登入Kinabukasan, maagang nagising si Raine. Wala silang katulong kaya magandang pagkakataon iyon para pagsilbihan niya si Crassus. Medyo maaga pa at hindi na siya makabalik sa pagtulog kaya naisipan niyang bumangon na lang.Tahimik na nangagayat si Raine ng sibuyas. Tapos na siyang maghiwa ng ibang rekados at nakalatag na ang mga iyon sa harap niya. Nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Napangiti si Raine.Hînalikan ni Crassus ang pisngi ni Raine. Pagkatapos ay kanyang inamoy ang leeg nito. Napatawa si Raine dahil sa kiliti. Binaba niya ang hawak na kutsilyo at humarap kay Crassus.Kinantalan niya ito ng halik. "Morning," bati ni Raine.Tipid na ngumiti si Crassus. "Good morning." Hînalikan niya ang noo ni Raine. Pagkatapos ay ngumuso siya sa mga ingredients na inihanda nito."You'll cook?" Crassus asked in surprise. Tumango si Raine. "Oo." Muli siya'ng humarap sa mga rekados. "Ano'ng gusto mo?""As long as you cook it, I will eat," Crassus answered without hesitation."Tch!"
Pagkatapos nilang maghapunan ay umakyat kaagad ito sa kwarto nila. Naiwan lang siya sa baba kanina dahil kailangan niya'ng maghugas ng plato. Only to find out na pinagsarhan pala siya nito. Muling kinatok ni Crassus ang pinto. "Raine, open—"Biglang bumukas ang pinto. Sinalubong siya ni Raine na nakahalukipkip."Ano?" Hindi maipinta ang mukha ni Raine habang nagtatanong.Tumikhim si Crassus. Sumilip siya sa kwarto saka siya tumingin kay Raine. "I-I want to get—"Hindi na natapos a g sasabihin ni Crassus. Muling nagsara ang pinto. Napakamot sa ulo si Crassus. Tatalikod na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Lumabas si Raine na dala-dala lang ang teddy bear nito."Wait..." Crassus said. "Whre are you going?"Naningkit ang mata na humarap si Raine kay Crassus habang hawak niya ang teddy bear. "Sa kabila. Sa'n pa?""Ahm..." Kinamot ni Crassus ang kanyang kilay. "Look, I'm sorry—""Hindi na." Mabilis pa sa alas kuwatro na tumalikod si Raine. "Diyan ka
Hindi mapigilan ni Crassus na ngumingiti habang nakatitig kay Raine. Nauna siya'ng magising at tulog oa rin ito hanggang ngayon. Himbing na himbing ito sa pagtulog habang nakaunan sa braso niya. Gamit ang hintuturo, hinaplos niya ang tungki ng ilong ni Raine. Hinaplos niya iyon ng pabilog at paulit-ulit, dahilan upang tampalin nito ang kanyang kamay. Crassus chuckled softly. Biglang nalukot ang mukha ni Raine. Hindi nagtagal ay naalimpungatan ito. Tipid siya'ng ngumiti.Niyakap niya ito at hinalîkan sa noo.Biglang umungol si Raine. Dahan-dahan niya ito'ng binitawan kaya mas lalong hindi maipinta ang mukha nito.Muling kiniliti ni Crassus ang ilong ni Raine. Mayamaya pa ay tinampal nito ang kanyang kamay. "Tsk!" Tinulak ni Raine ang mukha ni Crassus. Salubong ang kilay na nagmulat siya ng mata."Good evening," bati ni Crassus habang nakangiti.Imbis na gumantimay naningkit ang mata ni Raine. Tinulak niya ang mukah ni Crassus."Tumigil ka na!" napipikang sabi ni Raine. "
Parang kiniliti ng husto ang puso ni Raine sa narinig, subalit ang kiliti'ng iyon ay mabilis mawala nang binuhat siya ni Crasssus at mapusok na hinalîkan. Hindi na siya makahuma. Natangay na siya halîk ni Crassus. Napakapit siya sa leeg nito at napapikit.Naramdaman niyang binaba siya ni Crassus. Tumigil siya sa paghalîk. Binaba siya nito sa isang sofa at mabilis itong pumatong sa kanya. Muling nag-espadanan ang mga dîla nina Raine at Crassus. Mabilis lumalim ang paghahalîkan nilang dalawa. Napasinghap si Rainem at mayamaya'y naghahabil ng hininga para lang makasabay kay Crassus.Tinulak niya si Crassus. Tinitigan niya ito habang namumungay ang mga mata. "D-dito t-talaga?" nahihiya'ng tanong ni Raine. Luminga siya sa paligid. "Sa k-kwarto na lang kaya tayo?"Ngumisi si Crassus. "Kaya nga pinabakasyon ko ang mga maids para masolo natin itong bahay. I've been aching to do this." Mabagal niyang hinalîkan ang leeg ni Raine. "I want to own you in every corner of this house."
Pagkatapos marinig ni Raine ang explanation ni Lolo Faustino ay isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan. Minabuti niya na dumistansiya na lang sa Daddy ni Crassus. Kaya hindi siya masyadong lumalabas ng kwarto kung hindi naman kinakailangan. Nagpapahatid lang din siya ng pagkain sa kwarto at panaka-naka ay bumibisita siya sa kwarto ni Lolo Faustino. Ito lang din ang kasama niya kung kumakain. Napagpasiyahan din nila na sa ibang oras na lang kakain— iyon ang kung gusto nila na parehong bumaba. Isang araw rin ay sinamahan ni Raine si Lolo Faustino sa hospital para sa check-up nito, at pagkatapos niyon ay iiba na siya ng rota para mag-review. Si Lolo Faustino naman ay roon mamalagi sa isa nitong bahay habang hinihintay siya. Naging ganoon ang routine nila Raine sa loob ng ilang araw. Minsan ay naabutan nila sa sala ang Daddy ni Crassus. Civil lang ang pakikitungo ni Raine— Sapat lang para hindi mapahiya ang bisita nila. "Raine, have you already asked your mom?" Sergio asked as h
Kakatapos pa lang ni Raine na painumin ng gamot si Lolo Faustino. Nag-aya nito na bumaba ng garden kaya sinamahan niya ito. Gusto raw nito magpahangin kaya pumayag siya. Kanina pa naka-alis si Crassus kaya siya na lang ang natira na pwedeng kumausap kay Lolo.Hindi niya alam kung saan ang Daddy ni Crassus ngayon. Hindi na niya ito nakita pagkatapos ng argumento nito kay Crassus. Hindi na rin niya ito hinanap, dahil kahit siya ay naguguluhan kung paano i-address ang mga ito.Ang pinag-alala ni Raine ay ang iniisip ni Lolo. Tiyak na naguguluhan na rin ito. Halata naman dahil kahit siya ay napapansin niya'ng umiiwas din ito. Kung iiwan nila ito, baka araw-araw ito'ng magdamdam. Hindi malabong mangyari iyon dahil wala ito ibang kausap sa bahay.Kakauwi pa lang ng anak nito pero halos oras-oras ay nagsasalpukan sina Crassus at ang Daddy nito. Sa tuwing magkita-kita ang ang mga ito ay hindi maiwasan na uminit ang kanilang mga ulo. Lalo na si Crassus. Kung wala lang siya ay baka mat
"Hello?"Papalabas na sana ng kwarto sina Diana at Thaddeus nang biglang tumawag si Raine. Balak sana nila ay kumain sa labas. May nakita silang barbecue house sa unahan ng hotel kaya napagkasunduan nila na roon na lang kakain."Busy kayo? Papasundo sana ako," ani ni Raine sa kabilang linya."Huh?"
"Hoy!"Napalingon si Raine sa kanyang likod. Natigilan siya sa kanyang ginagawa. Ipapasok na niya sana sa washing machine ang bed sheets at kumot ni Lola Pansing nang biglang sumigaw ng napakalakas ang kanyang Tiya.Hangos na lumapit sa kanya si Tiya Manuela. Hindi pa ito nakontento, dinuro pa siya
"Ano?" Bulalas ni Mama Roberta. Napabuga siya ng marahas na hangin. Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Nasa kanya na pala mo ang pera mo? Siya na pala ang nag-bubudget? Kailan pa?"Napayuko si Lola Pansing. "S-simula noong magkasakit ako.""Bakit ka pumayag, Ma?" May inis na wika ni Mama Roberta.
Palihim na ikinuyom ni Raine ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa. Sa sobrang inis niya ay naging tuliro siya. Parang batingaw na kumakampana sa utak niya ang mga salitang binitawan ni Tiya Manuela. Talagang nakakataas ng dugo ang tabas ng dila nito.Itinaas ni Raine ang kanyang noo. Bagaman kumukul







