Share

Chapter 12

last update Last Updated: 2025-10-16 21:22:50

ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay niluwagan ang suot kong neck tie. Pagkapasok ko sa sala ay agad kong ibinagsak ang aking sarili sa sofa at napapikit bago napasandal sa aking kinauupuan. Napahilamos ako sa aking mukha.

Hindi ko akalain na maiinis ako kanina nang muli akong tanggihan ni Athy na pakasalan. Mabuti na lang at sa huli ay pumayag din siya sa wakas pero hindi pa rin ako pwedeng makampante dahil dito. Kahit na mapunta siya sa puder ko ay hindi pa rin ako sigurado kung tatantanan na siya ng Victor na iyon.

Inutusan ko na rin kanina si Lance na ihanda na ang pera na ipambabayad sa utang ng mga magulang ni Athy. sa totoo lang ay wala pa sa isip ko na ipakilala siya bilang asawa ko pagkatapos ng kasal. Gusto ko na yung mga malalapit lang na tao sa akin ang makaalam dahil kung maaari ay ayokong masira ang reputasyon niya.

Dahil nga nasabi ko na sa kaniya na maghihiwalay kami pagkatapos ng dalawang taon ay kailangan kong tuparin iyon. Wala akong b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 56

    THIRD PERSON’S P.O.V“Sir, may bisita po kayo…” sabi ng isang kasambahay kay Victor. Nasa study room siya ng mga oras na iyon at nag-iisip ng pwede niyang maging hakbang para makabawi kay Marcus. Hindi pwede na tatahimik na lang siya sa isang gilid sa kabila ng ginawa nito sa kaniya. Hindi siya papayag na maging ganito na lang siya at magtago na lang habang buhay.Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi ng kasambahay niya. Sino naman sana ang magiging bisita niya e nasa pagtatago siya at isa pa, wala naman gaanong nakakaalam ng mansyon nilang iyon.Hindi na niya nagawa pang magtanong pa dahil sa halip ay tumayo na lang siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa pinto para bumaba sa sala. Nang makarating siya sa pinakahuling baitang ng hagdan pababa ay halos matigilan siya nang makita niya ang kanyang ama na naroon. Naging madilim ang kanyang mga mata nang makita niya ang pagmumukha ni Robert Esteban, ang kapatid ni MArcus Esteban.Madilim ang mga ma

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 55

    ATHY’S P.O.V“Mommy…”Palingon-lingon ako, ngunit wala akong makita. Mag-isa lang ako. Pauulit-ulit ang naging pagtawag sa akin, tinig iyon ng isang bata. Pauulit-ulit at halos mahilo na ako kung saan lilingon hanggang sa isang bata ang lumitaw sa aking harapan.Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, bukod pa doon ay natigilan ako dahil kamukhang-kamukha ko siya pero hindi naman siya ako. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang tumalikod sa akin at naglakad palayo.“Teka! Sandali! Saan ka pupunta?!” sigaw ko at kaagad siyang hinabol, kaya nga lang ay hindi ko siya maabutan. Napakalayo niya. Naramdaman ko na ang pagod ko sa paghabol sa kaniya ngunit hindi ko pa rin talaga siya magawang abutan.“Sandali…”“Athy…”“Athy…”Bigla kong narinig ang pagtawag na iyon sa pangalan ko, kasunod nito ay ang pagyugyog ng balikat ko. “Athy…”Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pamamasa nito, medyo malabo pa noong una ang tingin ko hanggang sa unti-unti na itong

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 54

    THIRD PERSON’S P.O.VNAPATAYO si Kendra sa kanyang kinauupuan nang marinig niya ang pagdating ng sasakyan ng kanyang asawa. Sa totoo lang ay kanina niya pa ito inaabangan at halos inabot na rin siya ng madaling araw sa paghihintay rito ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang masiguro na ligtas ang kanyang asawa.Bumukas ang pinto at pumasok si Greg. halata ang gulat sa mukha nito nang makita siya na gising pa rin hanggang sa mga oras na iyon. “Bakit gising ka pa? Anong oras na ah.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay lumapit para bigyan siya ng halik.Agad niyang niyakap ito. “Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako para sayo.” sabi niya rito. Naramdaman niya lang na hinaplos nito ang kanyang likod at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.Sa tagal na nito sa serbisyo, sa bawat gabi ay napupuno siya ng pag-aalala sa bawat may misyon ito. Naiintindihan niya naman ito dahil iyon nga ang trabaho nito pero hindi niya lang talaga maiwasang hindi mag-alala. Matagal na niya itong kinukumbinsi n

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 53

    THIRD PERSON’S P.O.VNAPAPAILING si Greg habang pinapanood ang mga batang isa-isang isinasakay sa mga truck at ambulansya. Hindi niya lubos akalain na sa murang edad ng mga ito ay ipinangangalakal na nila ang kanilang mga katawan.Walang ibang dapat panagutin kundi ang mga magulang ng mga ito na ayon sa isa sa mga biktima ay ibinebenta daw sila di umano ng kanilang mga magulang doon para maging mga prostitute sa mga murang edad. Sa totoo lang ay ikinalulungkot niya ang ganung klaseng sitwasyon ng mga ito. Hindi niya maiwasang kwestyunin ang mga magulang ng mga ito kung paano nila naatim na ibenta ang kanilang mga anak para lang babuyin ng mga kung sino-sinong tao.Bukod pa doon ay hindi niya rin lubos akalain na may ganuong pasilidad sa lugar na iyon. Hindi naman ito tago kaya nga lang ay napakahigpit ng seguridad at tanging mga miyembro lang ang nakakapasok. Sa tinagal tagal niya sa serbisyo ay marami na rin naman siyang nakaharap na kaso ng mga rape pero ngayon ay kakaiba ito. Isa i

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 52

    HABANG lulan ng helicopter si Lily ay hindi niya maiwasang hindi tumanaw sa ibaba, kung saan ay punong-puno ng nagliliwanag na mga ilaw. Napapikit siya habang sinasamyo ang preskong hangin. Ilang taon na ba ang lumipas noong huli niyang nalanghap ito?Sampu? Labinlimang taon? Hindi na niya masiguro pa, sa tagal ng panahon ay hindi na rin niya halos matandaan pa. Napakuyom ang kanyang mga kamay at nagdilim ang kanyang mga mata. Sa totoo lang, sa tagal niyang nakakulong sa kamay ni Victor ay walang araw na inasam niyang makalaya, hindi para muling ipagpatuloy ang buhay kundi upang gumanti kay Marcus.Noong una ay ayaw niyang paniwalaan si Victor na ito mismo ang nag-setup sa kaniya noong gabing iyon para magkita silang dalawa. Nag-usap na daw sila na kapalit ng hindi panggugulo ni Victor sa negosyo ni Marcus ay siya ang kapalit.In-denial pa siya noong una dahil alam niya kung gaano siya kamahal ni Marcus. Noong panahong iyon ay bulag na bulag siya pero sa paglipas ng panahon ay doon

  • Wild Night With My Ex's Uncle   Chapter 51

    MARCUS P.O.VHINAWAKAN ko ng mahigpit ang kamay ni Athy habang nakahiga siya sa kama. Wala pa rin siyang malay hanggang sa mga oras na ito at hindi ko alam kung kailan siya magkakamalay. Napakagat labi ako. Hinalikan ko ang kamay niya.Nang malaman kong nawala na ang baby ay hindi ko halos mailarawan ang nararamdaman ko. Sobrang sakit oo. Idagdag pa na sinisisi ko ang sarili ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Alam kong ako ang puntirya nila at hindi si Athy. kung sana ako na lang ang naghatid sa kaniya e di sana ay hindi ito nangyari.Nanlamig ang kanyang mga mata nang sumagi sa isip niya ang mga taong gumawa nito. Alam niyang hindi ito isang aksidente lang dahil plinano talaga ito. “Hahanapin ko ang mga taong may gawa sayo nito Athy pangako.” bulong ko sa kaniya at pagkatapos ay hinalikan ang noo nito bago lumabas ng silid.Sa labas ay naghihintay na sa kaniya si Lance. “Anong balita? Nakita mo ba yung driver?” tanong niya rito.Umiling ito kaagad. “Hindi po sir, I’m sorry.” nagyuk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status