Share

Kabanata 2: Stepson

Makalipas ang limang taon...

"CHLOE, baby are you ready to go to school?" masiglang tanong ni Michael Fernandez sa limang taong gulang nilang anak ni Chrisia Dimaranan.

Tumango ang batang babae. "Opo, Daddy."

Niyakap nito ang bata habang nakangiti.

"Ikaw, hindi ka pa ba papasok sa kompanya?" tanong ni Chrisia kay Michael nang lumabas siya sa silid nilang mag-asawa. Nilapitan siya ng anak at agad niya itong hinalikan sa pisngi.

"I will, honey. Ako na maghahatid kay Chloe sa school since I'm not busy today." Tumayo ito at sinalubong siya ng halik sa pisngi. Bumaling ito sa katulong. "Yaya Boring, can you please prepare Chloe's things, aalis na kami. Ihatid mo na rin sa sasakyan ang bata." Agad itong sinunod ng katulong.

"Dito ka ba magdi-dinner? You want me to prepare foods? I'll cook your favorite food," masayang sabi niya.

Tumango si Michael. "Yes please, honey. Tamang-tama dahil tonight, I'll introduce to you to someone special for me. Make it special dahil matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito," masaya nitong sabi.

Kumunot ang noo niya. "May bisita ka tonight?"

"No, he's not a visitor. Later, you'll know him."

Nagtaka siya. Sino kaya ang tinutukoy nito? Special? Wala siyang ibang kilalang special dito kung 'di ang anak nitong si Antonette.

Kumibit-balikat na lang siya. "Okie."

Muli siyang hinalikan ni Michael sa pisngi bago ito nagpaalam na sa kaniya at lumabas na ng bahay.

Dahil sa sinabi ng asawa niya na may mahalaga itong bisita, inabala niya ang sarili sa pagluluto katulong ang head chef ng pamilya nila ni Michael.

Halos limang na taon na rin simula nang ikasal sila ni Michael kahit hindi niya iyon gusto. Sadyang wala lang siyang choice nang mga panahong iyon at kailangan niya ito. Kahit halos ama na niya ito dahil sa malaking agwat ng mga edad nila, hindi niya maitatangging mabuting tao ang huli. Hindi rin naman mahahalata na nasa singkwenta na ito dahil sa tila hindi tumatanda nitong mukha. Taglay pa rin nito ang kaguwapuhan at kakisigan nito.

Napangiti siya nang makita ang mga pagkaing nakahain sa dining table. Satisfied siya sa amoy palang ng mga iyon. Bumaling siya sa wall clock na nandoon at nang makita niya ang oras, mabilis niyang hinubad ang apron na suot.

"Yaya Maris, maiwan na muna kita, ok? Maghahanda lang ako dahil mamaya nandiyan na si Michael," sabi niya, saka mabilis na pumasok sa kwarto niya para ihanda ang sarili dahil alam niyang may bisita ang asawa at malamang, ipapakilala na naman siya nito na tila baga daig pa nito ang nanalo sa lotto.

Mayamaya pa'y bumalik ulit siya sa dining area para i-check ang mga pagkain. Muli siyang napangiti. Nakaligo at nakabihis na rin siya. Simpleng dress lamang ang sinuot niya pero kahit ganoon, lumabas pa rin ang hugis ng katawan niya at ang kaniyang taglay na ganda. Natural na mapupula ang mga labi niya, manipis at malambot iyon, may mabilog siyang mga mata na bumagay sa kaniyang kilay.

Ilang saglit pa at nakarinig siya ng tunog ng sasakyan sa labas ng bahay. "Yaya, nandiyan na ata sila. Pakilabas na ng inumin at ibang pagkain, sasalubungin ko lang sila, ok?" excited niyang utos sa katulong. Tumango lang ito.

Nakangiti na lumabas siya ng dining area, puno ng excitement at saya ang puso niya dahil alam niyang magugustuhan ni Michael ang mga hinanda niya.

Nang nasa sala na siya ng mansyon, saktong bumukas ang main door ng bahay at niluwa niyon si Michael habang kalong nito si Chloe. Ngumiti siya ng ubod tamis pero napawi rin iyon nang may lalaki pang pumasok ng mansyon. Natigilan siya at halos mawalan nang lakas dahil pamilyar ang mukha nito. Natulala siya at pakiramdam niya'y tinakasan siya ng dugo sa kaniyang mga labi. Kamukha lang ba o ito ang lalaking hindi niya makakalimutan? Parang slow motion na kumurap ang binata at bumaling sa kaniya.

Nagtama ang kanilang mga mata at hindi maikakaila ang pagkagulat doon. Kumunot pa ang noo ng lalaki pero walang ibang emosyon sa mukha nito.

"We're here! H-honey, you okay? Namumutla ka?"

Wala siyang naging reaction sa ginawang paghalik ni Michael sa kaniya at ni Chloe.

"Mommy, nakakita po ba kayo ng ghost? Parang takot na takot po kayo?" usisa ng anak niya.

"Honey, you ok? Hey!"

Napapitlag siya at kumurap ng ilang beses. Binasa niya ang kaniyang mga labi at umiwas ng tingin sa lalaking iyon. Nakikilala pa ba siya nito?

"A-ayos lang ako, medyo nahilo lang," pagsisinungalin niya at marahang hinawakan ang sentido. "B-baka napagod lang ako sa pagluluto."

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Dadalhin na kita sa—"

"I'm fine, Michael. O-ok lang ako," putol niya. Napakunot ang noo ng asawa niya dahil hindi ito sanay na tinatawag niya sa pangalan nito.

"But you look not fine."

Pakiramdam niya'y nagkagulo ang sistema niya nang marinig ang boses ng lalaking iyon na seryoso lang na nakatingin sa kaniya. Naalala niya ang boses nito nang gabing iyon.

"Honey, I'm sorry kung napagod ka, magpahinga ka na muna." Luminga si Michael sa paligid. "Yaya—"

"Hindi mo man lang ba muna ako ipapakilala sa kaniya...dad?"

Mas nawindang ang sistema niya sa narinig mula sa lalaki. Natulala siya at napaawang ang bibig. Dad? Paanong tinawag nitong Dad si Michael? Is he his son? Gusto niyang umiling-iling at paniwalang panaginip lang lahat ng iyon. Paanong nangyari iyon? Gusto man niyang mag-usisa pero hindi na niya ginawa.

"I'm sorry, Errol but let her rest first, ok? I'll introduce you to her later," ani Michael.

"Mommy, I'll bring your medicine para po gumaling ka na," sabi ni Chloe sa kaniya, saka hinalikan siya nito. "'Di po ba, gamot mo ang kiss ko?" Tumawa ito.

Dahil sa ginawa ni Chloe, napalingon siya sa lalaking bisita ni Michael. Gusto niyang tumakbo at itago ang anak dahil hindi maitatangging malaki ang pagkakahawig ng dalawa. Ang mga kilay at mata nito ay nakuha ng anak niya. Paano kung isipin nitong anak nito si Chloe? Pasimple niyang kinalma ang sarili dahil hindi dapat siya maging apektado sa presensiya nito.

Ngumiti siya sa anak. "Thank you, anak dahil sa ginawa mo, ok na si Mommy." Binalingan niya si Michael. "Honey, ok lang ako." Ngumiti siya at humarap sa lalaking kasama ni Michael. Nakatingin pa rin ito sa kaniya na animo'y binabasa siya.

"Sigurado ka ba?"

Tumango siya. "Mabuti pa't kumain na tayo dahil lalamig na ang mga pagkain," aya niya.

Ngumiti si Michael. "Mabuti pa nga pero bago ang lahat, I want you to met Errol Gabriel, my long lost son," masayang pakilala nito sa anak.

Kahit hindi na dapat siya nagulat, bumakas pa rin sa mukha niya iyon. Totoo nga na anak ni Michael si Errol, ang lalaking pinag-alayan niya ng kaniyang pagkabirhen at ama ng kaniyang anak. Paano nangyari iyon? Bakit sa dami ng tao, si Michael pa ang naging ama nito?

Ngumiti si Errol. "Ow! So, Dad was right, you look so beautiful and gorgeous, no doubt why Dad so deeply in love with you. Nice meeting you, Chrisia—ow wait, dapat ba kitang tawaging Tita or mommy o can I call you by your name? What do you think," seryosong sabi nito pero dama niya ang pagkasarkastiko roon.

"Errol, stop," saway ni Michael.

Alangan siyang ngumiti. "No, ok lang, honey." Binalingan niya si Errol. "Nice meeting you, Errol I hope we can get along well."

"We did, remember? I mean, of course we can get along well since you're now my Dad's wife. My stepmom."

Natigilan siya. Ano'ng ibig sabihin nito? Kilala pa ba siya nito? Yumuko siya at hindi na lang umimik.

"Ibig po bang sabihin, he's my brother?" tanong ni Chloe.

"Yes, darling he's your older brother, Errol," ani Michael.

Masayang ngumiti si Chloe at lumapit sa lalaki. Tumingala ito. "Hi, Kuya Errol, nice meeting you po. Pwede po ba tayong mag-play later?"

Pakiramdam niya'y nanuyo ang lalamunan niya. Umiwas siya ng tingin. Kinakabahan siya lalo na nang pakatitigan ni Errol ang mukha ni Chloe.

Tumango si Errol at ngumiti. "Of course, Chloe. After the dinner we can play together, ok?" Nag-angat ito ng tingin sa kanila ni Michael. "You know what, dad when I was a little, I look like her. "Ngumisi ito. "Oo nga pala, hindi mo nga pala ako nakitang lumabas at lumaki sa mundong ito."

Bumuntonghininga si Michael at umiwas ng tingin sa anak. "Errol, alam mo ang totoo sa nangyari sa amin ng nanay mo. She chose to hide you from me," depensa nito.

Napakamot sa noo ang binata. Hinawakan niya sa braso ang asawa at bahagya iyong pinisil.

"M-maigi pa, kumain na muna tayo, 'di ba? Alam kong gutom na rin kayo. Lalamig na ang pagkain," putol niya dahil kita niya ang hinanakit sa mukha ni Errol sa kung anumang history nito sa ama.

"Mabuti pa nga." Binalingan ni Michael si Chloe at hinawakan ito, nauna na silang naglakad patungo sa dining area.

Napalunok siya. Akmang lalakad na siya nang marinig niya ang boses ni Errol.

"I remember you, Chrisia."

Napatulala siya habang pinagmamasdan ang paglayo ni Errol sa kaniya. Nanuyo ang lalamunan niya kaya naman ilang sunod siyang lumunok. Natatandaan siya nito at malamang, pati ang nangyari ng gabing iyon. Paano siya haharap kay Errol? Pumikit siya ng mariin at nagpakawala ng hangin. Kailangan niyang kalmahin ang sarili.

Nang pakiramdam niya'y kalmado na siya, sumunod na rin siya sa dining area.

"For now on, Errol dito ka na titira sa bahay at sa kompanya ka na magtatrabaho," anunsiyo ni Michael habang kumakain sila.

Muntik siyang masamid sa narinig.

"Honey, you ok?" Inabutan agad siya ng tubig ni Michael.

"N-no, I'm fine." Doon titira si Errol? Paano niya pakikitunguhan ang binata, gayong may nakaraan sila? Natatakot siyang maungkat iyon at kapag nalaman nitong hindi si Michael ang ama ni Chloe, baka isipin nito, ito ang ama.

"Don't you want me to live here?" tanong ni Errol.

"O-of course not, Errol. Anak ka ni Michael and you should live here," sagot niya kahit alam niyang mahihirapan siya sa ganoong sitwasyon.

"Aren't you afraid?"

"Huh?"

"Why she will be afraid?" ani Michael.

"Baka maagaw ko ang atensyon mo dahil nandito ako." Sumandal si Errol sa upuan at ginamit ang table napkin para punasan ang labi.

"Come on, Errol, my wife is the most understandable person I've ever know kaya alam kong maiintindihan niya ang sitwasyon natin."

"Ikaw, dad hindi ka ba natatakot na patirahin ako sa bahay mo?" tanong nito na tila ba nang-aasar. Luminga pa ito sa paligid.

Kumunot ang noo ng asawa niya. Suminghap naman siya.

"Why should I be? You're my son at matagal kong pinangarap na makasama ka para makabawi ako sa mga panahong hindi tayo magkasama."

"And do you think it's enough? Ang patirahin mo ako sa mansyon at ibigay ang lahat ng gusto ko? I'm sorry, Dad pero it's not enough dahil hindi mo naman alam ang buhay namin pagkatapos mo kaming iwan," hinanakit nito.

"Errol, hindi ko alam kung ano'ng sinabi ng Mama mo pero hindi ko kayo—"

"You still choose to leave us, Dad kahit may choice kang hindi gawin."

Nagsimula na siyang kabahan sa nagiging takbo ng usapan. "Michael, Errol, please huwag sa harap ng pagkain, huwag sa harap ni Chloe," pagpapakalma niya sa mga ito na tila tumalab naman.

"I'm sorry, honey," ani Michael. Natahimik naman si Errol. Tumayo ang asawa niya. "You can stay here tonight or you can leave if you want." Saka iniwan silang dalawa.

"Mommy, galit po ba si Daddy?" usisa ni Chloe.

Ngumiti siya. "Hindi, 'nak. Napagod lang si Daddy sa trabaho," paliwanag niya.

"Susundan ko po siya." Bumaling si Chloe kay Errol. "Bye, Kuya Errol." Ang sakit sa pandinig na tawagin nitong Kuya ang sarili nitong ama.

Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa pero bago pa man siya hindi makahinga sa presensiya ni Errol, tumayo siya at naglakad patungo sa kusina.

Hindi niya namalayang sinundan siya ni Errol na lumilinga sa paligid. Mabuti na lang at wala ang mga katulong doon.

Nang akmang pupunta siya sa refrigerator, bigla na lang siyang hinila ni Errol at sinandal siya sa pader habang nakatingin ito sa kaniyang mga mata.

Sa gulat niya, nanlaki ang mga mata niya. "A-anong—"

"Bakit, hindi mo ba na-miss ang presence ko?" pilyo nitong tanong.

Kinabahan siya dahil baka makita silang dalawa roon. Nagpumiglas siya pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa braso niya.

"Errol, ano'ng ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?"

"Alam kong natatandaan mo ako at ang gabing iyon, Chrisia kaya huwag ka nang magpanggap na hindi mo ako kilala," anito.

"A-anong pinagsasasabi mo? Hindi ako nagpapanggap dahil wala akong matandaang nagtagpo ang mga landas natin," pagsisinungalin niya. "Ano ba? Bitawan mo ako!" Tinulak niya ito pero dahil sa lakas nito, muli siya nitong sinandal sa pader

"Talaga ba, hindi mo natatandaan ang gabing iyon? No, I won't believe you, Chrisia. Kita ko ang gulat sa mga mata mo kanina nang makita ako. Ano, are you happy now? You're married with my Dad. Akala ko ba, ayaw mong magpakasal sa isang old man?" Ngumisi ito na animo'y nang-iinsulto.

"Errol, please! Kung hindi mo ako tanggap bilang asawa ng daddy me, just respect me as woman."

Sarkastiko itong natawa. "Respect? Hindi ba't nawala na ang respetong iyon nang pakasalan mo ang Daddy ko? So stop playing inocent."

Suminghap siya. Pinilit siyang kumawala. "How dare you to judge me, Errol. Hindi mo alam ang lahat."

"Kailangan ko pa bang malaman? Obviously, you agreed to marry my dad because of his money, isn't?"

Yumuko siya. "Oo, dahil sa pera ng daddy mo. Masaya ka na? Na-satisfy ba kita sa sagot ko? Iyon naman ang inaasahan mo, 'di ba at sana naging masaya ka sa narinig mo." Nakawala siya sa pagkakahawak nito.

Nang akmang aalis na siya nang hawakan siya nito sa braso at sinandal ulit sa pader.

"No, I'm not satisfy, Chrisia."

Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong siilin ng halik. Hindi agad siya nakagalaw sa labis na pagkagulat. Nang matauhan siya, agad niya itong tinulak. Binalot siya ng takot at kaba. Paano kung may nakakita sa kanila? Stepson niya si Errol.

Hindi niya namalayan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya dahil pinaalala lang sa kaniya ni Errol kung ano'ng sinuko niya para lang sa kanilang anak.

Mabilis na dumapo ang palad niya sa mukha nito. Nasapo iyon ni Errol pero imbis na makonsensiya sa ginawa, ngumisi pa ito.

"Now, I'm satisfied, Chrisia."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status