Share

Chapter 38

"Naloloko ka na ba? Hindi pwede yang sinasabi mo!" tutol niya sa gustong mangyari ni Shaun Dale na magkasama sila muli.

"Sabi mo lahat?"

"Paano si Celine? Ikakasal na kayo!"

Tila natigilan ito sa tanong niyang iyon. Di yata’t noon lang nito naisip ang ibig sabihin ng hinihiling nito sa kanya.

Kung pwede lang sana. Kung walang masasagasaan. Kung walang masasaktan. Hindi na siya magdadalawa o magsasampung isip pa sa hinihingi nitong kapalit, mapatawad lamang siya nito. Kahit na hindi niya alam kung ano ba talagang totoong motibo nito kung bakit nito gugustuhing makasama siya ulit? She couldn’t careless kung paglalaruan man siya nito.

Pero maling-mali. Ibinilin pa nga ito ni Celine sa kanya. Tapos ano? Matuturingan siyang bantay-salakay? Ahas? Mang-aagaw? At kung anu ano pang pwedeng iparatang sa kanya sa oras na pumayag siya sa gusto ng binata. Bumunot siya nang malalim na hininga.

"Shaun Dale...hindi mo siya puwedeng saktan, kung hindi mo man ako mapatawad sana kalimutan mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status