Share

Chapter 3

Chapter 3

Ngiting-ngiti si Dahlia habang papasok sa unang klase niya. Nasa huling taon na sila ng kursong Information Technology.

Sa totoo lang hindi naman talaga siya mahilig sa programming pero naaliw na rin siya sa kumplikadong mundo ng mga I.T.'s

Si Shaun Dale lang talaga ang pasok sa criteria ng pagiging I.T. dahil related dito ang kumpanya ng mga ito.

Ang Villamor Electronics. They sell mobile phones, tablets, TVs and home theaters, computers, printers, home appliances at kung anu-ano pa na ang mga ito din ang gumagawa.

Sa pagkakaalam niya, sa Lola nito sa father side namana ang negosiyong iyon dahil parehas naman kasing vet ang mga magulang nito.

Ang swerte nga raw ng makakatuluyan ni Shaun Dale, regardless, wala siyang interest sa wealth ng family nito. Dahil ito mismo ang gusto niya.

Samantalang ang pamilya ni Dahlia ay mas kilala sa clothing line bukod sa iba pa nilang negosiyo. Kung minsan hobby niya ring magsketch ng mga kung anu-ano'ng stilo ng damit. At kadalasan kapag naiisip niya si Shaun Dale ay idinudrawing niya ang magiging wedding gown niya.

May Kuya rin siya, si Warren. Pero nakabase ito ngayon sa Italy at bihira umuwi, pero nang malaman nito ang sakit ng Lolo nila ay nagbabalak na itong umuwi.

"Hoy Dahlia! Parang ang saya-saya mo naman today?" puna ni Peachy nang makapasok siya ng lab. Bukod sa software, may subject din sila sa hardware na kung anu-ano'ng klase ng wirings ang ipinapaconnect at kailangang paganahin.

Sa totoo lang, Pocholo naman talaga ang pangalan nito, pero dahil feeling nito ay girl ito, hayun isinilang ang pangalang Peachy. Kaibigan niya ito mula first year college palang sila. Ang kutis nito ay parang sa babae dahil maputi at makinis. Kasing taas niya ito at palaging pak na pak ang kilay.

Apat sila sa barkada. Siya, si Peachy, si Nathalia at si Liam.

"Siyempre. Dami na ngang problem ng earth, malulungkot pa ba tayo?" malayong sagot niya saka naupo sa tabi nito.

Pero sa totoo lang masaya siya dahil may first kiss na siya. Ninakawan niya kasi ng halik kagabi si Dale. Lakasan lang iyon ng loob. Hindi man ito nagresponse pero proud siyang n*******n niya ito.

Naalala na naman niya nang halikan niya ito kagabi. Kilig much talaga. Ang sherep...

"Tumpak. Uyyy...si Shaun Dale, oh!" pasimpleng nguso nito sa pintuan kaya nagbalik siya sa kasalukuyan.

Di naman kasi lingid sa mga ito na love na love niya si Shaun Dale. Pati nga yata buong campus alam ang pagkakagusto niya dito dahil very vocal talaga siya sa feelings niya dito.

"Hi Shaun Dale!" masiglang bati niya sa binata nang mapadaan ito sa gawi ng table niya.

Literal na bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Gwapong-gwapo ito sa suot na deep grey polo shirt at skinny jeans. Fresh din at halatang bagong shower.

As usual, tumingin lamang ito at balewalang dumiretso sa table nito matapos niyang batiin.

Ibig niyang mapasimangot, pero iniisip na lang niya na baka nahihiya ito dahil hinalikan niya ito.

"Alam mo? Bakit ba bati ka nang bati sa lalaking 'yon? Ni hindi ka naman pinapansin," bungad ni Liam na kasunod lang pala ni Dale.

"Eh, bakit? Malay niyo nasha-shy lang siya sa'kin kaya ako palaging dinideadma," katwiran niya.

Napailing ang kaibigan niyang si Liam, gwapo rin ito, katamtaman lang ang tangos ng ilong at nakaclean cut ang stilo ng buhok. Moreno at kasing taas ni Dale sa height na 6'1". Ito at si Shaun Dale ang palaging nag-aagawan sa spot ng top 1 sa klase.

"Tsk. tsk. Grabe siyang mahiya. O hindi kaya dapat ikaw ang mahiya kasi palagi ka naman niyang ipinapahiya?" seryosong anito saka naupo sa tapat niya sa mahabang mesang nakapagitan sa kanila.

"Just let me be okay? Masaya na ko na nakikita ko siya araw-araw."

"Ang swerte naman pala talaga niya..." malalim ang buntong hininga na komento nito.

"Hello! Ano ng pinag-uusapan niyo diyan? May new chika ba?" bungad ni Nathalia na kadarating lang kaya hindi na siya nakapagtanong kung ano bang ibinulong ni Liam.

"May nagsiselos kasi dito," tatawa-tawang sagot ni Peachy.

"Ha? Sino?" sabay pa nilang tanong ni Nathalia.

"Obviously si-"

"Okay class, good morning! I want to group yourselves into 4, may activity tayo," biglang pasok ang Prof na si Mrs. Andrada, 45 anyos, medyo chubby pero pleasant looking pa rin kaya umayos na sila ng upo.

May activity na ipinagawa sa kanila at dahil apat ang kailangan, sila ng magbabarkada ang nag group. Kasalukuyan siyang nagsusulat for conclusions nang mapatingin siya kay Shaun Dale. Ang kanyang prinsipe.

He's still busy, trying to finish the activity with flying colors. Kinikilig siya sa isiping ikakasal sila balang araw.

Hindi niya maiwasang magsearch about honeymoon nang mapatingin sa phone niyang nasa ibabaw lang ng lab table.

Siguro dahil likas na pilya ay tila may sariling isip ang kamay na magsearch tungkol sa se.x positions.

Napunta siya sa site ng kama sutra.

An Indian love book with different types of se.x positions in it. Napatawa siya ng mahina dahil parang nakakangawit ang mga positions doon.

"Tapos ka na ba Miss Montallan at tumatawa-tawa ka diyang mag-isa?" boses sa tagiliran na ikinagulat niya kaya nalaglag ang smartphone niya sa sahig dahil nabitawan niya.

Nasa tabi niya ang prof na si Mrs. Andrada, nakaangat ang manipis na kilay. Ayaw nga pala nitong nagsicellphone sa klase nito.

Akmang pupulutin na niya iyon pero naunahan na siya nito.

Napakagat siya sa daliri nang makita nito ang site na tinitingnan niya! Patay!

"Santisima! Patawarin ka! Dahlialyn! Bakit ganito ang inaatupag mo sa klase ko?" napalakas ang boses na tanong nito nang makita ang digital illustration nang babaeng nakabend habang nasa likod ang lalaki.

Napalingon tuloy lahat sa gawi niya.

Including Shaun Dale.

"Ah...Ma'am patapos na po ako...ito na po ipapasa na," kabadong aniya at akmang aabutin ang cellphone pero iniiwas nito iyon.

"Kama Sutra? Nagsisearch ka about..." hindi nito naituloy ang sasabihin dahil napa "WOAH" ang mga kaklase niya na malamang ay alam din ang ibig sabihin ng kama sutra.

"Ehehe...for info lang naman po 'yan. Tingin niyo po ano'ng pinakamaganda?" biro niya para mabawasan ang kaba.

"Ah...ito. Ganito kasi ang favorite namin ni Mister," parang kilig na sabi nito at nawala ang kasungitan sa mukha habang itinuturo ang ang isang position.

"Talaga po? Ano pa?" interested na tanong niya.

"Oo. Alam mo okay din ito...heh! Loko kang bata ka! Idinadamay mo pa ko sa kalokohan mo! Pambihira ka, ah? Noong highschool ako, kapag nahuhuli ako ng teacher ko ay dahil nagbabasa ako ng romance pocketbook, tapos ngayon upgraded na? Kama sutra?" tila natauhang anito at ipinilig pa ang ulo.

"Sorry na po Ma'am di na mauulit promise!" kumbinsi niya at kinapitan pa ito sa braso.

Mabait naman kasi talaga ito. Marunong makibagay sa students. At kailangang malambing niya ito or else mapapahiya siya kay Dale!

"Give me one solid reason kung bakit kailangan mong magsearch ng ganyan sa oras ng klase ko? Or kung hindi i-koconfiscate ko itong phone mo at absent ka for today's class," seryosong sabi nito.

"K-Kasi po ano..."

"Ano?"

"Ano...eh..."

"Ano nga Miss Montallan?"

"Ikakasal na po ako!" pabigla niyang sabi.

"Ikakasal kanino?" si Liam ang gulat na nagtanong.

Napayuko siya sabay tingin kay Shaun Dale. May warning look ito dahil naniningkit ang mga mata. Nagkakaingay na rin ang mga kaklase niya dahil nakakahiya naman talaga ang ginawa niyang magsearch sa kama sutra.

"Kay Shaun Dale po!"

"Shaun Dale Villamor?" gulat na tanong nito sabay tingin kay Dale.

"Opo..."

Napuno ng panunukso ang classroom. Puro 'YIEEE' at congrats ang nakuha nila. Pinagbatuhan pa sila ng ilang putol na mga wirings na ginamit nila sa activity.

Ramdam niya ang pagdaloy ng dugo sa magkabilang pisngi niya.

"Naku friend! Congratulations!" halos tili nina Peachy at Nathalia na inalog-alog pa ang magkabilang braso niya.

"Sshhh! Class settle down! Quiet!" saway ng Prof nila bagama't natatawa na rin dahil sa biglaang announcement niya.

"Well...what can I say? Love wins? Congratulations! Kaya naman pala, nagriready ka na. But next time, be sure na hindi ka na magsisearch ng ganyan sa time ng klase ko okay?" kundisyon nito saka inilapag sa harap niya ang cellphone.

"Opo thank you, sorry po ulit," aniya at dali-daling kinuha ang smartphone saka ibinulsa iyon.

Hindi siya ngayon makatingin kay Shaun Dale. Dahil tiyak niyang lagot siya!

_*_*_*_*_*_

"Ginulat mo kami do'n, ah? Ikakasal ka na pala? And to top it all, kay Shaun Dale pa! Your dream guy!" halata ang tuwa sa reaksiyon ni Nathalia habang palabas sila ng classroom.

"Eh, arranged marriage gano'n. Ayaw pa nga niya kaya hindi ko kaagad nasabi sa inyo," ngiting-ngiti aniya.

"Nag-i-exist pa pala ang old trad na 'yan? That sucks!" palatak ni Liam.

"Hindi 'yon sucks 'no! Lalo na at pabor sa ating frenny! Just be happy unless nagsiselos ka lang?" pang-aasar ni Peachy dito.

"Ikaw Pocholo kanina ka pa, ah?" may warning tone sa boses ni Liam.

Nung first year kasi sila, nanligaw si Liam sa kanya. Pero hindi niya sinagot dahil si Shaun Dale talaga ang gusto niya. But at least now they're friends.

"Pocholo ka diyan? Loka! Imbiyerna ka!" irap ng bakla dito.

"Dahlialyn!"

Napalingon siya nang marinig ang pangalan. It was Shaun Dale. Salubong ang kilay.

"Hubs bakit?" nakangiti niyang tanong.

"Ano'ng hubs?" lalong nagsalubong ang kilay na tanong nito.

"Short for Hubby 'cause you're my husband to be..." banat niya kaya lalong mukhang nag-init ang ulo nito.

"Halika nga rito," hinawakan siya nito sa braso, iginiya palayo sa barkada.

"Bye!" kaway niya sa tatlo.

"Ano'ng pinagsasabi mo sa classroom?" halos magkalapat ang mga labing tanong nito habang naglalakad sila sa campus.

Hindi man mataas ang boses ay alam niyang asar ito base na rin sa pagkakasimangot.

"Engaged tayo. True naman diba?"

"We're just dating. Iyon ang usapan. After 2 to 3 months at hindi talaga tayo nagclick, engagement is over," paalala nito.

"Yeah I know, but just so you know, I'm pretty sure that you'll fall for me, sweetheart. Kasi gagawin ko lahat just to win you!" kagat labing aniya at malambing na ipinulupot ang braso sa braso nito.

Napamulagat ito at lumayo sa kanya.

"Bilib ako sa fighting spirit mo. Pero di ka ba nahiya? Nagbabasa ka ng…Kama Sutra?" parang ito pa ang napahiya sa tanong nito.

"Advanced learning lang pag naghoneymoon na tayo. Pero 'lam mo, parang nakakangawit pala 'yong mga positions dun? Halos magbale-balentong na 'yong--"

"Dahlia! Will you stop it?" putol nitong napapangiwi. Namumula ang makinis na pisngi.

"Shaun, Dahlia congrats!" bati sa amin ng isang grupo nang madaanan kami, taga kabilang section.

Ang bilis talaga kumalat ng chismis.

"Thanks! Invited kayo!" kaway niya sa mga ito.

"Ayos!" palakpakan ang mga ito kaya napasapo si Shaun Dale sa balingusan ng matangos na ilong.

"Ang init naman ng ulo mo..." napangusong puna niya dito.

"Pa'nong hindi iinit ang ulo ko? Tulad niyan, kada may makakilala sa atin, palaging sasabihing congrats! Ang awkward!" reklamo nito.

"Malamang iyon ang sasabihin sa'yo. Hindi ka naman namatayan at sa ganda kong 'to, talagang congratulations ang matatanggap mo!" full of confidence na sabi niya.

Napailing ito.

"Malamang nakarating na 'to kay Lauren," halatang worried na palatak nito kaya nalukot talaga ang mukha niya.

"Kaya ka pala nagagalit diyan dahil kay Lauren! You cheater!" nagpapadiyak na reklamo.

Her heart is aching in jealousy.

He laughed sarcastically.

"Alam mo Dahlia, technically wala talaga tayong relationship. Kita mo naman, harap-harapan ko na talagang sinasabi sa'yo na wala akong nararamdaman para sa'yo dahil ayaw kong paasahin ka sa wala. Bakit ayaw mo pang sumuko?" seryosong tanong nito.

Napakagat labi siya. Pinipigilang umiyak dahil nasasaktan talaga siya sa hayagang pagtanggi nito sa kanya.

"Then I challenge you!" tumigas ang mukhang hamon niya dito.

"Ano na naman 'yan?"

"Sasabihin ko kung papayag ka?"

Napaangat ang kilay nito at nagsmirk. Tila inaasar siya at sinasabing wala na talaga siyang chance dito.

"K. Shoot." pagkukwa’y pagpayag nito.

Hindi siya sumagot. Hinagilap niya ang kamay nito.

"Teka, sa'n ba tayo pupunta?" maang na tanong nito nang halos kaladkarin na niya ito palabas ng campus.

"Basta! In private dapat ginagawa 'to!"

"Ano’ng in private?" gulat na tanong nito pero hindi na siya sumagot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status