Share

Chapter 6

Author: Zxoul49
last update Last Updated: 2021-11-25 19:00:00

“Magkaibigan lang kami ng Kuya mo,” ang sabi ko kay Faith. “Imposibleng mangyari sa ‘min ‘yang mga BL series na pinapanuod mo, ‘di ba?” sabay tingin kay Felix.

Tumingin muna siya sa akin nang matagal pero hindi naman nagsalita.

Pagkatapos ay kinuha ang isang basong tubig para uminom. Nang maubos ay ibinaba niya rin ang baso sa mesa. “Anong klaseng tanong 'yan, kahit pa siguro ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo ay hindi kita papatulan, may taste naman ako 'no.”

“Huwaw, mas gwapo naman ako kaysa sa 'yo 'no, 'di ba Faith?” ang tanong ko na agad nitong tinaas ang kamay na naka-thumbs up.

“’Wag mong awayin si kuya Kenan,” ang baling pa nito kay Felix.

“Ewan ko sa inyo,” ang komento niya tapos ay tumungo sa pagkain.

Si kuya Fernan at ate Anna ay napapangiti at naiiling sa amin. Tanging si baby Kyle lang ang abala sa pagnguya ng pagkain.

Nang matapos kumain ay bumalik si kuya Fernan sa shop na hindi kalayuan at limang kalye lang ang layo mula rito.

Minsan na rin kasi akong nakapunta roon nang masiraan ng motor nang bumisita.

Dumiretso ako sa kwarto habang naghuhugas ng pinggan si Felix. Siya daw kasi ang nakatoka ngayon.

Nahiga lang ako sa kama at nagbo-browse online.

Nang bumalik sa kwarto si Felix ay pinatabi niya ako. “Tumabi ka nga, hindi ako makaupo.”

“Sa sahig ka na lang maupo, ba't kasi walang upuan dito sa kwarto mo.”

“Kama ko 'yang hinihigaan mo, ikaw dapat ang mag-adjust dahil bisita ka.”

“Kaya nga, bisita ako kaya dapat maging hospitable ka.”

“E, kung palayasin kaya kita?”

Bigla akong umusog at binigyan siya ng pwesto para makaupo. “Ito na nga, o. Sinabi ko bang hindi kita bibigyan ng space.”

“Nakalimutan kong sabihin na pupunta pala ako sa palengke para tulungan si Mama. Bigla kasing umuwi ang kasama niya dahil may emergency.”

“Sama ako.”

“'Wag na, dito ka na lang or kung gusto mo ay umuwi ka ng maaga.”

Hindi ako uuwi ng maaga. “Magpapagabi ako para diretso tulog na lang ako pag-uwi.”

Nagkatinginan kami nang matagal. “Gusto mong sumama?”

Tatlong beses akong tumango habang kumukurap. Nagpapa-cute para pumayag.

“Tigilan mo 'yan, hindi bagay sa 'yo.” Tapos ay tinakpan o tamang sabihing hinilamos niya ang kamay sa mukha ko.

Tinapik ko palayo ang kamay niya pagkatapos ay pinunasan ang mukha gamit ang laylayan ng damit. “B**a pa kamay mo!” ang reklamo ko.

Tumayo siya at saka lumapit sa cabinet at naglabas ng damit. Bahagya siyang tumalikod at saka naghubad ng damit pang-itaas.

Habang pinagmamasdan ko ang pagbibihis niya ay bigla kong natanong ang, “Kapag may naghubad at nagbihis sa harap mo ay iiwas ka ng tingin?” Naalala ko kasi bigla iyong pinilit ako ni Caleb na magdamit.

“Ha?” sabay harap sa akin nang matapos magdamit. “Siyempre, ang weird kayang manuod habang may naghuhubad at nagbibihis na babae sa harap mo. Maliban na lang kung type mo.” Sabay ngiti ng nakakaloko.

“Pero hindi naman babae ang tinutukoy ko.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Lalake?!”

Bigla akong natauhan. Bakit ko ito tinatanong sa kanya?

Ang weird.

Kaya umiling na lang ako at wala ng balak i-elaborate ang nangyari. “Wala, 'wag mo na lang pansinin 'yung tinanong ko.” Tapos ay binalik ang atensiyon sa cellphone.

“Oy, magkwento ka naman. Pabitin ka rin, e.” Pagkatapos ay binunggo ang balikat ko pagkaupong muli sa kama.

“’Wag kang mangulit, hindi ako magsasalita.”

"Ang daya.”

Kaysa kulitin pa niya ay lumabas na lang ako sa kwarto. Ilang sandali lang ay sumunod na rin siya at saka nagpaalam kay ate Anna na magpupunta kami sa palengke. “Anong gusto mo, mag-motor tayo o maglakad na lang?” ang tanong niya paglabas ng bahay.

“Maglakad na lang,” ang sagot ko. Hindi rin naman kami magkakasiya sa motor pag-uwi dahil kasama na namin ang Mama niya.

“Sandali lang,” pagkatapos ay bumalik sa loob. Pagbalik ay may dala na siyang pink na payong. Mukhang nanghiram pa siya ng payong kay Faith. “Para hindi ka mainitan.”

“Concern ka talaga sa balat ko, ‘no?”

“Sa future ko kamo.”

“Ano namang ibig mong sabihin? Dapat na ba akong kilabutan?”

“Sira! Ang sabi ko, sa ‘future ko’, at kailan ka pa napasama? Assuming,” pagkatapos ay itinapat sa akin ang payong. “Sumilong ka nang maayos, naaarawan ka, e.”

“Ito na nga, ang lapad-lapad kasi ng balikat mo kaya hindi tayo magkasiya.”

“Nagrereklamo ka pa, pasalamat ka nga at pinapayungan pa kita.” Pagkatapos ay bigla na lang iniwas ang payong sa akin. Inangkin na niya ang space.

Mabilis naman akong dumikit sa kanya. “Akala ko ba ayaw mo ‘kong maarawan?” at kumapit pa sa hawakan ng payong. “Ang attitude,” ang bulong ko pa.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa palengke. Tuloy-tuloy kami papasok dahil nasa gitna pa ang puwesto nila. Isang maliit na tindahan na puno ng samot-saring gulay ang itinitinda ng Mama ni Felix.

“Mabuti at nandito—“ natigilan si tita Mirasol nang makita ako. “Oh, sumama ka pala Kenan.”

“Ayoko pa po kasing umuwi kaya sumama na lang ako kay Felix,” nang tingnan ko naman ay nakapasok na pala ito sa loob ng tindahan kaya sumunod ako. “Tutulungan ko po kayo sa pagtitinda,” ang pagpapatuloy ko sa sasabihin kahit nasa loob na.

“Salamat, ‘wag kang mag-alala maaga akong magsasara para hindi nakakahiya sa ‘yo.”

“Naku, okay lang po Tita, basta ba may sweldo ako,” ang biro ko pa at pagkatapos ay tumabi kay Felix na abala na sa cellphone.

Ako naman ay itinuon na lang ang atensiyon sa pagtingin sa paligid. Ang dami kasing dumadaan na tao habang panay ang ayos ni Tita sa tindang gulay. Gusto kong tumulong pero baka masira at malanta ang mga tinda lalo na at wala naman akong alam pagdating sa gulay.

“Ayos ka lang ba r’yan Kenan? Hindi ba mabaho?” ang tanong ni Tita. Malapit lang kasi ang bilihan ng karne at isda sa pwesto ng tindahan kaya kung minsan ay umaabot ang amoy rito.

“Okay lang po Tita,” ang sagot ko. Hindi naman mabaho pero hindi nga lang ako sanay kaya kung minsan ay talagang umuurong ang ilong ko kapag umaabot ang amoy sa akin.

Nang mag-alas singko ay unti-unti nang nagliligpit ng paninda si Tita kaya tinulungan na namin ni Felix. Nang papadilim na ay tuluyan na naming sinara ang tindahan. Siniguro muna naming naka-lock nang mabuti at walang kahit na anong butas sa dingding para hindi mapasukan ng mga daga.

“Sa bahay ka na rin kumain ng hapunan,” ang aya ni Tita habang nasa daan at papauwi.

“Next time na lang po Tita. Nag-text kasi si Mama na pauwi na raw sila ni Papa. ”

“Diretso ka na uwi?” ang tanong ni Felix na tinanguan ko naman. Kaya nang nakarating na kami sa bahay nila ay nagpaalam na agad ako. “Ingat sa pag-uwi.” Sabay tapik ni Felix sa balikat ko.

“Sige, salamat ulit, bye Tita.” Ang kaway ko habang papalayo. Nag-abang ako ng bus sa sakayan. Balak ko sanang maupos sa waiting shed pero may nakaupo ng dalawang lalake kaya nanatili na lang akong nakatayo. Nilabas ko ang cellphone at nakitang napakaraming messages ni Caleb sa akin, ni isa ay wala man lang naligaw sa ibang tao, except kay Mama.

Mabuti na lang talaga at s-in-ilent ko ‘to kanina kundi ay beep lang ito nang beep. Mabilis ko namang binalik sa bulsa ang cellphone nang mapansin na may humintong gulong ng sasakyan sa harap ko. Bigla na lang akong natigilan nang iangat ang tingin at makitang hindi pala bus ang nakahinto kundi ang kotse ni Caleb. Nakababa ang bintana sa passenger seat kaya kitang-kita ko ang pangit niyang mukha.

Paano niya nalamang nandito ako?! May iniwan ba siyang tracking device sa katawan ko na hindi ko nalalaman kaya alam niya kung nasaan ako?

“Anong ginagawa mo rito?”

“Sinusundo ka, tara uwi na tayo,” ang sagot niya habang ang kaliwang kamay ay nasa manibela habang ang isa ay nasa sandalan ng upuan. Nakuha pang magpaka-cool sa harap ko.

“Umuwi kang mag-isa, hindi ako sasakay sa kotse mo.” Saka iniwas ang tingin. Hanggang sa napansin ko ang dalawang lalakeng nakaupo sa waiting shed. Nakatingin ang mga ito sa amin ni Caleb habang tila nagbubulungan.

“Hindi rin ako aalis dito hangga’t hindi ka sumasakay.”

Ang epal niya talaga! Ang kulit-kulit, sarap saktan.

“Excuse me Kuya’ng pogi,” isang boses ng lalake na halatang pinalambot. Nagmula ang boses sa isa sa mga lalakeng nakaupo sa waiting shed. Doon ko lang din napansin na hindi ito isang tunay na lalake kundi kabilang sa third gender o LGBT, base na rin sa lambot nang pagtikwas ng kamay nito. “Sumakay ka na sa kanya kasi madalas punuan ang mga humihintong sasakyan dito baka wala ka ring masakyan later on.”

“Ah, gano’n po ba? Ayos lang, tatayo na lang ako kung puno na ang bus,” ang tugon ko. Huwag lang sumakay sa kotse ni Caleb.

“Narinig mo ‘yun? Kaya sumakay ka na,” ani Caleb pero sinamaan ko siya nang tingin.

“Umalis ka na nga!” ang muli kong taboy sa kanya. Pagkatapos ay umatras para makalayo sa kotse niya dahil baka sa inis ay sipain ko pa ito at magasgasan.

“Mukhang may galit ‘yung isa,” ang rinig kong bulungan ng dalawang nasa waiting shed. “Lovers quarrel ata bakla.”

Lovers quarrel?! Saan banda? Mukha ba kaming nagmamahalan ni Caleb? Baka ang tamang term ay ‘Enemy’s quarrel’ dahil kulang na lang ay magpatayan kami.

“Rinig mo ‘yun? ‘Lovers quarrel daw tayo,” ani Caleb habang may nakakairitang ngiti sa labi. Sampalin ko labi niya, e!

Talagang trip niya akong inisin.

“Parang nasa drama lang bakla, gusto kong malaman kung anong gagawin ni Kuya’ng pogi sa Jowa niya,” ang bulungan ulit. “Baka bigla na lang lumabas sa kotse si Jowa at sugurin niya nang h***k si Kuya’ng pogi!” tapos ay nagtilian sa nakakairitang tono. Ang sakit sa tenga nang tili nila!

Kaya kahit labag sa loob ko na sumakay sa kotse ni Caleb ay ginawa ko na lang. “Ano pang hinihintay mo? Umalis na tayo,” ang utos ko sa kanya na bigla na lang natulala sa akin.

“Talaga? Hindi ka na ba galit sa ‘kin kaya ka sumakay?”

“’Wag kang assuming, hindi ko lang ma-take ang pinagsasasabi no’ng dalawa. Nakakatakot, ginawa pa tayong may relasiyon, kaya tara na bago pa ‘ko masuka rito.”

“Nakakasuka ba talaga?”

Napasulyap ako sa tanong niya. “Oo naman.”

Nagtagis ang bagang niya at ilang sandali pa ay nangiti. “I’ll change it.”

Ang alin ang babaguhin niya?

“Just wait,” ang patuloy niya pa at sandaling napatingin sa akin.

Ano raw?!

***<[°o°]>***

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Will You Love Me? (BL)   Epilogue

    MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 51

    MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 50

    SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 49

    SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 48

    HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 47

    TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status