Share

Kabanata 389

Author: Glazed Snow
Sumakay na sa kotse sina Maxine at Jessica at dahan-dahang umalis. Sa labas, nanatili si Shawn kasama si Damian na nakatitig habang unti-unting nawawala sa kalsada ang sasakyan. Lumingon si Shawn sa kanyang tiyuhin, halata ang pagdududa sa kanyang mukha.

“Ano'ng problema mo, uncle?” tanong niya, may bahagyang pag-aalinlangan.

Hindi agad sumagot si Linn sa kanya, tila naghintay siyang tuluyang mawala sa paningin ang kotse bago tumuwid at hinarap si Shawn nang may kalmadong katiyakan.

“Ano'ng ibig mong sabihin na may problema ako? Ayos lang ako. Mas masigla pa nga ako kaysa dati,” sagot ng matanda.

Tinitigan naman siya ni Shawn, hindi naniniwala sa sinabi nito.

“Gusto mo bang makita kung paano ka kumukupas at yumuyukod kay Maxine kanina?” malamig na saad ni Shawn.

Sa buong buhay niya, hindi pa niya nakita ang kanyang tiyuhin na kumilos nang gano'n sa harap ng isang tao.

Samantala, sumiklab naman ang galit ni Damian sa kanyang narinig, at sa marahan ngunit matatag na boses siya ay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 390

    Nagsalita naman si Wilbert, halatang may panic sa boses, hinihimok si Amanda na mabilis na mag-isip ng solusyon. Halos maiyak na rin sina Gregorio at Katie, iginiit ang kanilang sarili na kinuha rin ang kanilang pera at pinaalalahanan ang lahat na sila rin ay lubos na nag-aalala, sapagkat lahat sila ay naloko.Hindi naman mapigilan ang galit ni Marivic. Paulit-ulit niyang hinampas ang kanyang mga hita sa pagkabigo, sumisigaw na lahat ay nasira na at nagtatanong kung ano ang dapat nilang gawin ngayon.Lumapit ang isang opisyal ng korte at iniutos sa pamilya na agad na lisanin ang lugar, pinapaalalahanang huwag makialam sa kasalukuyang gawain.Tumanggi si Marivic na sumunod. Sumigaw siya na hindi siya aalis, sinasabing ito ang tahanan niya sa loob ng maraming dekada at ang lumang tirahan ng pamilya Garcia. Hinamon niya ang sinumang maglakas-loob na humawak sa kanya.Sa loob ng isang minuto, dalawang tauhan ang pilit na inalis siya sa lugar. Tinaboy din ang mga pamilya mula sa ikalawa

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 389

    Sumakay na sa kotse sina Maxine at Jessica at dahan-dahang umalis. Sa labas, nanatili si Shawn kasama si Damian na nakatitig habang unti-unting nawawala sa kalsada ang sasakyan. Lumingon si Shawn sa kanyang tiyuhin, halata ang pagdududa sa kanyang mukha.“Ano'ng problema mo, uncle?” tanong niya, may bahagyang pag-aalinlangan.Hindi agad sumagot si Linn sa kanya, tila naghintay siyang tuluyang mawala sa paningin ang kotse bago tumuwid at hinarap si Shawn nang may kalmadong katiyakan.“Ano'ng ibig mong sabihin na may problema ako? Ayos lang ako. Mas masigla pa nga ako kaysa dati,” sagot ng matanda.Tinitigan naman siya ni Shawn, hindi naniniwala sa sinabi nito.“Gusto mo bang makita kung paano ka kumukupas at yumuyukod kay Maxine kanina?” malamig na saad ni Shawn.Sa buong buhay niya, hindi pa niya nakita ang kanyang tiyuhin na kumilos nang gano'n sa harap ng isang tao.Samantala, sumiklab naman ang galit ni Damian sa kanyang narinig, at sa marahan ngunit matatag na boses siya ay

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 388

    Bago pa man siya makapagsalita nang buo, nanghina ang mga paa ni Damian at muling bumagsak sa sahig.“Sir!” sigaw ng butler, agad siyang sinuportahan.Sa sandaling iyon, tumayo si Maxine at lumapit kay Linn. Inabot niya ang kanyang kamay at pinatatag ito. “Damian Castro, hindi mo kailangang mangamba nang ganito,” sambit ni Maxine sa kanya.Samantala, napanganga naman si Damian sa hindi makapaniwalaang tanawin. Hindi niya inakala na ang babaeng henyo sa medisina, si Surgery Master ay isang napakabatang babae. At higit pa rito, pamangkin pa niya ang asawa nito. Tila parang panaginip ang lahat ng kanyang nasaksihan.Tumingin siya kay Maxine at muling nagtanong.“S-So, ikaw pala ang master ko?” tanong ni Damian.Tumango si Maxine bilang tugon, tumingin sa kanya ng ilang saglit bago muling magsalita.“Oo, at grabe naman ang pagkagulat mo. Baka mali ang paraan ng paglapit ko sa ’yo? Siguro hindi kita dapat tinawag sa buo mong pangalan. Dapat ay tinawag na lang kitang, little Damian?

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 387

    “Ano?”Napahinto si Maxine sa paghinga, at lumaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang narinig. “Ang? Alin?”Itinaas ni Jessica ang dalawang daliri at pinagsalpok ito sa isa’t-isa.“Just kissing.”Sa wakas, huminahon si Maxine. May kaunting pangamba sa kanyang puso na baka lampas na sa ganoon sina Jessica at Raven. Hindi niya maipaliwanag ang kaba kanina.“Jessica, talaga bang gusto mo si Raven?” tanong ni Maxine sa banayad, ngunit may pagka-curious.Sa isipan ni Jessica, lumitaw ang malamig at gwapong mukha ni Raven. Hindi mapigilan ng kanyang puso ang mabilis na pagtibok at sa isip niya, ganito pala ang pakiramdam ng pagkagusto sa isang tao.Namumula ang kanyang pisngi, at mahiyain siyang tumango bilang tugon kay Maxine. “Oo.”Gusto sanang magsalita ni Maxine, ngunit sa huli ay nanahimik na lamang siya. Ang pag-ibig ay isang bagay na tanging ang dalawang taong sangkot lamang ang makakaunawa nito. Ang mga audience ay hanggang panonood lamang sila.****Makalipas ng ha

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 386

    Tumango ang ina ni Raven bago muling magsalita.“Mabuti naman kung gano'n. Oo nga pala, Raven, kumusta naman si Jessica?” tanong ng ina sa kanya.Kinuha ni Raven ang kanyang bag at maingat na inilagay ang mga gamit. Hindi siya tumingin, kalmado niyang sinabi, “Umalis na siya pauwi. Kaklase ko lang siya siya, ma. Wala nang iba pa.”“Alam ko maraming babae ang nagustuhan ka noon. Noong nakaraan, may isang babae na palihim na naglagay ng love letter at chocolate sa bag mo. Nakita ito ng kapatid mo. Ano nga ang pangalan niya, Andrea ba 'yon?” sambit ng ina.Tumingin si Raven sa kanya, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. “Ma, huwag na nating banggitin ang mga iyon. Iba si Jessica sa kanila.”Ngumiti ang ina ni Raven. “So, sa puso mo, iba si Jessica sa mga babaeng nagustuhan ka noon?” tanong nito.Ibinaba ni Raven ang kanyang ulo at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.“Raven, hindi ka na rin bata. Kung may babae kang gusto, huwag mong palampasin ang pagkakataon. Mabut

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 385

    Nanginig ang mga labi ni Jessica habang ninanamnam ang halik. Malamig sa umpisa, ngunit sa hindi inaasahang paraan ay nag-iwan ng matamis na sensasyon. Bagama’t wala siyang karanasan, madalas niya itong pagmasdan sa iba. Hindi niya inakalang ganito pala kasarap ang pakiramdam ng mga labi na nagtatagpo.Nanigas naman si Raven, parang estatwa sa kanyang direksyon. Hindi siya gumalaw, hindi pumikit. Napansin niyang hindi rin pumikit si Jessica. Malalaki ang mga mata nitong maganda, kumikislap, puno ng inosente at nakabibighaning kuryosidad. Sa edad nilang iyon, natural lamang ang pag-usbong ng pagnanasang tuklasin ang ganitong bagay. Mahinhin ngunit matapang, sinusubukan sa taong gusto nila.Ramdam ni Raven ang lambot ng labi ni Jessica na dumikit sa kanya. At nang bahagyang bumuka ang labi niya at dumampi sa gilid ng kanya, may kung anong alon ang biglang kumuryente sa kanyang buong katawan, mula baywang paakyat, parang boltahe na mabilis na nagpalakas ng tibok ng puso niya.Mainit. N

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status