MABAGAL kong sinusuot ang gray short-sleeves na may black leaves print na pinapasuot sa akin ni Mama. Ilang beses pa akong napapabuntong-hininga habang binubutones ang damit. Gustuhin ko mang hindi sumama ay hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Baka magtanong sila Mama kung bakit, na ayaw kong mangyari. Ayokong malaman nila na magkaaway kami ni Caleb. Dalawang taon kong nilihim ang buong nangyari sa amin ni Caleb. Ang buong akala nila ay parang magkapatid pa rin ang turingan namin.
Nahinto ako sa ginagawa nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Mama. “Tapos ka na? Baka naghihintay na sina Janette at Steve.”
Ang tinutukoy ni Mama ay ang parents ni Caleb na ngayon ay naghihintay sa katabing bahay. Ngayong gabi kasi ay may dinner doon para i-celebrate ang pagbabalik ng anak nila.
Muli akong napabuntong-hininga. Paano ko ba ito maiiwasan. Umaga hanggang gabi ko nang nakikita si Caleb. Sawang-sawa na akong makita ang pagmumukha niya.
“Susunod na po ako,” ang sagot ko kay Mama. Tinitigan muna niya ako bago tumango at isara ang pinto.
Halos hindi ako gumalaw habang nakangiti. Si Mama pa naman ang tipo ng tao na napapansin lahat. Pero dahil magaling ako ay hindi nila halata na may mali. Huminga ako nang malalim saka tumingin sa salamin. Kailangan kong practice-in ang ngumiti sa harap nila at makipagplastikan kay Caleb.
Iniisip ko pa lang nanggigigil na ako. Kaya bago pa mabaliw sa galit ay lumabas na ako ng kwarto. Nagpunta ako sa sala kung saan naghihintay si Mama at halos sabay pa kami ni Papa na lumapit sa kanya.
“Hindi mo man lang inayos ‘tong kuwelyo mo,” ang komento ni Mama sa suot ni Papa sabay ayos.
“Minamadali mo kasi ako,” ang tugon naman ni Papa.
“O, ‘yan, okay na,” tapos ay sa akin naman bumaling si Mama. “Okay ka na, Kenan?”
Agad akong ngumiti sabay sabing, “Yes, ‘Ma.”—kahit hindi.
Sabay-sabay kaming lumabas at nagpunta sa katabing bahay kong saan ay naghihintay si tita Janette, tito Steve at Caleb. Ang bahay na pangarap at gustong-gusto ko talagang pinupuntahan noong bata pa ako. Sobrang laki kasi na parang palasiyo na sa paningin ko. Well, kahit hanggang ngayon nga ay malapalasiyo pa rin ang tingin ko.
At kung ikukumpara ang laki ng bahay ay wala pa atang kalahati ang sa amin. Tapos sobrang ganda pa ng design ng bahay. Sa gate pa nga lang ay maa-amaze ka na sa design. Ang bawat bakal ay may gumamelang design na may maliliit na batang nakaturo sa direksiyon ng bulaklak. Tapos ginto ang kulay na ni minsan ay hindi ko nakitang kumupas dahil buwan-buwan ata kung pinipintahan.
Pagpasok naman ay ang malawak na garden ni tita Janette na lagi naming tinatambayan noon ni Caleb dahil gustong-gusto kong nahihiga sa damuhan. Kung minsan pa nga ay may naliligaw na bubuyog o butterfly na madalas naming habulin. Tapos ang pinto ang lagi naming pinagkakatuwaan. Palagi naming biro na ‘pinto sa langit’ dahil kulay puti ito at malaki kaysa sa regular na pinto. Ang pader ng bahay ay European pero pagpasok naman ay modern style.
Noong isang araw ay nandito ako para tumao dahil umuwi sa probinsiya ang katulong nila sa bahay. Mabuti na nga lang at hindi kami nagpang-abot ni Caleb dahil kung nagkataon ay baka nagkagulo na.
Pagpasok pa lang sa gate ay kita ko na sina tita Janette at tito Steve na naghihintay sa amin. Nagpahuli ako dahil baka biglang sumulpot si Caleb. Nagpalinga-linga pa nga ako sa paligid dahil parang kabuti ang isang iyon na bigla na lang sumusulpot.
Napatingin pa ako sa garden nang makitang may lumilipad na butterfly. Ang ganda lang tingnan dahil bumabagay ang sinag ng papalubog na araw sa kulay dilaw nitong pakpak.
“Welcome,” ang narinig kong sabi ni Tita kaya napatingin ako sa kanila. “Kahit madalas tayong magkita sa company ay iba pa rin talaga kapag sa mismong bahay,” ang dagdag pa nito.
Si tita Janette at tito Steve kasi ang may-ari ng company na pinatatrabahuan nina Mama at Papa. Manufacturing company ito na nakabase sa clothing line. Si Mama ang head ng management habang si Papa naman ang sa delivery.
Parehong busy kaya madalas lang akong mag-isa sa bahay pero ayos lang dahil hindi naman ako madaling ma-bored.
“Sinabi mo pa,” ang sagot naman ni Mama.
Habang si Papa at Tito ay pinag-uusapan agad ang tungkol sa trabaho.
“Wala kang balak pumasok?”
Napalingon ako nang marinig ang boses niya. Nasaan siya? Wala naman siya sa paligid.
“Dito sa taas, nandito ako,” ang dagdag pa niya.
Napatingala ako sa itaas ng pinto kung nasaan ang balcony nila. Agad akong nainis nang makita ang ngiti niya. Umirap ako at pumasok na sa loob bago pa ako tuluyang mainis dahil sa kanya. Ni hindi ko na nga pinansin ang sigaw niya habang tinatawag ang pangalan ko. Bahala siyang mamaos sa kakatawag sa akin.
Wala na sila Mama sa living area pagpasok kaya naisip ko na baka dumiretso na ang mga ito sa dining area.
Rinig ko ang yabag ng mga paa na pababa sa hagdan pero binalewala ko ito at nagtuloy-tuloy lang. “Oy, ba’t ka naman bigla-biglang nagwo-walk out? Kinakausap pa kita, e,” ang habol sa akin ni Caleb sabay akbay.
Matalim ang tingin ko nang lumingon— “Ha?!” halos sumigaw ako nang makita ang suot niyang damit. “Ba’t ‘yan ang suot mo?” Hindi makapaniwalang pareho kami ng design na sinuot, puti nga lang 'yung sa kanya.
Agad lumawak ang ngiti niya. “Ang ganda, e, kaya sinuot ko.”
“Magpalit ka ng ibang damit,” ang utos ko agad.
“Welcome back party ko ‘to, kaya...” agad siyang umarte na naglulungkot-lungkutan. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-angat sa gilid ng labi niya. “Hindi ko na paghihintayin sina Tita at Tito.” At saka ako nilagpasan para pumunta sa dining area.
Pero mabilis ko siyang hinabol at humarang sa daraanan. “Hubarin mo kasi ‘yan!”
“Dito? Sa harap mo?” tapos ay ngumiti nang nakakaloko. “Oy, gusto niya ‘kong makitang h*bad.”
Kumuyom ang mga kamay na handa nang sugurin siya. “Hindi ako nakikipagbiruan.”
“Ako rin naman, ito ang gusto kong suotin kaya kung ayaw mo talagang pareho tayo ng suot ay—“ sabay turo banda sa may pinto. “Ikaw na lang ang magpalit.”
Hingang-malalim. Okay lang ‘yan, Kenan. Dapat sanay ka na sa kanya. Halimaw na nagbabalat-kayo na maamong tupa. Mabait lang sa ibang tao pero lumalabas naman ang sama ng ugali kapag kami-kami na lang.
Hindi ko na siya sinundan nang pumunta na siya sa dining area. Kailangan ko munang pakalmahin ang sarili para pagharap sa kanila ay maayos na ako at nakangiti.
Pagdating ko ay nakaupo na silang lahat. Tapos iyong halimaw na papansin ay tinawag pa ako, “Kenan, dito ka sa tabi ko.” Sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
Ayaw mang tumabi ay nilunok ko na lang ang inis dahil nakatingin si Mama sa akin. Tinapik ko ang balikat ni Caleb, medyo nilakasan ko nga, sana mabali.
Sinasadya niya talagang inisin ako sa harap ng mga magulang namin na akala ay okay kaming dalawa.
Napapitlag siya sa ginawa ko at bahagyang lumapit sabay bulong, “Mukha tayong couple sa suot natin.”
Napangiti ako. Ngiting nagpipigil ng inis. Ngiti ka lang Kenan. Kailangan mong ngumiti. Kailangan ko ng mahahawakan para hindi malipat sa mukha niya itong kamay ko.
“Ang tagal mo ring hindi nakauwi galing sa Canada,” ang kausap ni Papa kay Caleb.
“Medyo busy lang po sa University, Tito,” ang sagot naman ng katabi ko.
Nilibot ko ang tingin sa mga nakahandang pagkain, dito na lang ako magpo-focus kaysa sa katabi ko. Lahat ay puro Filipino food, talagang hinanda para sa kanya na dalawang taong nag-stay sa ibang bansa.
“Kumusta ba ang pag-aaral ng law?” ang tanong muli ni Papa.
“Ay naku, ‘wag mo nang tanungin, once a month ko na nga lang makausap ang batang ‘to dahil sa kursong ‘yan,” ang singit ni Tita.
Natawa silang lahat maliban sa akin na abala sa paglalagay ng pagkain sa pinggan.
“Tama po si Mommy, Tito. Sobrang hirap na gusto ko na lang umuwi rito at yakapin siya nang mahigpit,” ani Caleb.
“Hmp, pa-humble pa,” wala sa sariling tugon. Pero bigla na lang nahinto ang kamay ko sa pagkuha ng menudo nang ma-realize ang nasabi.
Awkward akong natawa pagkatapos ay tinuro si Caleb. “Sa talino mong ‘yan, nahihirapan ka pa? Ano na lang pala ako?” Tapos ay tumawa ulit.
Nang matapos iligtas ang sarili sa nakakakabang sitwasiyon ay bumalik ako sa pagkuha ng pagkain na parang walang nangyari. Mayamaya ay naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. “Ano ka ba naman, kita mong gusto kong maglambing kay Mommy, ta’s binubuko mo ‘ko,” ani Caleb.
Tumitig ako sa mga mata niya pagkatapos ay sabay kaming natawa kaya natawa na rin ang mga kasama namin.
Kaplastikan-mode on.
“E, si Kenan, ‘di ba ay magka-college na siya this coming semester?” ang pansin sa akin ni tito Steve.
“Yes, education ang kinuha niyang course,” ang sagot ni Papa.
“Naku, ang bilis na talaga ng panahon, parang dati lang ay naglalaro pa silang dalawa na puro dungis ang mukha,” ang sabi ni Mama. “Pero ngayon, ang lalaki na at ang gagwapo.”
“Mali kayo, Tita, hindi naman lumaki si Kenan,” ang tugon ng katabi ko.
Pinandilatan ko siya ng mata. Anong hindi lumaki? Mukhang one centimeter lang yata ang agwat niya sa akin. “180 centimeter kaya ang height ko,” ang sabi ko. Kailangan kong ipagtanggol ang height kong pinaghirapan ko ng ilang taon.
Pinisil niya ang pisngi ko na lagi niyang ginagawa parati noong maliliit pa kami. “Joke lang, ‘di ka na mabiro.”
Tusukin kita ng tinidor, e.
Kaysa makagawa pa ng masama at humantong sa madugong pangyayari ay binalik ko na lang ang tingin sa pagkain. Ilang sandali lang ay napunta na sa iba ang pinag-uusapan hanggang sa tumayo si Caleb at umalis.
‘Wag na sana siyang bumalik.
“O, ano ‘yang dala mo?” ang tanong ni Mama kaya napalingon ako at nakita si Caleb na may dalang box na binalot sa gift wrapper.
“Pasalubong ko sa inyo, Tita,” ang sagot niya sabay bigay ng box kay Mama at Papa.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa tabi ko.
Nasa’n ‘yung akin?! Sila lang? Porke’t may galit ako sa kanya ay hindi na niya ako bibigyan? Ganern?!
Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “’Yung sa ‘yo nasa room ko pa, hindi ko kayang dalhin, e.”
Bakit hindi niya kayang dalhin? Kasing bigat ba ng refrigerator ang regalo niya sa akin?
“Ang mas mabuti pa ay kunin mo na lang ang sa ‘yo Kenan sa kwarto niya,” ang komento ni Mama at pagkatapos ay tuwang-tuwang nilabas ang isang branded bag.
“Tara?” ang aya niya kaya kahit ayaw ay sumunod na lang ako. Pagkatapos ko talagang makuha ang pasalubong ay uuwi ako. Nakakapagod makipagplastikan sa kanya.
Pumasok siya sa kwarto pero huminto ako sa may pinto. Teritoryo ng halimaw, baka mapaano pa ko.
“Ayaw mong pumasok?”
“Mas safe rito, nasa’n na?”
Nagpatuloy siya sa pagpasok hanggang sa may kama. Kinuha ang shoe box.
“Kanila Mama, may gimik ka pang pa-gift wrap tapos sa ‘kin, shoe box lang talaga?”
“Gusto ko kasing makita mo agad ang laman,” ang sagot niya.
Palusot. Kinuha ko sa kanya ang shoe box at biglang nanlaki ang mata nang makita ang laman. Isang Zion * PF J*rdan shoes ang nasa loob.
“Like it?”
Tinatanong pa ba ‘yan? Of course, I really love it!
Tumikhim ako. “Okay lang.” Hindi ako aamin kahit anong mangyari. Pagkatapos ay binalik ang takip, takot na baka magasgasan ang sapatos. Mayamaya ay umatras ako para umalis na.
“Sa’n ka pupunta?” ang tanong niya.
“Babalik do’n,” hindi ko na hinintay na magsalita siya at agad nang tumakbo pabalik sa dining area dala ang binigay niya. “’Ma,” lumapit ako at nilapit ang mukha sa may tenga niya. “Babalik na ko sa bahay, nag-text si Felix kukunin niya raw ang naiwan niyang gamit.”
I lied, pero gusto ko na talagang umuwi.
“Gano’n ba, o sige, uuwi rin kami mayamaya,” ang tugon niya.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at umalis na para hindi ma-corner ni Caleb. Tuloy-tuloy ang takbo ko palabas hanggang sa makarating sa bahay at kwarto.
Nilapag ko ang binigay ni Caleb at saka nilabas sa box. Halos magtatatalon ako nang mahawakan ito.
Matapos ay kinuha ko ang cellphone at ilang beses nag-selfie habang hawak ang sapatos. Agad kong p-in-ost sa social media ang mga selfies.
Hindi nagtagal ay may mga nagko-comment na.
Sumandal ako sa headboard ng kama at ini-scan ang mga message hanggang sa may nag-comment sa post ko.
Si Caleb.
Isang image niya na nakaupo sa sahig at suot ang—
Zion * PF Jordan shoes na katulad na katulad ng binigay niya sa akin.
Nag-reply ako sa comment niya.
Kenan Rey Santos:
Sinuot mo muna bago binigay sa ‘kin?
Caleb Roy Tan:
Dalawa ang binili ko, sa ‘yo ang isa.
Mabuti naman akala ko ay sinuot niya muna bago ibigay sa ‘kin. I-e-exit ko na sana ang post nang may mag-comment.
Katrina the Goddess:
Wow, ang cute naman. Couple shoes pa talaga kayo.
Anong pinagsasasabi nito? Kalokohan. Couple shoes daw—
Caleb Roy Tan react to Katrina the Goddess’s comment: 💓
At nag-heart react pa. Talagang iniinis niya ako. Pareho na nga kami ng damit, pati ba naman sa sapatos?
Tapos magkapareho lang ng gamit, couple na agad?! Mga pauso.
***<[°o°]>***
MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary
MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko
SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad
SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s
HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang
TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang