LOGINooops! pandesal po kayo riyan ;")
Pagkatapos marinig ni Crassus ang mga salitang sinambit ni Raine ay parang tuluyan na talagang tumigil ang kanyang mundo. Tumahip ng husto ang kanyang puso. Habang sumisibol ang malamig na hangin ay nanunuot sa kanyang balat ang lamig niyon. Na para bang pinapakalma at kinukumbinsi siya ng hangin na maging mahinahon siya.Si Raine na kanina pa nagpipigil ng damdamin ay nahihirapan na. Pigil na pigil na niya ang kanyang hininga. Gustuhin man niya'ng huminga ng maayos ay hindi niya magawa dahil sa kaba. Natatakot siya sa kung ano isasagot ni Crassus.“A-ayokong umalis ka,” sabi ni Raine habang nakatitig kay Crassus. “H-hindi ko kaya.”Napamulagat ng mata si Crassus. Napalingon siya kay Raine. Ang kaninang magulo niya'ng puso at isip ay mas lalong nagulo mula nang makita niya ang emosiyon na bumabalot sa mga mata ni Raine.“R-Raine…” Crassus gathered every ounce of strength he had just to whisper her name.“H-hindi ko kasi kaya, Babe,” sabi ni Raine na muling isinambit ang endearment ni
"May kinalaman doon ang Papa mo,” sabi ni Kien habang nakatitig kay Raine.Nagulantang si Raine sa narinig. Habang pinuproseso pa ng kanyang utak ang sinabi ni Kien ay natulala siya. Parang biglang gumuho ang mundo niya nang malaman ang katotohanan. Nanigas ang kanyang katawa habang hindi makapaniwalang nakatitig sa taong kaharap niya. Hindi niya alam kung alin ang mas mahirap paniwalaan—ang narinig niya o ang katotohanang matagal na pala may tinatago na sekreto ang magkaibigan. Hindi lang iyon basta sekreto, kasali roon ang Papa niya.“P-papa ko?” Nauutal na tanong ni Raine dahil sa gulat. Namilog ang kanyang mata habang nakipagtitigan kay Kien. “A-anong kinalaman ni Papa?”“You should ask him about it. Siya ang dapat magsabi,” sabi ni Kien.Natigilan ulit si Raine. May kung anong malamig na pakiramdam ang gumapang sa kanyang dibdib, at sa unang pagkakataon, natatakot siyang malaman kung ano ba talaga ang katotohanang matagal nang itinatago sa kanya.“Ano'ng kinalaman ng Papa ko, Kaj
Parang pinumpyang ng husto ang puso at utak ni Raine sa narinig. Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan. Natulala siya habang pinuproseso ng kanyang utak ang sinasabi ni Scott.“H-hindi…” Lumunok si Raine, pilit pinapakalma ang sarili. “H-hindi 'yan totoo,” bulong niya, halos hindi marinig ang sariling tinig.“It is, Raine,” Scott said on the other line, his voice calm but firm. “Akala ko pa naman nag-iisip ka. Kaya nga kita nilapitan para humingi ng tulong. I thought you were thinking. Bakit hinayaan mo siya'ng umalis? Bakit hindi mo siya kinumbinsi?”Hindi nakasagot si Raine. Ang mahabang paglitanya ni Scott ay mas lalong nagpapabaliw sa kanyang puso. Para bang biglang nawala ang lahat ng hangin sa kanyang paligid. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Scott, ngunit may bigat sa tinig nito na nagsasabing hindi ito isang bagay na maaari niyang itanggi.“Raine, makinig ka sa akin,” sabi ni Scott. “Crassus is having a hard time now. Gusto niya na ako ang mamahala sa negosyo niya sa Eros. A
Narinig ni Raine na bumukas ang p***o ng kwarto pero hindi siya lumingon. Nakatitig pa rin siya sa labas ng kanilang corridor habang nakahalukipkip. Tahimik siyang nakatayo. Tulala siya'ng nakatitig doon. Na para bang may nakakaaliw panoorin sa labas gayong wala naman. Nang makita ni Aling Lena ang pustura ni Raine ay nagdadalawang-isip siya'ng magsalita. Napahawak tuloy siya sa door knob. Naaalangan siya'ng pumasok ng kwarto. Napabuntonghininga si Manang Lena. “Señorita?” Walang nakuhang tugon si Manang Lena. Hindi umimik si Raine at mas lalong hindi ito lumingon. Naglapat ng mariin ang labi ni Manang Lena. “Senorita, gusto ni Señor na bumaba ka.” Hindi pa rin sumagot si Raine. Nakatitig pa rin siya sa labas ng glass door. Bumagsak ang balikat ni Manang Lena. “Senorita…” sambit niya. “Aalis na po si Señor Crassus.” Lumungkot ang ekspresyon ni Raine. Napatungo siya at napatitig sa sahig. “Ayaw mo ba siya'ng kausapin?” tanong ni Manang Lena. “Aalis na siya, Senorita. Baka pagsis
Gabi na pero hindi pa rin umuuwi ng bahay si Crassus. Pagkatapos nilang kumain ng lunch— umalis ito. Hanggang ngayon ay hindi pa ito umuuwi. Tahimik na nakaupo si Raine sa higaan nila. Paulit-ulit niyang sinusulyapan ang orasan sa dingding. Lumalim na ang gabi, pero wala pa rin si Crassus. Ilang beses na siya'ng panay baba para lang tignan kung nakaparada na ba ang kotseng dala nito— pero bakante pa rin ang parking space nito.Ilang beses na niyang tinitingnan ang kanyang cellphone. Ilang beses na niyang chineck ang kanyang message app, pero gaya kanina—walang pumasok na bagong message roon. Umaasa siya na may matatanggap na tawag o kahit isang simpleng mensahe mula kay Crassus pero wala. Nanatiling tahimik ang kanyang cellphone. Napabuntong-hininga si Raine. Marahan niyang niyakap ang teddy bear na bigay ni Crassus. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na baka may mahalagang dahilan kung bakit hindi pa ito umuuwi, subalit habang lumilipas ang bawat minuto— unti-unting napapalit
Paggising ni Raine kinabukasan ay madilim pa ang kwarto nila. Nakapatay pa ang mga ilaw at dinig na dinig pa rin niya ang ingay ng aircon. Napapikit ulit siya. Sinubukan niya'ng gumalaw papuntang kanan nang matigilan siya. Hindi siya makagalaw ng maayos. Pakiramdam niya ay may kung ano'ng mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan. Hindi niya rin maigalaw ng maayos ang kanyang binti. Napamulagat ng mata si Raine. Mabilis siya'ng napalingon sa kanyang gilid.Tulog na tulog pa rin si Crassus sa tabi niya. Saka lang niya naanalisa na ang braso pala nito ang nakadagan sa kanyang tiyan. Maging ang binti nito ay nakadantay rin sa binti niya. Yakap-yakap siya nito habang mahimbing ito natutulog.Sandaling natigilan si Raine. Tahimik niya'ng tinitigan ang maamong mukha ni Crassus.“Good morning..” bati ni Crassus kahit nakapikit.Namilog ang mata ni Raine. Nahigit niya ang kanyang hininga. “G-good morning,” ganting bati ni Raine. Napakurap siya. “K-kanina ka pa gising?”“No,” Crassus r
Matiyagang naghihintay si Raine sa labas ng clinic ni Dr. Bianchi. Kasalukuyan namang kinakausap ni Crassus si Kien. Nagbibigay ito ng instructions kung ano ang gagawin.May rounds pa kasi si Dr. Bianchi. Hindi pa open ang clinic nito kaya naghihintay pa sila. Siguro ay dahil marami pa itong ina
Nang marinig ni Crassus ang balitang iyon ay pinuproseso pa ng utak niya ang kanyang narinig. Nang maunawaan na niya ang lahat ay hindi siya makapagsalita dahil sa gulat. Nagpagting ang tainga niya at sabay iling ng dahan-dahan."B-bud, that's not true."Kaagad nilukob ng pag-alala ang Doktor nang
Paggising ni Raine sa umaga ay wala na sa tabi niya si Crassus. Napakurap siya. Pikit-matang siya bumangon at nag-inat ng braso. Tinitigan niya ang pwesto ni Crassus. Nang makitang maayos iyon at wala man lang ni kahit anong bakas ng amoy nito ay nalungkot siya. Lumaylay ang kanyang balikat. Hinap
"Fragolina?"Napalingon si Raine sa kung saan nanggaling ang boses. Napatayo siya nang makitang pumasok si Crassus sa opisina niya. "Crassus?" takang tanong ni Raine nang lapitan niya ito. Napakurap siya nang makita ang mga dala nito. "Ano'ng ginagawa mo rito?"Ito ang unang pagkakataon na pumunta







