Share

Chapter 6

Wala na akong sinayang pang oras. Agad na akong lumabas sa aming bahay, saka pumara ng masasakyan.

Nang makarating ay para na din akong namatay. Mabigat sa loob akong lumapit sa kinaroroonan ng aking mga magulang. Wala pa ring tigil ang aking pag-iyak. There's a lot of people out there. Naroon din ang mga pulis, may ambulansya rin pero huli na. Wala na ang mga taong nagpapalakas sa akin. Paano na ako nito.

Tulala pa rin ako sa nangyari. Samantalang si Martin at Patricia naman ay hindi umaalis sa tabi ko.

"Kain ka muna, Marisse. Kailangan mo rin ng lakas" usal ni Martin saka iniabot sa akin ang tinapay at inumin.

"Hindi ako nagugutom" tanging sagot ko. Hindi ko pa rin maiproseso ang nangyari. Napaka biglaan naman.

"Sige na, kahit konting subo lang, try mo" ani niya. Hindi ko na lamang ito inintindi. Ang gutom, pamamanhid ng mukha at katawan ay bale wala lamang, wala pa ito sa kalahati ng nararanasan ko ngayon.

Kasalukuyan kaming nasa morgue. I wonder kung nasaan si ate. Marahil ay naglilinis ito ng bahay o kaya ay tumatawag na ng funeral service para kina Nanay at Tatay.

Ang sakit. Sobra sobrang sakit.

Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Doon ay napanaginipan ko sina Nanay at Tatay. "Anak, lakasan mo ang loob mo" "mahal na mahal namin kayo".

Nagising na lamang ako ng maramdaman kong tinatapik ni Patricia ang braso ko.

"Beshy, tara na. Nandyan na yung service nina Tito at Tita" usal niya. Tumango naman ako saka tumayo. Inalalayan ako ng dalawa hanggang sa sakayan. Sinamahan na rin nila ako pauwi sa amin.

Nang makauwi ay naabutan ko si ate na nakatungo at umiiyak pa rin. Nilapitan ko ito at tatangkain na sanang yakapin sya ng bigla nya akong sampalin. Nabaling sa aming dalawa ang atensyon ng mga taong naroon.

"Huwag mo akong yakapin" usal nito sa galit na tono.

"Ate Vanessa, kapatid mo 'yan, bakit ka ang init init ng dugo mo kay Marisse" sabat ni Patricia.

"Huwag kang makisabat rito" baling ni ate rito.

Agad naman akong nilapitan ni Martin.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Parati pa rin akong tulala sa nangyari, umiiyak, hindi kumakain at hindi makatulog ng ayos. Maraming tao ang nakiramay. Napagpasyahan kong itigil muna pansamantala ang gawain sa bukid at magbabalik na lamang kapag nailibing na sina Nanay at Tatay. Si Patricia tuwing hapon ay doon dumidiretso sa amin. Si Martin naman ay gayundin. Palagi rin nitong kasama ang kanyang ina na si Aling Merna.

Samantala, si ate naman ay parang mas lalong lumayo ang loob sa akin. Hindi pa rin kami nag-uusap.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Heto kami ngayon, kasama ng mga taong nakikiramay, ihinahatid na namin sa huling hantungan sina Nanay at Tatay. Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha habang naghahagis ng puting rosas para sa kanila. Mahal na mahal na mahal ko kayo.

Ilang sandali pa ay tuluyan na namin silang naihatid. Umalis na ang mga taong nakiramay. Ako, si Patricia, at si Martin na lamang ang naiwan doon.

"I-iwanan nyo muna ako, please" pakiusap ko sa kanila. Agad naman silang tumango.

"Hintayin ka namin dun sa sasakyan" sabi ni Martin bago umalis.

Nang maramdaman kong wala na sila ay lalo akong naiyak. Sana nakasama ko pa namin kayo ng matagal. Sana nakita nyo man lang ako na magkaroon ng restaurant balang araw. 'nay, 'tay, kayo palagi ang nariyan para sa amin ni ate . Mahal na mahal ko kayo. Alam ko, sobrang mahal na mahal nyo rin kami, heto nga po oh, sa sobrang pagmamahal n'yo sa amin, ito ang sinapit n'yo. Sana sinundan ko na lamang kayo nung araw na umalis kayo sa bahay natin. Kung papipiliin ako, kayo at kayo pa rin ang gusto kong maging magulang sa kabilang buhay.

Nagising na lamang ako dahil sa tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. Nakatulog pala ako sa tabi ng puntod nina Inay at Tatay.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong yabag ng paa, palapit sa akin. Si Martin at Patricia pala. May dala-dala ang dalawang ito na payong at towel.

"Naku naman beshy, baka magkasakit ka" nag aalalang sabi ni Patricia saka tinulungan akong makatayo.

Nang makatayo na ako ay binalot nya sa akin ang towel na dala-dala nya, samantalang si Martin naman ay pinapayungan kami.

Nang makarating sa sasakyan ay pinaandar na agad ito ni Martin. Tahimik lamang kaming tatlo sa sasakyan hanggang sa maihatid na nila ako sa amin.

Nang makarating ay tumila na rin ang ulan. Pagpasok namin sa bahay ay bumungad agad sa akin si ate na nakaupo sa sala. Napa-angat agad ito ng tingin sa amin.

"Imbes na umuwi ka agad ng bahay, inuna mo pang maglakwatsa" Galit na ani niya.

"Ate, hindi po kami gumala" si Patricia na ang sumagot.

"Shut up, I'm not talking to you" gigil na sabi ni ate saka padabog na pumasok sa kwarto nya.

"Sige na, Martin, Patricia, uwi na kayo. Siguradong hinahanap na kayo sa inyo. Okay na ako" sabi ko sa dalawa.

"Are you sure?" Tanong ni Martin. Tumango naman ako.

Niyakap muna ako ni Patricia bago sila umalis. Samantalang si Martin naman daw ay magmemessage at tatawag araw-araw.

Nang maka-alis ang dalawa sa nagkulong na ako sa aking kwarto. Naligo agad ako dahil baka magkasakit ako. Binuksan ko ang cellphone ko at doon ay bumungad ang pakikiramay ng aming mga kakilala. Sinimulan kong magtipa ng mensahe kay Alice, anak nina Mang Tomas na katulong namin sa bukid. Sinabi ko rito na bukas ay maari nang magsimula muli ang trabaho sa bukid.

Pagkatapos noon ay napagpasyahan ko na magpahinga muna.

Kinabukasan ay hindi pa rin ako pumasok sa school. Nagpadala na lamang ako ng excuse letter kay Patricia. Siguro ay bukas na lamang ako papasok.

Walang nangyari sa buhay ko maghapon. Paminsan-minsan ay pumapasok ako sa kwarto nina Inay at Tatay para linisin ang kwarto nila.

Si ate ay parang wala na naman dito sa bahay.

Kumakain ako sa kusina ng dumating si ate. Mukhang lasing ito. Iniwan ko ang pagkain ko saka mabilis na tinungo siya.

"Ate, hatid na kita sa kwarto mo" ani ko.

Mabilis na tinabig niya ang aking kamay saka nagsalita. "Don't you ever dare call me ate"

Naamoy ko pa rin ang alak mula sa bibig nya. "Dahil sa'yo" dinuro nyo ako. "Namatay sina Nanay at Tatay. Napaka pabida mo kase, kung hindi ka nagsumbong, e'di sana buhay pa sila" dagdag pa nito saka ako iniwan.

"Kasalanan mo 'to lahat e" huling sabi nya bago padabog na isinarado ang pinto ng kwarto niya. Bumalik naman ako sa kusina saka ipinagpatuloy ang pagkain kahit na nawalan na ako ng gana.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status