Share

Kabanata 1129

Author: Glazed Snow
“Ako—”

May sasabihin pa sana si Vanessa.

Samantala, hinawakan namab ni Lucas ang kamay ni Ivory at mariing nagsalita.

“Humingi ka ng tawad sa asawa ko! Sabihin mong nagkamali ka!”

Natigilan si Vanessa sa kinatatayuan niya.

Nakangisi naman ng malamig si Lucas nang magsalita.

“Ano? Ayaw mong humingi ng tawad? Mukhang kahit binibigyan ka na ng pagkakataon, hindi mo pa rin alam kung paano ito pahalagahan.”

Maliwanag ang pagbabanta sa tono ng kanyang pananalita. Ipinipilit niyang humingi ng t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1130

    Ngumiti si Ivory at lumingon kay Lucas na nakaupo sa tabi niya.“Mukha talagang napakabuting asawa ang napangasawa ko!”Sinulyapan siya ni Lucas. Nakangiting nakatingin sa kanya si Ivory, bahagyang nakakurba ang mapupula nitong labi at may bahid ng pang-aakit sa mga mata. Halatang-halata na sinusubukan siyang suyuin ng babae.Bahagyang umangat ang mga sulok ng labi ni Lucas bago siya napatawa nang mahina.'Ano naman ang ibig sabihin ng tawang iyon?'Pakiramdam ni Ivory ay hindi iyon isang masayang tawa, kung hindi isang malamig na pagtawa na para bang pinagtatawanan pa siya nito.Mukhang hindi naging matagumpay ang pagtatangka niyang suyuin ang lalaki. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkapahiya.Hindi pa siya kailanman nagtangkang magsuyo ng isang lalaki. 'Diyos ko! Bakit napakahirap palambutin ng puso ng isang lalaki?' aniya sa sarili. 'Hindi ba dapat ang mga babae ang mahirap suyuin?'Samantala, nagsalita ang kanyang assistant mula sa kabilang upuan.“Ma

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1129

    “Ako—”May sasabihin pa sana si Vanessa. Samantala, hinawakan namab ni Lucas ang kamay ni Ivory at mariing nagsalita.“Humingi ka ng tawad sa asawa ko! Sabihin mong nagkamali ka!”Natigilan si Vanessa sa kinatatayuan niya.Nakangisi naman ng malamig si Lucas nang magsalita.“Ano? Ayaw mong humingi ng tawad? Mukhang kahit binibigyan ka na ng pagkakataon, hindi mo pa rin alam kung paano ito pahalagahan.”Maliwanag ang pagbabanta sa tono ng kanyang pananalita. Ipinipilit niyang humingi ng tawad si Vanessa kay Ivory.Tumingin si Ivory kay Lucas. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang ipagtatanggol siya nito.Lalong kinabahan si Vanessa. Bagama't matagal na niyang hinahangaan ang kapangyarihan at impluwensya ni Lucas, labis din naman ang takot niya rito. Humarap siya kay Ivory at nagsalita.“Pasensya na po, Mrs. Pineda. Nagkamali ako. Hindi ko dapat kayo binastos at inasalan ng mayabang kanina. Higit sa lahat, hindi ko dapat sinaktan ang kahit sino. Kasalanan ko ang lahat. Sana

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1128

    “Kung ganoon, ano ngayon? Binugbog ka. Ano naman ang kinalaman niyan sa akin?” kalmadong tanong ni Lucas.'Ano ang kinalaman niyan sa akin?'Dahil sa mga salitang iyon, tuluyang natigilan si Vanessa. Agad na namutla ang kanyang mukha na para bang naubos ang lahat ng dugo sa kanyang katawan.Lalong hindi makapaniwala si Gloria. Napatitig siya kay Lucas bago nagtanong.“Mr. Pineda, ano ba ang nangyayari sa inyo? Babae ninyo si Vanessa! Kapag may nanakit sa kanya, para na rin kayong sinampal sa mukha!”Inilipat ni Lucas ang kanyang malamig na tingin kay Vanessa.“Babae ba kita? Sinabi mo ba sa kanya iyon?”“A-Ako...” nauutal na sagot ni Vanessa.Lumingon si Gloria sa kanya. Halatang litong-lito siya sa nangyayari.“Vanessa, ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ni Mr. Pineda? Bakit ayaw niyang kilalanin ang relasyon ninyo?”Nakaramdam si Vanessa ng matinding kahihiyan. Hindi niya alam kung paano sasagot.Sa totoo lang, halos hindi naman siya nakipag-usap kay Lucas noong nasa pr

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1127

    Tuluyan nang natigilan si Ivory. Sa sandaling iyon, halos tuluyan nang nablangko ang kanyang isip.Sa totoo lang, hindi naman talaga siya gaanong nag-aalala sa kung ano ang maaaring ginagawa ni Lucas sa likuran niya. Ang tanging ikinababahala niya ay kung makaaapekto ba ang mga nangyayari sa pagkakataon niyang mabuntis.Akala niya ay galit lamang si Lucas kanina. Hindi niya inaasahang ipapatawag nito ang iba pang mga executive ng kumpanya upang personal na ipaliwanag sa kanya na hindi siya nagtaksil sa kanilang pagsasama.Noon pa man ay iniisip na ni Ivory na pare-pareho lamang ang lahat ng lalaki, katulad ng kanyang ama. Ngunit sa sandaling iyon, malinaw niyang napagtanto na hindi pala ganoon.Para bang magkaibang-magkaibang mundo ang pinagmulan nina Lucas at ng kanyang ama.Sa sandaling iyon, lumingon si Lucas sa kanya.“Narinig mo ba ang sinabi nila?”Napabalik sa sarili si Ivory.“Ano?”Iniabot ni Lucas ang kanyang kamay sa kanya.“Halika rito!”Ipinapapunta niya siya sa

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1126

    Wala nang nagawa si Ivory kung hindi pakawalan si Lucas.“Lucas, wala ka na ba talagang nararamdaman para sa akin?”Malamig siyang tiningnan ni Lucas bago sumagot.“Ano sa tingin mo? Hindi ba't naniwala kang babae ko si Vanessa? Kung mayroon na akong ibang babae, hindi ba ay natural lamang na wala na akong nararamdaman para sa 'yo?”Agad na namutla ang mukha ni Ivory. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pangamba. Kung talagang wala nang nararamdaman si Lucas para sa kanya, paano pa siya mabubuntis?Kung kinakailangan, maaari niya itong palihim na painumin ng isang malakas na pampasigla, gaya ng aphrodisiac na kayang magbigay ng sapat na lakas sa isang lalaki upang makipagtalik nang pitong beses sa loob lamang ng isang gabi.Samantala, napansin naman ni Lucas ang bahagyang paggalaw ng magagandang mata ni Ivory. Para bang may binabalak ito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng babae, ngunit lalo lamang siyang nainis.Itinulak niya ito palayo at mabilis na naglakad pa

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1125

    Pagkasabi pa lamang ni Ivory ng mga salitang iyon ay bigla siyang nakaramdam ng sakit sa baba. Napagtanto niyang mas hinigpitan pala ni Lucas ang pagkakahawak dito.Agad niya itong itinulak palayo.“Lucas, nasasaktan ako!”Hindi malaman ni Lucas kung matatawa ba siya o maiinis sa ikinikilos nito. Sa halip na pagaanin ang sitwasyon, lalo pa siyang nainis sa walang muwang nitong ekspresyon.“Deserve mo 'yan. Tiisin mo!”Hindi nakapagsalita si Ivory.Sa isip niya, ano ba talaga ang problema ng lalaking ito? Kung hindi lamang niya sinusubukang mabuntis, matagal na niya itong sinipa!“Lucas, humingi na ako ng tawad sa 'yo. Ganoon mo ba talaga pinahahalagahan si Vanessa?”Nagtanong naman si Lucas habang nakatitig sa kanya. “Sino ang nagsabi sa 'yo na babae ko si Vanessa?”“Iyon naman ang sinasabi ng lahat!” Agad na sagot ni Ivory.Hindi nakapagsalita si Lucas.“Kung talagang babae ko si Vanessa, sa palagay mo ba ay ganyan ang magiging pakikitungo ko sa 'yo?”Natigilan si Ivor

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 191

    Namangha si Mr. Filipe nang makita si Maxine. Kumislap ang kanyang mga mata sa kasabikan.“Saan galing ang magandang ito? Para siyang diwata,” bulong niya, habang kumakalat ang isang sakim na ngiti sa kanyang mukha.Takot na takot, kumapit si Arriana kay Maxine at nagtago sa likod niya.“K-Kaklas

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 623

    “May tao ba riyan?! Bilisan ninyo! Doktor!”Halos mapunit ang lalamunan ni Shawn sa pagsigaw habang agad niyang binuhat si Maxine.Karga si Maxine, mabilis siyang tumakbo palabas ng silid, tila ba bawat segundo ay mahalaga.Sa loob ng kwartong naiwan, nanatili ang nakabibinging katahimikan.Napa

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 633

    Binuhat ni Franco si Akisha at tiningnan.“Akisha, nagustuhan mo ba ang gwapong tito kanina?”Masigasig na tumango ang bata, kumikislap ang mga mata sa tuwa.“Opo. Ang taas at ang gwapo niya. At saka marunong po siya ng language natin. Daddy Franco, pwede mo ba siyang ipakilala kay mommy at gawin

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 627

    Mariing napatitig si Maxine kay Roberto, tila hinahanap sa mukha nito ang sagot na gumugulo sa kanyang isipan.“Bakit biglang namatay si Nora?” mahinahon ngunit mabigat ang kanyang tinig nang magtanong. “Bakit niya inumpog ang ulo niya sa pader?”Saglit na natigilan si Roberto. Ang kanyang mga mat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status