Share

Chapter 7

Penulis: Ellitch
last update Terakhir Diperbarui: 2024-01-10 08:41:53

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Naririto kami ni Martin sa tabi ng sapa.

"Happy monthsary, baby" aniya saka ako h******n sa pisngi.

Kasalukuyan kaming nakausap sa mat na inilatag niya. Mayroon din doon na mga pagkain. At siyempre, may iniabot din siyang bulaklak at kwintas.

"I love you so much" dagdag pa nito.

"Happy monthsary, Baby. Thanks for coming into my life" sagot ko naman.

"Isang buwan na lang, graduate ka na ng Grade 12. Big girl na ang baby ko" aniya saka natawa.

"Hey, para naman akong sanggol d'yan e" sabi ko saka ngumuso.

"E ano naman, baby naman kita" natatawang sabi nya.

"Malapit na ako grumaduate pero wala naman sina Nanay at Tatay" malungkot na sabi ko saka tumingin sa malinis na tubig.

Agad naman akong niyakap ni Martin.

"Don't worry, I know, kung nasaan man sina Tito at Tita, super proud sila sa'yo. Ang galing galing kaya ng running for With Highest Honor ko. At isa pa, hindi ka naman namin pababayaan nina Mommy at Daddy. Pangako, naroon kami sa graduation mo." Aniya. Bahagya namang gumaan ang loob ko.

I am so blessed nang dumating ang lalaking ito sa buhay ko. Hindi nila ako pinapabayaan. Si Aling Merna naman ay itinuturing akong parang tunay niyang anak. Naalala ko noong sinabi namin ni Martin sa kaniya na magkasintahan na kami. Aba at ginawang libre na 'yung mga tinda nya sa palengke. Kahit kailan ay hindi nila ipinararamdam sa akin na may kulang sa buhay ko.

Hapon na ng makauwi ako sa bahay. Inihatid ako ni Martin, pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay umalis na din agad siya.

"Saan ka naman nanggaling?" Bungad ni ate.

"Ah, kasama ko lang po si Martin" ani ko kay ate.

"Alam mong bata ka, ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang mawala ang mga magulang natin, nagawa mo na agad na lumandi" sabi pa ni ate. "Kasalanan mo talaga 'yong bata ka" dagdag pa niya.

Hindi ko na kaya. Sinagot ko na siya.

"Bakit ate, sino ba 'yung nagdala dito ng lalaki sa bahay natin ha, sino ba yung puro pasakit na lamang ang binibigay sa mga magulang natin? Diba ikaw?"

Agad na dumapo sa aking pisngi ang palad nya. Agad din naman na tumulo ang mga luha ko.

"Bastos kang bata ka" sigaw niya saka muli akong sinampal.

Papasok na sana ako sa aking kwarto nang harangan n'ya ako.

"At saan ka pupunta, sa kwarto mo?" Ani ni Vanessa. "Hindi ka makakapasok sa kwarto mo hangga't hindi mo ako naiipagluto ng pagkain, kailangan dapat malinis ang kwarto ko pati na rin ang buong bahay natin, maglinis ka" utos niya.

Nang hindi agad ako nakasagot ay umalis sya saglit, pagbalik niya ay basta na lamang nya ihinagis ang mga pang linis.

Dahil wala na akong magagawa pa ay nag-umpisa na akong gawin ang inuutos niya.

Nagluto muna ako ng pagkain 'nya'. Nang matapos syang kumain ay ipinakain naman nya sa aso ng aming kapitbahay ang tira-tira niyang pagkain. Napalunok na lamang ako.

Pagkatapos ko sa gawaing pangkusina ay sinunod ko naman na linisin ang kwarto nya hanggang sa makatapos na ako sa paglilinis ng bahay. Pasado alas-diez na pala ng gabi.

"Pwede ka na pumasok sa kwarto mo, agahan mo ang gising bukas, maglilinis ka pa at magluluto ng pagkain ko" ani ni Vanessa saka pumasok sa kwarto niya.

Si Marisse naman ay nagpalit muna ng damit at naglinis saka pumunta sa kusina para magluto ng pagkain n'ya.

Pagkatapos ng paggawa ng gawaing bahay at pagkain ay namahinga siya saglit saka naglinis ng katawan. Agad naman siyang nakatulog pagkatapos noon.

Nagising na lamang siya ng may malamig na tubig na bumubuhos sa ulo nya.

"Gising, hindi ka prinsesa. Bilisan mo, gutom na ako" bungad ni Vanessa kay Marisse. Agad namang bumangon si Marisse saka tumingin sa orasan sa tabi ng kama n'ya. Alas quatro pa lamang.

Agad siyang pumunta sa kusina saka nagluto. Habang nagsasaing ay nagwalis na agad siya sa loob ng bahay nila.

Kumakain na si Vanessa nang makatapos sa paglilinis si Marisse. Naihanda na rin ni Marisse ng gamit nya papasok sa school.

Tulad ng nangyari kagabi ay nagluto muli ng panibagong pagkain si Marisse saka mabilis siyang nagluto at nagpack ng lunch.

Pagdating sa room ay hindi pa naman siya late. Palagi na rin nilang nakakasama ang magkakaibigan na sina Anthony, Jhamir, at Angelo.

"Beshy umamin ka nga" sabi ni Marisse sa dalaga habang nasa powdered room sila.

"Yes beshy, ano 'yon?" Tanong ni Patricia.

"May something ba sa inyo ni Angelo?" Tanong ni Marisse.

Agad naman napatawa ng malakas si Patricia. Mabuti na lamang at sila lang ang tao doon ngayon. "oo bes, may something sa amin. Something wrong" sagot ni Patricia.

Napatawa na rin si Marisse.

"Hmp, kahit na ganon, gagawin ko pa rin ang lahat para lang icrushback nya ako, 'no" ani niya. Nanlaki naman ang mata ko.

"Omg, sinasabi ko na nga ba" sabi ko na lamang. "Akala ko ba best friend kita, bakit hindi ka nagsasabi, ha?" Kunwari ay nagtatampong saad ko.

"E beshy, sasabihin ko naman talaga sa'yo, e kaya nga lang ano, kapag kami na" sabi ni Patricia.

"What? Kelan pa, kapag pumuti na ang uwak?" Tanong ko saka natawa.

Nasa labas na kami ng powdered room, sa tabi ng hagdan.

"Pero alam mo ba, si Angelo, napakapogi nya, ang lambot at ang kissable ng lips nya, ang bango bango pa" kinikilig na sabi ni Patricia. Maya-maya ay para na lamang siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil naroon na pala sina Angelo sa likod namin.

"Bro, kissable pala lips mo, malambot pa pala. Pa-try nga" pang aasar ni Jhamir kay Angelo.

"Shut up" inis na sabi ni Angelo kay Jhamir saka iniwan ang mga kaibigan.

Si Patricia naman ay tumakbo na sa kung saan.

"Yung kaibigan mo talaga" natatawang sabi ni Anthony.

"Hindi ko kilala 'yung babaeng 'yon" tanggi ko saka natawa na kaming tatlo. Sumama na ako sa kanila papunta sa canteen, tutal ay kami-kami din naman lagi ang magkakatabi doon. Kumakain na kami nang dumating sa table namin si Angelo. Si Patricia naman ay wala.

"Nasaan kaya ang pinsan mo?" Tanong ko kay Anthony.

"Nasa ilalim ng lupa" sabat ni Jhamir.

"Ha?" Tanong ko.

Napatawa naman si Jhamir. "E syempre, nagpapalamon na 'yon ngayon sa lupa dahil sa nangyari".

Nang makatapos kami sa pagkain ay inihatid ako ni Jhamir at Anthony sa room namin. Si Angelo naman ay babalik na raw sa room nila at hindi na sasama.

"Thank you sa inyo, bye, good luck sa klase" sabi ko sa dalawa saka pumasok na sa room.

Doon ay naabutan ko si Patricia na nakahalumbaba saka tulala.

"Hoy" agaw pansin ko rito. "Kamusta?" Tanong ko pa.

"Ako pa talaga tinanong mo, e'di syempre, hiyang hiya to the bone ang ante mo" sagot n'ya. "Kainis, nakakahiya na tuloy kay Angelo" dagdag pa n'ya.

Nagkwentuhan pa kami saglit bago dumating ang teacher.

Hindi ko namalayan na uwian na pala. Ang bilis talaga ng oras kapag nakatapos na kayo sa first subject.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Wild Flowers (Tagalog)   Last Chapter

    One week later..... As we arrived back in the Philippines, the warm embrace of our homeland welcomed us with open arms. Sinundo pa kami nina Mommy and Daddy, Mama and Papa namin ni Anthony. Present din doon si Patricia at ang kaniyang anak, maging si Angelo. The familiar sights and sounds of our surroundings filled their hearts with a sense of nostalgia and belonging, a reminder of the roots that anchored them to the land they called home. As they settled back into the rhythm of their lives, a sense of peace and contentment settled over their family, a testament to the enduring bonds of love and connection that held them together. Amidst the hustle and bustle of daily life, a joyous surprise awaited Marisse and Martin, a gift that would fill their hearts with anticipation and excitement. The news of Marisse's pregnancy for their second child spread like wildfire, a beacon of light and hope in the midst of their everyday routines. The echoes of laughter and celebration filled

  • Wild Flowers (Tagalog)   Additional Chapter I

    In the peaceful embrace of the garden, Marisse, Martin, and their son Matthew found solace and joy in the simple moments of life. As the days turned into weeks and the weeks into months, their bond deepened, their love growing stronger with each passing day."Happy birthday, anak" bati ko sa aking anak na ngayon ay ipinagdiriwang namin ng ika pito niyang kaarawan. Matthew grown into a big and gentle man. One day, nang makauwi na siya sa bahay galing sa school, nagkwento ang anak ko na mayroon daw siyang inaway sa school. At first, napagalitan ko siya, I just don't want my child na lumaking basagulero, pero noong nag explain na siya, namangha ako. Hindi ko lubos akalain na sa murang edad ng aking anak, marunong na siyang mag tanggol sa iba. Ani ni Matthew, inaway n'ya raw ang isang kaklase niyang lalaki dahil inaway raw ang kaklase nilang babae. "Bakit ba inaway yung girl, anak?" Tanong ni Martin sa tabi ko habang nandito kami ngayon sa Salas. "E kasi naman Dad, may ipinapagawa

  • Wild Flowers (Tagalog)   Marisse/Heather's POV

    Two years later.....As I stood in the bustling kitchen of my successful restaurant, the aroma of culinary delights wafting through the air, I felt a sense of contentment wash over me. Sa wakas, Nanay, Tatay, natupad ko na po ang pangarap ko noong bata pa ako. May sarili na akong restaurant. The echoes of my dark past, now relegated to the shadows of memory, resonated in the background, a reminder of the trials I had overcome and the strength I had found within myself. The news of Glenn Acosta's confinement in a psychiatric ward and Adrian's incarceration brought a sense of closure and relief to me, a chapter of pain and suffering finally coming to an end. Dahil sa kahihiyan ng pamilya, ang ginang ni Glenn Acosta ay nawala na na parang bula at walang tao ang nakaka alam kung nasaaan iyon. The people who had once cast shadows over my life were now held accountable for their actions, their presence fading into the background as I embraced a future filled with hope and redemption.

  • Wild Flowers (Tagalog)   Anthony's POV

    As I stood at a distance, hidden from view, my heart heavy with the weight of regret and longing, I watched Marisse, the high school crush who had once captured his heart, walk down the aisle towards a future that no longer included mine. The echoes of our shared dreams and successes, now overshadowed by the darkness of our past mistakes, resonated in the space between us, a haunting reminder of what once was and what could have been.I was crying. Imbitado ang buong angkan namin, pero ako lamang itong hindi pumunta. Napatawad na din ni Marisse sina Mama at Papa. Everyone was in peace now.In the quiet of my soul, I grappled with the memories of a love that had bloomed and withered, a bond that had weathered the storms of life only to crumble under the weight of betrayal and loss. The image of Marisse, radiant and resplendent in her joy, stirred a mix of emotions within him, a tumultuous blend of regret, longing, and acceptance.Ang g*g* ko. Nagawa ko pa na saktan siya. Akala ko, hang

  • Wild Flowers (Tagalog)   Vanessa and Darwin's POV

    Vanessa's POVAs I stood at the threshold of a new chapter in my life, my heart brimming with gratitude and humility, for the past few years, noong mahigit apat na taon na nasa kamay ng mga Acosta si Marisse, doon, I reflected on the journey that had led me to this moment of redemption and reconciliation. The echoes of my past mistakes, the shadows of betrayal and regret that had once clouded my existence, now seemed like distant memories as I embraced the forgiveness and acceptance that Marisse had extended to me. Minsan, pakiramdam ko, sa dami ng pagkukulang at kasalanan ko sa kaniya, hindi ko deserve na mapatawad niya, o mapatawad ng pamilya niya. I still clearly remembered back when we were young, si Marisse palagi ang apple of the eye nina Nanay at Tatay. Inggit na inggit ako sa kaniya dahil pakiramdam ko, hindi pantay ang pagtingin nila sa amin. So, nag rebelde ako. 'yung pang tuition ko, ginagastos ko lamang sa kung ano-anong bagay, 'yung mga kaibigan ko, iniwan ko dahil kun

  • Wild Flowers (Tagalog)   Martin's POV

    As I stood inside the hallowed halls of the church, my heart beat with a rhythm that echoed the memories of a love long lost and found once more. The soft strains of music filled the air, a melody that wove a tapestry of emotions and longing around him as I watched Marisse, radiant and resplendent, walking down the aisle towards me. She's so perfect in her fitted wedding gown made out of diamonds. She's so gorgeous, everything about her is so pretty. Idagdag pa ang napaka ganda at perpektong kanta na sumasabay sa lakad niya, sa saliw ng musika at isang violin na tinutugtog ng kaibigan kong seaman. One step closerI have di*d everyday, waiting for you Darling don't be afraid, I have love you for a thousand yearsI'll love for a thousand more~Time stands still Beauty and all she isI will be brave I will not let anything take awayWhat's standing in front of meEvery breath, every hour has come to thisOne step closer~In that fleeting moment, time seemed to stand still, the year

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status