Share

Kabanata 4

Author: Glazed Snow
Si Maxine ay biglang dumating.

Pagkatapos ng isang matinding pamimili sa mall, dinala agad ni Althea si Maxine sa Evergreen Club dahil determinado siyang bigyan ito ng isang malupit na single's party ngayong gabi na ito.

Hindi naman inaasahan ni Maxine na makakasalubong niya sina Shawn at ang iba pa roon. Natural lamang na narinig niya ang mga patutsada at panlalait nila sa kanya.

Kilala niya ang mga tao sa marangyang VIP table na naroon, kabilang na si Jared Montelban na kabilang sa parehong grupo nina Shawn. Si Jared ay matalik na kaibigan ni Shawn.

Noong panahon na mainit at lantaran ang relasyon nina Shawn at Monica, gusto siya ng lahat—maging si Jared na tinuturing na rin nitong matalik na kaibigan ang kapatid ni Maxine.

Sa mahigit tatlong taon, hindi kailanman nakapasok si Maxine sa kanilang grupo. Hindi siya kailanman tinanggap ng mga ito.

Tinawag siya ng mga ito na isang desperadang substitute bride at probinsyanang walang alam.

Sa isip ni Maxine, kapag hindi ka mahal ng isang lalaki, hindi ka rin igagalang ng kanyang mga kaibigan.

Samantala, nagpanting naman ang tenga ni Althea at agad na itinaas ang manggas ng kanyang damit.

“Susugatan ko 'yang mga bunganga nila!” galit niyang usal.

Hinawakan naman siya agad ni Maxine.

“Hayaan mo na, Althea. Nakipaghiwalay naman na ako at hindi na kailangang malungkot sa sinabi ng mga taong 'yan.”

Napansin ni Althea ang malamig at walang pakialam na ekspresyon ni Maxine, kaya’t napilitan siyang pigilan ang galit. Sa mga oras na iyon, parami nang parami ang mga matang nakatingin kay Maxine, at tinatawag na siyang diyosa ng mga ito.

“Diyosa? Saan?”

Sumunod ng tingin si Jared sa lahat at agad siyang natigilan.

“Grabe, sobrang diyosa nga!”

Lahat ng mga anak-mayaman sa paligid niya ay napanganga.

“Kailan nagkaroon ng mala-diyosang mukha dito sa Club? Ngayon ko lang siya nakita.”

“Bro, tingnan mo 'yang magandang babae!” ani Jared kay Shawn.

Sanay na si Shawn sa mga babae—mula sa mga maamo hanggang sa mga makurba kaya’t hindi na siya interesado pang tumingin. Pero katapat lang ng lamesa nila ang direksyon nina Maxine.

Iniangat niya ang ulo at nakita ang babae.

Tinanggal ni Maxine ang kanyang itim na salamin, nilisan ang dati niyang matamlay at walang buhay na anyo. Ang kanyang makinis at maputing mukha, na parang niyebe, kasama nang likas na magandang hubog ng kanyang buto. Ang kanyang mahabang itim na buhok ay dumadaloy na parang alon sa kanyang balikat—isang tunay na diyosa.

Napako ang tingin ni Shawn sa kanya nang dalawang segundo.

“Ano'ng masasabi mo sa mala-diyosa na 'yan, Bro?” tanong ni Jared sa masiglang boses.

Nagsimula naman na magbulungan ang iba.

“Hindi siguro siya gusto ni Mr. Velasco. Gusto niya 'yong kagaya ni Monica—malambot at maamo, hindi 'yong malamig na diyosa na 'yan.”

“Tingnan niyo 'yang mga hita ng diyosa. Parehong maganda tulad ni Monica!”

Nakasuot ng maikling palda si Maxine, na lubos na kakaiba sa dati niyang konserbatibong pananamit. Sa unang pagkakataon, nasilayan ang kanyang mga hita na may perpektong hugis, makinis at may hubog. Ang mga hitang kayang painitin ang imahinasyon ng sinumang lalaki.

Hindi pahuhuli tulad ng kay Monica.

Pinagmasdan naman ni Shawn ang diyosa na tinatawag nila nang mas matagal at pakiramdam niya ay parang nakita na niya ito noon.

Bigla namang dumating ang grupo ng mga lalaking entertainer at lahat ay makikinis ang balat, magaganda ang mukha, at mahahaba ang mga binti. Pumila sila sa harap ni Maxine.

“Max, pumili na tayo ng walo,” sambit ni Althea na nakangiti.

Bilang selebrasyon sa kanyang kalayaan mula sa mapait na kasal, sumang-ayon si Maxine.

“Lahat sila ay gusto ko.”

Samantala, nagsimula namang magbilang si Jared sa mga lalaking na sa harapan ni Maxine.

“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo. Grabe, kumuha ng walong male entertainer ang mala-diyosang babae!” saad ni Jared.

Nagkomento naman ang iba.

“Bakit pa gagastos? Basta sabihin lang ng diyosa, libre na kami.”

Nagtawanan ang lahat dahil doon at ilang saglit lang, biglang nag-ring ang telepono ni Shawn. May bago na namang notification mula sa gastos.

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ito.

‘Ano na naman ang binili ni Maxine?’ tanong niya sa isip.

‘Dear VVIP user, your card was used at Evergreen Club, purchasing an entertainment service for fifty thousand pesos.’

Nandilim ang ekspresyon niya. Muli niyang tiningnan ang message.

‘Evergreen Club? Entertainment services?’ aniya sa isip.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mala-diyosang babae sa hindi kalayuan at napasinghap siya.

‘Hindi kaya ang babaeng kumuha ng walong entertainer nang sabay ay si Maxine?’

Napanganga na lamang siya sa kanyang napagtanto.

Samantala, pinalibutan naman ng walong lalaking entertainers si Maxine habang pinupuno ang kanyang baso.

“Maglaro tayo ng shot game!” sambit ng isa sa mga entertainer.

Masiglang pumalakpak si Althea at sinabi, “Gusto ko 'yan! Sige, maglaro tayo!”

Sa unang round, natalo si Maxine. Isang lalaking entertainer ang nagpainom sa kanya ng alak.

“Madam, uminom ka,” saad ng lalaki.

Uminom naman si Maxine pero nagreklamo ang iba.

“Bakit siya uminom sa kanya at hindi sa atin? Gusto rin namin siyang painumin!”

Ang ganito kagandang gulo ay siyang nagpangiti kay Maxine. Sobrang na-overwhelm siya sa mga nangyayari.

Nandilim bigla ang mga mata ni Shawn, at nanigas ang kanyang gwapong mukha dahil sa inis. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad paalis.

Nagulat naman si Jared at agad na nagtanong. “Shawn? Saan ka pupunta?”

Patuloy pa rin ang pag-inom ni Maxine nang bigla na lang may malaking kamay na humawak sa kanyang pulso at marahas siyang hinila mula sa couch, parang wala siyang timbang.

Napatingala siya sa gumawa no'n sa kanya, at bumungad sa paningin niya ang seryoso at madilim na mukha ni Shawn.

Nanlaki ang mata ni Maxine, at agad na nagpumiglas.

“Bitawan mo nga ako, Shawn!” singhal niya sa lalaki, subalit malamig lamang ang mukha nito habang marahas siyang hinihila palayo.

Napatalon pa si Althea mula sa pagkakaupo nang magsalita siya.

“Shawn, ano'ng ginagawa mo? Bitawan mo nga si Maxine!”

Napako naman sa kinatatayuan sina Jared at ang iba, hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.

“Maxine?”

“Si diyosa pala ay si Maxine Garcia?”

“Ito ba 'yong dating pangit na si Maxine?”

“Grabe, ang ganda pala niya!”

Ito ang mga sinasabi sa kanilang paligid.

Habang pinapanood nilang hinila palayo ni Shawn ang malamig pero nakamamanghang babae, hindi mapigilang mapailing ni Jared.

“Grabe, 'yong Maxine na dating hindi pinapansin ng kaibigan natin, ngayon naging isang mala-diyosa na!”

Patuloy naman na hinila ni Shawn si Maxine. Malaki at matibay ang kanyang kamay na parang isang bakal ang pagkakahawak kaya hindi makawala si Maxine.

Mahahaba ang mga hakbang nito, kaya’t halos mapadausdos si Maxine.

“Ano ba, Shawn! Bitawan mo nga ako!” utos niya sa lalaki.

At biglang itinulak ni Shawn si Maxine, dahilan para tumama ang kanyang likod sa malamig at matigas na pader.

Nandilim ang paningin niya nang biglang tumapat ang matangkad at matikas na katawan ni Shawn na ngayon ay ikinulong na siya sa pader.

Halos magliyab na ang mga mata ni Shawn dahil sa inis niya sa babae.

“Akala mo ba ay pwede ka nang magkalat dahil akala mong wala na ako, Maxine Garcia-Velasco?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 200

    Agad naman na tumawa si Gregorio sa isang banda.“Ang Maxine na ito ay siguradong naiinggit kay Amanda natin. Kaya nga sinabi niya ang mga iyon dahil gusto niyang sirain ang hapunan na ito,” wika ni Gregorio.“Ang simpleng batang ito na galing sa probinsya ay nangahas pang tawaging manloloko si Surgery Master? Nakakatawa,” dagdag naman ni Katie.Hinawakan ni Amanda ang kamay ni Surgery Master at agad na nagsalita sa kanya.“Surgery Master, huwag mong masamain si Maxine. Naiinggit lang siya sa atin dahil hindi maayos ang kanyang isipan,” paliwanag ni Amanda.Tumingin naman si Surgery Master sa direksyon kung saan nawala si Maxine at bahagyang huminga. Kahit hindi niya eksaktong alam kung ano ang nadiskubre ni Maxine, ramdam niya ang pagkabalisa at takot.Sa kabutihang palad, pinaalis siya ng pamilya Garcia.Tiningnan naman ni Surgery Master ang pamilya Garcia na parang pag-aari niya at ngumiti nang mahinahon. “Ayos lang. Wala akong pananagutan sa mga sinasabi niya,” saad naman

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 199

    Naramdaman ni Mrs. Marivic na ito na ang pinakamagandang sandali ng kanyang buhay. Pinapayaman siya ng kanyang dalawang pinakamamahal na apo.Ngumiti nang may pagmamalaki sina Monica at Amanda. Ang dalawang gintong bulaklak ng pamilya.Puno naman nang kagalakan ang ikalawa at ikatlong sangay ng pamilya Garcia.Samantala, tahimik namang pinanood sila ni Maxine mula sa sulok. Ang kasiglahan at karangyaan ng pamilya Garcia ay hindi kailanman magiging sa kanya. Ang tanging taong mahalaga, ang kanyang ama ay matagal nang wala, nakalibing na, at ganap nang nakalimutan ng buong pamilya Garcia.Sa sandaling iyon, biglang naramdaman ni Maxine ang isang tingin na nakatuon sa kanyang mukha. Tumingin siya pataas at nakita si Shawn.Nakatayo si Shawn sa ilalim ng maliwanag na ilaw, direktang nakatingin sa kanya.'Ano ang tinitingnan niya?' aniya sa kanyang isipan.Ngayong gabi, kasama niya si Monica pabalik sa lumang mansyon, upang suportahan ito.Tila nakalimutan ng lahat dito na siya ang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 198

    Lahat ng mga katulong ay labis na nasasabik, puno ng paghanga kay Amanda.Sa sandaling iyon, bumaba naman si Mrs. Marivic kasama si Gregorio mula sa ikatlong sangay at si Katie. Lahat sila ay nakabihis nang pormal, habang may ngiti sa kanilang mga mukha.Nang makita ni Marivic si Maxine, agad siyang nagsalita nang malamig.“Maxine, ngayong gabi ay dadalhin ni Amanda si Surgery Master sa bahay para sa hapunan. Mas mabuting manahimik ka at huwag mong saktan si Surgery Master o baka hindi kita patatawarin!”Napatingin naman sina Gregorio at Katie kay Maxine nang casual. “Ma, narito na si Amanda at si Surgery Master. Halika, salubungin natin sila.”Pagkatapos nilang magsalita, huminto ang isang mamahaling sasakyan sa garahe ng mansyon ng pamilya Garcia.Magkahawak-kamay na pumasok si Amanda kasama si Surgery Master sa kanilang bahay.Ngayong gabi, nakasuot si Amanda ng mahabang gown, nagliliwanag at nakakaakit ang kanyang postura. “Lola, Mom, Dad, ipakikilala ko sa inyo si Surge

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 197

    Habang naririnig ang halakhak ng dalawang babaeng empleyado, tumingin si Arriana patungo sa Velasco Corporation.Bilang isang estudyante ng pag-arte, natural niyang naiintindihan na ang Global Entertainment ng Velasco Corporation ay kumokontrol sa kalahati ng industriya ng entertainment, taglay ang mga pinakamahuhusay na resources at koneksyon. Mga bagay na karamihan sa tao ay pwedeng pagsikapan sa buong buhay nila at hindi man lang maaabot.Lahat nang iyon ay pag-aari ni Shawn, ang lalaking ito.Dahan-dahang sumilay ang mga mata ni Arriana sa isiping iyon.Samantala, bumalik naman si Shawn sa opisina ng CEO at tinapik nang malakas ang mga dokumento sa mesa.Inilabas niya ang kanyang telepono at binuksan ang messenger. Hindi pa rin sumasagot si Maxine.Sa sandaling iyon, tahimik na pumasok si Mike at mahina ang boses na nag-ulat sa kanya.“Sir, wala raw po si madam sa paaralan ngayon. Pumunta po siya sa ospital para alagaan si sir Lucas.”Sa mga nakaraang araw, laging ni-re-rep

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 196

    Habang nagsasalita, ngumiti si Jessica kay Maxine na tila may halong pahiwatig. “Maxine, mahusay talaga ang performance ng asawa mo sa pagkakataong ito.”Nagulat naman si Arriana at tumitig kay Maxine. “Maxine, si Mr. Velasco ba ang asawa mo? Talaga bang ikaw ang Mrs. Velasco?” takang tanong ni Arriana.Tumango naman si Jessica at sinabi, “Oo, siya nga ang totoong Mrs. Velasco. Ang Maxine nga natin!”Hindi naman makapaniwala si Arriana sa kanyang narinig. Hinawakan niya ang kamay ni Maxine, puno ng inggit ang mukha. “Maxine, ang swerte mo talaga.”Ngumiti naman si Maxine nang pahilis at may halong komplikadong emosyon. Hindi niya alam kung ano talaga ang pakiramdam ng kaligayahan.Humiga siya sa kama at inilabas ang kanyang telepono, binuksan ang messenger at hinanap ang pangalan na asawa. Pagkatapos nang sandaling pag-aatubili, nagpadala siya ng mensahe rito.Maxine:Salamat.Isang simpleng salita lamang iyon, ngunit makabuluhan. Ilang sandali lang, bigla namang tumuno

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 195

    Biglang binuksan ni Shawn ang pintuan sa likod, hinawakan si Filipe sa kwelyo, at hinila palabas ng sasakyan.Nanginginig nang todo si Filipe dahil sa ginawa ni Shawn. “M-Mr. Velasco, a-ano... ano ang nagawa ko para magalit ka nang ganito? Pakiusap—”Ngunit, hindi siya binigyan ni Shawn nang pagkakataong magsalita. Isang suntok ang kanyang tinama sa mukha nitoBumangga ang katawan ni Filipe sa sasakyan dahil sa lakas ng impact.Kapag nakikipaglaban si Shawn, tense at malalakas ang mga kalamnan sa ilalim ng kanyang suit at kamiseta. Bawat suntok ay eksakto at walang awa. Sunod-sunod na suntok ang tumama, at natabunan ng dugo ang mukha ni Filipe. Hindi na siya makapagsalita para humingi ng kapatawaran.“Aling kamay ang humawak sa kanya? Ito ba?”Isang hampas lang at nabasag ni Shawn ang kanang kamay ni Filipe.Samantala, nahulog naman si Filipe sa lupa, mababaw at hindi pantay ang kanyang hininga.Sa sandaling iyon, dumating naman si Mike kasama ang grupo ng mga tauhan niya.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status