Share

Kabanata 708

Author: Glazed Snow
Kumalma na rin si Roberto at malamig na nagsalita.

“Lumabas na.”

Sa kanyang tinig, walang bakas ng emosyon. Kalmado lamang ngunit mabigat, parang hangin bago ang bagyo.

Inilahad niya ang kamay, at kaagad namang inabot ng personal butler ang isang selyadong sobre na naglalaman ng DNA paternity test report.

Sandaling natigilan si Margaret bago biglang tumayo. Ang kanyang mga mata ay nakapako sa sobre na tila mabigat kaysa sa anumang dokumentong nakita niya sa buong buhay niya.

“S-Sigurado ba
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (78)
goodnovel comment avatar
Mick Andong
c Imelda siguro ang may gawa
goodnovel comment avatar
Shirley Warde
Expected n nmin yan ms. A n nplitan ang result.. Common n ang gnyang eksena. ...
goodnovel comment avatar
Jean grey
true walang kwenta hahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 708

    Kumalma na rin si Roberto at malamig na nagsalita.“Lumabas na.”Sa kanyang tinig, walang bakas ng emosyon. Kalmado lamang ngunit mabigat, parang hangin bago ang bagyo.Inilahad niya ang kamay, at kaagad namang inabot ng personal butler ang isang selyadong sobre na naglalaman ng DNA paternity test report.Sandaling natigilan si Margaret bago biglang tumayo. Ang kanyang mga mata ay nakapako sa sobre na tila mabigat kaysa sa anumang dokumentong nakita niya sa buong buhay niya.“S-Sigurado ba na anak natin si Monica?” kabadong tanong niya, bahagyang nanginginig ang boses.Hindi maganda ang unang impresyon niya kay Monica. May mga pagkakataong sinasabi ng iba na may likas na koneksyon ang ina at anak, na kahit hindi pa nagkikita ay mararamdaman agad ang dugo. Ngunit nang makita niya si Monica noong nakaraan, wala siyang naramdaman. Ni katiting na pamilyaridad ay wala. Parang may kulang. Parang may mali.Mula roon, unti-unting nabuo sa kanyang isip ang hinala.Maaaring hindi nga nil

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 707

    Binuksan ng gwapong receptionist ang pinto ng opisina ng CEO at pormal na pinapasok si Roberto.Pagpasok niya, agad niyang nakita si Margaret na nakaupo sa executive chair, abala sa pagbabasa ng mga dokumento.“Mrs. Montefalco, narito na po si Mr. Aguilar,” magalang na anunsyo ng receptionist.Hindi man lang tumingala si Margaret. Patuloy siyang nagsulat, mabilis at eksakto, bago pinirmahan ang dokumento sa ibaba.“Mr. Aguilar, maupo ka muna sandali. Tatapusin ko lang ito,” kalmado niyang sabi.Tinitigan siya ni Roberto.Ngayon ay nakasuot si Margaret ng puting silk blouse na pang-opisina at itim na bodycon skirt. Bahagyang nakatali ang kanyang kulot na buhok, habang ang ilang hibla ay nakalugay sa kanyang balikat. Lantad ang kanyang manipis at eleganteng leeg, at sa simpleng postura pa lamang nito, kitang-kita ang natural na kagandahang hindi kailangang pilitin.Napahinto saglit si Roberto sa pagtitig.Tila lalo itong naging pamilyar at lalo ring hindi maunawaan.Ilang sandal

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 706

    Ngumiti si Imelda.“Monica, mabuti naman at malapit ka sa iyong ina. Masaya si Tita Imelda para sa ’yo.”Umismid si Monica at sinabi, “Tita Imelda, magaling ka talagang magpanggap.”Sa sandaling iyon, napatingin si Monica sa paligid, halatang may hinahanap.“Nasaan ang dad ko?”Hindi siya tinignan ni Imelda. Sa halip, marahan itong umupo sa hapag-kainan, kinuha ang mga kubyertos, at mahinahong nagsimulang kumain ng almusal na para bang walang ibang mahalagang usapan.“Ah, maaga umalis si Roberto kanina,” kaswal nitong sagot.Biglang nakaramdam nang kakaibang bigat sa dibdib si Monica. May mali sa eksenang ito.Hindi pa siya tuluyang nakakaupo o nakakaayos, ngunit si Imelda ay tahimik nang kumakain mag-isa. Ibang-iba ito sa dati. Ang Imelda na kilala niya ay laging nakaalalay sa kanya, laging sinusubukang pasayahin siya, at hindi kailanman magiging malamig tulad ngayon.“Saan pumunta ang daddy ko?” ulit niya, mas mariin na ngayon.Humigop muna ng kape si Imelda bago sumagot na

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 705

    Talagang kinamumuhian ni Imelda si Margaret. Para sa kanya, si Margaret ang umagaw sa buhay na dapat ay sa kanya.Si Roberto ay sa kanya dapat. At ang posisyon bilang Mrs. Aguilar ay kanya rin dapat.****Samantala, bumalik naman si Roberto sa pribadong VIP room ng restaurant. Nang makita siya ni Monica, agad itong nagtanong.“Dad, saan po pumunta si mom?”“Monica, may kailangang asikasuhin ang mom mo kaya maaga siyang umalis,” mahinahong sagot ni Roberto.“Ano?” agad na nagtampo si Monica. “Umalis si mom? Bakit bigla na lang siyang umalis nang hindi man lang ako sinabihan?”Tumingin si Roberto sa kanya.Noon, wala siyang nakikitang kakaiba sa anak niya. Ngunit matapos marinig ang mga sinabi ni Margaret, nagsimulang gumapang ang pagdududa sa kanyang isipan.Dapat pala noon pa ay nagpa-DNA test na siya.Ngunit hindi niya ipinakita kahit kaunting pagbabago sa ekspresyon. Hindi dapat mapansin ni Monica ang kahit anong pagdududa. Kung siya man ay tunay niyang anak, hindi niya d

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 704

    Pinagmamasdan ni Roberto ang magandang pigura ni Margaret habang palayo itong naglalakad. Sumasayaw ang kanyang balakang sa bawat hakbang, puno ng walang katapusang alindog. Isang tanawing halos magdulot ng iritasyon na may kasamang kababalaghang ngiti sa labi ni Roberto.Itinaas ni Imelda ang kanyang kamay, tila nais punasan ang gilid ng labi ng lalaki.“Roberto, ayos ka lang ba?”Ngunit bago pa man dumampi ang kanyang kamay, agad na umatras si Roberto. “Uuwi na ako.”Hindi na siya naghintay pa ng sagot. Tumalikod siya at tuluyang umalis.Naiwang nakahinto sa ere ang kamay ni Imelda. Sa paglayo ng lahat ng tao sa paligid, dahan-dahang nagbago ang kanyang mukha. Ang maamong ekspresyon ay napalitan nang matinding pagkamuhi at mapait na galit.Galit na galit siya kay Margaret.Anak lamang siya ng dating driver ng pamilya Aguilar. Noong bata pa siya, namatay ang kanyang ama habang inililigtas ang ama ni Roberto, kaya’t naulila siya.Dahil sa utang na loob na iyon, inalagaan siya

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 703

    Tiningnan ni Roberto si Margaret habang dahan-dahan niyang inaabot ang kamay at pinisil ang baba nito.“Higit dalawampung taon na tayong hiwalay? Kahit gaano ko ito pakinggan, tila ba ang Mrs. Aguilar ay nagrereklamo ng dalawampung taon ng kakulangan at kalungkutan. Ngayong gabi, sisiguraduhin kong mabubusog ka.”Hindi nakapag-react si Margaret.Mabilis niyang hinampas ang kamay nito.“Dapat na maghanap na lang si Mr. Aguilar sa first love niya. Sa mga taon na wala ako, hindi ba kayo natulog sa dating kama na pinagsaluhan natin?”Nanlamig ang ekspresyon ni Roberto at sinabi, “Ilang beses ko bang sasabihin? Walang nangyari sa pagitan namin ni Imelda!”Tumaas ang kilay ni Margaret. “Talaga? Sa loob ng mahigit dalawampung taon, hindi ka talaga natulog kay Imelda?”Saglit na natigilan si Roberto at muling nagsalita.“Huwag mong gamitin ang marurumi mong iniisip para husgahan ang iba!”Bahagyang ngumiti si Margaret. 'So, hindi nga siya natulog kay Imelda?'“Kung gano'n,” malam

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 436

    Pagkasabi no'n, agad na tumalikod si Monica at umalis. Bago tuluyang lumayo, sumulyap siya kay Nora. Nagpalitan ang dalawa ng tingin. Isang tahimik, ngunit puno ng pagkakaunawaan na tila ba nagbabadya ng mga darating na pangyayari.Nakatayo naman si Shawn sa tabi ni Franco habang tinitingnan nito a

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 451

    Nagsimulang mataranta si Monica. Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan, tila nahihirapang makabuo ng salita.“A-Akala ko…”Mabilis siyang sumulyap kay Nora, tila humihingi ng tulong.Hindi na nag-atubili si Nora. Isang hakbang pasulong, at malakas siyang nagsalita, para bang handang akuin ang laha

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 424

    Hinila ni Raven ang kumot hanggang matakpan ang kanyang mukha. Tahimik lamang siya, hindi nagsasalita, tila ba nagkukubli hindi lang sa liwanag kung hindi pati sa kahihiyan. Ayaw niyang magsalita. Sa unang pagkakataon na gumawa siya ng mali, nahuli pa siya ng mismong babaeng ayaw niyang makasaksi ni

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 443

    Nakita ni Monica ang name badge ni Maxine at ang nakasulat ay Surgery Master.Bigla siyang napabuga nang malalim na hininga. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Maxine, tila hindi makapaniwala sa nakikita.“Surgery Master? M-Maxine, i-ikaw? Ikaw ang Surgery Master?”Hindi lang siya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status