Share

Kabanata 4: Galit

"SA tingin mo tamang pinatira ko rito si Errol?"

Natigilan si Chrisia habang abala siya sa pagsusuklay sa harap ng salamin. Katatapos lang niyang maligo at handa nang matulog habang nakahiga na si Michael sa kama.

"Bakit, sa tingin mo mali?" balik na tanong niya.

"Hindi sa mali, kaya lang pakiramdam ko hindi ka pa rin niya tanggap, ang relasyon natin."

Pinagpatuloy niya ang pagsusuklay. "Kung hindi rito, saan mo siya papatirahin? Sa condo? Paano mo makukuha ang loob niya? Paano ka makakabawi sa pagkukulang mo sa anak mo kung hindi mo rin siya makakasama?" Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa kama, tumabi siya sa asawa. "Willing naman akong intindihin si Errol. Handa akong kunin din ang loob niya bilang stepmother niya. Kung ako ang inaalala mo, I'm fine. Kaya ko." Ngumiti siya. Kinabig siya nito para ihiga sa bisig niya.

"Sobrang swerte ko talaga sa 'yo. Ikaw na ata ang pinakamabait na asawa sa buong mundo, sa universe, sa galaxy," nakangiti nitong sabi.

Natawa siya. "Aysus! Binola mo na naman ako."

Sa kabila nang agwat ng edad nila sa isa't isa, masasabi niyang sa haba ng panahon na nagsama sila, nakuha nito ang kaniyang loob. Mabait naman kasi si Michael at maalaga. Sa kahit anong paraan, ipaparamdam nito ang pagmamahal sa kaniya.

"No, hindi ako nangbobola. It just the truth, darling." Ngumiti ito, saka hinalikan siya sa noon. "Thank you always."

Ngumiti lang siya. Kapagkuway kinintalan siya nito ng halik sa mga labi.

Wala rin naman kasi siyang magagawa dahil anak pa rin ni Michael si Errol kaya kahit hindi siya comfortable na kasama ito, wala siyang choice at hindi naman niya pwedeng hadlangan ang mag-ama na magkalapit ang loob dahil alam niyang iyon din ang gusto ni Michael.

KINAUMAGAHAN, nagising si Chrisia na wala sa tabi si Michael. Marahil maagap itong umalis. Bumaba siya ng silid at dumeretso sa kusina pero agad siyang natigilan nang madatnan niya roon si Errol na kumakain ng tinapay.

Agad itong ngumisi sa kaniya. "Gising na pala ang stepmom ko. Gusto mo ba ng kape? I'll make coffee for you," sabi nito. Bakas doon ang pagkasarkastiko.

Tiningnan niya ito nang seryoso. Ano bang iniisip ni Errol? Bakit ginagawa ito ng binata?

"I have no time to play with you, Errol," masungit niyang sabi.

Dumeretso siya sa refrigerator para kumuha roon ng tubig pero mabilis na lumapit sa kaniya ang binata at hinarangan siya nito. Nakatingin lang ito na parang nang-aasar.

"Hindi ako nakikipaglaro, Chrisia. I'm just being nice with my stepmom."

Pinigilan niya ang sariling magalit. Mariin siyang pumikit. Hinarap niya ito. "Errol, please gusto ko ng maayos na pamilya kasama ang daddy mo, ikaw, kaya please, stop doing this," pakiusap niya.

Tumawa ito. "Why? I didn't do anything, bakit parang takot na takot ka, huh?" Mas lumapit pa ito sa kaniya. "Natatakot ka ba sa akin o natatakot ka sa sarili mo?" Pilyo itong ngumiti.

Napalunok siya at napaatras. Hindi niya alam pero kinabahan siya. Amoy na amoy niya ang mabango nitong perfume na kahit sinong babae ay mapapaharap kapag dumaan ito. Bahagyang hindi naging normal ang tibok ng kaniyang puso.

"Sa tingin mo magiging masayang pamilya tayo?" Ngumisi ito. Nagbago bigla ang emosyon sa mga mata nito. "Hanggat masaya kayo, hindi ako magiging masaya kasama ninyo, Chrisia."

Natigilan siya. Alam niyang galit ito sa ama pero mas natakot siya sa lalim ng galit nito. Ano'ng kaya nitong gawin para lang ma-satisfy sa galit nito?

"E-Errol—"

"Hindi ko kayang makita kayong masaya dahil ako at si Mama, hindi naging masaya." Dumilim ang mga mata nitong tiningnan siya bago lumayo at naglakad palabas ng kusina. Mabuti na lang at walang ibang tao roon.

Napabuga siya nang hangin nang tuluyang itong makaalis. Nakahinga siya ng maayos at naisuklay niya ang sariling mga daliri sa buhok niya. Hindi niya alam ang nararamdaman pero naaawa siya sa binata dahil sa tindi ng galit nito. Gusto niya itong intindihin at sa hindi malamang dahilan, gusto niyang alamin ang pinagmulan ng lahat ng iyon.

"'YA, pakihanda na nang mga pagkain sa dining table, isusunod ko na lang 'tong isda, ako nang magpiprito dahil baka mamaya nandiyan na rin si Michael," sabi niya habang nagpapainit ng mantika sa kawali.

Naiinip kasi siya sa bahay kaya tumutulong na lang din siyang magluto. Ayaw din kasi ni Michael na magtrabaho siya kahit ilang beses na niyang sinabing mas gusto niya iyon kaysa ang manatili lang sa bahay.

Binalingan niya ang isda. Kinuha niya iyon at nilagay sa kawali. Nagtalbugan ang mga mantika kaya napasigaw siya at napaatras. Napangiwi pa siya. Kaya ayaw niyang nagpiprito dahil nga tumatalbog ang mantika at masakit iyon sa balat.

"Bakit ba—"

"Tabi, ako na gagawa niyan. Paano mo malalapitan ang isda kung takot na takot ka sa mantika. You obviously don't know how to fried fish."

Hindi siya nakaimik nang lumapit na lang sa kaniya si Errol at kinuha ang siyanse. Kanina pa ba roon ang binata? Napakurap siya.

"S-sinong hindi marunong? It is easy to fried fish, kaya lang...nagtatalbugan ang oil sa balat ko," dahilan niya.

Mahina itong tumawa. "It's because you don't know how to fried. Hindi nilalagay ang isda na malamig pa ang oil at dapat nasa tamang init lang at lakas ng apoy para hindi tumalbog ang mantika." Inayos nito ang lakas ng init.

"B-bakit ba? Ang mahalaga, naluluto ang isda."

"Hindi mo nga malapitan, mao-over fried mo ang isda and it will not cook well."

Sumimangot na lang siya. Wala na siyang nagawa dahil ayaw din niyang makipagtalo pa sa binata. Binalingan na lang niya ang kanin at naglagay sa malaking pinggan para dalhin iyon sa dining table.

"Sir, ako na po riyan," narinig niyang sabi ni Yaya Maris nang makabalik siya sa kusina.

"Don't worry, 'Ya I can do this. Ihanda mo na lang ang ibang pagkain, malapit na rin 'to matapos," kalamadong sagot ni Errol. Hindi niya alam pero mas na-curious siya sa totoong pagkatao nito. Sino ba talaga ito at ano'ng binabalak nito?

"Bakit mo 'to ginagawa, Errol?"

Napalingon sa kaniya ang binata. Kumunot ang noo nito pero ngumisi rin. "Ang alin? Ang pagluluto? I'm just being kind, Chrisia don't be so paranoid."

"You treating me different, Errol. Alam mong asawa ako ng Daddy mo and you should treat me as your stepmother."

Hinarap siya nito. "No, I'm not treating you different, Chrisia. It's how I treat woman. Bakit, are you scared na baka mahulog ka sa akin because I treated you different?"

Nanliit ang mga mata niya. "Errol, I'm your stepmom at walang magbabago roon kahit pa itrato mo akong iba. You need to accept me as your dad wife and you can do anything about it."

"I know, wala akong magagawa dahil tinanggap mo si daddy, I mean, ang pera ni daddy pero hindi iyon dahilan para itrato kitang stepmom o asawa ng daddy ko. Hindi ko iyon matatanggap," giit nito.

Unusbong na naman ang inis niya sa binata. Iyon ba ang tingin nito sa kaniya? Sa kabilang banda, tama ito pero may dahilan siya.

"How dare you to judge me, Errol. Hindi mo alam ang dahilan ng lahat kaya wala kang karapatang husgahan ako. Sa tingin mo dahil lang sa pera ng daddy mo kaya nagpakasal ako sa kaniya?" Umiling siya. "I love him, Errol kaya nagpakasal ako sa kaniya."

Imbis na mainis, natawa ito. "Mahal? O, c'mon, Chrisia hindi iyon pagmamahal kung ang dahilan ay ang pera ng daddy ko. Huwag mo akong gawing tanga, hindi mo mahal si daddy." Nagbago ang reaction ng mukha nito na bakas doon ang galit. "Hindi ikaw ang dapat nandiyan sa kinatatayuan mo."

Ramdam niya ang galit sa mga mata nito pero hindi niya iyon ininda. Lumapit siya rito at agad ginawaran ng isang sampal para sa pagtapak nito sa pagkatao niya.

"Hindi mo ako kilala, Errol at ang lahat ng pinagdaanan ko."

"Mali ka, kilala kita, Chrisia." Matalim siya nitong tiningnan. "Alam ko ang dahilan ng pagpapakasal mo kay daddy at hindi iyon dahil sa pagmamahal na sinasabi mo."

Suminghap siya. Nilabanan niya ang matalim nitong titig. "Kung ganoon man, ano'ng gagawin mo? May magagawa ka pa ba gayong kasal na kami? Kahit ano'ng sabihin mo at gusto mong paniwalaan, hindi na niyon mababago ang katotohanang asawa ako ng daddy mo."

Nagulat na lang siya nang mahigpit nitong hawakan ang braso niya. "Hindi mo alam ang kaya kong gawin, Chrisia. Kaya kong sirain ang relasyon ninyong dalawa. Kaya kitang sirain," hamon nito.

Nakaramdam siya ng takot sa paraan ng tingin ng binata sa kaniya. Walang bakas ng pananakot doon dahil nararamdaman niyang gagawin talaga iyon ng binata.

"Bitawan mo ako, Errol." Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak. "Ano ba?"

"Bakit, natatakot ka na ba, Chrisia?"

"Hindi ako natatakot dahil alam kong mahal ako ni Michael at kahit ano'ng gawin mo, ako ang paniniwalaan at papanigan niya."

"Sigurado ka? Sa tingin mo mabubulag mo habang buhay si daddy? Gigisingin ko siya sa katotohanan at ipapakilala ko ang totoong ikaw sa harap niya," madiin nitong sabi.

"Ano ba—"

"Ano'ng nangyayari rito?" Kapwa nagulat si Chrisia at Errol nang marinig nila ang boses ni Michael. "Is there anything happen?" Lumapit ito sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status