Share

Chapter 21

PAGKATAPOS niya iyong sabihin ay tinalikuran niya ako at sumakay sa kotse. Pabagsak pa nga niyang sinara ang pinto ng kotse.

Ha! siya pa talaga ang may ganang magalit ngayon na akala mo ay walang atraso sa ‘kin. At nagawa pang ipalanghap sa akin ang usok mula sa tambutso. Nagpigil lang akong magmura nang malakas dahil baka may ibang makarinig sa akin.

“Ang gag* lang talaga ng isang ‘yun.” Pagkatapos ay inamoy-amoy ang sarili. Tatabi pa naman ako mamaya kay Mary Rose, baka kumapit na sa akin ang amoy ng usok.

Hindi naman ako agad nangamoy usok pero mas mabuti ng makasiguro kaya bago pumunta sa klase ay dumaan muna ako sa restroom para magpabango. Nang nasa tapat na ng classroom ay huminga ako nang malalim. Mula sa pwesto ko ay nakikita ko si Mary Rose na ang mga mata’y nakapako sa akin. Napangiti pa nga siya habang sinisenyasan akong lumapit at tumabi sa kanya.

Oh, My Rose, here I come

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status