PUMIKIT ako matapos makainom ng tubig. Hingal na hingal at halos habulin ko na ang hininga ng maramdaman na may umupo sa tabi ko. Minulat ko ang mata at nakitang si Felix pala na tulad ko ay hingal na hingal din.Patuloy sa pagpa-practice ang buong team ng mapansin na palapit si Caleb. Agad akong umayos ng upo sabay iwas ng tingin. Pero kahit ganoon ay kitang-kita ko pa rin sa peripheral vision na nasa tabi ko na siya. Ewan ko ba, parang hindi magandang tingnan ang pawisang Caleb. Masiyadong…Muli akong sumulyap na agad pinagsisihan dahil nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Kaya pasimple agad akong tumingin kay Felix na umiinom na ng tubig. Napatingin naman ito sa akin pero saglit lang dahil nalipat sa katabi kong si Caleb.Tuloy-tuloy ang lagok sa iniinom nang bigla na lang masamid dahil sa—!?May dumamping malambot na bagay sa pisngi ko kaya agad na napatingin. Isang color blue na towel at ang kamay ni Caleb na pinupunasan ang pawis sa
ANG unfair talaga ng life. Iyong tipong gustong-gusto mong tumigil ang oras pero ayaw ka naman pagbigyan.Ang ganda-ganda na ng moment kasama si Mary Rose at kung saan-saan na rin napunta ang kuwentuhan namin nang sa isang iglap ay nakarating na sa destination ang sinasakyan. Parang hindi nga nag-init ang p*wet ko sa upuan.Gusto ko pa ngang manigurong nakarating na ba kami talaga kasi parang kalalarga lang namin mula roon sa public market. Kainis.Mataman kong tiningnan ang driver nang pababa na ng bus. Mag-request kaya ako ng isang ikot sa lugar kasama si Mary Rose?Kaso, ‘yung gusto kong makasama… Ayun, sumama na ulit sa mga kaibigan niya.Hindi naman ako introvert na tao at napaka-socialize ko naman pero bakit wala man lang akong kaibigan na kasama? May mga kakilala naman ako pero ewan ko ba, hindi ko feel iyong mga kasama nila. Ang sama kung tumingin. Inggit yata sa gandang lalake ko. Kaya ito, laging out-of-place at mag-isa. Kaka
INGAY mula sa labas ng tent ang nagpagising sa akin. Nilingon ko ang pwesto sa aking tabi at nakitang wala na si Caleb. Mukhang maaga itong nagising hindi tulad ko na nahirapan makatulog.Hindi kasi ako mapakaling katabi siya. Maya’t maya ang lingon ko at baka may gawing kalokohan. Pero ng makitang natutulog nga talaga siya ay mas lalo akong hindi mapakali.Magdamag ko siyang pinagmasdan hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako sa kakatitig sa kanya.Dumaing ako at halos iumpog ang ulo dahil sa ginawang kabaliwan. Bakit ko siya tinititigan kagabi?“Nasisiraan na ata ako ng bait.” Pagkatapos ay biglang kinilabutan. Mukhang ako ata ang may masamang balak sa aming dalawa dahil magdamag ko siyang pinagmamasdan. Tulog iyong tao tapos grabe ako kung makatingin? Kung ako iyon ay baka binugbog ko na ang sarili.Huwag tayong mag-isip ng kung ano-ano. Tama, wala lang ‘yun. Wala kasi akong ibang magawa kagabi kaya ko ginawang l
[2 hours ago]“Anong gusto mong pag-usapan?” ang tanong ko. Hindi kasi kami pwedeng magtagal dahil dumidilim na at ihahatid ko pa siya.“A-ano…” umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagpapatuloy niya sa sasabihin, “Sinasagot na kita.”Nabigla ako sa sinabi niya… ba’t parang ang bilis? Ba’t parang… hindi ko maramdaman ang saya ng isang taong sinagot ng nililigawan?“Hindi ka ba masaya?”Agad akong ngumiti at saka umiling. "Hindi, masaya ako... medyo, nabigla lang dahil….” nahinto ako at hindi na mahanap ang tamang salita.Matagal nanatili ang tingin niya sa akin hanggang sa mapabuntong-hininga siya. “I think… we need to stop this. I know na gusto mo ko, and I also like you. Pero ramdam ko kasi na may something like… a barrier. We’re close yet so far. Everytime na magkasama tayo? Ramdam kong nasa iba ang isip mo. Na may ib
UNTI-UNTI ay tila nagiging mapula ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sumabay pa ang hindi maipaliwanag na kirot sa aking dibd*b.Tapos wala pa sa kanilang dalawa ang gustong sumagot sa tanong ko. Ano ‘to? Manghuhula na lang ako?“Ano? Walang sasagot?”“Ahm, naligo lang ako kasi natalsikan ako ni Caleb ng ano niya,” ang sagot ng lalake sa akin.Anong ‘ano’? ang tiutukoy niya? Ang ibig niya bang sabihin ay ang—?!Hindi ko maiwasang mapanganga sa naiisip. May gano’n ng nangyayari sa kanila?!“Wesley!” ang saway ni Caleb at pagkatapos ay hinila na ako palabas ng kwarto. “It’s not what you think, nagbibiro lang ‘yun.” Hinila niya ako hanggang sa makababa ng hagdan.Nang makasalubong namin ang driver nila ay may inabot itong maliit na box. “Sir, naiwan po ni Sir Wesley sa kotse niyo.”Halos sumabog ang utak ko nang makitang inabot ang
BUONG MAGHAPON kong hindi nakita si Caleb, matapos ang basketball practice. Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang umiiwas siya dahil sa sinabi ko.Pero totoo naman kasing hindi kami. Saka hindi namin napag-uusapan ang tungkol doon.Ngayon ay kasama ko si Mary Rose at nakatambay kami rito sa labas ng room habang hinihintay niyang dumating si Shiela. Sabay silang uuwi.Habang ako ay hinihintay ring magpakita si Caleb. Kanina ko pa kasi ito tini-text at tinatawagan pero laging busy ang linya.“Hindi pa rin ba siya darating?” ang tanong niya.Umiling lang ako, binaba at tinago ang cellphone sa bag. "Mukhang naka-uwi na ‘yun.” Hindi ko kasi makita sa parking lot ang kotse nito.“Nag-away kayo?”“Hindi. Medyo may nasabi lang ako kanina na mukhang hindi niya nagustuhan.”“Gano’n talaga, nagiging sensitive tayo sa sasabihin ng ibang tao. Lalo na kapag ang taong iyon ay
PATAKBO akong lumabas ng bahay dala ang shoulder bag ni Mama. Ngayong gabi ay ang anniversary ng clothing company nila tita Janette at dahil sa pagmamadali upang tumulong sa event ay muntik nang makalimutan ang kanyang bag. Mabuti na lang talaga at naalala niya bago pa sila tuluyang umalis.Nauna na sila Tita roon sa venue at pasunod na sina Mama at Papa. Habang kami ni Caleb ay mamaya na kapag nagsimula na ang party.Gusto nga naming tumulong pero pinigilan kami ni Tita at marami naman daw silang h-in-ired na crew na mag-a-assist sa mga bisitang dadalo.Pero dahil ayaw naming magpa-espesiyal at pa-importante ay aagahan namin ang pagpunta roon.Pagbalik ko sa bahay ay kinuha ko lang ang cellphone at extra money saka pumunta sa kabilang bahay. Doon na ako magpapalit ng susuoing suit tutal at manghihiram lang naman ako kay Caleb.Wala kasi akong suit na pang-special occasion tulad ng pupuntahan naming party kaya makikihiram muna dahil marami namang s
NAGING abala ako sa paggawa ng projects sa nakalipas na mga araw. Malapit na kasi matapos ang semester at tinatambakan na kami ng iba’t ibang activities at projects na kinaiinisan ko sa lahat. Bakit kailangang magsabay-sabay? At bakit kung kailan patapos na ang semester? Hindi ba pwedeng sa umpisa pa lang ng klase o hindi kaya sa kalagitnaan? Para hindi naman nahihirapan ang mga estudiyanteng tulad ko. Isama pa na lagi ring may practice sa basketball. Rinding-rindi na ako sa sigaw ni Coach kapag hindi kami nagpo-focus. Sinong bang hindi madi-distract sa panahon ngayong maraming hinahabol para lang hindi bumagsak?! Kung pwede nga lang magreklamo at isigaw na ‘Iisa lang ang katawaan ko at kay Caleb lang ito!’ ‘di ba? Pero siyempre hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Kung bakit kasi kailangan nilang makihati sa moment time naming dalawa?! Ilang araw ko na itong hindi nakikita dahil sa l*ntik na mga projects. Baka ‘pag nagtagal pa ‘to ay makalimutan ko ng may jowa ako. Hindi ko rin ito n