Share

Kabanata 47

Auteur: Glazed Snow
Sinabihan ni Shawn ang bata noon na delikado ang lugar at kailangang umalis sila agad sa lalong madaling panahon. Kung maabutan sila ng mga humahabol sa kanya ay baka hindi ito makaligtas. Hindi sila makaalis ng buhay sa mga kamay ng kalaban.

Ngunit, hindi umalis ang bata. Hindi lang siya nanatili, pilit pa siya nitong kinarga at hinihila patungo sa isang tagong kuweba.

“Kuya Pangit, ligtas dito. Hindi nila tayo matatagpuan,” sabi ng batang babae sa kanya.

Tinitigan ni Shawn ang batang babae. Noon, bata pa talaga ito. Malamig na ang panahon dahil taglamig na pero manipis at kupas na puting damit lang ang suot ng bata. Para bang matagal na itong nakatira sa gubat, at ang tanging kasama lang nito ay ang sira-sirang manika na yakap-yakap niya.

Malubha ang sugat ni Shawn at giniginaw siya nang matindi. Hanggang sa inabot siya ng bata at inakap na para bang gusto siya nitong tulungang alisin ang ginaw na kanyang nararamdaman.

“Kuya, nilalamig ka ba? Kung yayakapin kita nang ganito, hindi ka
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 50

    Sa unang round pa lang ng laro, si Shawn na agad ang napiling sumagot, at agad namang uminit ang atmosphere sa paligid.Ngumiti si Amanda, bahagyang kinurba ang kanyang mapupulang labi habang nakatitig kay Shawn nang mataman.“Mr. Velasco, maglaro tayo ng truth. Maaari ba kitang tanungin kung na-enjoy na ba ninyo ni Mrs. Velasco ang inyong kasal?” tanong ni Amanda sa kanya.Lahat na naroroon, maliban kay Lucas na kakabalik lang mula sa ibang bansa ay alam na si Maxine Garcia ang tinutukoy na Mrs. Velasco.Pero malinaw rin na nais tanungin ni Amanda kung kailanman ay nahawakan ba ni Shawn si Maxine.Ang mga mayayamang anak na naroon ay agad nag-tilian at nagsipag-sipulan, sabik sa eskandalo.Tinapunan ni Amanda nang mapanlinlang na tingin si Shawn at sinabi, “Mr. Velasco, tatlong taon na kayong kasal ng asawa mo. Huwag mong sabihing hindi mo pa siya kailanman nahawakan? Gaano mo ba kinasusuklaman ang asawa mo?”Napatingin rin si Monica kay Maxine, taas-noo at mayabang ang ekspresyon ng

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 49

    Nakita ni Maxine sina Shawn at Monica. Nakalabas na si Monica mula sa ospital at ngayon ay nakatayo sa tabi ni Shawn, nakahawak sa braso nito. Para silang isang perpektong magkasintahan—malapit at parang hindi mapaghiwalay sa isa't-isa.Napasinghap si Althea. “Mahal na mahal talaga ng CEO na si Shawn Velasco si Monica. Nagpunta na nga si Monica kay Madam Velasco pero parang walang nangyari. Magkasama na naman sila ngayon.”Hindi inasahan ni Maxine na matatagpuan niya sina Shawn at Monica dito sa bar. Nang makita niyang magkabati agad ang dalawa, wala siyang ipinakitang pagkagulat sa kanila. Bahagya pang kumurba ang kanyang mga labi sa isang ngiti at tumingin kay Althea.“Ngayon mo lang ba nalaman na mahal ni Shawn si Monica, Althea?” tanong niya sa kaibigan.Kung dati ay nakakaramdam pa siya ng pagkadismaya pero ngayon, naging manhid na siya.Sa sandaling iyon, may narinig silang tunog ng takong na lumalapit sa kanilang direksyon at kasabay no'n ang isang pamilyar na boses.“Mr. Velasc

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 48

    ‘Gaano kaya kasakit ang naramdaman niya noon?’Marahang hinawakan ni Shawn ng kamay niya si Maxine, ang kamay niya ay nakapatong sa malambot nitong baywang. Inaamin niya sa sarili na bahagyang lumambot ang puso niya para rito, higit pa kaysa dati.Iniyuko niya ang ulo at inilapit ang mukha sa babae.“Maxine, nasaktan ba kita? Patawarin mo ako,” bulong niya rito.Tahimik siyang humihingi ng paumanhin sa babae.Si Maxine na mahimbing pa ring natutulog, ay hindi tumugon. Magaan ang kanyang paghinga, at bawat hibla ng buhok niya ay tila malambot at mabango sa ilong.Pakiramdam ni Shawn ay may naglalagablab na uling sa kanyang lalamunan sa mga panahon na ito. Hindi siya naglakas-loob na tingnan ang kanyang bata, sariwa, at nakakaakit na katawan, ngunit hindi niya napigilan ang sarili. Yumuko siya na ngayon ay gustong halikan ang malambot at mabangong buhok ni Maxine.Ngunit, bago pa niya ito magawa, napaungol si Maxine, at dahan-dahang iminulat ang mga mata.Nagising na ang babae kaya naman

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 47

    Sinabihan ni Shawn ang bata noon na delikado ang lugar at kailangang umalis sila agad sa lalong madaling panahon. Kung maabutan sila ng mga humahabol sa kanya ay baka hindi ito makaligtas. Hindi sila makaalis ng buhay sa mga kamay ng kalaban.Ngunit, hindi umalis ang bata. Hindi lang siya nanatili, pilit pa siya nitong kinarga at hinihila patungo sa isang tagong kuweba.“Kuya Pangit, ligtas dito. Hindi nila tayo matatagpuan,” sabi ng batang babae sa kanya.Tinitigan ni Shawn ang batang babae. Noon, bata pa talaga ito. Malamig na ang panahon dahil taglamig na pero manipis at kupas na puting damit lang ang suot ng bata. Para bang matagal na itong nakatira sa gubat, at ang tanging kasama lang nito ay ang sira-sirang manika na yakap-yakap niya.Malubha ang sugat ni Shawn at giniginaw siya nang matindi. Hanggang sa inabot siya ng bata at inakap na para bang gusto siya nitong tulungang alisin ang ginaw na kanyang nararamdaman.“Kuya, nilalamig ka ba? Kung yayakapin kita nang ganito, hindi ka

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 46

    Natapos ni Maxine ang paglilinis at pagbabalot sa sugat ni Shawn, ngunit sa kasamaang-palad ay na-impeksyon na ang sugat nito. Pagkahiga pa lamang niya upang magpahinga, nagkaroon na siya ng mataas na lagnat.Nilalamig si Shawn kaya binuksan ni Maxine ang heater ng kwarto at tinakpan siya ng makakapal na kumot, ngunit nanginginig pa rin ito. Dumadaloy ang malamig na pawis sa kanyang noo, at maging ang mga labi ng lalaki ay namumutla.Sa isip ni Maxine ay karapat-dapat lang ito sa kanya. Sa kabila ng lahat na ginawa nito sa kanya ay dapat lang ang mga nangyayari kay Shawn. Ngunit, hindi kaya ng kanyang loob.‘Bakit hindi niya agad ginamot ang sugat niya gayong dinala pa niya si Monica sa ospital?’ tanong niya sa isip.Binigyan niya ito ng injection, ngunit ngayon ay kailangan nitong pagtiisan ang lagnat nang mag-isa. Kapag bumaba na ang lagnat, magiging maayos din siya.Inangat ni Maxine ang kumot at humiga—sa tabi mismo ni Shawn. Pagod na rin siya pero hindi niya 'yon alintana.Totoong

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 45

    Hinaplos ni Maxine ang maluwag na puting damit na suot niya saka tumingin sa gawi ni Shawn.Muling tumunog ang telepono sa ibabaw ng nightstand—ang malamyos nitong tono ay malinaw at matiyaga. Ngunit hindi man lang niya iyon tiningnan o sinagot.Binalewala niya ang tawag ni Monica. At iyon ang unang beses na ginawa ni Shawn.Tumayo si Shawn mula sa pagkakaupo. Ang matangkad at malapad niyang balikat ay kapansin-pansin saka hinubad ang kanyang itim na suit jacket.Sa ilalim noon ay suot nito ang puting polo at ang buong likod niya ay basang-basa sa dugo. Naalala ni Maxine ang hampas mula sa lola nito kanina. Tumagos ang latigo sa tela at direktang humiwa sa kanyang balat.Sugatan ang likod ni Shawn, ngunit ni hindi man lang ito nanginig. Walang bahid ng sakit sa kanyang mukha ang makikita sa mga oras na ito.Gayunman, kailangan pa rin gamutin ang mga sugat na iyon. Kapag pinabayaan, maaaring ma-impeksiyon ito.“Kukunin ko lang ang medical kit at gagamutin ko ang likod mo,” sabi ni Maxin

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status