MasukNapangiwi si Craige sa biglang sakit. Isa ang lalamunan sa pinaka-sensitibo at pinakamahinang bahagi ng katawan ng isang lalaki, at ang mariing pagkakakagat ni Jessica doon ay halos nagpawala ng kontrol niya.Dahan-dahang binitiwan ni Jessica ang pagkakakagat bago siya tumingala upang tingnan ito.“Masakit ba?”May malinaw nang hanay ng maliliit at pinong marka ng ngipin sa leeg ni Craige. Mga bakas na siya mismo ang gumawa.“Masakit,” mahina at tila paos ang boses nang sabihin 'yon ni Craige.“Kung gano’n, tandaan mo ang sakit na ’yan.” Bahagyang umirap si Jessica habang nakatingin dito. “Sa susunod na makikipag-usap ka pa sa ibang babae, ako ay—”Biglang natawa si Craige sa mababa at puno ng aliw na tono. “Alam ko.”Napakunot ang noo ni Jessica sa kanyang narinig. “Ano’ng alam mo?”“Alam kong nagseselos ka.”Parang may maliit na batong nahulog sa dibdib ni Jessica at nagpabilis sa tibok ng puso niya. Agad niya iyong itinanggi.“Hindi ako—”“Oo.”Agad na pinutol ni Cra
Naiwang bigo ang magandang babae at naglakad palayo nang labag sa loob, maingay na tumutunog ang matataas nitong takong sa sementadong kalsada.Mahinang suminghot si Jessica habang nakatingin sa direksyong nilakaran nito.Sa kabilang banda, tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Craige bago nagpakawala ng mababang tawa. Bahagyang nakakurba ang manipis nitong mga labi, tila labis na naaaliw sa reaksyon niya.Napansin iyon ni Jessica. Agad siyang napalingon dito at bahagyang nagsungit habang nakatitig ang maliwanag niyang mga mata niyang perpektong kumikislap sa mukha nito.“Mr. Montero, ano’ng tinatawanan mo?”Malalim ang tingin ni Craige sa kanya bago ito sumagot.“Miss Pablo, hindi ba sinabi mong hindi ka pupunta?”Bahagyang tinaas ni Jessica ang baba niya, pilit na pinatapang ang mukha kahit halatang naiilang.“At kung hindi ako bumaba?” balik niya. “Balak mo bang humanap ng ibang magandang babae?”Bahagyang tumaas ang kilay ni Craige sa kanyang sinabi.“Hindi ko sinabi 'yo
Sinabi ni Craige nagpapanggap siya. Agad na namula ang magandang mukha ni Jessica. Isang lalaki ang nakaparada sa ibaba ng bahay nila sa kalagitnaan ng gabi at pinabababa siya. Kahit sino ay madaling mahuhulaan kung ano ang gusto nito.Hindi na rin naman siya inosenteng babae. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang may mangyari sa kanila.Bahagyang kinagat ni Jessica ang kanyang mapulang labi bago nag-type ng reply.Jessica:Mr. Montero, inaantok na po ako. Matutulog na ako.Sa loob ng mamahaling sasakyan, mag-isang nakaupo si Craige habang hawak ang cellphone sa kanyang mahahabang daliri. Tahimik niyang binasa ang mensahe nito.Inaantok na raw ito.Dahan-dahang umangat ang gilid ng labi ni Craige at natawa siya nang mahina.Craige:Miss Pablo, binabawi mo na ba ang mga salita mo?Pagkabasa no'n, mabilis na humiga si Jessica sa kama at hinila ang kumot hanggang dibdib, tila ba maitatago siya nito mula sa lalaki.Tinatanong siya nito kung binabawi niya ang kanyang pangako.
Walang balak si Craige na tumigil.Gusto niya si Jessica at hindi lang basta gusto. Sa sandaling iyon, ramdam niyang unti-unti na siyang nawawalan ng kontrol sa sarili niya.Ngunit si Jessica ay hindi nakipagtulungan. Nakita na niya sina Thalia at George na tumatawid na sa kalsada pabalik sa sasakyan.Dahil sa biglaang pagkapahiya at pagmamadali, agad niyang itinulak si Craige palayo at maayos na umupo sa kanyang upuan na para bang walang nangyari.Sa sumunod na sandali, may marahang click na tunog nang bumukas ang pinto ng kotse.Pumasok sina Thalia at George.Iniabot ni Thalia ang isang bote ng tubig at sinabi, “Ate Jessica, uminom ka.”“Okay,” mahinang sagot ni Jessica habang tinatanggap iyon.Saglit siyang tinitigan ni Thalia at sinabi, “Ate Jessica, bakit ang pula ng mukha mo?”Agad na iniwas ni Jessica ang tingin at bahagyang tinakpan ang mukha na nananatiling mainit.“S-Siguro ay dahil mainit lang,” sagot niya, pilit kinakallma ang boses.Sa harap, ramdam ni George an
Marahang itinulak ni Jessica ang dibdib ni Craige gamit ang maliliit niyang mga kamay.“H-Huwag mong gawin ito, Mr. Montero…”Ngunit sa halip na umatras, marahang hinaplos ni Craige ang kanyang pisngi at ang dulo ng kanyang buhok. Ang kilos niya ay banayad, halos parang takot na baka mawala siya sa isang iglap.“Jessica, napakaganda mo ngayong gabi,” mahina niyang sabi.Puno ng malinaw at tahimik na pagmamahal ang kanyang tinig.Namula si Jessica. Hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng paghahanda nila ni Thalia sa loob ng silid. Lahat ay para sa gabing ito, para sa muling pagkikita nila.“Mr. Montero…”“Tawagin mo ang pangalan ko,” mariin ngunit mahinang utos nito.Nag-alinlangan siya nang isang sandali bago sumagot.“Craige!”Sa sandaling marinig iyon, muling sinakop ni Craige ang kanyang mga labi.Lalong lumalim ang halik, dahilan upang magulo ang paghinga ni Jessica. Sa pagitan nila ay may bahagyang amoy ng alak ma matapang, nakakapanlambot, at nakakalasing sa isip.N
“Yes, sir.”“Sa front seat ako uupo. Si Kuya at si Ate Jessica sa likod,” magalang na saad ni Thalia.Agad siyang sumakay sa front passenger seat, halatang sadyang iniiwan ang back seat para kina Craige at Jessica.Hindi nakaligtas kay Jessica ang malinaw na intensyon ni Thalia. Ngunit sa sandaling iyon, maginoong binuksan ni Craige ang pinto sa likod para sa kanya.“Sumakay ka na.”Kalmado lamang ang boses nito, ngunit puno ng awtoridad. Walang nagawa si Jessica kung hindi sumunod at umupo sa backseat.Sumunod naman si Craige at umupo sa tabi niya bago maingat na isinara ang pinto.Dahan-dahang umandar ang luxury car at gumalaw sa kalsada.Sa harapan, agad naman na nagtanong si Thalia.“Kuya, uuwi ka ba o babalik sa kumpanya?”“Babalik ako sa kumpanya,” simpleng sagot ni Craige. “Kayo ba ay uuwi na?”Lumingon naman si Thalia kay Jessica at nagtanong. “Ate Jessica, uuwi na ba tayo?”Ramdam ni Jessica ang titig ni Craige sa kanyang tagiliran, kaya mabilis siyang sumagot.
Sa dormitoryo ng mga babae...“Aw! Ang sakit! Jessica, dahan-dahan lang…”Nakabalik na si Maxine mula sa mansyon ni Shawn, papunta sa dormitoryo. Pinapahiran siya ni Jessica ng yelo sa namamaga niyang mukha.Nang marinig ang daing ni Maxine, napamura si Jessica sa galit.“Hayop talaga 'yang si J
Alam ni Shawn na mabilis siya, pero hindi niya inaasahang ganito rin kabilis si Maxine.Kahit kailan ay hindi pa nakatagpo si Shawn ng karapat-dapat na kalaban sa gaming, hanggang ngayon. At ang kalabang iyon ay si Maxine pa.Nakipagsabayan ito sa kanya, laban kung laban.Ang pangyayaring itong a
'Hindi. Pero gusto ko nang umalis.'Ito na lamang ang nasambit ni Maxine, ngunit sa isipan lamang iyon. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay, ngunit mariing kinapitan iyon ng mahahaba at matigas na mga daliri ni Shawn, pilit siyang hinihila palayo.“Shawn, ano'ng ginagawa mo? Bitawan mo ako
Agad na tumakbo ang mga lalaki papunta kay Maxine at Jessica. Maya-maya, biglang umalingawngaw ang sigawan sa buong paaralan.“May nangyayari! May gulo! May nag-aaway!”Samantala, si Damian naman ay abala sa pagwawasto ng mga papel sa opisina ng punong-guro sa mga oras na 'yon. Agad siyang lumabas







