LOGINAgad na lumapit si Roberto sa pinto at marahang hinawakan ang doorknob bago ito binuksan.Sa labas ay nakatayo ang isang batang babae. Napakaganda, kahanga-hanga, at tila maingat na inihanda para sa ganitong pagkakataon. Nang makita niya si Roberto, sandali siyang natigilan. Mabilis na namula ang kanyang pisngi habang nauutal na nagsalita.“R-Roberto... Mr. A-Aguilar...”Bahagya namang itinaas ni Roberto ang kilay at sinuri siya mula ulo hanggang paa. “Kilala mo ako?”Ngumiti ang babae, halatang kinakabahan ngunit pilit na pinananatili ang kumpiyansa.“Sino ba naman sa buong Tycoon City ang hindi nakakakilala kay Mr. Aguilar? Siyempre kilala kita, pero hindi mo lang ako kilala.”Ang babaeng ito ay personal na inayos ni Margaret. Alam na alam niya kung bakit siya narito, upang pagsilbihan ang isang lalaki. At ang lalaking iyon ay sigurado na hindi ordinaryo.Sa kanyang isipan, ang sinumang may koneksyon kay Margaret ay siguradong may kapangyarihan at kayamanan. Kaya nang dumati
Mabilis na naglaho sa paningin si Maxine, naiwan ang mabigat na katahimikan sa loob ng silid.Dahan-dahang ibinaling ni Roberto ang tingin kay Margaret at nagsalita.“So, ano na ngayon?”Walang pag-aatubiling sumagot si Margaret, malamig ang tinig. “Hahanapan kita ng babae.”Bahagyang kumunot ang noo ni Roberto habang tumatayo. “Margaret, hindi pa tayo hiwalay, at ngayon, tutulungan mo ang asawa mo na humanap ng ibang babae?”Diretsong sinalubong ni Margaret ang kanyang mga mata, walang bakas ng pag-urong nang sabihin, “Roberto, sigurado akong tuwang-tuwa ka naman, hindi ba?”Saglit namang natahimik si Roberto, saka mariing pinagdikit ang kanyang mga ngipin, halatang pinipigilan ang galit. “Sige. Humanap ka.”“Ano'ng klaseng babae ang gusto mo?” tanong ni Margaret, tila sinasadya ang bawat salita.Ngumisi si Roberto, ngunit ang ngiti niya ay may halong pait. “Katulad mo.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Margaret sa sinabi niya.“Ano'ng ibig mong sabihin sa katulad ko?”
'Ano’ng sinasabi niya?'Bahagyang tinulak ni Margaret si Roberto, may halong inis ang kanyang galaw.“Lumayo ka nga! Kahit gusto mo, pero ayoko!”Bahagyang pumikit si Roberto, tila ba pinipigil ang kung anong naglalagablab sa kanyang loob. “Talaga bang ayaw mo?”“Ayaw ko!” mariin niyang tugon, walang bahid ng pag-aatubili.Totoo ang kanyang sinabi. Sa tuwing sumasagi sa isip niya ang eksenang magkasama si Roberto at Imelda sa iisang kama, parang may malamig na kamay na sumasakal sa kanyang dibdib. Isang halo ng sakit at matinding pagkasuklam. Ngunit tila walang balak umatras si Roberto.“Kahit ayaw mo ay titiisin mo,” malamig at mapang-utos niyang tugon.Hindi na siya naghintay ng sagot. Yumuko siya at marahas na inangkin ang labi ni Margaret.Nagulat si Margaret at agad na nagpumiglas. Ngunit sa gitna ng kanyang pakikipaglaban, biglang umalingawngaw ang boses ng isang katulong mula sa labas.“Miss Garcia, hello po.”Dumating na si Maxine.Parang nagising mula sa pagkakabi
Mariing kumatok si Roberto sa pintuan ng kwarto ni Margaret habang nagsasalita.“Margaret, ako ito! Buksan mo agad ang pinto at may sasabihin ako!”Sa loob ng silid, tahimik na nakaupo si Margaret sa gilid ng kama. Hindi siya kumilos. Wala siyang balak harapin ito.“Alam kong nariyan ka, Margaret!” ani Roberto sa malakas na boses. “Buksan mo na ang pinto! Magbibilang ako hanggang tatlo. Kung hindi ka pa rin lalabas, sisipain ko itong pinto!”Nataranta ang katulong sa labas dahil sa sinabing iyon ni Roberto.“Mr. Aguilar, h-huwag n’yo pong sipain ang pinto! Kung may sasabihin kayo, pag-usapan n’yo nang maayos!”Ngunit hindi na siya pinansin ni Roberto.“Isa…” malamig niyang bilang.Saglit na kumunot ang noo ni Margaret, ngunit nanatili siyang nakaupo.“Dalawa…”Sa huli, napabuntong-hininga siya. Wala na siyang pagpipilian.Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Walang emosyon ang kanyang mukha habang binubuksan ito.Pagkabukas, agad niyang nasilayan ang matangkad at tuwid
Samantala, galit na galit naman si Monica. Namumula ang kanyang mukha habang nanginginig ang kanyang boses sa pagpipigil ng inis.“Maxine, ano ang ginagawa mo? Pribadong usapin ito ng pamilya namin. Ano'ng karapatan mong manghimasok?”Dahan-dahan namang bumaba si Imelda mula sa kama. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili, ngunit ngayon ay tuluyan nang nabasag ang kanyang maingat na itinayong imahe. Ang gabing ito ay matagal niyang pinagplanuhan. Bawat hakbang, bawat galaw ay kontrolado sana. Ngunit sa isang iglap lang, winasak iyon ni Maxine.Unti-unting nawala ang kanyang mahina at inosenteng anyo. Sa halip, isang malamig at matalim na titig ang ipinukol niya kay Maxine.“Miss Garcia,” malamig niyang saad. “Talagang mahilig kang makialam sa buhay ng iba.”Hindi natinag si Maxine. Tahimik niyang pinagmasdan si Imelda mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ang bawat detalye nito. Pagkaraan ng ilang sandali, bahagya siyang ngumiti. Isa klase ng ngiti na hindi umaabot sa kanyang mga ma
Mabilis naman na sumunod si Monica kay Margaret at nagsalita.“Mom, hindi ko alam na ginagawa iyon nina dad at Tita Imelda. Pasensya na, hindi ko dapat hinayaan na m-makita mo iyon.”Ramdam ni Margaret ang unti-unting panlalamig ng kanyang katawan, na para bang may yelong bumabalot sa kanyang puso. Marahan siyang tumingin kay Monica, bago sumagot.“Ayos lang, Monica. Hindi mo kasalanan ito. Sa totoo lang, wala lang naman 'yon. Matagal nang nakatira rito si Imelda kaya malamang, matagal na rin silang may relasyon ng tatay mo.”Matagal na ring pinaghihinalaan ni Margaret ang bagay na iyon. Sa kaibuturan ng kanyang isipan, handa na sana siya. Ngunit ang makita iyon mismo at sa sarili niyang mga mata ay ibang usapan na.“Mom…” mahinang tawag ni Monica.“Monica, uuwi na ako.”Gusto na lamang niyang makaalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Ang hangin ay tila mabigat, at ang bawat segundo ay nagdudulot nang matinding pagkasuklam sa kanyang kalooban.Tahimik na pinanood ni
Tinanong ni Maxine ang tanong na matagal nang bumabagabag sa kanyang dibdib kung gusto ba talaga siya ni Shawn, o isa lamang siyang pansamantalang aliwan.Hindi sumagot si Shawn. Sa halip, marahang hinawakan niya ang maliit na mukha ni Maxine sa pagitan ng kanyang mga palad at muling inangkin ang k
Tahimik lamang ang loob ng sasakyan, tanging ugong ng makina ang pumupuno sa pagitan nila.Biglang nagsalita si Shawn, tila walang emosyon ngunit mabigat ang tanong.“Magkasama ba kayong matutulog ngayong gabi?”Biglang nanigas ang katawan ni Maxine. Sandali siyang napahinto bago sumagot, ang bos
'H-Hindi. Imposible ito!?'Nanlaki ang mga mata ni Monica sa hindi makapaniwalang ekspresyon. Parang may biglang bumagsak sa dibdib niya. Masakit, nakakasakal. Sa gitna ng galit at pagkataranta, napasigaw siya.“Maxine, ano’ng ginagawa mo kay Shawn? Walang hiya kang babae ka! Ikaw ang umakit kay S
Pagkasabi no'n, agad na tumalikod si Monica at umalis. Bago tuluyang lumayo, sumulyap siya kay Nora. Nagpalitan ang dalawa ng tingin. Isang tahimik, ngunit puno ng pagkakaunawaan na tila ba nagbabadya ng mga darating na pangyayari.Nakatayo naman si Shawn sa tabi ni Franco habang tinitingnan nito a






