LOGINLiam’s POV
Nakatitig lang ako kay Bela habang mahimbing siyang natutulog, para bang ang bawat paghinga niya ay hinahaplos ang dibdib ko. Kita sa mukha niya ang pagod, yung uri ng pagod na ako ang may kagagawan. Napangiti ako nang bahagya, saka marahang hinalikan ang noo niya.
Inayos ko ang ilang hibla ng buhok niyang nahulog sa harap ng mukha niya, dahan–dahang isinabit sa likod ng kanyang tainga. Mainit pa ang balat niya, parang may naiwan pang bakas ng gabing halos kumain sa amin ng pagnanasa.
Napatiim–bagang ako nang sumulpot sa isip ko ang lahat ng nangyari kanina. Muntik na akong hindi umabot sa kaarawan niya. Dapat mas maaga akong dumating dito. Dapat ako ang unang susorpresa kay Isa.
Pero nasira ang lahat ng plano ko… dahil sa
Isabela’s POVNapahinto ako sa may lobby, parang may pumutol sa hininga ko. Natakpan ko ang aking bibig.Malakas ang tunog ng sampal, isang tunog na umalingawngaw sa loob ng mamahaling hotel, sapat para mapalingon ang ilang tao. Kita ko kung paano napaatras ang lalaki, bahagyang napalingon, gulat ang mga mata.Si Rico.Nakatayo siya roon, suot ang plantsadong polo at slacks, mukhang hindi inaasahan ang eksenang ito. Ngunit mas higit kong nakita ang mukha ni Casey, namumula, nanginginig, at puno ng galit at sakit.“Ano ‘to, Rico?” sigaw ni Casey, nanginginig ang boses kahit pilit niyang pinapatatag ang sarili. “Eto pala ang importanteng pupuntahan mo?”“Casey, listen..” tangka ni Rico, pero hindi niya ito pinatapos.“Listen?” mapait na tawa ni Casey. “Ilang buwan na kitang pinapakinggan, iniintindi ka, tapos ito lang pala?”Lumapit ako ng kaunti, pero nanatili sa gilid. Pakiramdam ko, isa akong saksi sa isang bagay na hindi dapat makita ng kahit sino.“Hindi mo naiintindihan,” mariin
Isabela’s POV“Uy, okay ka lang?” maingat na tanong ni Casey habang magkatabi kaming nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno. May bahagyang pag-aalala sa boses niya.“Tara, mall tayo. Hindi papasok ang prof natin ngayon, ‘di ba? Sine na lang tayo,” dagdag niya, pilit pinasasaya ang tono.“Akala ko ba may date kayo ngayon ni Rico?” walang siglang tanong ko, hindi man lang siya matingnan nang diretso.Napabuntong-hininga siya. “Wala eh. Ewan ko ba doon. These past few months, lagi na lang siyang busy.” Malungkot ang mukha niya habang pilit ngumingiti. “Hai…”“Tara na, Isa. Sine tayo, o kaya skating, bowling… kahit ano. Ang boring pag umuwi agad,” reklamo niya, parang batang naiinip.Napapikit ako saglit at napabuntong-hininga rin. Ayoko ring umuwi. Sa bahay, mas lalong lalakas ang ingay ng isip ko, lalo na ang tanong kung paano ko haharapin si Liam.“Sige na, Isa,” paulit-ulit niyang niyugyog ang braso ko. “Mall tayo.”“Mall? Sama ako?” biglang singit ni Erwine, may malaki at pilyo
Adriane’s POV“Do this again? What kind of report is this?” “At ito, sa tingin ba ninyo, maayos na marketing strategy ito? Paano ko kayo mapagkakatiwalaang iwan ang kompanya kung simpleng report at proposal ay hindi ninyo magawa?”Kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasamahan ko sa trabaho. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi, nakikinig sa mga bulyaw ni Sir.Nasa conference room kami para sa aming weekly meeting.Kilala ko na si Sir, hindi na bago sa akin ang pagiging istrikto niya. Pero ngayon na lang ulit siya naging ganito ka-bugnot.“Get out! All of you!”
Isabela’s POVPagbaba ko ng kotse ni Liam, mabigat ang bawat hakbang ko papasok ng campus. Parang may nakapatong na bato sa dibdib ko, hindi kita, pero ramdam sa bawat hinga.Sinubukan niya akong kausapin kanina. Paulit-ulit. Pero paisa-isa lang ang sagot ko.Hindi dahil ayokong makipag-usap… kundi dahil baka tuluyan na akong mabasag kapag nagsalita pa ako.Naiinis ako. Nasasaktan. At mas lalong naiinis dahil hindi ko alam kung
Isabela’s POVMabilis akong umakyat sa kwarto ko, halos hindi na humihinga. Pagkasara ko ng pinto, doon na ako tuluyang bumigay.Napasandal ako sa kahoy, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. Tahimik sa una, pilit kong nilulunok ang hikbi, pero kalaunan, hindi ko na napigilan.Tumakbo ako palayo dahil ayokong makita ni Liam na umiiyak ako. Ayokong makita niya kung gaano ako kahina.Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak.Alam kong wala akong karapatan.
Liam’s POVTahimik ang loob ng kotse matapos kong ihatid si Celeste sa ospital. Halos hindi ako makaalis dahil iyak siya ng iyak sa sobrang takot. Hanggang sa dumating ang mommy niya, napakalma siya at nakatulog. Tsaka lang ako nakapagpaalam para umalis. Ni hindi ko namalayan ang oras. I was about to call or chat with Isabela, pero dead ang phone ko.“Shit!”“Kumusta na kaya si Isabela? Nasa bahay na kaya siya?” hindi mapakaling tanong ko sa isip.Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang mukh







