Share

Chapter 2

Chapter 2

Parang sasakit buong gabi ang ulo ni Dale sa sinabi nito. Kaya ayaw niya dito. Masiyadong agresibo. Parang hindi babae kumilos.

"Ano'ng sabi mo?" kunot noong tanong niya.

"Sabi ko kain ka. Ito unahin mo lasagna," all smile pa rin na sagot nito.

Napailing siya at sumubo na.

Natigilan siya sa pagnguya nang sumayad sa dila niya ang lasagna. Walangya. Ang sarap. Saktong-sakto ang alat, may sipa ng kaunting asim at ang lambot ng noodles sakto rin. Hindi malabsa.

"Masarap?" hopeful na tanong nito

"Pwede na," hindi ngumingiting aniya.

Ewan. Ayaw niyang bigyan ito ng positive na sagot. Lihim siyang napangisi nang umayos ito ng upo at nanahimik na.  Mukhang hindi na siya nito kukulitin. Buti naman.

"Happy Birthday Lolo Greg!" anang Nanay niya na hawak ang chocolate cake kaya napakanta sila ng birthday song.

"Wish ka Lolo!" ani Dylan habang nakatapat dito ang cellphone nito.

"O sige. Sige," nakangiting anang matanda saka pumikit at hinipan ang kandila makalipas ang ilang saglit.

Palakpakan naman sila.

"Ano'ng winish mo Lo?" usisa ni Dahlia.

"Siyempre ano pa ba? Sana pahaba-habain pa ang buhay ko kung hindi man ako gumaling. Para may makasama ka."

Sandaling natahimik si Dahlia.

"Lo...naman. I'll be okay. Kung hindi mo na kaya don't force yourself. I promise I'll be your good girl forever, saka andiyan naman si Kuya Warren," ani Dahlia na nangingilid ang luha.

Somehow kahit asar siya dito, ramdam niya ang simpatya para dito. Kawawa nga naman ito pag naiwang mag-isa.

Hindi niya alam kung natrain na ba itong humawak ng iba't-ibang negosiyo ng Lolo nito. Pero kunsabagay nariyan naman ang Kuya nito.

"Iba pa rin 'yong alam kong may makakasama ka bago pa man ako mawala dito sa mundong ibabaw. Hindi ba Dale?" nakangiting baling sa kanya ni Lolo Greg kaya nagulat siya.

"Po?"

Ito na. Kinucorner na siya ng mga ito.

"O hindi ba nasabi sa iyo ng mga magulang mo? Ipinagkasundo ko na sa'yo si Dahlia."

"N-Nasabi naman po kaya lang seryoso ba talaga kayo do'n? Ni hindi ko po nililigawan ang apo niyo," seryosong sabi niya.

"Naku okay lang 'yon. Saka mo na ligawan pag mag-asawa na kayo," parang balewalang mungkahi nito.

"Oo nga! Hindi naman ako maselan. O kung gusto mo, ako manliligaw sa'yo. Sige na marry me!" singit ni Dahlia na kanina lang ay malungkot, ngayon balik panghaharot na naman sa kanya.

Tawanan ang mga ito sa hayagang pagkagusto sa kanya ng dalaga. Ibig niyang mapangiwi pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Lolo Greg lalo na at may sakit pa man din ito.

"Ganito na lang. Date my apo within 2 to 3 months. Tapos kung hindi mo talaga magustuhan, eh, di saka ako hahanap ng ibang mapapang-asawa niya," ani Lolo Greg nang hindi siya makapagsalita.

Marahil ay ramdam nito na tutol siya talaga sa arranged marriage. Para sa kanya napaka old school niyon.

Hindi dapat pilit ang pagpapakasal. Hindi rin dapat dinidiktihan ang nararamdaman ng kahit na sino. Maling-mali iyon.

"Oo nga! Pa-experience ka naman!" sulsol pa ni Dahlia sa tabi niya pero hindi niya ito tinapunan ng pansin.

"Sige po Lo..." pagpayag niya.

Mas okay na iyon kaysa sa kasal. 2-3 months lang naman niyang titiisin si Dahlia. Iyon man lang makapagpagaan sa kalooban nito.

"Talaga? Dating na tayo? Pasyal mo ko sa weekend ha? Sa enchanted tayo!" halata ang excitement sa boses ni Dahlia at inalog-alog pa ang braso niya.

Kung hindi lang ito babae malamang kanina pa ito namuro ng batok sa kanya. Nagdemand agad.

"Maganda 'yan. Sige ako na kukuha ng tickets niyo para sa unli ride," bakas din ang tuwa sa boses ng Tatay niya.

Gusto niya tuloy sipain ang paa nito sa ilalim ng mesa.

Ipinagpatuloy nila ang pagkain, natakam siya sa pancit Canton na nakahain. Kumuha siya at naglagay sa plato at kumain.

"Favorite ni Lolo 'yan. Ako rin ang nagluto!" bulalas ni Dahlia na ikinagulat niya. Muntik na tuloy malaglag ang pancit sa bibig niya, mabuti na lang at nahigop niya kaagad.

"'Wag ka ngang nagsasalita ng basta. Nakakagulat ka," bahagyang sita niya dito habang nagpupunas ng bibig dahil nakalatan iyon ng pancit.

"Bakit ganyan ka makatingin?" kunot noong tanong niya sa babae nang mapunang nakatitig lang ito sa kanya.

"Ang lakas mo humigop. Masarap ka sigurong ka-cantunan."

Halos malaglag na naman siya sa kinauupuan.

"Dahlia!"

"What? Totoo naman. Mukhang masarap ka kasamang kumain ng Canton. Magana ka kumain. Kaya kain tayong Canton sa EK pag nagpunta tayo do'n. Magbabaon ako."

Ah...ka-cantunan. Iba kasi ang dinig niya.

Lokong babae 'to!

Nakukunsumi na siya, samantalang wala pang isang oras na magkasama sila.

Masaya namang natapos ang munting salu-salo ni Lolo Greg. Nang pauwi na sila ay hinatak siya ni Dahlia kaya natigil siya sa paglalakad.

"What?" iritableng aniya.

"Tito, Tita, mauna na kayo. May sasabihin lang ako dito kay Dale.

"O sige. Mauna na kami, may pasok pa si Dylan bukas. Thank you uli!"

Kumaway pa si Dahlia sa mga ito bago siya muling hinatak papasok sa loob.

"Ano bang sasabihin mo? Bakit kailangan mo pa kong dalhin dito?" takang tanong niya nang dalhin siya nito sa garden. Medyo madilim doon at isang ilaw lang ang bukas.

"Gusto ko lang kasing ibigay 'to sa'yo," nakangiting anito at hinubad ang suot na kwintas, nakatago sa loob ng dibdib nito ang palawit niyon.

Singsing. It was a gold ring.

"Hey! Ano ba?" iniiwas niya ang kamay nang hagipin nito iyon at akmang susuotan na ng singsing na hinubad nito sa kwintas.

"Ang sungit mo naman..." napangusong sabi nito. Parang batang pinagalitan.

"Bakit mo ba kasi isusuot sa'kin 'yan?" hindi nawala ang iritasiyon sa mukha niya.

"Ikaw ang fiancé ko kaya ibibigay ko sa'yo 'to. Ito daw ang engagement ring nina Mama at ni Papa ko sabi ng Lolo. Nakuha ko 'to sa gamit nila," kwento nito na ikinailing niya.

"Hindi mo ko fiancé. Dating lang. At sa loob lang 'yon ng dalawa hanggang tatlong buwan. Kapag hindi nagwork out walang kasalang magaganap," seryosong paalala niya.

"Kaya nga! I'll make sure na madidevelop ka sa'kin. Sa ganda kong 'to?"

"Maraming magandang babae diyan Dahlia. At saka alam mo naman na may nililigawan ako diba?" prangkang aniya.

Ayaw niyang magkunwari. Kaya ngayon palang nagpapakatotoo na siya.

"Sino? Si Lauren? Eh, maputi lang 'yon, eh! Di naman maganda. Pangit pa ugali!"

"Tingin mo ikinaganda ng ugali mo na pintasan siya?"

"Sus! Oo na. Siya nililigawan mo pero ako pa rin fianceé mo! Kaya mas mataas level ko. Kaya para malinaw sa'yo...let's seal it with a kiss..." suddenly her innocent face became seductive.

Napaatras siya. Pero hinatak nito ang kwelyo ng damit niya. Bago pa siya makahuma ay n*******n na siya nito sa mga labi.

Natuliro ang sistema niya nang lumapat ang mainit at malambot nitong labi.  Parang singlambot iyon ng bulak.

Nanlalaki ang mga mata niya. Masiyadong mabilis si Dahlia!

Kung kailan natutukso na siyang tugunin ito ay saka naman ito kumalas. Ngiting-ngiti pa ito sa kanya.

"Ayan! Natatakan na kita kaya wala ka ng kawala. Good night!" maaliwalas ang mukhang paalam nito bago siya kinawayan at patakbong pumasok ng bahay.

Napahawak siya sa mga labi. Hindi niya magawang magalit sa kalokohan nito. Parang nagustuhan pa nga niya ang ginawa nito...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status