Share

Kabanata 161

Author: Glazed Snow
“Shawn...”

Biglang sambit ni Monica kay Shawn mula sa kanyang tabi.

“Total, hindi mo naman gusto si Maxine. At maghihiwalay na rin naman kayong dalawa. Ngayon na natagpuan na ni Maxine ang kanyang kaligayahan at bukod pa riyan, kay Lucas pa na hindi man lang nakuha ng napakaraming mga mayamang babae. Hindi ba dapat binabasbasan na lang natin siya, Shawn?”

Bahagyang huminto ang malamig at matalim na mga mata ni Shawn nang sabihin iyon ni Monica sa kanya.

Sakto naman na dumating ang mga lalaki, habang dala ang cake, at sinindihan ang mga kandila.

“At ngayon, dapat lamang na hipan ng may kaarawan ang mga kandila na ito!”

Agad namang hinipan ni Lucas ang mga kandila at nagsimulang hiwain ang cake. Ayon sa tradisyon, ang unang kagat ay para sa may kaarawan.

Ngunit sa halip na siya ang kumain, iniabot ni Lucas ang tinidor sa mga labi ni Maxine.

Tiningnan siya ni Maxine at bahagyang ibinuka ang kanyang bibig upang tikman ito.

Ngunit sa huling sandali, biglang binawi ni Lucas ang k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rej Cuabo
Maxine hwag mo na ipagsijdikan ang sarili, mo kay shawn, ipakita mo hindi ka na apektohan wag mong lumaban ka
goodnovel comment avatar
Lovron Nance
nice story author slmat
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 369

    “Maxine, magsalita ka!”Hindi na napigilan ni Shawn na sumigaw.Samantala, ngumiti lamang si Maxine sa kanyang sarili. 'Sino ba siya akala niya? Boss ko ba siya? Bakit ako makikinig sa kanya?' ani Maxine sa sarili, at hindi siya pinansin ni Maxine.Tumawa naman si Franco, na nakaupo sa upuan ng driver.“Maxine, kahit na hiwalay na kayo ni Mr. Shawn, pakiramdam ko hindi pa rin kayo tuluyang tapos sa isa’t-isa. Baka may nararamdaman pa siya para sa ’yo?” ani Franco.Kaswal naman na sumagot si Maxine, tila walang pakialam.“Ewan ko.”Muli, tumawa na naman si Franco.“Nang hinahawakan kita sa boutique, sigurado akong gusto na talagang putulin ni Mr. Shawn ang mga kamay ko. Makikita mo lang sa tingin niya. Mukhang delikado talaga ang magpanggap na boyfriend mo, Little Sister.”Tumingin si Maxine sa kanya at bahagyang ngumiti.“Gusto mo bang magpanggap? Kung hindi, pwede ko namang tanungin ang iba nating kapatid na magpanggap para sa 'kin,” ani Maxine.“Huwag kang mag-alala. Lal

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 368

    Labis ang saya nina Gregorio at Katie habang iniisip si Surgery Master bilang magiging manugang ng pamilya. Para bang tumataas muli ang prestihiyo ng kanilang angkan, at wala nang mas mainam pa roon.Ngunit kabaligtaran ang nasa mukha ni Amanda na maputla, kinakabahan, at tila may gumagambala sa dibdib niya. Tahimik niyang kinuha ang telepono, nanginginig ang mga daliri habang pinipindot ang numerong paulit-ulit na niyang na-i-dial.Agad naman na nakonekta ang tawag.Bahagyang lumuwag ang dibdib niya at sumilay ang isang mahinang ngiti.“Hello, Surgery Master—”Ngunit bago pa man makadugtong ang kanyang hininga, isang malamig, mekanikal na boses ang tumugon mula sa kabilang linya. Walang emosyon, walang buhay, parang kutsilyong dumiretso sa puso niya.“The number you have dialed is unavailable.”Parang huminto ang mundo ni Amanda.'Hindi available?' aniya sa isipan.Nanigas si Amanda. Mabilis niyang muling tinawagan ang numero, halos marinig ang kabog ng sarili niyang puso. Ng

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 367

    'Si Surgery Master ay isang babae?'Napatigil sina Marivic at Amanda, ang mga mata nila ay sabay na lumaki, at agad nagbago ang kulay ng kanilang mga mukha. Ang rebelasyong iyon ay parang mabilis na kidlat. Mabilis, matalim, at tumama nang direkta sa kanilang paniniwala.“Mr. Franco,” mariing wika ni Marivic, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses. “Ano’ng sinasabi mo? Paano magiging babae si Surgery Master? Nakaharap ko na siya at lalaki siya, sigurado ako!”Biglang npangisi si Franco, bahagyang nakataas ang isang kilay na tila nang-aakit at nanghahamon.“Hindi lang kami magkakilala ni Surgery Master,” aniya, tila relax na relax. “Malapit kami sa isa’t-isa. Kung sinasabi kong babae siya, babae siya.”Nakangangang tumayo si Amanda, tila naglaho ang lahat ng kanyang pinanghahawakang katotohanan. Nanginginig siya, hindi makapaniwala sa nalaman.“Imposible ‘yan, Mr. Franco. Malamang ay nagbibiro ka lang!” ani Amanda.Hindi rin matanggap ni Marivic ang sinabi, at bahagya siyang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 366

    Muling bumalik ang kumpiyansa ni Monica. Mabilis niyang sinuklian ng mapanghamong tingin si Maxine bago tuluyang pumasok sa fitting room upang subukan ang lace na damit. Ang damit na ipinagpilitan niyang makuha.Ilang minuto lang ang lumipas nang muling magbukas ang kurtina. Lumabas si Monica na tila isang bulaklak na marahang sumisibol sa liwanag, nakasuot na ang damit na kanyang inagaw. Agad naman na nagsabay ang tinig nina Nora at Amanda, puno ng paghanga at tuwa.“Monica, ang ganda mo!”Tunay ngang maganda si Monica at iyon ay hindi maikakaila. Subalit may kapansin-pansing paninigas sa kanyang mukha, tila may hindi siya mahanap na tamang posisyon. Sa loob ng fitting room kanina, pinilit niyang isara ang zipper kahit sumisikip na ang baywang. Kinailangan niya pa nang malalim na paghinga upang maipasok ang katawan sa sukat na minsang swak sa kanya.Ngayon, sinusubukan niyang itago ang kawalan ng ginhawa, umiikot para ipakita ang paldang malambot na kumikilos sa bawat hakbang.“S

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 365

    Gusto ni Monica ang damit na suot ni Maxine, at hinila pa niya si Shawn upang isama sa kagustuhan niya. Hindi pumapayag ang kanyang matinding kompetisyon na siya ang talunin. Sa sandaling ninakaw ni Maxine ang spotlight, awtomatikong naging layunin ni Monica na maagaw iyon. Para sa kanya, ang damit na iyon ay dapat maging kanya.Hindi ito ang unang pagkakataon. Noon pa man, sa hot spring, sinubukan na niyang agawin ang mga damit ni Maxine. Ang ugaling ito ay hindi bago, ngunit ngayong nasa harap ng maraming tao, mas mabigat ang tensyon.Tiningnan ni Shawn si Maxine, walang emosyon sa malamig niyang mukha, para bang walang saysay ang eksena sa harap niya.Sa sandaling iyon naman, marahan ngunit kumpiyansa na inunat ni Franco ang braso niya, saka niyakap ang malambot na baywang ni Maxine. May banayad na ngiti sa kanyang mga labi, ngunit ang intensiyon ay malinaw.“Mr. Velasco, lahat ay may tamang pagkakasunod-sunod. 'Yan ang patakaran, hindi ba?” ani Franco.Bahagyang kumurap ang mg

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 364

    Pakiramdam nina Monica, Amanda, at Nora ay parang sinampal ang kanilang mga mukha. Halos hindi makapaniwala ang kanilang mga mata sa eksenang nangyayari sa harapan nila ngayon.Tiningnan ni Maxine si Shawn, ang kanyang mga mata ay kumikislap nang may halong pilyong talino.“Mr. Shawn, naniwala ka na ba sa 'kin ngayon?”Habang nakakapit sa bisig ni Franco, ang gwapong mukha ni Shawn ay tila nagdilim, para bang may anino na sumisipsip sa paligid. 'This little demon!' singhal niya sa isipan. 'At kahit si Franco Albert ay naakit sa kanya. Talaga namang pambihira ka, Maxine.'“Maxine, dinala kita rito para mamili. May nakita ka bang mga damit na gusto mo?” tanong ni Franco sa mahinahon, ngunit puno ng aliw.Agad namang nagpakita ang sales assistant ng isang lace dress sa kanila.“Ang damit na ito ay perpektong babagay sa beauty mo, madam.”Tumango naman si Maxine bilang tugon at sinabi, “Gusto ko itong suotin.”“Go ahead, po,” sagot ng assistant.Kinuha ni Maxine ang lace dress a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status