MasukSi Maxine ay tahimik na nakaupo sa dressing room habang inaasikaso ng makeup artist ang kanyang mukha. Sa ilalim ng malambot na ilaw, lalo lamang lumitaw ang kanyang balat. Napakapino, makinis, at tila babasagin sa sobrang ganda. Para siyang obra maestrang kahit anong ayos ay natural na bumabagay.Sandaling bumukas ang pinto. Pumasok si Cassandra, kasunod si Akisha.Agad na nagliwanag ang mukha ng bata at tumakbo papunta kay Maxine.“Mommy! Ang ganda-ganda ni mommy ngayon, pero syempre, maganda si mommy araw-araw!”Humagikgik si Akisha habang mahigpit na yumakap sa kanya, puno ng inosenteng paghanga.Hindi napigilan ni Maxine ang sarili at mabilis na hinalikan ang pisngi ng bata.“Miss na miss ka ni mommy, Akisha.”Lumapit naman si Cassandra, may banayad na ngiti sa labi at nagsalita.“Maxine, congratulations.”Ngumiti si Maxine, bahagyang may pagod pa rin sa mga nakaraang araw.“Cassandra, naging sobrang busy ako nitong mga nakaraang araw. Ikaw ang nag-alaga kay Akisha. Sala
“What?”Sabay-sabay na natigilan ang tatlong taong nasa labas ng pinto na sina Shawn, Roberto, at Margaret. Para bang sa iisang iglap, naputol ang daloy ng kanilang paghinga, at nanatiling nakapako ang kanilang mga mata sa kung anuman ang kanilang narinig.Samantala, umuwi naman sina Monica at Imelda na tila walang nangyari. Kahit nabunyag na ang paggamit ni Imelda ng Kalanchoe Diagremontiana, hindi pa rin sila natalo at hindi pa rin sila sumusuko.Masiglang nagsalita si Monica habang nakaupo sa sala, tila ba walang anumang bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha.“Tita Imelda, sa tingin mo ba talaga pakakasalan ako ni Shawn?”Mahinahong humigop ng kape si Imelda, kalmado at walang bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha.“Siyempre naman kaya simulan mo na ang paghahanda bilang isang girlfriend. Ang Vinculum sa katawan ni Shawn ay ako lamang ang may kakayahang mag-alis niyan.”Agad na kumapit si Monica sa kanyang braso, puno ng paghanga at paglalambing.“Tita Imelda, ikaw talaga
Ngumiti nang bahagya si Maxine bago sumagot.“Hindi ako umalis.”Sa kabilang panig ng pinto, tila nakahinga nang bahagya si Shawn, ngunit nanatili pa rin ang kaba sa kanyang boses.“Kung gano'n, aalis ka ba? Ngayon hindi kita nakikita, nag-aalala ako na baka isama mo si Akisha at iwan mo ako.”Natigilan si Maxine. Sandaling nanahimik ang paligid, na para bang pati hangin ay nakikiramdam sa bigat ng kanilang usapan.Mahinang nagsalita si Shawn, ngunit bawat salita ay punong-puno ng damdamin. “Alam ko na gusto mong lumayo sa akin ngayon. Ayaw mong maramdaman ko ang sakit ng Vinculum. Pero, Maxine…” bahagya siyang huminto, tila pinipigilan ang sarili. “Kung ikukumpara ko ang sakit na iyon, mas natatakot ako na mawala ka at si Akisha.”Napapikit si Maxine, at marahang ipinatong ang kanyang palad sa pinto, na para bang sa ganitong paraan ay mararamdaman niya ang presensya nito.“Ilang beses na kitang nawala…” dugtong pa ni Shawn sa paos na tinig. “Tatlong taon na ang lumipas. Ayoko
Kahit labis ang pag-aalala ni Maxine kay Shawn at desperado siyang manatili sa tabi nito, wala siyang nagawa kung hindi ang umalis. Alam niyang kapag nagpatuloy siya sa pananatili, lalo lamang siyang masasaktan at mas lalo ring mahihirapan si Shawn.Kaya’t marahan siyang humakbang palayo, ngunit agad na nagsalita si Shawn.“Maxine, huwag kang umalis!”Biglang hinila ni Shawn ang kumot, pilit na bumangon mula sa kama at mabilis na lumapit. Mula sa likod, mahigpit niya itong niyakap, na para bang ayaw na ayaw niya itong pakawalan.Isinubsob niya ang kanyang guwapong mukha sa mahabang buhok ni Maxine. Paos ang kanyang boses at puno ng pagsusumamo nang magsalita.“Maxine, huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan, okay?”Napapikit si Maxine. Ramdam niya ang sakit nito at ang sariling sakit na pilit niyang kinikimkim. “Shawn, bitawan mo ako. Kapag nagpatuloy pa ito, lalo kang mahihirapan.”Ngunit sa halip na sumunod, lalo pa siyang hinigpitan ni Shawn. “Kung gano'n, hayaan mo na lan
Lubos na naantig si Maxine. Hindi niya inaasahan na nais siyang gawing ampon nina Roberto at Margaret. Sa kaibuturan ng kanyang puso, matagal na niyang hinahangad ang ganitong bagay. Sa tuwing nakikita niya kung paano nila pinapahalagahan at minamahal si Monica, hindi niya maiwasang makaramdam ng tahimik na inggit.Ang kawalan ng ama at ina ay isang sugat na matagal na niyang dala-dala. Isang pangungulilang hindi kailanman tuluyang naghilom.At ngayon, handang punan nina Roberto at Margaret ang kakulangan na iyon para sa kanya.Unti-unting namasa ang malinaw na mga mata ni Maxine. Nanginginig ang kanyang boses habang nagsasalita.“P-Pumapayag ako, Mr. Aguilar, Miss Montefalco. P-Pumapayag akong maging anak ninyo!”Nagkatinginan sina Roberto at Margaret, at sa isang iglap ay napuno ng saya ang kanilang mga puso. Walang pag-aalinlangan, hinila ni Margaret si Maxine at mahigpit itong niyakap.“Napakaganda niyan, Maxine. Mula ngayon, magiging anak na kita.”Marahang tumango si Maxin
Nakahinga nang maluwag sina Roberto at Margaret matapos marinig ang sinabi ng doktor.“Sige, salamat po, Doc,” magalang na wika nila.Pagkaalis ng doktor, nanatili silang nakaupo sa tabi ng kama. Tahimik nilang pinagmamasdan si Maxine, na nakahiga at wala pa ring malay dahil sa labis na pagkapagod.Dahan-dahang iniabot ni Margaret ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang maliit at maputlang mukha ni Maxine. Puno ng damdamin ang kanyang tinig nang magsalita siya.“Ginamot niya ako gamit nang halos dalawang oras tapos siya pa ang nahimatay dahil sa akin. Nagkataon lang na nagkakilala kami, pero napakabuti niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran.”Pinakalma naman siya agad ni Roberto, marahang hinahaplos ang kanyang balikat.“Ayos lang si Maxine. Malakas siya.”“Roberto…” mahina ngunit mabigat ang emosyon sa boses ni Margaret nang magsalita. “Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing tinitingnan ko si Maxine, parang may kakaibang pakiramdam na parang napakalapit ni
“So, don’t you think it’s shameless, holding onto Maxine like that?”Sa unang pagkakataon sa buong buhay ni Roberto, ngayon lang may nagsabi sa kanya na walang-hiya.Kaya naman ay batigilan siya. Hindi siya agad nakapagsalita.Ang butler ang unang bumawi sa katahimikan. Mabagal ngunit may diin an
Muling nagsalita si Roberto, kalmado ang tinig ngunit mabigat sa awtoridad.“Nasaan ang anak ko?”Hindi na lihim ang dahilan kung bakit unti-unting nawala sa paningin ng publiko ang pinakamayamang tao sa mundo na si Roberto sa loob ng maraming taon. Hinahanap niya ang matagal nang nawawala niyang
Hindi makapaniwala sina Nora at Wilbert habang nakatitig kay Marivic. Ang kanilang mga mata ay puno ng sakit at galit.“M-Ma,” nanginginig na sambit ni Nora at nagpatuloy, “Sa ganitong panahon ay talagang iiwan mo si Monica? Pamilya pa ba tayo o hindi?”Bago pa makasagot si Marivic, hindi na nakap
Nagpalitan ng tingin sina Jessica at Althea na nakatayo sa tabi ni Maxine. Isang tingin na malinaw na nagsasabi na hayaan munang magyabang ang babae at darating rin ang panahon na makukuha nito ang nararapat para sa kanya.Agad namang kumunot ang noo ni Monica.'Bakit ba pakiramdam ko ay may kakai







