Share

Chapter 5

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2024-11-20 21:05:56

PAGKASARADO PALANG NIYA NG PINTO NG CR ay kaagad na siyang napasandal dito. Napahikbi siya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nang marinig niyang medyo napalakas ang kanyang pag - iyak.

Napatitig sa kawalan si Raine. Kasabay nang kanyang pagtitig ay pag - alala ng nakaraan na pilit niyang binaon nang panandalian sa kanyang isipan.

Anim na taon ang nakakaraan nang mangyari ang isang napakalagim na aksidente sa kanyang Ama. Napapikit siya nang maalala niya ang karanasan nito.

Nahulog sa gusali ang kanyang ama. Mahigit dalawampung palapag ang kinabagsakan nito dahilan para hindi na ito mabuhay. Naisip niya pala kung gaano kataas ang kinabagsakan nito ay hindi niya maiwasang mapa - isip. Kung ano ang nararamdaman nito habang nahuhulog ito sa ere.

Hindi ito naging madali para sa kanila, lalo na sa kanyang Ina. Malaki ang naging epekto nito kaya hindi naging maganda ang mental health nito. Dahilan para masuot naman ito sa isang car accident.

May natatanggap naman silang kompensasyon ng kanilang Papa, kasama ang kompensasyon at kabayaran mula sa may - ari ng sasakyang nakabangga sa kanyang Mama. Napagamot nila ito sa ospital na sa loob na mahigit dalawang taon, ngunit kagaya ng isang baul na unti - unting nauubos. Nagastos na nila ang lahat ng pera. Bukod din sa malaki ang pang - araw - araw na hospital bills ng kanyang Mama ay matagal na rin itong nakahimlay roon. Bagay na ikinaubos din ng kanilang yaman.

Nang kaunti nalang ang natitirang pera ay nagpasya na si Raine. Para may maipangtustos siya ay tumutulong siya sa kanilang guro para magkapera kahit papaano. Kung wala naman siyang ibang mapagkakitaan ay papasok naman siya bilang isang tutor. Kung anu - anong legal na raket na ang pinasukan niya, may maipangtustos lang siya sa bills ng kanilang Mama.

Pero kahit anong kayod niya, hindi pa rin sapat.

Noong kasagsagan na ng kanilang kahirapan ay nakapagbitiw ng salita ang kanyang kapatid. Hindi niya alam kung paano nito nasikmurang sabihin iyon. At hinding - hindi niya iyon makalimutan mapaghanggang ngayon.

"Mas mabuti pang ipatanggal na natin ang oxygen ni Mama habang maaga pa, Raine," suhestiyon ng kanyang kapatid habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Ano?" Hindi makakapaniwalang sambit ni Raine. Nabitawan niya ang hawak na walis. "Baliw ka ba?"

"Hindi." Maikling sagot pa nito.

Sa inis niya ay nilapitan niya ito at pinaharap sa kanya. Tinulak niya ito. "Ano ka ba? Nanay natin iyon! Hinanapan ko na nga ng paraan para mabuhay pa siya. Tapos patatanggalan mo ng tubo?! Hindi makatao iyang sinabi mo! Mas mabuti nang may matawag pa tayo na Mama keysa sa wala! Hindi bale ng hindi siya sumasagot o nagsasalita! Kaysa nandito tayo sa mundong ito na wala naman tayong Ina! Tandaan mo iyan!"

Nang maalala ni Raine ang katagang binitawan niya sa panahong iyon ay kaagad niyang pinunasan ang kanyang luha. Lumabas siya ng cr at mabilis na tinungo ang kanyang Mama.

Hinawakan ni Raine ang kamay ng kanyang Ina. "Ma, nagpeprepara po ako para sa exam ng CPA."

Hinaplos niya ang kamay nito. "Bigyan niyo po sana ako ng basbas para maipasa ko ang exam. Kasi kung makapasa ako, marami na pong magandang opurtunidad, Ma."

"Siyempre po kapag ganoon, makapag - hanap po ako ng magandang trabaho. Tapos, tataas kahit papano iyong sweldo ko. Baka nga may posibilidad na maka - kuha ako ng isang milyon kada taon. Kung papalarin po ako, may ipampabayad na po tayo sa pampaospital mo."

Ngumiti si Raine ngunit unti - unti itong nabura nang hindi siya makatanggap ng sagot mula sa kanyang Mama. Napalunok siya.

Sa loob ng mahigit dalwang na taon, umaasa si Raine sa isang milagro. At iyon ay ang pagmulat ng mata ng kanilang Ina. Kung magigising na ito, tiyak niyang gagaan ang kanilang loob.

Na sana ay magigising na ito, na sana ay sasagot na ito sa mga tanong nila. Na sana ay may makikinig na sa kanya habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. Tapos tatawagin na naman siya nito sa pangalang, "Tina, Tina."

Nasasabik na siya sa ganoong senaryo . Ni hindi na niya alam kung ilang beses na iyon nagpabalik - balik sa kanyang isip. Na sana ay katulad pa rin ng dati ang lahat, tulad noong bata pa sila. Walang problema at kompleto pa ang kanilang pamilya.

"Kailangan ko ng bumalik sa trabaho, Ma. Hindi pa kasi ako nakapag - exam sa CPA. Kaya hindi ko pwedeng sayangin ang opurtunidad na binigay sa akin ng kompanyang pinasukan ko." Pang - eenganyo pa ni Raine sa kanyang sarili.

Kapag nagtatrabaho pa siya sa Forgatto, may aasahan pa rin siya na sweldo. Mabuti na rin iyon dahil may magagamit pa siya para sa expenses at medical bills ng Mama niya.

Pero napapadalas ang paghingi niya ng leave. Hindi na niya alam kung hanggang kailan ang pagtatrabaho niya sa kompanya. Baka nga sa susunod niya na pag - leave ay sisibakin na siya sa trabaho.

Pasado alas otso na ng gabi nang umalis siya ng ospital. Nang nasa bungad na siya ng gusali ay sinalubong siya ng malakas na ulan. Nagpasiya siyang sumakay nalang ng bus para makabalik siya ng matiwasay sa kompanya.

Binuklat niya ang dalang payong nang huminto ang sinasakyang bus sa tapat ng kompanya. Tumakbo siya papunta sa entrada ng gusali. Kipkip sa dibdib ang dalang bag na kulay itim.

Nasa katawan at sa dalang bag ang atensiyon ni Raine habang papasok nang gusali. Pinunasan niya ang bahagyang mga talamsik ng tubig.

Pagkapasok niya sa lobby ay nakita niya si Mr. Almonte.

He is still wearing his black suit. His one hand is in the side pocket of his black trousers while the other one was holding a mobile phone.

Kausap nito ang clerk na nasa front desk. The spotlight in the company lobby were bright and shining, making him look more noble and distant.

Biglang kinabahan si Raine.

Nitong nakaraang buwan lang ay hindi niya ito nakikita. Tapos ngayon ay para itong kabute na biglang susulpot at nagpapakita. Napapadalas na yata na pakalat - kalat ito sa kung saan - saan.

Dumaan ito sa harap niya habang nasa tainga ang aparato. May kausap ito sa cellphone.

Siya naman ay pumasok sa loob ng elevator. Nang makapasok na siya room ay nabungaran niya ang likod at ang pigura ng kanilang amo.

Malakas pa naman ang ulan ngayon at hindi niya alam kung may dala ba ito na payong.

May naalala si Raine mula sa nakaraan.

Dati kapag umaalis ang Papa niya ay hindi ito mahilig magdala ng payong. Kaya palagi niya itong hinahabol palabas para bigyan ito ng isa. Bilang ganti ay hahaplusin naman nito ang kanyang buhok sabay sabing," malaki na ang Raine namin ah? Alam na niya kung paano alagaan ang Papa."

Hindi niya namalayan na napaluha na pala siya. Kaagad niya ito pinunasan sabay pindot ng fifth button sa elevator.

Gaya ng ipinangako ni Raine, nag - overtime siya hanggang alas kuwatro ng madaling araw.

Hindi na siya uuwi sa nirentahan niyang bahay. Balak niya sana ay sa kompanya nalang siya matutulog habang maghihintay ng oras ng trabaho.

Malalim na ang kanyang pagtulog nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Nabulabog siya. Kinapkap niya ang kanyang cellphone habang nakauklo parin sa mesa ang kanyang ulo.

Tinignan niya ang cellphone. Napaayos siya nang upo nang makitang si Dr. Riacrus ang tumawag.

"Ms. Villanueva?" Bungad pa nito.

Humikab muna siya bago sumagot. "Opo, Dok. Napatawag po kayo?"

Narinig niya ang pag - buntonghininga nito. "Hija, after you left yesterday, something happened to your Mom."

"Po?"

Napatayo siya.

"Your mom had a fever. The initial speculation is that there is accumulation in the lungs ---"

Napatda siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 398 - Her cousin vicious plan

    Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Paul Tyler ay hindi na mapakali si Erasha. Halos hindi na maampat ang kanyang ngiti. Kung may dadaan lang sa harap niya ngayon, baka mapagkamalan pa siya na may saltîk."Ay pakshît!" Bulalas ni Erasha nang mabasa ang oras.Mabilis na tinawagan ni Erasha si Raine. Malapit na ang lunch break kaya kailangan niyang makausap ito. Habang papalabas siya ng department nila ay panay niya itong tinawagan pero ayaw nitong sumagot. Inis na binaba ni Erasha ang cellphone. Hinanap niya ang numero nito. Saka siya nagpadala ng text messages.....[Pasagot ng tawag, please?] pakiusap pa ni Erasha habang inis na nagtitipa ng cellphone.Tsk! Ano ba 'yan." Tinapik niya sa kanyang baba ang hawak na cellphone. "Ayaw pang sumagot eh. Parang iyan lang," inis na wika ni Erasha.Muli niyang tinawagan si Raine— at sa pagkakataon na iyon ay sumagot na ito sa tawag niya."Raine," masayang bati ni Erasha. "Mag-lulunch ka na?""Bakit ba?" Hindi na maitago ni Raine ang kanyang inis.

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 397

    Kalmadong bumaba si Erasha sa sala. Nakahawak siya sa railings ng hagdan habang nakatingin kina Athelios at Paul Tyler na nag-uusap. Biglang lumingon sa kanya ang amo ng kanyang pinsan kaya ngumiti siya ng napakatamis.Nilapitan niya si Athelios. Tinapik niya ang balikat nito. "Naistorbo ko ba kayo?"Napatingala si Athelios kay Erasha. "May sadya ka ba?Umiling si Erasha. " Oo." Saka niya tinuro ang kusina. "Kukuha lang ako ng maiinom.""Ah—" tipid na usal ni Athelios sabay tingin ulit kay Paul Tyler.Naglakad si Erasha patungo sa kusina. Lumapit siya sa ref para kumuha ng isang pitcher. Saka siya nagsalin ng tubig sa baso.Habang umiinom ng tubig ay tahimik siyang nakikinig sa usapan ng dalawa. Pagkatapos uminom ni Erasha ay dahan-dahan niyang nilapag sa lababo ang ginamit na baso. Maingat niyang ibinalik sa ref ang pitcher. At saka pumagilid para makinig sa usapan nila Athelios.Sinubukan ilapat ni Erasha ang tainga niya sa pinto pero hirap pa rin siyang sumagap. Masyadong malabo s

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 396

    Tumaas ang kilay ni Raine sa narinig. Manghang napalingon siya sa kanyang pinsan na si Erasha. Umismid siya. "Akala ko ba mas magaling ka sa akin?" Pagpapaalala ni Raine sa sinabi ni Erasha noong nakaraan. "Bakit magpapatulong ka pa?"Nagkibit-balikat si Erasha. "Para mas madali." Ngumiti siya ng matamis. "Saka mabait ka eh. Nature mo na ang tumulong sa mga kaanak mo."Umangat ang gilid ng labi ni Raine. "Kaya aabusuhin mo? Bulong pa niya sa sarili."May sinabi ka? Takang tanong ni Erasha "Ah-!" Umiling si Raine at saka pekeng ngumiti. "Wala."Mabilis na ipinasok ni Raine ang mga gamit niya sa kahon. Hindi na niya initindi si Erasha. Ams ugustuhin pa niya na magmadali para maiwasan niya ito.Kaso, paglabas niya ng opsina ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Kahit na nakarating na sila sa hallway ay parang wala itong balak na bumalik sa department nito.Binalingan ni Raine si Erasha. Huminto siya sa paglalakad. Napahinto naman ito."Hindi ka ba babalik sa department mo?" Tanong ni Raine

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 395

    "Raine Athena..."Nagkaharap sina Raine at Crassus. Sinikap ni Raine na hindi makipagtitigan pero kahit ano'ng gawin niya, natantangay siya sa ginagawa nito. Napansin ni Crassus na hindi maayos ang lapel ni Raine. Kumunot ang noo niya. Sa halip na makipagkamay, inayos niya ang kwelyo nito."What's the matter with you?" Crassus asked.Raine wore a black suit with a white shirt underneath. Because she was the most qualified, she stood at the very end of the row."You can't even fix your collar," Crassus said. ''Let me help you."Inayos ni Crassus ang collar ni Raine. Kaagad na inulan ng tukso ang dalawa. Namula ang pisngi ni Raine at hindi siya makatingin kay Crassus."Hold still," Crassus ordered. "There." Inilapit ni Crassus ng bahagya ang kanyang ulo kay Raine. Kaunti na lang ang kulang ay pwede na niya ito mahalikan. Tinabingi niya ang kanyang ulo at tinitigan ang tungki ng ilong nito."Congratulations," bati ni Crassus. "Ang sweet!" Hindi mapigilang usal ng babaeng katabi ni Rai

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 394

    "Gusto mo, huhulaan ko?"Sumimangot ng husto si Raine. Kahit na kaharap pa niya si Crassus, talagang hindi na siya nahihiya na ipakita ang kanyang emosiyon.Tumalim ang mata ni Raine. "Tigilan mo na nga ako," asik niya. "Kailan ba ako pwedeng pumasok sa trabaho?""Next week."Hindi makapaniwalang kumurap si Raine. "N-next week? Napaawang ang labi niya. "Ang tagal pa no'n. Lunes pa lang ngayon.""So take your time to rest," Crassus said. "Ayaw mo no'n?""Hindi naman pwede na buong araw ako matutulog," pangatuwiran pa ni Raine. "Mabuburyo na ako rito. Wala akong kausap.""Nandiyan si Lolo. Bakit hindi mo siya samahan?"Ngumuso si Raine. "ng buong araw?""Yes."Lumaylay ang balikat ni Raine. "Gusto kong magtrabaho, Crassus. Matutuyo ang utak ko sa trip mo.""Then study. May mga libro ka naman diyan hindi ba?"Natahimik si Raine. Sandali siyang napaisip.Umangat ang gilid ng labi ni Crassus. "Kung kulang pa ang mga libro mo, pwede kang pumunta sa study room ko. May mga libro rin sa librar

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 393

    Kanina pa naka-alis Crassus pero hanggang ngayon ay lutang pa rin si Raine. Gabi na at nasa garden na siya ng villa tumatambay. Tapos na sila mag-usap pero laman pa rin ng kanyang isip ang naging paksa nila kanina.Pagkatapos nila mag-usap ni Crassus ay umalis na ito. Iniwan siya kasama ang tray na dala nito.Tulalang nakatayo si Raine sa gitna ng garden. Hindi niya alam kung ilang beses na siya tumayo at umupo—pero wala siyang pakialam. Sadyang puno lang talaga ang laman ng utak niya ngayon.Napalitan ng malamig na ekspresiyon ang mukha ni Raine nang maalala niya ang sinabi kanina ni Crassus. Naglapat ng mariin ang labi niya. Sa sobrang tensiyon ng kanyang nadarama, nakurot pa niya ang kanyang braso habang nakahalukipkip."Bwesît," bulong ni Raine. "Ano ba, Raine. Bakit ka umiiyak?" Pagkastigo niya sa kanyang sarili.Marahas na pinahid niya ang kanyang luha. "Tama naman talaga ang sinabi niya. Bakit ka pa nasasaktan? Mas importante sa kanya ang negosyo. Tandaan mo, hindi pa tapos ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status