Share

Chapter 261

Penulis: Real Silient
last update Tanggal publikasi: 2026-03-18 18:18:04

Liam’s POV

Napako ang tingin ko sa pulang ilaw ng traffic light. Humihinga ako nang malalim, pero ang bawat singhap ko ay tila lason na nagpapakulo sa dugo ko. Isang pangalan lang ang paulit-ulit na bumubutas sa utak ko.

Maeva.

"Maeva... ang anak ni Isabela," bulong ko. Ang boses ko ay naging kasing-talim ng labaha, malamig at walang emosyon.

"Gusto ko ng DNA test. Sa kahit anong paraan, Jared. Suwayin mo lahat ng protocol. Kumuha ka ng sample ng buhok, gamit na tissue, o kahit anong galing s
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Jhessa Tabor
thanks po miss a. sa sunod sunod na update more p po
goodnovel comment avatar
cath
thank u po sa update, sana meron ulit, kung pwd lng po, thank u
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 261

    Liam’s POVNapako ang tingin ko sa pulang ilaw ng traffic light. Humihinga ako nang malalim, pero ang bawat singhap ko ay tila lason na nagpapakulo sa dugo ko. Isang pangalan lang ang paulit-ulit na bumubutas sa utak ko. Maeva."Maeva... ang anak ni Isabela," bulong ko. Ang boses ko ay naging kasing-talim ng labaha, malamig at walang emosyon. "Gusto ko ng DNA test. Sa kahit anong paraan, Jared. Suwayin mo lahat ng protocol. Kumuha ka ng sample ng buhok, gamit na tissue, o kahit anong galing sa batang 'yun sa loob ng ospital. I want the results on my desk before I step foot back in Singapore.""Liam, seryoso ka ba?! Ospital 'yan, baka mapahamak si Isabela!" sigaw ni Hudson sa tabi ko, bakas ang pangamba sa boses niya.Hindi ko siya nilingon. Nanatiling diretso ang tingin ko sa kalsada. "Gawin mo ang utos ko, Jared. At ihanda mo ang lahat ng records sa mansyon anim na taon na ang nakalipas. CCTV, logs, lahat. Gusto kong malaman kung sino ang pumasok at lumabas sa kwarto ko nung gabin

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 260

    Liam’s POVMilan. Ang lungsod na dapat ay simbolo ng sining at ganda, pero para sa akin, isa lang itong malamig na paalala ng panahong nasayang sa aming dalawa ng anak ko.Seryoso akong nakatingin sa labas ng bintana ng restaurant. Ang repleksyon ko sa salamin ay tila isang estranghero, matigas ang anyo, nanlilisik ang mga mata, at punong-puno ng awrang kayang magpalamig sa kahit anong mainit na usapan.Ang bawat tao sa paligid ay nagpapakasaya sa kanilang espresso, pero ako, heto, binibilang ang bawat segundo ng pagtataksil ng oras.Ngayon ang araw na itinakda ko. Isang pagkakataon. Isang huling babala."Darating siya, Liam. Magtiwala ka," bulong ng isang bahagi ng isip ko, pero agad itong nilunod ng reyalidad.

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 259

    Isabela’s POVNanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto kahit matagal na itong naisara ni Celeste. Ang huling sinabi niya ay tila isang sumpa na paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig.“Minahal ka ng totoo ni Liam.”Napahawak ako sa aking dibdib. Masakit. Akala ko ay manhid na ako, akala ko ay wala na akong pakialam sa lalaking iyon.Pero bakit parang binibiyak ang puso ko ngayon? Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata.Hindi. Hindi ko pwedeng hayaang masira ang pader na itinayo ko sa loob ng anim na taon. Galit ako sa kanya. Dapat galit ako sa kanya.Kung totoong mahal niya ako, bakit hind

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 258

    Celeste’s POVPara akong binuhusan ng nagyeyelong tubig habang nakatitig sa batang nakayakap sa binti ni Isabela. Ang maliliit na mata ng bata, ang kurba ng kanyang labi... My God. Hindi ako pwedeng magkamali. Parang nakikita ko ang batang bersyon ni Liam sa harap ko."May anak ka?" halos pabulong kong tanong, ang boses ko ay nanginginig sa matinding gulat. "May anak kayo ni Liam?"Hindi ako pinansin ni Isabela. Nanatili siyang kalmado, masyadong kalmado para sa isang babaeng biglang hinarap ng multo ng nakaraan. Humawak siya sa magkabilang balikat ng bata at ngumiti nang malambing."The Barbie is on my office table, you left it there yesterday," malambing na sagot ni Isabela sa bata.Habang pinapanood ko silang dalawa, tila may malaking bato na dumagan sa dibdib ko. Anim na taon. Ibig sabihin, bago pa umalis si Isabela, bago pa mangyari ang lahat, may bunga na ang pagmamahalan nila.Bigla kong naisip si Liam. Isang matinding awa ang humaplos sa puso ko, isang pakiramdam na hindi ko

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 257

    Isabela’s POVPagkababa ng telepono, isang chat message ang pumasok. Galing ito kay Miguel. Binasa ko ang pangalan ng kanyang fiancée.Fiancée: Celeste Ortega.“Celeste Ortega...” bulong ko. Ang bawat titik ng pangalang iyon ay tila lason sa aking dila. Biglang pumasok sa isip ko ang isang Celeste na kilala ko. Hindi ko maalala ang apelyido niya noon, pero hindi naman siguro sila iisang tao.Bigla akong tumayo mula sa kama ni Maeva at bumalik sa aking kwarto. Nilapag ko ang aking cellphone sa table malapit sa kama at tinapos ang aking night routine. Nang maghanda na ako sa pagtulog, kinuha kong muli ang aking phone para tingnan kung may bago pang update.Ngunit., biglang huminto ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang mga daliri ko at tila nawalan ng hangin ang buong silid. Dahil sa kasunod na chat message ni Miguel, isang picture niya kasama ang isang babae.Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang ito. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit s

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 256

    Isabela’s POVFlashback (6 Years Ago)Noon ko unang naramdaman ang tunay at nakabibinging pangungulila. Iyon ang mga araw na mag-isa akong naglalakad patungo sa ospital para sa aking prenatal check-up. Habang ang ibang mga buntis doon ay inaalalayan ng kanilang mga asawa, hinahaplos ang kanilang mga tiyan at masayang pinag-uusapan ang pangalan ng sanggol, ako ay nakaupo lang sa isang sulok, mag-isa, yakap ang sariling bag, at pilit na nilulunok ang bara sa aking lalamunan.Dahil abala si Mommy sa pagtatrabaho para may makain kami sa Paris, wala akong choice kundi harapin ang lahat nang mag-isa.Naaalala ko ang isang gabi, nakatayo ako sa harap ng salamin habang hinihimas ang bahagya nang lumalaking tiyan ko. Umiyak ako nang gabing iyon, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa isang klase ng galit na humahati sa puso ko.Galit ako dahil sa kabila ng sakit na nakita ko sa mansyon, ang eksena nila ni Celeste na magkatabi sa kama, may bahagi pa rin ng tanga kong puso na umaasang sana... san

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status