Share

Chapter 26

"Ma'am, may pumunta po dito kanina na mag nobyo at nobya, gusto raw po ng babae na ang Enchanté Attire ang gumawa at magdesign ng wedding gown n'ya po" iyan ang bungad ni Danica sa akin, pagkagising ko pa lamang.

Antok na antok pa akong bumangon habang hawak pa rin ang cellphone.

"Okay, ano daw ang pangalan?" Tanong ko rito.

"Andrea Maxine Lavera at Martin Javier Solis po, Ma'am. Naisend na raw po nila sa page po natin 'yung description ng gusto n'ya po" sagot nito.

"Okay, I'll check it na lang later" ani ko.

"Okay po, Ma'am" ani ni Danica.

"Ang aga naman ata nila na pumunta diyan, kakabukas pa lang ng shop ngayong araw ah" ani kong muli.

"Ah, opo, Ma'am. Mas maganda raw po na maaga sila ngayon para daw po kaunti pa lamang ang customers" sagot nito mula sa kabilang linya.

"Okay, maganda naman nga 'yon. By the way, kailan daw kailangan 'yung wedding gown?" Tanong ko.

"Sa March 17 pa po ang mismong wedding nila, Ma'am. Pero by March 15 po ay kailangan na daw" sagot nito.

"Okay. May iba pa ba silang bilin?" Tanong ko pa.

"Wala na, Ma'am. 'yung isosoot po ng Abay nila ay may stocks naman po tayo kaya okay na po iyon" sagot nito.

"Sige na po, Ma'am. Ayon lang po, bababa ko na po ang tawag. May dumadating na po kase ulit na customers" ani muli nito.

"Okay, bye. Ingat kayo" ani ko saka binaba na ang tawag.

"Sinong kausap mo?" Maya-maya ay tanong ni Anthony. Nakahiga pa rin ito at mukhang kakagising pa lamang. Pipikit-pikit pa ang mata nito.

"Si Danica, may nagpapagawa kase ng wedding gown" sagot ko rito.

"Wow. Sino daw?" Ani nito saka bumangon na at naupo pa rin sa kama.

Tumabi naman ako sa kaniya. Bahagya pa siyang umusod nang maupo ako sa tabi n'ya.

"It was the girl named Andrea" panimula ko.

"And?" Tanong nito.

"Martin" sagot ko.

Bahagya pang nangunot ang noo nito. "Is he?" Tanong nito.

Hindi agad ako nakasagot kaya naman ay inulit niyang muli ang tanong. "Is he?"

Dahan-dahan akong tumango sa tanong nito.

"It was him" sagot ko.

Natigilan naman siya sa sagot ko.

"It's okay. Gagawin ko lang naman 'yung wedding gown nung bride. That's all" ani ko rito.

Tumingin naman ito sa akin saka niyakap ako.

"I love you so bad" ani nito, halos pabulong na.

"Mahal na mahal na mahal kita" ani ko naman rito. "Pero sana magdamit ka muna" ani kong muli saka natawa at umalis sa tabi n'ya.

"Para namang hindi ka nag eenjoy sa katawan ko" ani ni Anthony saka natawa rin.

Umalis na ito sa kama saka naghanap ng masosoot sa Walk in closet namin.

"Any plans for today, Miss Ma'am?" Tanong ni Anthony sa akin. Kakatapos n'ya lamang na magbihis.

"Wala naman. Gagawin ko lang at lalagyan ng design 'yung wedding gown. That's it" sagot ko.

"Baka ma-bored ka rito. Sumama ka na kaya sa akin sa office?" Parang batang ani nito.

"Sira, e'di nasira ang pinaghirapan natin" sagot ko rito. "Kain na tayo. Baka malate ka pa" ani ko rito.

"Pwede naman na ako ang kainin mo" pilyong ani nito saka tumawa.

Inirapan ko na lamang ito saka hinila s'ya palabas sa kwarto.

"Good morning, love birds" bati ni Clark pagdating namin sa kusina.

"What are you doing here?" Tanong kaagad ni Anthony rito.

"Wala, masama ba maki-breakfast?" Tanong ni Clark rito.

Hindi naman na ito inintindi ni Anthony, sa halip ay inalalayan na n'ya ako na makaupo.

Nang makumpleto na kami sa kusina ay nagsimula na rin kaming kumain.

"Grabe, nakakamiss naman ang mga lutong bahay" ani ni Clark habang kumakain, mayroon pang laman ang bibig nito.

"Umayos ka nga, para kang hindi Businessman" saway ni Anthony kay Clark. Natawa na lamang ako sa aking isipan.

"Ang tagal ko na kaseng hindi nakakain ng lutong bahay" ani ni Clark.

"Bakit hindi ka magluto?" Tanong ko rito.

"Woaah" ani ni Clark saka uminom.

"Magkasintahan nga kayo" maya-maya ay ani niya nang makainom.

"Ang sasama ng ugali nyong dalawa. Palagi n'yo na lang akong inaaway" dagdag pa nito. Parang bata talaga.

"Tsss" ani na lang ni Anthony rito.

"Bakit ang init ng ulo mo ngayon, Anthony?" Tanong ni Clark kay Anthony.

"Nandito ka kase" sagot nito.

Natawa na lamang kaming dalawa ni Lyka.

"Kailan nga pala ang sunod na shoot ni Ivy?" Tanong ni Clark.

"Next week pa" si Anthony na ang sumagot.

"Tapos na sa eyes, anong next?" Tanong muli ni Clark.

"Body ata, hindi ba, Babe?" Tanong ni Anthony sa akin.

"Yes, body ko" sagot ko.

"Pero I'm wearing my collection naman 'no" depensa ko na agad. Nakita ko kase na natigilan si Nanay Lydia sa pagkain.

"By the way, Lyka" baling ni Anthony sa bata.

"Yes Kuya?" Tugon ni Lyka.

"Next month na ang 15th birthday mo" ani ni Anthony. "What's the plan?" Tanong ni Anthony.

"Wala kuya. Gusto ko lamang ay makamit n'yo na ang kapayapaan at hustisya" sagot ng dalaga saka ngumiti.

Natigilan naman ako.

"Aww that's so sweet"

"Yeah, I agree. Pero hindi pwede na wala tayong ganap sa birthday mo. Pambawi ko man lang iyon sa paggabay at pag-aalaga n'yo sa amin" ani ni Anthony.

"Salamat, Kuya. Pero hindi naman na po kailangan" sagot ni Lyka.

"Ilang months or years na kayong katulong ng dalawang ito?" Pagsingit ni Clark.

"Five years" sagot ko.

"Wow. Matagal na pala" ani ni Clark.

"Sobra" sabi ko naman.

"Dahil may plano si Anthony sa birthday mo, baby girl, mag aambag ako" ani ni Clark kay Lyka.

"Naku, nakakahiya naman ho" si Nanay Lydia.

"No, Nanay. Alam ko sobra sobra na ang nagawa n'yo sa dalawang ito" ani ni Clark.

"Pero may bayad naman iyon, Sir" sagot ni Nanay Lydia.

"Pero kahit pa po" si Anthony.

"And please, stop calling me Sir. Clark na lamang po" si Clark naman.

"Whether you like it or not, Nanay, may ganap sa birthday ni Lyka, right?" Dagdag pa nito saka bumaling sa amin.

"Salamat ng marami sa inyo" masayang ani ni Nanay Lydia.

"Salamat po, Kuya Anthony and Kuya Clark" ani naman ni Lyka. "Maraming salamat din po, ate Ivy" baling naman ng dalaga sa akin.

"No worries" si Clark. "Barya lamang 'yan sa Company ko" dagdag pa nito.

"My pleasure. Parte na rin kayo ng pamilya namin" ani naman ni Anthony.

"Always. You deserve all the happiness in the world, Nanay and Lyka" ani ko naman.

Ang kaninang salu-salo na puro asaran ay napalitan ng kasiyahan nang mapag-usapan namin ang magiging ganap sa birthday ni Lyka.

Pagkatapos namin kumain ay namahinga lamang saglit si Clark sa bahay, samantalang si Anthony naman ay naligo na. Halos sabay rin ang dalawa na umalis papunta sa kani-kanilang trabaho.

Naiwan naman kami nina Nanay Lydia sa penthouse kaya ay nagpaalam na ako na papasok na ako sa kwarto namin ni Anthony para umpisahan ang paggawa ng design sa wedding gown ni Andrea.

Habang hinihintay na ma-log in ang account ng page namin sa computer ko ay bigla na lamang pumasok sa isip ko na, siguro, panahon na rin na magpagawa ako o kami ni Anthony ng sarili naming bahay. Sobrang laki naman na ng kinikita ng shop sa araw-araw, may trabaho rin si Anthony sa kompanya nila kaya siguro sapat na ito para makapag pundar naman kami ng sarili namin. Though, hindi naman kami pinapa-alis ni Kuya Darwin rito sa penthouse n'ya. Safe naman kami dito pero iba pa rin talaga kapag may sarili na kayong inyo. Siguro ay sasabihin ko ito ay Anthony sa susunod.

Nang ma-log in na ang page namin sa computer ko ay mabilis kong tinungo ang message ni Andrea.

Matagal bago ko pa ito nakita dahil sa dami ng message.

Nang makita ko na ito ay isinave ko agad ang sinabi n'ya at kung ano ang gusto n'ya saka nagtipa ng mensahe para sa kanila.

Kasama na sa mensahe ang sukat niya, gustong style o disenyo, fabrics, and embellishments. Though, nasabi na rin sa akin ito ni Danica kanina.

Iminessage ko rin si Andrea na siguro ay two to three days pa bago ko isend o bago pa nila makita ang mga sketches ko.

Nang maisend ko iyon ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad ko nang sinimulan ang pag sketch nang sa gayon ay matapos ko na ito kaagad.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
thanks sa update author, exciting na sunod na chapter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status