Alora's POV
Dumaan ang ilang linggo na hindi kami nagpansinan dahil sa naging pag-uusap namin sa kwarto ko. Actually, ako ang hindi pumapansin sa kanya. "Bakit ang dilim at bakit ang daming kandila rito sa may pool?" tanong ko kay Stella na siyang nagdala sa akin dito pero hindi siya sumagot bagkus tinulak niya lang ako papunta sa mga kandilang nakatusok sa damo na nagbibigay ng liwanag sa daan patungo sa garden. Hindi naman araw ng mga patay ngayon kaya bakit may ganito sa bahay ni Azrael? Habang humahakbang ako ay mas dumarami ang mga kandila sa paligid hanggang sa matanaw ko si Azrael sa may duyan. "Anong meron?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa pwesto niya. Ang unang pagkakataon na pinansin ko ulit siya. "You've been ignoring me for almost a month so I did this." Tinuro pa niya ang mga kandila at inabot ang kumpol ng bulaklak na hawak niya. Tumingin lang ako sa kanya at nanahimik ulit. "Sorry kase hindi ko sinabi sayo yung about sa pagiging mafia ko. Alam kong ayaw mo sa mga taong ganon dahil sa naranasan mo pero sana bigyan mo ako ng chance," seryoso niyang sabi. "I know this may be a commom phrase said by mens pero alam kong kaya kong patunayan na hindi ako tulad ng iba at hindi niya ako katulad." Hindi naman iyon ang talagang inaalala ko. "Paano kapag nahuli ka?" nag-aalangan ko pang sabi. Paano kung mahuli siya tapos balikan ulit ako ni Koen, ang lalaking nanakit sa akin. "We Alcazar's are hard to catch and hard to tame. Remember that my wife." ngumiti pa siya habang sinasabi iyon. Hinigit niya rin ako palapit sa kanya, kakaibang pakiramdam ang namuo sa damdamin ko. Hindi takot, kaba at galit kundi masayang pakiramdam na ayokong lagyan ng pangalan. "Can I?" Bumalik na kami sa loob ng bahay at andito kami mismo sa kwarto ko. Dahan-dahang naglapit ang mga labi namin nang tumango ako. It was gentle and comfortable and it sends tickles to my stomach not fear. Lumalim din iyon na hanggang sa naghabol na kami ng hininga. Akala ko ay hanggang doon lang iyon hanggang sa ihiga niya ako sa kama. Hindi niya ako pinilit, maingat ang bawat galaw niya. Kada haplos niya ay may permiso ko kaya rin siguro walang takot na dumadaloy sa kalamnan ko. I was afraid of doing this kind of thing kase inabuso ako sexually but doing it with him was like a feeling na hindi ko alam na nag-e-exist pala. Yung pakiramdam na hindi pilit, bawat haplos ay iniingatan at bawat halik ay sagad at may pagmamahal. Yung tipong ang bawat salitang lumalabas sa bibig naming dalawa ay tila ba nagiging musika. "Thank you for accepting me." Nakahiga na siya ngayon sa tabi ko at yakap namin ang isa't-isa. "Just promise me one thing, don't kill someone." Iyon lang ang gusto ko na gawin niya pero alam kong mahirap gawin iyon dahil iyon ang trabaho niya maliban sa kompanya niya. "I won't promise it pero ito lang ang maipapangako ko sayo. I will try to not kill someone." Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. "Pero kung si Koen na ang pinag-uusapan natin. Ang lalaking umabuso sayo at ang kaaway ko, ibang usapan na iyon." Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha ko at inilagay iyon sa likod ng aking tainga. "Hindi ako mangingialam sa usapang iyan. Sayo ko ibibigay ang hatol sa isang 'yan." sabi ko na ikinatawa naman niya at kinurot pa ang pisngi ko. "Sinasamba mo pa yan kanina tapos ngayon kinukurot mo na!" Bigla niyang hinalikan ulit ang pisngi ko bago nag-sorry na ikinatawa lang naming dalawa. Hindi ko lubos na maisip na mararamdaman ko itong klaseng emosyon sa kanya pero anong magagawa ko kung andito na? Umuusbong na at ayaw pang magpapigil. Bumalik ulit kami tulad ng dati matapos iyon. Sabay na ulit kaming kumakain at sa kwarto ko din siya minsan natutulog. Akala niya siguro ay makaka-score ulit siya kapag ginawa niya iyon. Well, minsan nakaka-shoot nga siya. Nagba-bonding na rin ulit kami sa labas. "Rule number 1, huwag kang bumili ng mga hindi naman natin gagamitin." Ni-recite ko sa kanya ang mga rules na ginawa ko. Baka kase bumili na naman siya ng kung ano-ano lang. Iyong mga binili nga niya dati ay nasa bahay pa rin at hindi pa nagagamit iyong iba. Mabuti nga ngayon ay nakikinig na siya sa akin kaya naman mas madali na kaming mag-shopping. "Wife, alam kong gutom ka na ngayon pero huwag na huwag kang lilingon." Nagtataka man sa sinabi niya ay ginawa ko pa rin iyon lalo na noong sabihin niyang hawakan ko ang kamay niya. "On the count of three we will run, okay?" Tumango-tango ako nagtataka pa rin sa sinasabi niya. "One... Two... Three!" Mabilisang takbo ang ginawa namin at ilang segundo matapos naming tumakbo ay narinig ko ang putukan ng mga baril. "Dito tayo dumaan. No one knows about this exit." Sumunod lang ako sa kanya kahit nanghihina na ang tuhod ko sa ingay ng mga baril. "Anong nangyayari?!" sigaw ko sa kanya. "He is here, Koen is here. I'll explain to you everything kapag nakauwi na tayo. For now, let's focus on surviving." Nakinig ako sa kanya. Pinalakas ko ang mentalidad ko kahit sobrang takot ang nararamdaman ko. Pangalan pa lang ng lalaking iyon ay nasusuka na ako pero dahil kasama ko si Azrael I also feel safe for some reason.Madaling araw na noong makalapag ang eroplano na sinasakyan nila Azrael at Alora sa Pilipinas. Pagdating na pagdating nila ay naghihintay na iyong mga tauhan ni Azrael kaya agad silang nakauwi sa bahay ng Dad niya. Doon lang muna sila dahil nandoon din si Rail ngayon. Mahimbing na rin ang tulog ni Rail nang dumating sila pero hindi na nila ito ginising at nagpahinga na rin silang dalawa. Plano nilang surpresahin ang anak bukas na bukas dahil hindi pa nito alam na nakauwi na sila.Nagpahinga na rin sila at natulog, sa dami ng nangyari sa pamilya nila ngayong araw ay walang pag-aalinlangan na bumigay ang katawan nila sa pagod at antok. "Antok na ako," pagsasaway ni Alora sa asawa. "Isa lang promise." Umiling ulit ang babae.Kakatapos lang nilang magkwentuhan tungkol sa nangyari, kung ano yung ginawa ni Natphon kay Alora at kung paano nakapasok ang mga tauhan nito sa bahay nila pero ngayon ay iba na ang gustong pag-usapan ni Azrael. Gusto niyang pag-usapan ang pagbibigay ng kapatid k
AZRAEL'S POV Nang malaman ko ang balita tungkol sa nag-crush na eroplano ay agad akong kinutuban na may mali at may masamang mangyayari kaya agad kong tinawagan ang asawa ko.Mukhang wala namang masamang nangyari base sa kwento niya sa akin kung gaano kasaya si Rail na uuwi na ako habang naliligo ito sa pool pero syempre tinawagan ko rin si Dad. "Dad where are you?" tanong ko nang sagutin nito ang tawag ko. "Nasa byahe, I already arranged the helicopters and private plane and they are ready to take off anytime." Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako tumawag sa kanya kaya hinayaan ko ang sinabi niya dahil alam ko na rin naman kase kakasabi lang sa akin ni Calem. "Can you check my family th—" hindi pa nga ako natatapos sa sasabihin ay sumagot na siya. "I am on my way but it might take an hour bago ako dumating doon. I am also about to contact the head guard so don't worry." Tumango ako. Alam kong maasahan ko si Dad, simula pa noong bata ako hanggang sa mamatay si Mom ay hin
ALORA'S POV "And his son." Tanong niya nang hindi tinatanggal ang pagkakahawak sa panga ko. "We were not able to get him sir because she protected him," pagpapaliwanag ng isang lalaki. "And you were defeated by this slim woman?" Hindi makapaniwalang sabi ng tinatawag nilang sir at boss. "She was good at fighting si—" hindi pa nga natatapos magsalita ang lalaki ay agad na may narinig akong putok ng baril kaya napaigtad ako. "I don't need someone who is irresponsible..." Ngayong mulat na ang mata ko sa gulat ay hindi ko mailayo ang tingin sa lalaking nakahandusay na ngayon sa sahig habang lumalabas ang dugo nito sa katawan. "And I know that you were awake." Pinilit niyang ipatingin sa kanya ang mga mata ko, hindi ko nga lang masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa liwanag na nagmumula sa bintanang nasa likod niya. "Anong... Anong..." Walang makalabas na salita sa bibig ko. "Don't worry, your husband already knows what happened and he's very furios." Inilapit niya ang mukha niy
Alora's POV "Anak remember the secret passage on our backyard?" Hindi ko siya pwedeng papuntahin sa office ng Papa niya para doon tumakas dahil may mga kalaban doon kaya mabuti na lang talaga ay gumawa kami ng bagong escape route. Isang pinto iyon na naka-camouflage, nakakonekta rin iyon sa tunnel na daan papunta sa secret garage ni Azrael kaya mahirap iyong hanapin lalo na dahil kaming apat lang nila Azrael, Rail at Dad ang may alam tungkol doon.Nang tumango si Rail ay nagsalita ulit ako habang umaatras dahil palapit ng palapit sa akin ang mga lalaki. "I want you to run on the count of three, pumasok ka doon at dumiretso sa garage ng Papa mo. Wait for me there and don't go out until I am not there okay?" Tumingin ako sa kanya, may pag-aalinlangan pa sa mga mata niya pero kalaunan ay tumango naman siya. "And one more thing anak, kung hindi ako makasunod sayo just tell your papa kung anong nakita mo ngayon, especially their tattoos okay?" Muling tumango si Rail. Alam niyang ang u
Alora's POV Lumipas ang mga araw at marami na kaming natututunan ni Rail sa martial arts, minsan ay iyon na nga ang ginagawa naming bonding sa bahay. Nagpunta na rin sa Thailand si Azrael kaya naman ay napakaraming bantay na naman sa loob at labas ng bahay. Palagi ring dumadalaw dito si dad para raw masigurado na safe kami. Wala pa namang nagtangka at nakita na umaaligid sa bahay namin pero kahit ganoon ay hindi pa rin nagpakampante ang nga tao sa paligid namin dahil kahit anong oras ay pwede talaga kaming sugurin dito kaya rin naman maski ako ay nakaalerto.Tatagal rin ng lagpas isang linggo si Azrael sa Thailand, gusto niya nga sanang isama na lang kami pero hindi agree si dad sa opinyon na iyon dahil mas lalo raw kaming mapapahamak kung kasama niya kami, nag-agree rin ako kay dad dahil bukod sa rason niya ay baka hindi niya magawa ng maayos ang pinunta niya doon dahil sa sobrang pag-aalala sa amin na alam ko ring nararamdaman niya pa ngayon kahit hindi niya kami kasama."Anak an
Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo