Share

Kabanata 54

Author: Glazed Snow
Mabilis naman na umalis si Shawn, at agad namang humabol si Monica sa kanya sa likuran.

“Shawn, sandali lang!” sigaw niya, pilit humabol sa lalaki.

Samantala, natapos naman ang laro sa loob, at naghahanda nang umalis sa bar sina Maxine, Lucas, at Althea.

Bago 'yon, lumingon muna si Lucas kay Maxine at ngumiti nang matamis sa kanya.

“Maxine, salamat sa ginawa mo kanina,” saad ng lalaki.

Umiling si Maxine bilang tugon sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya hinalikan ni Lucas kanina. Hinawakan lang nito ang kanyang mukha at hinalikan ang sarili nitong mga daliri.

Ngunit sa paningin ng iba, parang totoong halik iyon na ginawa nilang dalawa.

Bahagyang ngumiti si Maxine, at sinabi, “Lucas, naibalik ko na ang pabor tungkol sa alak na may gamot, hindi ba?”

Pagkatapos iyong sabihin ni Maxine, may boses sa likuran na maririnig, at walang iba kung hindi si Amanda.

Lumingon si Maxine sa gawi ng boses at nakita ang babae. Dumating bigla si Amanda sa kanilang direksyon.

Kalma lang ang eksp
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Melanie Mamac Repunte Legarto
silos na c shawn
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ano ka ngayon Shawn ha ano? Sagot! Hehe
goodnovel comment avatar
Lovron Nance
sumagot kna shawn ng yes
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 372

    Sa loob ng locker room, hinila ni Jessica ang kanyang bagong damit, nakatalikod habang isinuot ang kanyang panloob. Ang bawat galaw ay maingat, ngunit ramdam ang pagod at kirot sa katawan matapos ang nangyaring away.Sa sandaling iyon, may marahang katok sa pinto ang umalingawngaw. May tao sa labas."Dumating na ba si Maxine?" bulong niya sa sarili, may halong pag-asa at kaba.“Pumasok ka,” utos niya, tinutok ang tingin sa pinto.Bumukas ang pinto, at isang pamilyar na anino ang pumasok sa silid. Hindi ito si Maxine. Si Raven ang nasa loob.Tumigil siya sa kanyang mga galaw nang masulyapan ang dalaga. Nakasuot si Jessica ng paldang uniporme sa ibaba, at sunod niyang isinusuot ay ang bagong panloob. Ang maliliit at puting mga kamay niya ay abala sa pagsara ng mga hook sa likod.Hindi maiwasang mamangha si Raven. Natigilan siya sa tanawing iyon. Hindi niya inasahan na masaksihan ang ganitong eksena. Ang balat ng dalaga ay sobrang puti, halos nakasisilaw sa liwanag ng silid. Ang mah

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 371

    Hindi nagtagal, ang ilang mga estudyante ay nagsimulang pumalibot sa paligid, pinagmamasdan ang nangyayaring kaguluhan.“Naku! May nag-aaway dito!” bulong ng isa, sabay takip sa kanyang bibig dahil sa kaba at kasiyahan.Samantala, naramdaman naman ni Andrea ang matinding takot. Ang makipag-away sa paaralan ay palaging nagdudulot ng problema, hindi lamang sa disiplina kung hindi lalo na sa katawan. At higit sa lahat, napakasakit kapag siya ang tinatamaan.Sa gitna ng kaguluhan, biglang pinadapa ni Jessica si Andrea sa sahig at sinaktan siya. Kahit may ilang babaeng sumugod kay Jessica upang ipagtanggol si Andrea, hindi ito nakahadlang sa kanya. Patuloy siyang umaatake nang walang tigil. Pakiramdam ni Andrea, humahapdi ang bawat pulgada ng kanyang katawan sa sakit at pangamba.Sa desperasyon, itulak ni Andrea si Jessica palayo. “Jessica, sandali lang! Hahanap ako ng tulong!” sigaw niya, sabay talon at takbo kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan.Si Jessica, may mga pasa at punit

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 370

    “Ang ama ni Raven ay isang drug dealer, tama?” tanong ng isang babae, puno ng panunukso ang boses.Tumango si Andrea, hindi man lang nag-alinlangan.“Oo. Si Raven ang anak ng isang drug dealer. Bulag ang kanyang ina, may nakababatang kapatid na nasa middle school pa. Sobrang hirap ng buhay nila. Pero ang drug‑dealer na ama, ang bulag na ina, may isang batang kapatid, at broken na lalaki, lalo ko siyang gustong sakupin at paamuhin.”Pagkatapos no'n, nagkatawanan ang grupo nang malakas, magaspang, tila musika ng pangungutya. Halos hindi makahinga sa tawa si Andrea at ang kanyang mga kasama, walang pakundangang tinatrato na parang biro ang sakit at paghihirap ng pamilya ni Raven.Unti-unting dumilim ang ekspresyon ni Jessica. Pinatay niya ang gripo, ang tubig ay huminto na tila kasabay ng kanyang pasensya. Itinaas niya ang kanyang magandang pares na mga mata at malamig na tumitig sa grupo.“Tapos na ba kayo tumawa?” malamig niyang tanong na siyang dahilan para matahimik ang paligid.

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 369

    “Maxine, magsalita ka!”Hindi na napigilan ni Shawn na sumigaw.Samantala, ngumiti lamang si Maxine sa kanyang sarili. 'Sino ba siya akala niya? Boss ko ba siya? Bakit ako makikinig sa kanya?' ani Maxine sa sarili, at hindi siya pinansin ni Maxine.Tumawa naman si Franco, na nakaupo sa upuan ng driver.“Maxine, kahit na hiwalay na kayo ni Mr. Shawn, pakiramdam ko hindi pa rin kayo tuluyang tapos sa isa’t-isa. Baka may nararamdaman pa siya para sa ’yo?” ani Franco.Kaswal naman na sumagot si Maxine, tila walang pakialam.“Ewan ko.”Muli, tumawa na naman si Franco.“Nang hinahawakan kita sa boutique, sigurado akong gusto na talagang putulin ni Mr. Shawn ang mga kamay ko. Makikita mo lang sa tingin niya. Mukhang delikado talaga ang magpanggap na boyfriend mo, Little Sister.”Tumingin si Maxine sa kanya at bahagyang ngumiti.“Gusto mo bang magpanggap? Kung hindi, pwede ko namang tanungin ang iba nating kapatid na magpanggap para sa 'kin,” ani Maxine.“Huwag kang mag-alala. Lal

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 368

    Labis ang saya nina Gregorio at Katie habang iniisip si Surgery Master bilang magiging manugang ng pamilya. Para bang tumataas muli ang prestihiyo ng kanilang angkan, at wala nang mas mainam pa roon.Ngunit kabaligtaran ang nasa mukha ni Amanda na maputla, kinakabahan, at tila may gumagambala sa dibdib niya. Tahimik niyang kinuha ang telepono, nanginginig ang mga daliri habang pinipindot ang numerong paulit-ulit na niyang na-i-dial.Agad naman na nakonekta ang tawag.Bahagyang lumuwag ang dibdib niya at sumilay ang isang mahinang ngiti.“Hello, Surgery Master—”Ngunit bago pa man makadugtong ang kanyang hininga, isang malamig, mekanikal na boses ang tumugon mula sa kabilang linya. Walang emosyon, walang buhay, parang kutsilyong dumiretso sa puso niya.“The number you have dialed is unavailable.”Parang huminto ang mundo ni Amanda.'Hindi available?' aniya sa isipan.Nanigas si Amanda. Mabilis niyang muling tinawagan ang numero, halos marinig ang kabog ng sarili niyang puso. Ng

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 367

    'Si Surgery Master ay isang babae?'Napatigil sina Marivic at Amanda, ang mga mata nila ay sabay na lumaki, at agad nagbago ang kulay ng kanilang mga mukha. Ang rebelasyong iyon ay parang mabilis na kidlat. Mabilis, matalim, at tumama nang direkta sa kanilang paniniwala.“Mr. Franco,” mariing wika ni Marivic, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses. “Ano’ng sinasabi mo? Paano magiging babae si Surgery Master? Nakaharap ko na siya at lalaki siya, sigurado ako!”Biglang npangisi si Franco, bahagyang nakataas ang isang kilay na tila nang-aakit at nanghahamon.“Hindi lang kami magkakilala ni Surgery Master,” aniya, tila relax na relax. “Malapit kami sa isa’t-isa. Kung sinasabi kong babae siya, babae siya.”Nakangangang tumayo si Amanda, tila naglaho ang lahat ng kanyang pinanghahawakang katotohanan. Nanginginig siya, hindi makapaniwala sa nalaman.“Imposible ‘yan, Mr. Franco. Malamang ay nagbibiro ka lang!” ani Amanda.Hindi rin matanggap ni Marivic ang sinabi, at bahagya siyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status