Share

Chapter 37

PUMIKIT ako matapos makainom ng tubig. Hingal na hingal at halos habulin ko na ang hininga ng maramdaman na may umupo sa tabi ko. Minulat ko ang mata at nakitang si Felix pala na tulad ko ay hingal na hingal din.

Patuloy sa pagpa-practice ang buong team ng mapansin na palapit si Caleb. Agad akong umayos ng upo sabay iwas ng tingin. Pero kahit ganoon ay kitang-kita ko pa rin sa peripheral vision na nasa tabi ko na siya. Ewan ko ba, parang hindi magandang tingnan ang pawisang Caleb. Masiyadong…

Muli akong sumulyap na agad pinagsisihan dahil nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Kaya pasimple agad akong tumingin kay Felix na umiinom na ng tubig. Napatingin naman ito sa akin pero saglit lang dahil nalipat sa katabi kong si Caleb.

Tuloy-tuloy ang lagok sa iniinom nang bigla na lang masamid dahil sa—!?

May dumamping malambot na bagay sa pisngi ko kaya agad na napatingin. Isang color blue na towel at ang kamay ni Caleb na pinupunasan ang pawis sa

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status