MasukHindi mapakali sina Maxine at Jared habang hinihintay si Shawn na bumalik. Dumating na ang mga tauhan nito at mabilis na pinalibutan ang buong lugar, tiniyak na ligtas na makakaalis ang grupo anumang oras. Ngunit kahit gaano katagal silang naghintay, hindi pa rin lumilitaw si Shawn. Nagtagal ang katahimikan, at kumakapit ang kaba sa bawat minuto ng paghihintay. Wala ni isa ang nakaaalam kung saan siya nagpunta, o kung ano ang nangyari sa kanya.“Bakit hindi pa dumarating si Shawn…” mahina at nag-aalalang bulong ni Jared, bahagyang naglakbay ang tingin sa madilim na daan na patungo sa kagubatan.At saka lamang lumitaw ang matangkad na anino ng lalaki. Maangas, kalmado, nakalapat ang mga hakbang na tila walang bakas ng pagod. Si Shawn. Bumalik na rin siya sa wakas.“Shawn, saan ka ba nagpunta? Ang tagal mong nawala,” tanong ni Jared, sinisingitan ng kuryosidad at bahagyang pag-aalala.Hindi sumagot si Shawn. Tahimik niyang kinuha ang isang piraso ng tissue, pinunasan ang likod ng kan
Tiningnan ni Shawn ang babaeng nakayakap sa kanyang mga bisig. Bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang magandang pares na mga mata, tila nang-aasar at nanunukso.'Kung gano'n, mahal na kapatid ay hindi na pala itinuturing na kapatid?' aniya sa kanyang isipan. 'Walang-hiya!'Agad na tinaas ni Maxine ang kanyang paa at sinipa si Shawn, parang nagising mula sa isang panaginip na siya mismo ang may kasalanan kung bakit nagsimula.Ngunit mabilis na lumingon si Shawn, walang kahirap-hirap na iginala siya sa ilalim niya. Para bang siya ang may kontrol sa lahat, lalo na sa kanya.“Gusto mo ba ng isa pang round?” tanong nito, mababa ang boses, puno nang mapanganib na init.Nakita ni Maxine ang apoy sa kanyang mga mata. Hindi iyon biro. Seryoso siya, at nakakatakot ang stamina ng lalaking ito. Para bang isang mandirigmang hindi napapagod, laging handang sumugod.“Maxine, sa tingin ko, hindi pa natin ito nagawa sa umaga noon,” dagdag pa niya, tila mas lalo pang nagbukas ng pinto sa kabaliwan
Hiwalay na silang dalawa...At hindi iyon nakalimutan ni Shawn.“May lagnat ka,” aniya sa mababang tono, waring may katwiran. “Pinapainit lamang kita.”Tinitigan siya ni Maxine, habang malamig ang mata sa kabila ng init ng balat.“Hindi kailangan ang ganito para lang painitin ako,” mariin niyang sagot, at saka sumilay ang mapait na ngiti. “Ginagawa mo rin ba ito sa ibang babae?”“Hindi ang ibang babae ang unang nagtanggal ng butones ko at nagbihis sa harap ko,” mabilis na tugon ni Shawn, hindi nag-iwas ng tingin. “Ikaw ang nag-umpisa kanina.”Natigilan si Maxine. Tumama ang tingin niya sa nawawalang butones ng polo nito at hindi niya maitatangging siya ang may gawa noon.Umarko muli ang takot at inis sa dibdib niya. Mabilis niyang itinulak si Shawn.“Bumaba ka sa 'kin!”Ngunit nahawakan ni Shawn ang kanyang mga kamay, mariin ngunit hindi marahas, at pinigil iyon sa kama. Yumuko siya, hinalikan ang pisngi ni Maxine. Isang halik na may kasunod na balak, hindi simpleng paghawak.
Naramdaman ni Shawn ang maliit na kamay ni Maxine na gumagapang sa kanyang katawan, magaan, magulo, at tila sabik. Sa isang iglap lang, natanggal ang isang butones ng kanyang polo, parang tela ang sumuko sa init ng mga daliri niyang hindi nakokontrol.Biglang umangat-baba ang Adam’s apple ni Shawn. Hinuli niya kaagad ang magulong kamay nito, mahigpit ngunit may pagpipigil.“Maxine, dahan-dahan,” bulong niya, halos nagmamakaawa. “Wala tayong extra na damit dito.”Kung tuluyang mapunit ang suot niya, wala na siyang maisusuot na iba. Ngunit hindi iyon iniisip ni Maxine. Wala sa isip ang lamig, wala rin sa isip ang hiya. Ang tanging hinahanap niya ay init. Mas marami pang init. Mas malalim pa. Para bang ang init lamang ang makakapawi sa ginaw na dulot ng lagnat na dumadaloy sa kanyang dugo.Nakawala ang kamay niya sa pagpigil ni Shawn. Yumuko siya, inilubog ang mukha sa leeg ni Shawn, humihinga nang malalim sa amoy nitong pamilyar at nakakapanabik.“H-Hindi, ayoko niyan. A-Ang lamig…”
Tiningnan ni Shawn si Jared, matalim ngunit may bahagyang pag-aalala ang mga mata niya.“Dapat muna kayong magpahinga nang maayos. Mag-uusap tayo bukas,” aniya, isang tinig na hindi tumatanggap ng pagtutol ngunit hindi rin kulang sa pag-aalala.Ngayong gabi, kapwa nanghihina sina Maxine at Jared, parehong pagod, parehong sugatan sa katawan at isip. Nararapat lamang na bukas na nila pag-usapan ang tungkol sa pag-alis.Dahil sa presensya ni Shawn, agad na nakaramdam nang kapanatagan si Jared. Para bang bumigat ang talukap ng mata niya nang marinig ang sigurado at matatag na tono nito, kaya tumango siya.“Sige.”Maingat ngunit walang pag-aalinlangang inalalayan ni Shawn si Maxine palabas. Sa pasilyo, naghihintay si Fatima, kanina pa nakatayo roon, abot-abot ang pag-aalala. Agad siyang lumapit.“Shawn, ayos lang po ba ang kapatid mo?”“May mataas na lagnat ang kapatid ko,” sagot ni Shawn, hindi inaalis ang tingin kay Maxine. “Miss Fatima, maaari mo ba kaming ipaghanda ng kwarto?”H
Napatingin naman si Fatima kay Mike at sa mga lalaki na kasamahan nila. “Hindi pinapayagan ang mga dayuhan sa aming baryo. Hindi makakapasok ang mga ito, pero maaari ko kayong dalhin nang palihim,” sambit ni Fatima.Agad naman na nagsalita si Mike, halatang nag-aalala na.“Sir, mukhang delikado kung ikaw lamang ang papasok.”Kalmado at tiyak ang tinig ni Shawn nang sabihin, “Ano'ng delikado?”“Gusto ka ni Fatima. Mag-ingat ka at baka subukan niyang gawin kang kanyang asawa,” bulong na sabi ni Mike kay Shawn.At dahil diyan, agad naman na tinapuna ng masamang tingin ni Shawn si Mike, na agad namang nagpatahimik sa kanyang assistant.“Maghintay kayo rito. Tatawag ako kung kakailanganin,” mahinang sambit ni Shawn kay Mike.Tumango naman si Mike bilang pagsang-ayon.“Copy, sir.”Samantala, tumingin naman si Shawn kay Fatima at sinabi, “Miss Fatima, sasama ako sa 'yo. Salamat sa tulong mo.”“Sige, halika,” sagot niya nang may kaunting ngiti sa kanyang labi.Pinangunahan ni Fati







