مشاركة

Kabanata 3

مؤلف: Glazed Snow
“Maxine Velasco, bumalik ka rito ngayon din!”

Galit ang boses ni Shawn nang bitawan ang mga salitang ito sa kabilang linya. Samantala, tinawanan lamang siya ni Maxine.

“Akala mo ba dahil sinabi mong bumalik ako ay agad akong susunod sa 'yo? Nakipaghiwalay na ako sa 'yo kaya sino ka para utusan ako?”

Nagngalit ang mga ngipin ni Shawn nang sabihin, “Tungkol sa dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa 'kin, bibigyan kita ng isang pagkakataon na baguhin mo 'yon!”

Lalong lumakas ang tawa ni Maxine sa kanyang narinig.

“May mali ba sa isinulat ko? Anim na buwan ka nang gising, 'di ba? Pero sa anim na buwang 'yan, ni minsan hindi mo man lang hinawakan ang kamay ko. Tatlong taon kang na-coma. Ngayon na maayos na ang katawan mo, may dahilan ako para pagdudahan kung gumagana pa ba ang pagkalalaki mo. Siguro ay inutil ka na kaya mas mabuti pa magpatingin ka sa isang magaling na doktor. Ang tanging hiling ko lang sa paghihiwalay natin ay sana mabilis kang gumaling at mabawi mo ang iyong pride bilang lalaki,” ani Maxine.

Napakunot nang tuluyan si Shawn at halos halata na ang ugat sa noo nito dahil sa pagpipigil ng galit niya.

Sa isip niya, wala na sa kontrol ang babae.

“Sa mga susunod na araw ay ipapakita ko sa 'yo kung anong kaya kong gawin, Maxine. Makikita mo!” singhal niya rito.

“Pasensya ka na pero hindi mo na makukuha ang pagkakataong 'yan, Shawn.”

“Maxine!”

Napasigaw na lamang si Shawn sa pangalan niya at kasunod no'n ang biglang pagtunog ng telepono, hudyat na natapos na ang tawag.

“Maxine Garcia!”

Halos sumabog na siya sa galit nang malamang busy ang kabilang linya sa pagtawag niyang muli sa babae.

****

Samantala, nakarating naman si Maxine sa apartment ng matalik niyang kaibigan na si Althea. Pagkababa ng tawag, humagalpak ito ng tawa at binigyan siya ng thumbs-up.

“Max, grabe 'yon! Baka nalunok na ni Shawn Velasco ang sarili niyang dugo sa inis ngayon!” sambit ni Althea sa kanya habang tumatawa.

Naalala ni Maxine kung paano siya naging masyadong mapagpakumbaba noon dahil sa pagmamahal kaya lagi siyang minamaliit nito.

Ang pagmamahal ay dapat magsimula sa pagmamahal sa sarili lalo na para sa isang babae. Dapat mahalin muna ang sarili at iyan ang napagtanto ni Maxine.

Sabi ni Althea, “Tatlong taon na ang nakalipas nang mabalitaan ni Monica na na-aksidente si Shawn at halos maging inutil ito ay bigla siyang naglaho. Sino ba ang mag-aakalang magigising pa at hahanapin ulit 'yong babaeng 'yon? Mabuti na lang at wala na siya!”

Nagbukas si Maxine ng White Rabbit na kendi at isinubo ito sa bibig. Medyo naibsan ang pait sa puso niya ng tamis na dala ng kendi na 'yon.

“Ito ang kaibahan ng minamahal at hindi minamahal, Althea,” aniya sa mahinang tono.

Kapag ang isang taon ay minahal, pwedeng maging pabaya pero kapag hindi naman mahal, na sa alanganin, at ito ang nasa isip ni Maxine.

Napansin naman ni Althea na marami na pala nakain na kendi si Maxine kaya hinila niya ito patayo.

“Kaya mo 'yan, Max! Kung iniwan mo ang isang puno, may malaking gubat pa na naghihintay sa 'yo. Ngayong gabi, magbo-book ako ng walong magagandang lalaki para sa iyong single's night party!”

Napahawak na lamang sa noo si Maxine at natawa sa sinabi ng kaibigan niya.

Bigla namang inagaw ni Althea ang itim na salamin ni Maxine at itinapon ito sa basurahan.

“Ang salamin ko, Althea!” sigaw niya at nagpumilit itong kuhanin sa kanya.

Agad naman siyang pinigilan ni Althea at sinabi, “Max, masyado mo na ipinokus ang sarili mo sa akademya kaya kapit na kapit ka diyan sa salamin mo. Gayahin mo si Monica. Ayusin mo sarili mo. Magpaganda ka kung kailangan.”

Biglang naalala ni Maxine kung paano siya ikinumpara ng mga magulang sa kanyang kapatid. Hindi lang mga magulang niya pati na rin siguro sa mata ni Shawn na hindi siya kaakit-akit.

Sa isang banda naman, hinila siya ni Althea palabas ng pinto.

“Tara na! Mamimili tayo. Ipapaayos kita mula sa buhok, kuko, damit, make-up—lahat na. Isa itong malaking makeover! Gusto ko makita ni Shawn at ng iba kung gaano ka talaga kaganda!” saad ni Althea at nagpatuloy, “Oo nga pala, sigurado ka ba na wala kang kukunin ni isang kusing kay Shawn pagkatapos niyong maghiwalay?”

“Hindi na. May sarili akong pera,” sagot niya rito.

“Ano!? Pati pera niya ay hahayaan mo na lang kay Monica? Aba, dapat lang na magpasalamat sa 'yo si Monica kung gano'n!”

Hindi na lang kumibo si Maxine sa sinabi ni Althea at nagsalita pa itong muli.

“Nasaan 'yong card na binigay sa 'yo ni Shawn?”

Mabuti na lang at galante na tao si Shawn. Binigyan siya nito ng itim na gold VIP card, pero ni minsan hindi niya nagamit. Kinuha ni Maxine ang card mula sa bag niya at pilyang kumindat sa kaibigan saka sinabi, “Ngayong araw, gagastos ako nang marami at si Mr. Velasco ang sasagot sa lahat ng bills ko!”

****

Nang gabing 'yon, Evergreen Club...

Isa sa pinakasikat at pinakamagarbong lugar sa Metro Manila ang Evergreen Club. Lahat ng anak-mayaman at batang business tycoons ay doon nagwawaldas ng pera. Malakas ang beat ng musika na pinaandar ng DJ ng club na siyang halos ikabaliw ng mga tao sa loob.

Sa madilim na na VIP table, nakaupo si Shawn sa gitna ng couch. Suot niya ang itim na polo at slacks. Nakarolyo ang kanyang manggas kaya kita ang matipunong bisig niya at mamahaling relo. Ang malamig at aristokratikong presensya niya ang siyang naging magnet niya sa mga babaeng naroon at pasulyap-sulyap sa kanya.

Katabi niya ang kaibigan niyang si Jared Montelban—tagapagmana ng pamilya Montelban, kasama ang iba pang mayayamang binata.

“Bro, ano'ng sabi mo? Nakikipaghiwalay daw si Maxine sa 'yo?” natatawang sabi ni Jared sa kanya.

Nang dahil diyan, nagtawanan ang grupo.

“Sino bang hindi nakakaalam na baliw na baliw si Maxine kay Shawn Velasco? Kahit noong na-coma siya, atubili pa itong pakasalan siya tapos ngayon gusto nitong makipaghiwalay?”

“Magpustahan tayo. Ilang araw lang tagal bago bumalik 'yan si Maxine at magsusumamong makipagbalikan kay Shawn?” ani ng isang lalaki.

“Pupusta ako na hindi pa matatapos ang araw na 'to, magte-text na 'yan sa kaibigan natin!” sagot ni Jared, sabay tawa.

Samantala, nanatili namang madilim at malamig ang mukha ni Shawn. Halata ang inis sa mukha nito.

Agad niyang binuksan ang cellphone niya at tinignan ang chat nilang dalawa ni Maxine.

Kagabi pa ang huling mensahe kung saan pinadalhan siya ng litrato ng isang pampalakas na pagkain.

Maxine:

Hubby, kahit okay na mga buto mo, kailangan mo pa rin uminom nito. Umuwi ka nang maaga, ha?

Pag-scroll niya, puro mensahe galing kay Maxine ang mga nakita niya. Ni isa, hindi niya ito sinagot. At ngayon, sobrang tahimik. Walang bagong mensahe na nagmula sa babae.

Nakaramdam si Shawn ng inis na hindi niya maipaliwanag. Ilang sandali lang, tumunog ang kanyang cellphone. Isang text message ang biglang pumasok.

“Sabi ko na nga ba! Nag-text na si Maxine kay Shawn!” sigaw na sabi ni Jared.

Pagkatapos ng ilang segundo, sunod-sunod na dumating ang mga mensahe at nagtawanan na naman ang buong grupo.

“Hindi nakatiis! Miss na miss na niya ang kaibigan natin!”

“Bro, buksan mo na! Tignan natin dahil siguradong nakikiusap ito na bumalik!”

Kumunot naman ang kilay ni Shawn.

‘Talaga bang nag-text siya? Kung nagsisisi siya, bakit pa siya nagyabang kanina?’ aniya sa isip at agad binuksan ang messages, ngunit natigilan siya.

“Dear VVIP user, your card ending 0475 was used at Glamour Nail Salon for a purchase of five thousand pesos…”

Malakas na binasa ni Jared ang text message na nakita nito sa cellphone ni Shawn kaya naman nagkatinginan ang lahat, halatang nagulat.

Mabilis naman na nag-scroll si Shawn at nakita ang ibang resibo na may halagang tatlong libong piso sa isang Hair Salon, halos eighty thousand pesos sa Chanel, at dalawang-daang libo sa LV.

Walang pinalampas na pagkakataon at tanging notifications lamang mula sa binayaran ang lumalabas habang ang grupo naman ay natameme.

Para silang sinampal ni Maxine mula sa malayo kaya nakakapanibago ang katahimikan sa kanila.

Namula sa inis ang mukha ni Shawn at binagsak ang cellphone. Hindi na niya alintana ang gastos—ang ikinagalit niya ay kahihiwalay pa lang nila, pero gumala na agad ito at nag-shopping pa.

‘Nakakabilib talaga ang babaeng 'yon. Talagang nakakabilib…’ aniya sa isip.

Ang babaeng tatlong taon na parang alipin niya bigla na lang nagkaroon ng pangil.

“Bro, ano'ng balak ni Maxine? Nagpaganda siya? Nagpalinis ng kuko, nagpaayos ng buhok, bumili ng damit—ginagaya ba niya si Monica ngayon?’ tanong ni Jared.

“Si Monica ang pinakamaganda at beauty queen dito habang si Maxine naman ay pang-bahay lamang ang itsura. Kahit anong gawin niya, magmumukha pa rin siyang gaya-gaya.”

“Wala na magbabago sa kanya!”

Nagtawanan ulit sila habang nilalait si Maxine. Ilang sandali lang, biglang umingay ang loob ng club.

“Tingnan niyo! May isang diyosa!”

Napalingon ang lahat sa entrance dahil sa mga salitang iyon.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
تعليقات (11)
goodnovel comment avatar
Cecilia Tibus
next please
goodnovel comment avatar
Jayciel San Jose
wala na maisip na gawin anng author kundi pahirapan ang bida kahit mataas na katungkulan
goodnovel comment avatar
Jayciel San Jose
grabe pa 500 ep na napakapangit at ilan lang ang magandang papel ni Maxine author ang pangit mo gumawa ng kwento puro ka lang kasamaan. mas lamang ang kasamaan kesa magwagi ang bida
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1120

    Alas otso na ng gabi, ngunit hindi pa rin umuuwi si Lucas. Hindi rin niya ipinaalam kay Ivory nang maaga kung saan siya pupunta o kung anong oras siya makakauwi. Gayunpaman, ang ikinagulat niya ay ni isang mensahe man lang ay hindi ipinadala ng kanyang asawa sa messenger upang tanungin kung nasaan siya.'Hindi ba't sinabi niyang gusto niya ako?'Kung gano'n, bakit hindi niya maramdaman ang pagmamahal nito maliban na lamang sa maalab na paglalambing na ipinapakita nito sa kanya tuwing gabi? Interesado lamang ba talaga ito sa kanyang katawan?Ngumiti nang bahagya si Lucas habang marahang kinakagat ang kanyang manipis na labi. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtataka sa malamig na pakikitungo ng kanyang asawa.“Mahilig sa katahimikan ang asawa ko. Hindi niya gusto ang mga public gatherings. Pero kapag nakaamoy siya ng pabango ng ibang babae sa katawan ko, siguradong hindi siya matutuwa.”Napahalakhak si Mr. Librado nang marinig iyon.“Mukhang mahal na mahal talaga kayo ni Mrs. P

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1119

    Walang balak si Lucas na tanggapin ang offer, kaya agad niya itong tinanggihan.“Hindi na kailangan.”Gayunpaman, hindi pinansin ni Mr. Librado ang pagtanggi niya. Ikinaway nito ang isang kamay at agad na nag-utos sa mga tauhan ng bar.“Ilabas ninyo ang pinakamagagandang babae ninyo! Siguraduhin niyong magaganda at inosente sila. Huwag kayong magdadala rito ng sinumang hindi pasok sa mga standard na 'yon!”Agad na ngumiti ang may-ari ng bar. Halatang natutuwa ito sa pagkakataong mapagbigyan ang mga bisitang mayayaman at makapangyarihan.“Katatanggap lang namin ngayon ng isang maganda at bagong empleyado na nagngangalang Vanessa. Wala pa siyang naging karelasyon kahit kailan. Bukod sa maganda, inosente rin siya, kaya siguradong pasok na pasok siya sa hinahanap ng mga boss natin. Ipapatawag ko siya ngayon din!”Hindi nagtagal, dumating na si Vanessa at humarap sa grupo ng mga negosyante.Sa unang tingin pa lamang, agad nang nasiyahan si Mr. Librado. Masusi niyang pinagmasdan ang d

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1118

    Marahang dumampi ang manipis na labi ni Lucas sa leeg ni Ivory. Sunod-sunod siyang nag-iwan ng malalambot at matatamis na halik sa makinis nitong balat.Para bang unti-unti na siyang nalululong sa ganitong uri ng pagiging malapit sa babae.Ngunit alam niyang mapanganib ang magpakasasa sa ganitong klaseng relasyon. Kapag nasanay siya sa init ng presensya nito, baka dumating ang panahong hindi na niya kayang lumayo rito.Samantala, ramdam na rin ni Ivory ang unti-unting paglala ng pagnanasa ni Lucas. Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan, kaya hindi niya maiwasang mapansin ang pagbabago sa kilos nito.Bahagya siyang gumalaw at nagtanong.“Lucas, ano ba ang ginagawa mo?”“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?” sagot ni Lucas habang nakatingin sa kanya.Iniunat niya ang isang kamay at marahang hinawakan ang pino nitong baba. Pagkatapos, dahan-dahan siyang yumuko upang halikan ang mapupulang labi nito.Ngunit bago pa man magtagpo ang kanilang mga labi, mabilis na itinaas ni Ivory

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1117

    Seryosong tumingin si Lucas kay Ivory.“Wala akong dalang kahit isang proteksyon rito!”Natigilan si Ivory. Sa wakas, naalala rin nitong wala pala silang condom sa bahay.Ngunit hindi naman nila kailangan ng condom.Kung tutuusin, iyon mismo ang gusto niya. Sinadya niyang mabuntis, kaya hindi niya kailangang mag-alala tungkol doon.Agad niyang niyakap si Lucas at malambing na nagsalita.“Ayos lang 'yon.”Marahan siyang inilayo ni Lucas.“Hindi pwede. Paano kung mabuntis ka?”Itinaas ni Ivory ang mukha at tumingin sa kanya. “Hindi mo ba gusto ang mga bata?”Bahagyang gumalaw ang makapal at magandang kilay ni Lucas.“Hindi naman ako ganoon ka-interesado sa mga bata. Bukod pa roon, hindi pa ako handang maging ama.”“Paano kung mabuntis ako?” tanong ni Ivory.“Iyan mismo ang dahilan kung bakit kailangan nating gumamit ng proteksyon!”Sa wakas, naunawaan ni Ivory ang ibig nitong sabihin. Ayaw ni Lucas na mabuntis siya.Nangangahulugan lamang iyon na kahit magtagumpay siyang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1116

    Hindi agad nakasagot si Lucas.Nag-aalab sa pagnanasa ang kanyang mga mata. Isa siyang normal na lalaki, kaya paano niya mapipigilan ang sarili sa harap ng sinasadyang pang-aakit ni Ivory?Bigla niya itong binuhat at mahigpit na isiniksik sa kanyang mga bisig. Mabilis naman na ipinalibot ni Ivory ang mga binti sa matipunong baywang ni Lucas habang walang kahirap-hirap siyang dinadala nito patungo sa banyo.Pagdating doon, binuksan ni Lucas ang shower. Agad na bumuhos ang maligamgam na tubig sa kanilang mga katawan. Iniunat naman ni Ivory ang mga kamay at nagsimulang hubarin ang kanyang damit.Habang hinahalikan siya, biglang nagtanong si Lucas.“Ivory, ano ba talaga ang relasyon natin ngayon?”Sumagot naman si Ivory nang walang pag-aalinlangan.“Mag-asawa tayo. Hindi ba ibig sabihin no'n ay dapat na ganoon din ang turingan natin sa isa't-isa?”Diretso siyang tiningnan ni Lucas at nagsalita.“Alam mong hindi 'yan ang ibig kong sabihin.”Sa simula, ang kasal nila ay isa lamang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 1115

    Ipinantay ni Lucas ang isang kamay sa kama. Dahil sa biglaang paghila ni Ivory, napalapit ang kanyang gwapong mukha sa mukha nito, halos magkadikit na ang kanilang mga labi.Naghahalo ang kanilang mga hininga, at naamoy ni Lucas ang natural na bango ni Ivory.Hindi iyon amoy ng artipisyal na pabango, kung hindi ang natural nitong halimuyak matapos maligo. Malambot, matamis, at nakalalasing.Pinatatag ni Lucas ang kanyang sarili at tumingin kay Ivory.“Ano ang ginagawa mo?”Totoong inaantok pa si Ivory. Malabo pa ang kanyang mga mata dahil sa antok habang nakatingin siya kay Lucas.“Wala. Nagpapasalamat lang ako dahil binuhat mo ako papunta sa kama.”'Ganoon ba talaga siya kalapit humawak sa isang tao para lamang magpasalamat?'Bahagyang ngumiti si Lucas.“Talagang kakaiba ang paraan mo ng pagpapakita ng pasasalamat. Sige, tinanggap ko na ang pasasalamat mo. Maaari mo na ba akong bitawan?”Ngunit hindi siya binitawan ni Ivory.Ayaw niyang palampasin ang pagkakataong ito, kaya

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 191

    Namangha si Mr. Filipe nang makita si Maxine. Kumislap ang kanyang mga mata sa kasabikan.“Saan galing ang magandang ito? Para siyang diwata,” bulong niya, habang kumakalat ang isang sakim na ngiti sa kanyang mukha.Takot na takot, kumapit si Arriana kay Maxine at nagtago sa likod niya.“K-Kaklas

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 623

    “May tao ba riyan?! Bilisan ninyo! Doktor!”Halos mapunit ang lalamunan ni Shawn sa pagsigaw habang agad niyang binuhat si Maxine.Karga si Maxine, mabilis siyang tumakbo palabas ng silid, tila ba bawat segundo ay mahalaga.Sa loob ng kwartong naiwan, nanatili ang nakabibinging katahimikan.Napa

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 633

    Binuhat ni Franco si Akisha at tiningnan.“Akisha, nagustuhan mo ba ang gwapong tito kanina?”Masigasig na tumango ang bata, kumikislap ang mga mata sa tuwa.“Opo. Ang taas at ang gwapo niya. At saka marunong po siya ng language natin. Daddy Franco, pwede mo ba siyang ipakilala kay mommy at gawin

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 627

    Mariing napatitig si Maxine kay Roberto, tila hinahanap sa mukha nito ang sagot na gumugulo sa kanyang isipan.“Bakit biglang namatay si Nora?” mahinahon ngunit mabigat ang kanyang tinig nang magtanong. “Bakit niya inumpog ang ulo niya sa pader?”Saglit na natigilan si Roberto. Ang kanyang mga mat

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status