로그인Sumandal si Jessica sa pader, bahagyang kumakapit ang kanyang mga daliri sa malamig na ibabaw nito, tila doon niya hinahanap ang katiting na katatagan. “Gagawin kanino? S-Sino ba ang tinutukoy mo?”Hinapit siya ni Craige palapit, saka marahang hinalikan ang kanyang earlobe.“What?”“Si Raven ba, o si Craige?”Sa halip na sumagot, bahagyang lumayo si Craige at tinitigan siya nang direkta. “Sino ba ang gusto mong makasama?”Bahagyang umangat ang mapupulang labi ni Jessica, at sa isang iglap ay binitawan niya ang isang mahinang tawa. Hindi na niya napigilan ang sarili. Lumapit siya at hinalikan ang manipis nitong mga labi.Natigilan si Craige. Isang segundo lamang iyon ng pagkabigla.Pagkatapos ay hinawakan niya ang mukha ni Jessica at mas mariing siniil ang halik, mas malalim at mas puno ng emosyon.Sa halik na iyon, tila pareho nilang ibinuhos ang lahat ng matagal nang kinikimkim na damdamin. Kumapit si Jessica sa kanya, habang si Craige naman ay tila unti-unting nawawala sa
'Paano niya ito planong kumpirmahin?'Napatanong na lamang sa isipan si Craige.Samantala, dahan-dahan namang ibinaba ni Jessica ang kanyang tingin mula sa malinaw na guhit ng kanyang abs pababa sa kanyang baywang. Ramdam niya ang bigat ng hangin sa pagitan nilang dalawa, tila bawat segundo ay humihigpit ang kaba sa kanyang dibdib.“Pwede mo bang hubarin ang pantalon mo?”Pagkasabi niya no'n, agad niyang napansin ang pagdilim ng mga mata ni Craige. Parang biglang huminto ang mundo sa paligid nila.Maging si Jessica ay natigilan din sa sarili niyang sinabi. Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang lakas ng loob na iyon. Malakas ang tibok ng puso niya, may halo-halong takot at matinding pag-asa, na para bang isang saglit lang ay mabubunyag ang lahat ng katotohanang matagal na niyang hinahanap.“Mr. Montero, a-ang ibig kong sabihin a-ay ang taong kilala ko ay may nunal doon sa ibabang bahagi. Gusto ko lang tingnan.”Bahagyang gumalaw ang lalamunan ni Craige, tila pinipigila
Sa sandaling iyon, naglakad naman si Craige palapit sa likuran ni Jessica, at nagsalita.“Miss Pablo, huwag kang sisigaw. Hindi ganoon kaganda ang soundproofing dito. Kapag may nakarinig, iisipin nilang may ginagawa tayong hindi maganda.”Agad naman na namula nang husto ang mukha ni Jessica nang marinig 'yon.Akala niya ay nakabihis na ito. Sa katunayan, tapos na itong maligo, ngunit hindi pa tuluyang nakakapagbihis.Ang totoo ay suot lamang nito ang itim na dress pants, habang nakalantad pa ang itaas na bahagi ng katawan.Sa isang sulyap na hindi sinasadya ni Jessica, nasilayan niya ang perpektong pangangatawan nito na may magandang kulay ng balat, malapad na dibdib, matitibay na balikat, at makitid na bewang na may malinaw na abs. Ang V-line sa kanyang baywang ay bahagyang naglaho sa ilalim ng pantalon, na lalo pang nag-iwan ng puwang sa imahinasyon.Masyadong malakas ang naging epekto ng eksenang iyon.Para sa isang matagal nang walang emosyonal na relasyon sa loob ng tatlong
Tumango si Craige bilang tugon sa katanungan ni Jessica.“Oo.”Agad naman na nag-alinlangan si Jessica nang marinig 'yon.“Pwede bang magpaayos na lang ako ng dalawang kwarto para sa atin?”Aalis na sana siya nang biglang hinawakan ni Craige ang braso niya at marahan siyang itinulak sa pader.“Mr. Montero, a-ano’ng ginagawa mo?”Itaas ni Craige ang isang kamay sa pader, tila ikinulong siya sa sarili nitong espasyo. May bahagyang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi bago magsalita.“Hindi ba tayo ay magkarelasyon? Kung lalabas ka at hihingi ng dalawang kwarto, at malaman iyon ni William, mabubunyag ang pagpapanggap natin. Gusto mo bang mapaalis tayo?”Agad naman na umiling si Jessica bilang tugon sa sinabi ng lalaki. “Ayoko! Pero hindi ba weird kung magkasama kaming dalawa ni Mr. Montero sa isang kwarto?”“Ano naman ang weird doon? O baka naman ay sinasabi mo na gusto mong maligo tayong magkasama?” kalmadong saad ni Craige sa kanya.Sadyang binigyang-diin nito a
Ang malalim at tila magnet na boses ni Craige ay nanatili sa tapat ng tainga ni Jessica, tila ba hindi agad nawawala sa hangin.“Kapag nag-swing ka mamaya, panatilihing tuwid ang postura mo, ituon ang pansin sa target sa harap, tipunin ang lakas sa iyong mga braso, at tamaan ang bola sa isang malinis na palo. Basta’t naka-pokus ka at patuloy kang kumikilos patungo sa layunin mo, sigurado na magtatagumpay ka.”Ang kanyang tono ay banayad, parang isang pasensyosong guro na unti-unting gumagabay sa kanya, ngunit may kakaibang init na hindi madaling ipaliwanag.Bigla na namang naalala ni Jessica si Raven. “Mr. Montero, alam mo palagi kang nagpapaalala sa akin sa isang tao,” mahinang sabi ni Jessica, halos pabulong na lamang.“Kanino?” tanong ni Craige.Biglang nahimik si Jessica. Para bang biglang bumigat ang kanyang dila at hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin.Ibinaling naman ni Craige ang tingin sa kanya, ang mga mata ay kalmado ngunit matalim nang magsalita ulit.“Baki
Sa sandaling iyon, napansin ni Jessica ang isang malamig at mabigat na tingin na nakatuon sa kanyang mukha. Tumingala siya at nagtagpo ang kanilang mga mata ni Adrian.Ang lahat ng mga intimate na sandali nila ni Craige kanina ay malinaw na nakita ni Adrian. Halatang-halata ang pagkakapigil ng galit sa kanyang mga mata, na para bang anumang sandali ay maaari itong sumabog.Kung gaano kalamig si Jessica kay Adrian, ganoon naman siya kainit at ka-enthusiastic kay Craige.Dati ay nahihiya pa si Jessica, ngunit nang makita niya ang ekspresyon ni Adrian, agad siyang nagmatigas at tinitigan ito pabalik, hindi umiiwas.“Adrian, turn na ni Craige maglaro ng golf. Siguradong hindi siya matatalo sa ’yo!”Malamig na ngumiti si Adrian at sinabi, “Sige, tingnan natin.”Kinuha ni Craige ang golf club mula sa kanyang kamay. Mula sa kinatatayuan niya, masiglang nag-cheer si Jessica, tila ba siya ang pinakamalakas niyang tagasuporta.“Craige, good luck!”Tumingin si Craige sa kanya nang ilang s
Muling nagsalita si Roberto, kalmado ang tinig ngunit mabigat sa awtoridad.“Nasaan ang anak ko?”Hindi na lihim ang dahilan kung bakit unti-unting nawala sa paningin ng publiko ang pinakamayamang tao sa mundo na si Roberto sa loob ng maraming taon. Hinahanap niya ang matagal nang nawawala niyang
Hindi makapaniwala sina Nora at Wilbert habang nakatitig kay Marivic. Ang kanilang mga mata ay puno ng sakit at galit.“M-Ma,” nanginginig na sambit ni Nora at nagpatuloy, “Sa ganitong panahon ay talagang iiwan mo si Monica? Pamilya pa ba tayo o hindi?”Bago pa makasagot si Marivic, hindi na nakap
Tumingin si Shawn kay Roberto at mariing nagsalita.“Uncle Roberto, uulitin ko. Hindi ko papakasalan ang anak ninyo na si Monica. Ang taong mahal ko ay si Maxine.”Agad na napuno ng sakit at hinanakit ang mukha ni Monica nang marinig 'yon.“Shawn!”Bigla namang hinila ni Shawn si Maxine, tuluyan
“So, don’t you think it’s shameless, holding onto Maxine like that?”Sa unang pagkakataon sa buong buhay ni Roberto, ngayon lang may nagsabi sa kanya na walang-hiya.Kaya naman ay batigilan siya. Hindi siya agad nakapagsalita.Ang butler ang unang bumawi sa katahimikan. Mabagal ngunit may diin an







