PABALIK-BALIK ang lakad ko simula pa kanina habang panay sulyap kay Caleb na mahimbing pa rin ang tulog.
Buti pa siya nakakatulog nang maayos. Samantalang ako ay kanina pa hindi mapakali.
Parang sasabog ang utak ko dahil sa nangyari. Hindi maalis-alis sa utak ko ang ginawa ni Caleb kanina.
Yes! Dahil isang malaking harassment ‘yun! Labag sa pagkatao ko’t hinding-hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang kabab*yan sa akin!
Ilang beses ko siyang niyugyog nang magising para hamunin sa suntukan pero talagang bagsak!
Nahinto lang ako sa kakalakad nang dumating na sila Tita. Ni hindi ko man lang napansin ang oras.
“Salamat talaga, Kenan.”
“Wala pong problema Tita, basta kayo.” Sayang! Dapat sinuntok ko na habang may pagkakataon pa.
Hindi na rin ako nagtagal at umuwi na. Humanda sa akin bukas iyong si Caleb.
“Kumusta si Caleb?” ang tanong ni Mama pag-uwi ko.
“Ayos lang,
HINDI ko mapigilang matawa matapos marinig ang sinabi niya. Tunay ngang nasisiraan na siya ng bait!Ako? Mamahalin siya?Naririnig niya ba ang sarili?!Hindi ako nagdalawang isip na sipain ang binti niya at nang masaktan ay nabitawan niya agad ako. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at agad ng lumabas ng kwarto pabalik sa bahay dahil doon lang ako safe. Nang makauwi ay ni-lock ko ang pinto ng kwarto. Pagkatapos ay sumandal habang ang kaliwang kamay ay nanatili sa doorknob.Baka kasi sinundan niya ako rito.Nang lumipas ang ilang sandali at walang Caleb na dumating ay doon lang ako nakahinga nang maluwag at tuluyan na ngang napaupo.Nanginig ang labi ko hanggang sa tuluyan na ngang tinakpan ng dalawang kamay. Hindi pa rin makapaniwalang… hinalikan niya ako!“Ano nang sunod kong gagawin?” Paano ko na siya haharapin?Dapat ba akong umiwas? Or kalimutan na lang ang lahat na parang walang nangyari?Dapat pa
ANG kapal talaga ng apog ng isang ito. Hindi man lang tinablan sa mga sinabi ko at nakukuha pa ring ngumiti na parang walang nangyari.“Gagamitin ko ang motor,” sabi ko pa kahit halata naman dahil kitang-kita niyang inilalabas ko ito.Lumapit siya at saka bahagyang inayos ang ilang hibla ng buhok ko. “Kumain ka na ba?”Tumango lang ako at hinawi ang kamay niya para makausad na. Umalis naman siya ng in-on ko na ang motor. “Hihintayin na lang kita sa University,” aniya pagkatapos ay sumakay sa kotse at nauna ng umalis.Hindi ba iyon marunong magsawa? Araw-araw kaming nagkikita rito… tapos pati sa University, gusto pa rin akong makita.Napabuntong-hininga ako nang biglang sumagi sa isip ang kasunduan namin ni Caleb. Alam ko sa sariling hinding-hindi niya ako mapapasuko sa gusto niya pero sadyang palaban din ang isang iyon. Bukod sa nagiging extra touchy siya at kung minsan— madalas pala ay umiiral ang k
PAGKABIGLA ang makikita sa kanyang mga mata. Habang ako naman ay hindi na alam ang gagawin dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib na tila nakakabingi.Kapwa kami tahimik at walang isa man ang bumalak na magsalita. Ang awkward.Nang magsasalita na sana ako para basagin ang katahimikan ay bigla niya akong inunahan, “M-medyo nabigla ako sa sinabi mo…” tapos ay bahagya siyang tumungo hanggang sa hindi na niya makuhang ibalik ang tingin sa akin. “Pero Kenan—”Langingit nang binubuksang gate ang nagpatigil sa sasabihin niya at ilang sandali pa ay lumabas si tita Rose. “Mabuti at hindi ka pa nakakaalis,” aniya sa akin. ‘Dalhin mo ‘to at baka hindi nila maubos ang niluto ko.” Binigay niya sa akin ang isang plastic bag na naglalaman ng mga hinandang pagkain para kay Mary Rose.Nakakahiya man ay tinanggap ko agad dahil nagustuhan ko ang mga luto ni Tita. Pagkatapos ay naghanda na akong umalis pero
NANATILI ako sa kinatatayuan at hindi malaman kung gaano na kami katagal sa gano’ng posisiyon. Nakakapagtaka ring wala talagang dumaraang tao kahit isa sa lugar.Hinayaan ko siyang umiyak sa aking balikat kahit hindi ko alam kung luha o may halo ng iba ang basa kong uniform. Pero sige lang, naiinis man ay hindi ako ganoon kalupit para ipagdamot kahit man lang ang uniform ko.Ilang sandali pa ay hindi ko na ramdam ang mahihina niyang hikbi. “Okay ka na?”Pero sa halip na sumagot ay mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Ano ba naman ‘to… hanggang kailan kami tatayo rito? Nangangawit na ako.“What’s the meaning of dizzz!”Nilingon ko ang nagsalita at bored na tiningnan. “Hindi ba obvious?” at saka, sa dinami-rami ng tao rito sa University… siya pa talaga ang nakakita sa amin. “Anong ginagawa mo rito Felipe?” Bahagya kong sinulyapan si Caleb na hindi pa rin ako binibitawan. Feel na feel niya talaga ang yakap sa akin.“Napadaan lang tapos may nakita akong magsiyotang nagyayakapan.
HINDI ko mapangalanan ang emosiyong nararamdaman ngayon. Anong klaseng—“’Wag ka ngang gan’yan, baka totohanin ko,” ani Shiela.Natuon ang pansin ko sa kanya. At kahit si Mary Rose ay napunta sa kanya ang tingin na kanina ay na kay Caleb pa.“Nakapag-usap na kami at sinabi niyang may iba siyang nagugustuhan kaya, ayon. Saka hindi ko naman ini-expect na ligawan niya ako kasi feel ko naman na hindi hihigit sa friendship ang meron kami—char, ba’t naiiyak ako.” Nakangiti pero kita ang panghihinayang sa mga mata niya.“Binasted mo ang kaibigan ko?” ang biro ni Mary Rose na pabirong hinampas ni Sheila.“Walang gano’n ‘di ba Kenan?” ang baling sa akin. Naghahanap ng kung sinong kakampi sa kanya.Pinilit kong ngumiti at sumabay sa usapan. “Oo naman,” pagkatapos ay napasulyap kay Caleb na nasa akin pala ang tingin kaya agad akong umiwas. “Ah, mauuna na pala ako, Mary Rose.” Nawala ang interes kong mag-stay ng matagal.“Ako rin, uuwi na.”Bahagya pa akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Ca
ILANG BESES akong kumurap at paulit-ulit na inintindi ang sinabi ni Caleb. Kinalikot ko pa ang tenga at baka nabibingi lang ako.“Pakiulit nga,” ang utos ko pa at saka binaling ang tingin kay Felix. “Totoo?” para akong ewan na papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. Walang isa sa kanila ang sumagot pero kitang-kita ang guilt sa mga mata ni Felix. “Nagtatrabaho ka sa kanya?" At tinuro si Caleb. Naguguluhan talaga ako sa nangyayari.“Ganito kasi—"“Kaibigan ba kitang talaga?” ang pang-aakusa ko. Kung totoo man ang sinasabi ni Caleb ay paano niya ito nagawa sa akin? kaibigan niya ako! Ako ang una niyang nakilala at nakasama nang matagal pero na kay Caleb ang loyalty niya?!“M-mag-i-explain—!”Bigla ko siyang kinuwelyuhan at nanlilisik ang mga matang tiningnan siya. “Tang*na mo!” at saka tinulak nang malakas na halos ikatumba niya. Aalis na sana ako ng mabilis na humarang si Caleb.“Hayaan mo muna kaming magpaliwanag,” aniya pa.“Isa ka pang tang*na ka. Explain? Para saan? Ah! Gusto
PUMIKIT ako matapos makainom ng tubig. Hingal na hingal at halos habulin ko na ang hininga ng maramdaman na may umupo sa tabi ko. Minulat ko ang mata at nakitang si Felix pala na tulad ko ay hingal na hingal din.Patuloy sa pagpa-practice ang buong team ng mapansin na palapit si Caleb. Agad akong umayos ng upo sabay iwas ng tingin. Pero kahit ganoon ay kitang-kita ko pa rin sa peripheral vision na nasa tabi ko na siya. Ewan ko ba, parang hindi magandang tingnan ang pawisang Caleb. Masiyadong…Muli akong sumulyap na agad pinagsisihan dahil nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Kaya pasimple agad akong tumingin kay Felix na umiinom na ng tubig. Napatingin naman ito sa akin pero saglit lang dahil nalipat sa katabi kong si Caleb.Tuloy-tuloy ang lagok sa iniinom nang bigla na lang masamid dahil sa—!?May dumamping malambot na bagay sa pisngi ko kaya agad na napatingin. Isang color blue na towel at ang kamay ni Caleb na pinupunasan ang pawis sa
ANG unfair talaga ng life. Iyong tipong gustong-gusto mong tumigil ang oras pero ayaw ka naman pagbigyan.Ang ganda-ganda na ng moment kasama si Mary Rose at kung saan-saan na rin napunta ang kuwentuhan namin nang sa isang iglap ay nakarating na sa destination ang sinasakyan. Parang hindi nga nag-init ang p*wet ko sa upuan.Gusto ko pa ngang manigurong nakarating na ba kami talaga kasi parang kalalarga lang namin mula roon sa public market. Kainis.Mataman kong tiningnan ang driver nang pababa na ng bus. Mag-request kaya ako ng isang ikot sa lugar kasama si Mary Rose?Kaso, ‘yung gusto kong makasama… Ayun, sumama na ulit sa mga kaibigan niya.Hindi naman ako introvert na tao at napaka-socialize ko naman pero bakit wala man lang akong kaibigan na kasama? May mga kakilala naman ako pero ewan ko ba, hindi ko feel iyong mga kasama nila. Ang sama kung tumingin. Inggit yata sa gandang lalake ko. Kaya ito, laging out-of-place at mag-isa. Kaka