kumirot iyon. Mas lalo namang dumilim ang ekspresyon ni Don Eduardo sa nakitang aksyon ni Leila at mas lalo itong nakumbinse na namamaltrato si Leila sa bahay ng asawa. “Tell me, Leila, who hurt you? I won't make them so unscathed. Was it your husband? Tell me and I'm going to make him pay.”Umiling si Leila. “Lo, hindi po. Hindi ako sinasaktan ni Zephyr. Paano niya ako masasaktan kung madalang lang siyang umuwi sa bahay…”Bago pa maisip ni Leila ang sinabi, nasabi na niya ang gawain ni Zephyr. Napatakip siya ng bibig at kulang na lang ay tuktukan ang sarili. ‘Shît ka, Leila! Ano 'yang sinasabi mo?’“He's leaving you alone in that house? Ano ba 'yang napangasawa mo, walang pakialam sa 'yo? Pero, Leila, hindi mo ako malilibang. Sino ang nanakit sa 'yo? Ipaliwanag mo 'yang pasa mo. You're not leaving m
Chapter 6“ZEPHYR, tell me, nasaan ang chowder soup?”Sumulyap si Sienna at siniguro nitong naririnig ng pababa pa lang na si Leila ang mga sinasabi nito. Hindi naman aware si Zephyr sa tumatakbo sa isip ni Sienna. He's also wasn't aware that Leila is descending from the stairs. “I gave that to Leila. I cooked that for h—”Nakababa na si Leila at may pilit na ngiti sa mukha niya noong humarap sa dalawa. “H-Hindi mo naman sinabi na para sa kanya iyong pagkain, Zephyr. Hindi ko sana kinain.”Nagsalubong ang kilay ni Zephyr at kunot noong tumingin sa kanya. “No, it's not—”“Sige, magluluto na ako ng sarili kong pagkain.”Tumalikod si Leila para hindi na makita ni Zephyr na masama ang ekspresyon niya. Baka hindi niya mapigilang umiyak at sabihin pa nito na masyado siyang sensitive. Pero kasi, akala niya talaga niluto iyon ni Zephyr para sa kanya. Ganado pa naman siyang kumain kagabi ngunit hindi pala para iyon sa kanya kundi para sa Sienna na ito. Mas nasaktan pa siya noong malaman niy
Chapter 7LEILA was brought to Zephyr's study room. Binitiwan siya nito nang makapasok sila sa loob. Nag-lock si Zephyr ng pinto bago siya hinarap. “Tell me, did they do something to you?”Napaangat ng tingin si Leila sa tanong ni Zephyr. Bakit naman nito naisipang itanong iyon? Nakakahalata na ba ito? Sa totoo lang, gusto niyang sabihin ang lahat ng ginawa ng Manang Gina na iyon sa kanya pero tinimbang niya ang sitwasyon. Kung magsasabi agad siya na walang pruweba, baka siya pa ang mabaliktad. Leila could see that Zephyr is pretty close to Sienna. Tita naman ng babaeng iyon si Manang Gina at baka mamaya, sandali lang 'tong kabutihang loob ni Zephyr sa kanya. Baka sa susunod, ito pa ang makiusap sa kanya na pakisamahan sila nang mabuti at mauuwi sa wala ang lahat. Ang gagawin ni Leila, susubukan niya muna si Zephyr. Kung sure na siyang pwede niyang sabihin ang lahat dito, iyon ang gagawin niya. Mahal niya si Zephyr pero wala siyang tiwala rito. Alam niya kasing ayaw sa kanya ng la
Chapter 8“BÎTCH, WHAT did you say?!” Nanlaki ang mga mata ni Sienna at kulang na lang ay saktan nito si Leila, nasa isip lang nito na naroon si Zephyr. “I'm putting you in your right place. Akala mo hindi ko nakikita ang mga tingin mo kay Zephyr? You like my husband? News flash, I'm his wife. Kaya kahit anong sinasabi mo sa akin, ako ang legal na asawa. Ikaw, isang babae lang na nangangarap na makuha siya. But sorry girl, he's mine.”Halos umusok ang ilong ni Sienna at naikuyom nito ang mga kamay. Sienna thought that Leila is a pushover just like what her aunt said. But she didn't know she could speak like this! “Alam ba ni Zephyr ang ganyan mong ugali?”Mas lalong lumawak ang ngisi ni Leila. Zephyr had seen the worst of her. Mabait bait na nga siya ngayon, siguro kaya kahit paano ay maganda na rin ang turing ni Zephyr sa kanya. But she's a former queen bee. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang doble karang pagkatao. Sigurado siyang puro 'kabaitan' lang ang pinakikita nito kay Zephy
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga
Chapter 90GABI na nang makauwi si Patricia. Naghihintay pa rin si Patrick sa kanya. Pagkakita sa kanya, agad siyang tinanong kung bakit siya sobrang abala sa trabaho at kung bakit hatinggabi na siyang nakakauwi. Sobrang pagod na si Patricia kaya hindi na siya masyadong sumagot. Maikli lang niyang sinabi na may inayos lang siya, tapos dumiretso na siyang maligo at pumasok sa kwarto para matulog.Mula noong mga nakaraang araw, sobrang babaw na ng tulog niya. Kaunting ingay lang, nagigising na siya agad.Kaya nang magsimula na tumunog ang telepono niya nang sunod-sunod bandang alas-sais ng umaga, agad siyang nagising. Una ay tumawag ang crisis PR ng kumpanya nila. Pasigaw at seryoso itong nagsalita, "Miss Patricia! Paki-explain kung ano 'tong nasa headline ng Flower Entertainment News?! Bilang agent, alam mo dapat kung gaano kahalaga ang reputasyon. Bakit mo nagawang makipagrelasyon sa alaga mong artist? At kahit pa totoo nga 'yan, bilang isang professional, paano mo hinayaang mailabas
Bahagyang napakunot ang noo ni Patricia. Tulad ng inakala niya, may nangyari nga sa relasyon. Pero nasa kaya pa rin naman niya itong tanggapin, kaya napabuntong-hininga lang siya at maingat na nagtanong, “May gusto ka bang babaeng may asawa?”Ngumiti si Andrei. “Mas malala pa ro’n.”“Mas malala pa?” Kumurap si Patricia. Hindi niya maisip kung gaano pa kabaliw ang istorya.“Sa totoo lang, bago ako sumikat, naging kabit ako ng isang tao.”…Kalmado lang ang pagkakasabi ni Andrei, pero sa tenga ni Patricia ay parang kulog na bigla na lang bumagsak, para siyang nawala sa sarili!Kabit ng isang mayamang babae?! Hindi halata sa hitsura niya, lagi pa namang parang perfect idol at role model sa mga kabataan! Pero halatang hindi siya nagbibiro.Pinilit ni Patricia na huwag magmukhang gulat na gulat at nagkunwaring kalmado. “Kabit lang naman. Uso naman ngayon ‘yung mga ganyan. Halos lahat may mga eskandalo…”Tinitigan siya ni Andrei at napangiti. “Pero may gusto lang akong itama…”Nagpakita uli
Chapter 89UMALIS si Patricia sa apartment kasama si Andrei. Alam ni Patricia na hindi naman gano’n kahirap gampanan ang eksenang 'yon. Kailangan lang niyang linisin ang isyu sa harap ng media at sabihing totoong gusto nila ang isa't isa, kaya siya ang naging agent nito at handang magsakripisyo para sa kanya. Kailangan lang niyang magpagawa ng ilang articles para mapaniwala ang mga fans na maging mas maunawain. Kahit lumaki pa ang gulo, hindi naman ito masyadong makakaapekto sa career ni Andrei.Pero para kay Patricia, masyado na siyang tumaya sa isang bagay lang.Ang dahilan kung bakit siya nakipag-cooperate kay Andrei at patuloy na umaarte ay dahil alam niyang mula pa lang sa pagpasok niya sa apartment nito, may nagplano na ng lahat ng mangyayari pagkatapos.Paano kung hindi siya sumunod? Ang lalabas na balita ay: nag-away, hindi nagkaintindihan, naghiwalay.Ang mga tao sa labas ay makikinig lang sa sasabihin ni Andrei at walang pakialam sa panig niya. Idol kasi si Andrei, habang si
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir