Share

Kabanata 793

Author: Glazed Snow
Pumayag na si Shawn. Pakakasalan niya si Monica.

Sa sandaling iyon, tila may bumigat sa hangin. Agad na lumapit sina Roberto at Margaret.

“Roberto!”

Nagbago naman ang ekspresyon ni Jessica.

“Shawn!”

Sa kabilang panig, bahagyang umangat ang mapulang labi ni Monica. Nagpalitan sila ng tingin ni Imelda at parehong may ngiting puno ng tagumpay.

Nakuha na nila ang gusto nila. Sa wakas. Para kay Monica, ang lahat ng nangyari, ang pagbagsak ng kanyang dating inaasahan bilang parte ng pamilya Agui
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myra Chua
pinatagal tagal pa kay monica parin ang beat hahaha grabe sabi na nga ba c monica ang bida
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 793

    Pumayag na si Shawn. Pakakasalan niya si Monica.Sa sandaling iyon, tila may bumigat sa hangin. Agad na lumapit sina Roberto at Margaret.“Roberto!”Nagbago naman ang ekspresyon ni Jessica.“Shawn!”Sa kabilang panig, bahagyang umangat ang mapulang labi ni Monica. Nagpalitan sila ng tingin ni Imelda at parehong may ngiting puno ng tagumpay.Nakuha na nila ang gusto nila. Sa wakas. Para kay Monica, ang lahat ng nangyari, ang pagbagsak ng kanyang dating inaasahan bilang parte ng pamilya Aguilar ay tila napalitan nang mas malaking kapalit.Kung hindi man siya naging sentro ng pamilya Aguilar, naging sentro naman siya ng pamilya Velasco.Sa kanyang paningin, ang pagiging maayos na makapag-asawa ay mas mahalaga kaysa anumang talento o katayuan. At ngayon, sa tulong ng Vinculum na kumokontrol kay Shawn, sigurado siya na hindi na mawawala sa kanya ang posisyong ito.Habambuhay siyang magiging Mrs. Velasco.Dahan-dahang hinawakan ni Monica ang braso ni Shawn, mahinhin ang tinig nguni

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 792

    Para bang isang malakas na sampal ang tumama kay Monica sa gitna ng maraming tao at sa harap pa mismo nina Roberto at Margaret.Sa isang iglap, ramdam niya ang bigat ng lahat ng tingin na nakapako sa kanya.Sa paligid, nagbubulungan ang mga tao. May mga daliring palihim na nakaturo sa kanya, may mga matang puno ng pangungutya na tila pinapanood ang isang nakakatawang tagpo, at mayroon ding tahimik na awa na mas masakit pa kaysa sa hayagang paghamak. Sari-saring emosyon ang naghalo-halo sa iisang lugar, na para bang siya ang sentro ng isang hindi inaasahang palabas.Ang titulong Miss Aguilar ng pamilya Aguilar na buong tapang niyang inaasahan, ang sandatang inakala niyang magtataas sa kanya sa rurok ng lahat ay biglang gumuho sa kanyang mga kamay.Wala na. Tuluyan na itong naglaho..Parang hindi ito kailanman naging kanya.'Bakit nangyari ito?'Ang galit sa dibdib ni Monica ay sumiklab na parang apoy na hindi na mapigilan.Sa gitna ng tensyon, may bumulalas mula sa karamihan.“Du

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 791

    Tumingin si Monica kay Roberto at Margaret, saka nagsalita.“Dad, Mom, gustong-gusto ko po ang Light Of Infinity Crown na ito. Pakisuot na po sa akin ngayon.”Hindi na niya maitago ang pananabik. Halos hindi na siya makapaghintay na mailagay ang korona sa kanyang ulo.Kinuha naman ni Margaret ang Light Of Infinity Crown at saka nagsalita.“Ngayon, kami mismo ang maglalagay ng korona na ito na para lamang sa anak ng pamilya Aguilar.”“Mom, bilisan niyo na po at ilagay na sa akin,” nagmamadaling saad ni Monica sa kanyang ina.Hawak ang kumikislap na korona, dahan-dahang lumapit si Margaret at huminto sa harap niya.Nagliwanag naman ang mga mata ni Monica. Ramdam niya ang inggit at tingin ng lahat sa paligid.At nagsimulang mag-ugong ang bulungan ng mga tao sa paligid.“Si Mrs. Aguilar na ang maglalagay ng Light Of Infinity Crown kay Miss Aguilar!”“As expected, siya ang biological daughter nina Mr. Aguilar at Mrs. Aguilar.”“Paano naman matatalo ng adopted daughter ang tunay n

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 790

    Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Imelda nang sabihin iyon ni Maxine. Nagngitngit siya at hindi mapigilang mapabulalas.“Ikaw—”Ngunit agad naman na lumapit si Jessica at malamig na nagsalita.“Mrs. Soriano, sa kakayahan ni Maxine, hindi niya kailangang kumapit sa kahit kanino. Ang pamilya Aguilar ay isa lang maliit na dagdag sa kanya. Kumbaga parang icing sa cake lamang.”At dahil diyan, lalong dumilim ang mukha ni Imelda.“Mula ngayon, si Maxine ay anak na namin. Kung may maglalakas-loob na manggulo o bastusin siya, agad ko siyang palalayasin,” malamig na saad ni Roberto.Walang bakas ng pag-aalinlangan ang kanyang boses. Ang mga salita ay tuwirang parang patalim na tumama kay Imelda.Mahigpit na kinuyom ni Imelda ang kanyang mga kamao. Dahan-dahan niyang sinulyapan si Monica sa kanyang tabi.Agad namang lumapit si Monica at saka muling binuksan ang bibig.“Dad, Mom, dapat magdesisyon na kayo ngayon.”“Ano'ng desisyon?” tanong ni Maxine.Ngumiti si Monica, puno ng kumpiy

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 789

    Samantala, nagkunwari naman na nagbigay ng payo si Imelda.“Roberto, si Maxine ay isa lamang na tapik, habang si Monica ang nag-iisa mong tunay na anak. Dapat pag-isipan mo ito nang mabuti. Huwag mong saktan ang damdamin ni Monica dahil lang sa isang tagalabas at baka sa huli, mawala pa sa ’yo ang sarili mong anak!”Mariin namang sumabat si Jessica, ang tinig niya ay puno ng pagpipigil ngunit may talim.“Miss Aguilar, hindi ka kailanman nagsisisi sa mga pagkakamali mo. Sa halip, itinutulak mo ang iba sa sulok. May mas malupit pa ba sa mga ginagawa mo?”Ngumiti nang malamig si Monica, tila walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga nagawang mali.“Kahit ano pa ang ginawa ko, ako pa rin ang totoong anak ng pamilya Aguilar. Ipinanganak ako sa ganitong estado. Ano ngayon?”Sandaling natigilan si Jessica, halatang hindi makapaniwala sa narinig.“Ikaw—”Ngunit bago pa siya makapagsalita nang tuluyan, umiling si Margaret.“Jessica, hayaan mo na.”Napilitan si Jessica na tumahimik, ngu

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 788

    Lumapit sina Roberto at Margaret. Bilang mga magulang, bakas sa kanilang mga mata ang bigat ng damdamin. Isang halong pagkadismaya at pagkalito kay Monica na tila hindi na nila maabot ang dating inaasahan nila rito.“Monica,” mahinang tawag nila.Ngunit sa halip na lambing, matalim na tingin ang isinagot ni Monica sa kanila.“Huwag n’yo akong tawaging ganyan!”Pagkasambit niya no'n, agad na bumigat ang hangin sa paligid. Parang lahat ng ingay sa bulwagan ay biglang sinakal ng tensyon.Lumapit si Jessica, mahinahon ngunit may diin ang boses nang magsalita.“Miss Aguilar, masayang okasyon ito. Mas mabuti kung kontrolin mo ang emosyon mo.”Ngumisi naman si Monica nang malamig at puno ng pang-aalipusta.“Masayang okasyon?” ulit niya. “Dahil inaampon n’yo si Maxine bilang anak? Dahil may panibagong taong hahati sa pagmamahal n’yo?”Isa-isa niyang tiningnan sina Roberto at Margaret, puno ng hinanakit at galit ang kanyang mga mata.“Itinuring ba ninyo akong anak? Kung aampunin n’yo

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 155

    Walang ideya si Maxine kung ano ba talaga ang sinasabi niya.Tiningnan naman ni Shawn ang hawak niyang ice cream, pagkatapos ay ang kanyang maputi, dalisay, at parang diwata na mukha.“Ano'ng kakainin?” tanong ni Shawn sa kanyang paos na boses. Nagkagulo ang isip ni Maxine. Hindi niya maintindih

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 161

    “Shawn...” Biglang sambit ni Monica kay Shawn mula sa kanyang tabi. “Total, hindi mo naman gusto si Maxine. At maghihiwalay na rin naman kayong dalawa. Ngayon na natagpuan na ni Maxine ang kanyang kaligayahan at bukod pa riyan, kay Lucas pa na hindi man lang nakuha ng napakaraming mga mayamang b

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 142

    Nanlamig at dumilim ang ekspresyon ni Shawn.“Malayang nakakagalaw ang lisensyadong plaka ni Joshua Alvarez sa buong Manila. Huli na para i-block ang mga kalsada.”“Sir, ano po ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Mike sa kanya.Walang pag-aatubili, inilabas ni Shawn ang kanyang telepono at tinaw

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 165

    Galit si Shawn. Galit siya dahil sinabi ni Maxine na iyon na ang huli, at huwag na siyang hanapin kahit kailan.Nang dumikit sa kanya ang malambot at mapulang labi nito, agad niya itong itinulak palayo nang may pagkainip.Ngunit ang maliit na kamay ni Maxine, na kanina ay nakapatong lamang sa kany

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status