LOGINPagkatapos kong ihatid si Celeste, dumeretso agad ako sa bahay. Mabigat ang bawat hakbang ko, kailangan kong makuha ang lahat ng mga dokumentong kailangang suriin. I need to be busy, to clear my mind.
Pero pagbukas ko pa lang ng pinto, tila may bumara na sa lalamunan ko. Nakita ko si Mommy, masayang nakikipag-usap sa telepono.
Isabela POV"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Liam," pilit na pakalma kong sagot. Ngunit kahit anong pigil ko, ang boses ko ay parang marupok na sinulid, isang hila lang, mapuputol na."Talaga ba?" Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling malamig at mapanuri. "We'll see, Isabela. We'll see."Hindi pa ako nakakabawi sa talim ng kanyang mga salita nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Ang tunog na iyon ay parang isang pagsabog sa gitna ng aming katahimikan. Muntik ko na itong mabitawan nang makita ko ang pangalan ni Mommy. Hindi tumatawag si Mommy sa ganitong oras, lalo na’t alam niyang nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting. Maliban na lang kung..."Excuse me," mabilis kong paalam. Lumayo ako ng ilang hakbang, ang bawat segundo ng paglalakad ay parang isang taon."Hello, My? May problema ba?""Nasa ospital kami ngayon, Isa! Isinugod namin si Maeva. Biglang tumaas ang lagnat niya, ang bilis, hindi
Isabela’s POVPagkasara na pagkasara ng pinto ng opisina ko, tila doon lang bumagsak ang lahat ng hanging pilit kong ipinapaloob sa aking dibdib. Sumandal ako sa pinto at napahawak sa aking noo, pilit na hinahabol ang hininga ko. Nanginginig ang mga kamay ko, isang panginginig na kanina ko pa pilit itinatago habang nasa harap ni Liam."Isa... Isa, huminga ka nang malalim," mabilis na lumapit sa akin si Casey at hinawakan ang magkabilang balikat ko."Casey... nakita niya," bulong ko, ang boses ko ay halos maglaho sa takot."Ang picture ni Maeva... Nakita ni Liam ang mukha ng anak ko."Kinakabahang tumango-tango rin si Casey.Agad akong lumak
Liam’s POVKatahimikan ang namayani sa akin habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw ni Isabela kay Hudson. Ngunit hindi ang mga sukat ni Hudson ang nakikita ko. Ang paulit-ulit na imahe ng batang babae sa polaroid ang tila multong naglalaro sa isipan ko.Anim na taon. Ang bata sa litrato ay mukhang nasa lima o anim na taong gulang na rin. Ang bawat piraso ng puzzle ay nagsisimulang mabuo sa utak ko, at ang bawat anggulo ay tumuturo sa iisang direksyon."You okay, Liam? Para kang nakakita ng multo," untag sa akin ni Casey.Sinubukan niyang magbiro pero bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala—o marahil, pagbabantay. Alam kong may alam siya. Hindi nakaligtas sa akin ang bawat palitan nila ng tingin ni Isabela kanina.
Liam’s POVHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang tinititigan si Isabela sa harap ko. Para akong natutulala at nahihipnotismo sa ganda at bango niya.Sadyang kaakit-akit ang isang babaeng may mataas na tiwala sa sarili at tila eksperto sa larangang pinili niya.Ngayon, isa na siyang babaeng alam mong mahirap makuha dahil sa kanyang awtoridad, tila hindi na niya kailangan ng lalaking didependihan.Napapikit ako nang maamoy ko ang nakakaakit niyang pabango. Nakakatayo ng balahibo. Bigla kong naalala ang halikan namin noong isang gabi.Damnit, I can still remember her taste.Ngayon, sa bawat dampi ng kanyang balat sa a
Casey’s POVHindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o kiligin, pero jusko, ang tensyon sa pagitan ng dalawang ito, pwede nang hiwain ng kutsilyo!Kunwari ay busy ako sa pakikipag-usap kay Hudson tungkol sa mga tela, pero ang totoo, ang mga mata ko ay nakapako kina Liam at Isabela. Nakatayo sila sa gitna ng silid.Si Liam, tuwid na tuwid ang tayo, parang isang estatwa na hindi man lang kumukurap habang nakatitig kay Isa. At si Isa naman, kahit halatang nanginginig ang mga daliri, pilit na pinapanindigan ang pagiging "professional designer" niya.Nang ilabas ni Isa ang measuring tape, parang tumigil din ang hininga ko.Dahan-dahang lumapit si Isa kay Liam. Nang magsimula siyang itapat ang
Isabela’s POVParang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang lalaking pumasok ay tila isang multo mula sa nakaraan na biglang nabuhay sa gitna ng aking shop.Liam. namamalikmata ba ako.Maayos ang kanyang tindig, suot ang isang dark suit na lalong nagpadagdag sa kanyang awtoridad. Ngunit hindi ang kanyang hitsura ang nagpatigil sa hininga ko, kundi ang katotohanang ilang minuto lang ang nakalilipas mula nang lumabas si Mommy at Maeva sa pintong iyon.Nagkasalubong ba sila? Nakita ba niya ang bata?Naramdaman ko ang mabilis na pag-atras ng dugo sa aking mukha. Namutla ako at bahagyang nanginig ang aking mga kamay na mahigpit na napahawak kay Casey. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi na lang ba







