Share

CHAPTER 4

Author: jeeenxx
last update Last Updated: 2025-01-20 21:56:10

Alora's POV

Sa mga kunting ginagawa ni Azrael para sa akin katulad na lamang nang pagbibigay niya ng bulaklak at pasalubong sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho, ang paglabas namin ng bahay paminsan-minsan at ang mga pag-uusap namin sa iba't-ibang mga bagay ay naging daan iyon para dahan-dahan akong maging komportable sa kanya.

Masaya ako kapag kasama ko siya at hindi lang yun, ramdam ko rin na ligtas ako kapag malapit kami sa isa't-isa. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit sa anim na buwan kong pananatili sa bahay niya ay hindi ko naisipang umalis dahil kahit minsan ay inaatake ako ng trauma ko ay hindi niya ako pinabayaan.

"Bakit may d-dugo ang kamay mo?" isang hakbang paatras ang ginawa ko. Gusto kong tingnan ang kamay niya pero ang dugo ang tumigil sa akin.

Bigla na lang bumalik sa isip ko ang isang pangyayari.

I was at my room noong pumasok ang mga tauhan ni Koen at sinimulan nila akong paluin ng isang bakal. Normal na iyon para sa akin dahil walang araw ang lumilipas na hindi nila ako sinasaktan.

Wala akong magawa kundi mamilipit sa sakit at protektahan ang ulo ko gamit ang mga payat kong kamay at balikat. Nagdarasal na sana ay bumilis ang oras para matapos na ang sakit na pinaparanas nila sa akin.

Duguan ang balikat ko at dumadaloy na iyon pababa kaya naman ang patak ng dugo ko sa sahig ang tanging naririnig ko sa buong kwarto. Pilit kong pinupunasan ang dugong dumadaloy doon pero hindi ko tuluyang magawa dahil sa hapdi at sakit nito hanggang sa nawalan na lang ako bigla ng malay.

"Wife! Ayos ka lang?" Tinig ni Azrael ang nagpagising sa akin mula sa alaalang iyon. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalalang nakatitig sa akin.

"Yu-yung kamay m-mo." Pinakita niya sa akin ang kamay niya, malinis na iyon.

"May nadaanan kaming aso and it was injured kaya tinulungan namin. Maraming nabawas na dugo sa kanya at ang ilan doon ay napunta sa kamay ko dahil binuhat ko siya," pagpapaliwanag niya pero hindi na ako nakinig at yinakap na lang siya.

"Akala ko may nangyaring masama sayo," umiiyak kong sabi kaya naman hinagod-hagod niya ang likod.

Katapos ng nangyaring iyon ay nakatulog ako ng maayos lalo na dahil ramdam ko ang presensya ni Azrael. Nagising nga lang ako na wala na siya sa bahay dahil maaga raw siyang umalis sabi ni Stella. Buong araw tuloy ay ang teacher ko sa english ang kasama ko.

"Teacher ano ang meaning ng mafia?" tanong ko nang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Sheila noong isang araw.

"Mafia is a known organization sa Italy pero may mga ganoon na rin sa ibang mga bansa katulad ng bansa natin. It is a criminal organization that does illegal things and stuff."

Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot ko sa sinabi ng teacher ko.

Kung totoo man ang sinabi ni Sheila na mafia si Azrael ibig sabihin ay kriminal din siya?

Gusto ko nang patahimikin ang teacher ko pero patuloy lang siya sa sinasabi niya. "Some of them kill people, may iba rin na nagtitinda ng mga drugs, mga baril at kung ano-ano pa."

Ang sagot na iyon ay nanatili sa isip ko. Hanggang sa maggabi ay nauna akong kumain kay Azrael at hindi na siya inantay, natulog din ako ng maaga. Hindi ko alam kong bakit dahil sa narinig kong kahulugan ng mafia ay ayoko na siyang makausap kahit na hindi pa naman ako sure na isa talaga siyang mafia.

Simula nun ay palagi na akong nauunang kumain kay Azrael at maaga na rin akong natutulog. Tumagal iyon ng halos isang linggo hanggang sa paggising ko isang umaga ay mukha niya ang bumungad sa akin. Malalaki ang mga eyebags niya at halata ring piniligilan niya ang antok na nararamdaman.

Agad kong hinawakan ang kumot na bumabalot sa akin at tumayo naman siya agad palayo sa akin.

"Kain ka na." Sumunod lang ako sa sinabi niya at iniwan siya roon sa kwarto ko, akala ko ay susundan niya ako pero mukhang dumiretso ata siya sa opisina niya.

Bumaba na lang ako para mag-umagahan at pagbalik ko ulit sa kwarto ko ay nagulat pa ako dahil nandoon siya, hindi ko alam kung tulog na ba siya dahil nakahiga siya sa mismong kama ko.

Hindi ko maipagkakailang gwapo siya kahit tulog, kahit magulo ang buhok niya ay umaayon pa rin doon ang makakapal niyang mga kilay, ang kayumanggi niyang mga mata, ang matangos niyang ilong at ang labi niyang kasing kulay ng paborito kong bulaklak.

"I really hope na hindi ka isang mafia," wala sa sarili kong sabi.

"I am." Nagulat ako nang sumagot siya kahit nakapikit pa rin. Napahakbang ako paatras, totoo talaga ang sinabi sa akin ni Sheena dati?

"I-Ibig sabihin pu-pumapatay ka ng tao? Nagtitinda ka ng drugs?" Umiling-iling siya at halos mapaupo pa ako sa sahig nang bigla siyang magmulat ng mata.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako inaantay noong mga nakaraang araw?" Tumingin lang ako sa kanya.

Mafia nga talaga siya pero kong pilit na winawaksi iyon ng isip ko, umaasang sana hindi siya pumapatay at gumagawa ng mga masasamang bagay.

"I won't deny it. I am a mafia boss but we don't sell drugs and people. We only sell guns and we specialize on robbing a corrupt government officer." Nakikinig ako sa sinasabi niya pero isang tanong pa ang hindi niya nasasagot at iyon ang inaantay ko.

"Hindi ko rin i-de-deny na pumapatay kami ng tao." Muntik na akong matumba sa sinabi niya, biglang nanghina ang tuhod ko sa sagot niyang iyon.

"Pumapatay kami ng mga taong pumapatay rin but mostly, we only do it because we were ordered to and because we earn money from that. Pero syempre pumapayag lang kami kung deserve talagang mamatay ng taong iyon."

Kahit sa paliwanag niya ay hindi ko pa rin maiwasang matakot at mag-alala para sa kanya at sa sarili ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 140

    Madaling araw na noong makalapag ang eroplano na sinasakyan nila Azrael at Alora sa Pilipinas. Pagdating na pagdating nila ay naghihintay na iyong mga tauhan ni Azrael kaya agad silang nakauwi sa bahay ng Dad niya. Doon lang muna sila dahil nandoon din si Rail ngayon. Mahimbing na rin ang tulog ni Rail nang dumating sila pero hindi na nila ito ginising at nagpahinga na rin silang dalawa. Plano nilang surpresahin ang anak bukas na bukas dahil hindi pa nito alam na nakauwi na sila.Nagpahinga na rin sila at natulog, sa dami ng nangyari sa pamilya nila ngayong araw ay walang pag-aalinlangan na bumigay ang katawan nila sa pagod at antok. "Antok na ako," pagsasaway ni Alora sa asawa. "Isa lang promise." Umiling ulit ang babae.Kakatapos lang nilang magkwentuhan tungkol sa nangyari, kung ano yung ginawa ni Natphon kay Alora at kung paano nakapasok ang mga tauhan nito sa bahay nila pero ngayon ay iba na ang gustong pag-usapan ni Azrael. Gusto niyang pag-usapan ang pagbibigay ng kapatid k

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 139

    AZRAEL'S POV Nang malaman ko ang balita tungkol sa nag-crush na eroplano ay agad akong kinutuban na may mali at may masamang mangyayari kaya agad kong tinawagan ang asawa ko.Mukhang wala namang masamang nangyari base sa kwento niya sa akin kung gaano kasaya si Rail na uuwi na ako habang naliligo ito sa pool pero syempre tinawagan ko rin si Dad. "Dad where are you?" tanong ko nang sagutin nito ang tawag ko. "Nasa byahe, I already arranged the helicopters and private plane and they are ready to take off anytime." Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako tumawag sa kanya kaya hinayaan ko ang sinabi niya dahil alam ko na rin naman kase kakasabi lang sa akin ni Calem. "Can you check my family th—" hindi pa nga ako natatapos sa sasabihin ay sumagot na siya. "I am on my way but it might take an hour bago ako dumating doon. I am also about to contact the head guard so don't worry." Tumango ako. Alam kong maasahan ko si Dad, simula pa noong bata ako hanggang sa mamatay si Mom ay hin

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 138

    ALORA'S POV "And his son." Tanong niya nang hindi tinatanggal ang pagkakahawak sa panga ko. "We were not able to get him sir because she protected him," pagpapaliwanag ng isang lalaki. "And you were defeated by this slim woman?" Hindi makapaniwalang sabi ng tinatawag nilang sir at boss. "She was good at fighting si—" hindi pa nga natatapos magsalita ang lalaki ay agad na may narinig akong putok ng baril kaya napaigtad ako. "I don't need someone who is irresponsible..." Ngayong mulat na ang mata ko sa gulat ay hindi ko mailayo ang tingin sa lalaking nakahandusay na ngayon sa sahig habang lumalabas ang dugo nito sa katawan. "And I know that you were awake." Pinilit niyang ipatingin sa kanya ang mga mata ko, hindi ko nga lang masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa liwanag na nagmumula sa bintanang nasa likod niya. "Anong... Anong..." Walang makalabas na salita sa bibig ko. "Don't worry, your husband already knows what happened and he's very furios." Inilapit niya ang mukha niy

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 137

    Alora's POV "Anak remember the secret passage on our backyard?" Hindi ko siya pwedeng papuntahin sa office ng Papa niya para doon tumakas dahil may mga kalaban doon kaya mabuti na lang talaga ay gumawa kami ng bagong escape route. Isang pinto iyon na naka-camouflage, nakakonekta rin iyon sa tunnel na daan papunta sa secret garage ni Azrael kaya mahirap iyong hanapin lalo na dahil kaming apat lang nila Azrael, Rail at Dad ang may alam tungkol doon.Nang tumango si Rail ay nagsalita ulit ako habang umaatras dahil palapit ng palapit sa akin ang mga lalaki. "I want you to run on the count of three, pumasok ka doon at dumiretso sa garage ng Papa mo. Wait for me there and don't go out until I am not there okay?" Tumingin ako sa kanya, may pag-aalinlangan pa sa mga mata niya pero kalaunan ay tumango naman siya. "And one more thing anak, kung hindi ako makasunod sayo just tell your papa kung anong nakita mo ngayon, especially their tattoos okay?" Muling tumango si Rail. Alam niyang ang u

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 136

    Alora's POV Lumipas ang mga araw at marami na kaming natututunan ni Rail sa martial arts, minsan ay iyon na nga ang ginagawa naming bonding sa bahay. Nagpunta na rin sa Thailand si Azrael kaya naman ay napakaraming bantay na naman sa loob at labas ng bahay. Palagi ring dumadalaw dito si dad para raw masigurado na safe kami. Wala pa namang nagtangka at nakita na umaaligid sa bahay namin pero kahit ganoon ay hindi pa rin nagpakampante ang nga tao sa paligid namin dahil kahit anong oras ay pwede talaga kaming sugurin dito kaya rin naman maski ako ay nakaalerto.Tatagal rin ng lagpas isang linggo si Azrael sa Thailand, gusto niya nga sanang isama na lang kami pero hindi agree si dad sa opinyon na iyon dahil mas lalo raw kaming mapapahamak kung kasama niya kami, nag-agree rin ako kay dad dahil bukod sa rason niya ay baka hindi niya magawa ng maayos ang pinunta niya doon dahil sa sobrang pag-aalala sa amin na alam ko ring nararamdaman niya pa ngayon kahit hindi niya kami kasama."Anak an

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 135

    Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status