Share

Chapter 147

Author: Real Silient
last update Last Updated: 2026-01-15 14:05:28

Isabela’s POV

Nakatitig lang ako kay Mommy. Ang bawat salitang binitawan niya ay parang mga bubog na pilit kong nilulon, masakit, nakakasugat, at dahan-dahang nagpapadugo sa puso ko. Bakit ang dami niyang lihim sa ’yo? Paulit-ulit ang tanong na iyon, tila isang sumpa na ayaw akong tantanan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 200

    Liam’s POVPagkatapos kong ihatid si Celeste, dumeretso agad ako sa bahay. Mabigat ang bawat hakbang ko, kailangan kong makuha ang lahat ng mga dokumentong kailangang suriin. I need to be busy, to clear my mind.Pero pagbukas ko pa lang ng pinto, tila may bumara na sa lalamunan ko. Nakita ko si Mommy, masayang nakikipag-usap sa telepono.Nang mapansin niya ako, mabilis niyang ibinaba ang phone at lumapit nang may pilit na ngiti."Nahatid mo na ba si Celeste? Is she okay? Tumawag ang tita mo, nagpapasalamat sa pag-alalay mo sa batang iyon." Hinawakan niya ang braso ko."Kawawa naman sila, biglaan ang pagkamatay ng Daddy ni Celeste. Kaya Liam, please, stay with her."

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 199

    Isabela’s POVNanatili akong nakayuko, hinahayaan ang bawat patak ng luha na bumakat sa aking mga hita. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin, isang uri ng katahimikan na tila ba hudyat ng paparating na unos.Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang paglapag ni Mommy ng baso sa marble counter, isang tunog na dati ay balewala, pero ngayon ay tila kulog sa aking pandinig."Alam mo, Isabela, masakit din pala, lalo na kung pinamukha ito sa harap mo," panimula niya. Ang boses niya ay wala nang galit, pero ang pait... ang pait ay gumagapang, nanunuot sa bawat salitang binibitawan niya."Buong buhay mo, ang tingin mo sa akin ay isang babaeng nakadepende lang sa pera ng lalaki. Na kaya ko lang lisanin ang hirap noon dahil

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 198

    Isabela’s POVTulala akong napatingin sa paligid habang himas-himas ang aking tiyan. Ganito pala talaga iyon. Sa kabila ng takot at kawalang-kasiguraduhan, may tila kislap ng saya sa puso ko simula nang marinig at makita ko ang maliit na buhay na iyon sa ultrasound.Napalingon ako kay Casey nang tawagin niya ako. Ipinatong niya ang kanyang mga siko sa mesa at tumitig sa akin ng seryoso."Isa, look at me," malumanay niyang utos. "Hindi mo kailangang pasanin ang buong mundo. Hindi ka na nag-iisa ngayon. At hinding-hindi ko hahayaang lumaking walang kinabukasan ang inaanak ko."Huminga ako nang malalim. Nagdesisyon na akong mag-share kay Casey, kailangan ko ito para mabawasan ang dalahing nakadagan sa puso ko."Tumawag siya kanina, Casey. Bago tayo pumunta sa clinic," pabulong kong panimula. "Pero... pinatay niya ang video. Ayaw niya akong makita. Nabasa niya ang mga message ko sa kanya kagabi, iyong mga akala ko ay hindi na-send. Nabasa niya lahat, pero wala man lang siyang tinanong k

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 197

    Casey’s POVHinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Isabela habang naglalakad kami papasok sa consultation room ni Ninang Agnes. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri niya, malamig, parang yelo. Kung hindi ko siguro siya inalalayan, baka bumigay na ang mga tuhod niya sa gitna ng hallway.Pagpasok namin, tumambad sa amin ang amoy ng disinfectant at ang malinis na puting paligid ng clinic. Nakita ko ang agad na pagbabago sa ekspresyon ni Isa. Ang kaba sa mga mata niya ay napalitan ng purong takot."Ninang Agnes," bati ko, pilit na pinatatatag ang boses ko para kay Isa."Oh, Casey! At ikaw siguro si Isabela?" nakangiting bati ni Ninang. "Halika, maupo kayo. Huwag kang kabahan, iha. We’re just going to check how you and the baby are doing."Naupo si Isa sa gilid ng examination table. Mukha siyang bata na nawawala sa gitna ng maraming tao, litong-lito at tila anumang oras ay sasabog sa iyak. Gusto kong sugurin si Liam sa mga oras na ito. Paano niya natitiis na ganito ang kalagayan ng babae

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 196

    Isabela’s POVNanatili akong nakatulala sa cellphone na hawak ko, tila ba doon nakasalalay ang hininga ko. Kakagising ko lang nang biglang lumitaw ang pangalan ni Liam sa screen. Sa isang saglit, lumundag ang puso ko sa tuwa, isang pamilyar na kislap ng pag-asa na baka sa wakas, tapos na ang pananahimik niya.Pero bago ko pa man masilayan ang mukha niya, biglang nawala ang video feed. Napalitan ang mukha niya ng isang madilim na screen, naging audio call na lang.Pinatay niya ang video.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.Bakit? Ganoon na ba siya kadiring makita ako? O baka naman... ayaw niya lang makita ang lungkot sa mga mata ko dahil siya ang dahilan?

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 195

    Liam POVKinatok ni Dad ang bintana ng kotse ko. Sa bawat tunog ng kanyang mga daliri sa bubog, tila may bahagi ng depensa ko ang gumuguho. Dahan-dahan kong ibinaba ang window shield, sinalubong ang kanyang mga matang laging tila may binabasa sa kaibuturan ng pagkatao ko."Can we talk for a while, Liam?" seryosong sabi niya.Napakunot ang noo ko at lalong humigpit ang hawak ko sa manibela hanggang sa mamuti ang aking mga kasukasuan. Gusto kong tumanggi. Gusto kong paandarin ang sasakyan at iwan siya roon, pero may kung ano sa loob ko ang bumigay. Tumango ako at bumaba.Pumunta kami sa isang tahimik na cafe, malayo sa ingay ng Singapore. Habang naglalakad kami, ramdam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status