Share

Kabanata 804

Author: Glazed Snow
Nauutal naman na sumagot ang tauhan sa kabilang linya dahil sa matinding kaba.

“Mr. Carlos, g-ginawa na po namin ang lahat para mag-imbestiga, pero walang kahit anong impormasyon ang taxi company tungkol sa driver na iyon. W-Wala pong laman ang mga records niya.”

Nanigas ang mukha ni Adrian. Sa lawak ng impluwensiya ng pamilya Carlos sa Tycoon City, imposibleng hindi nila kayang hukayin ang impormasyon ng isang ordinaryong taxi driver.

Pero ngayon, wala silang kahit anong mahanap. Galit siyan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 804

    Nauutal naman na sumagot ang tauhan sa kabilang linya dahil sa matinding kaba.“Mr. Carlos, g-ginawa na po namin ang lahat para mag-imbestiga, pero walang kahit anong impormasyon ang taxi company tungkol sa driver na iyon. W-Wala pong laman ang mga records niya.”Nanigas ang mukha ni Adrian. Sa lawak ng impluwensiya ng pamilya Carlos sa Tycoon City, imposibleng hindi nila kayang hukayin ang impormasyon ng isang ordinaryong taxi driver.Pero ngayon, wala silang kahit anong mahanap. Galit siyang napamura.“You are all a useless trash!”At pagkatapos, agad niyang ibinaba ang tawag.Muling sumagi sa isip ni Adrian ang mukha ni Jessica. Ang maputi at maselang mukha nito. Ang elegante nitong kilos habang sumasayaw sa dance floor noong gabing iyon, at ang malamig ngunit nakakaakit nitong aura.Unti-unting nag-init ang kanyang buong katawan. Habang mas hindi niya nakukuha si Jessica, lalo siyang nahuhumaling dito.Tuluyan nang sinindihan ni Jessica ang kanyang pagnanasa. Muli niyang ki

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 803

    “Ano 'yon...”Sa sandaling napagtanto ni Jessica ang nangyari, agad na namula nang todo ang kanyang maliit na mukha. Para siyang pinakuluan sa sobrang hiya. Mabilis siyang umayos ng upo, saka mariing lumingon sa lalaki.“Bastos!”Nakasuot ng maskara ang lalaki sa driver’s seat kaya hindi makita ang kanyang mukha, ngunit sa malamig nitong mga mata ay may bahagyang kislap ng aliw.“Bakit mo ako tinatawag na bastos?” kalmado nitong tanong. “Wala naman akong ginawa.”Tila inosente pa ang tono nito. At dahil diyan, mas lalong namula si Jessica. Pakiramdam niya ay para siyang sasabog anumang oras.“Wala kang ginawa? Eh ‘yong kanina—”“Ang ano?” mahinahon nitong putol habang sumulyap sa kanya.Biglang natigilan si Jessica. Hindi niya magawang sabihin nang direkta ang nangyari kanina.Sa sandaling iyon, muling humarurot ang Ferrari ni Adrian at mabilis na nakadikit sa kanila.Hindi niya inasahan na sa kabila ng husay niya sa pagmamaneho, hindi niya pa rin mahahabol ang isang ordinary

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 802

    Isang matinding alon ng desperasyon ang bumalot kay Jessica.Sa isip niya, mahuhuli ba talaga siya ni Adrian ngayong gabi?Sa mismong sandaling iyon, isang taxi ang mabilis na sumulpot sa kalsada at biglang huminto sa tabi nila ni Thalia.Bumaba ang bintana ng driver.“Sakay.”Mababa at malamig ang tinig nito.Parang nakakita ng pag-asa si Jessica. Agad na nagningning ang kanyang mga mata habang mabilis niyang binuksan ang pintuan sa likod.“Thalia, bilis! Sakay!”Nagmadaling sumakay si Thalia sa likuran, habang si Jessica naman ay agad na pumuwesto sa passenger seat sa harapan.“Manong driver, pakiusap, bilisan n’yo po! Umalis na tayo!” nagmamadali niyang sabi.Walang kahit anong sagot ang driver. Sa sumunod na segundo, mabilis nitong inapakan ang accelerator at rumagasa ang taxi pasulong.Sakto namang nakalapit si Adrian kasama ang kanyang mga tauhan.“Huwag silang hayaang makatakas!”Ngunit huli na ang lahat. Mabilis nang nakalayo ang taxi at tuluyang naglaho sa mahaban

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 801

    Pagkapatong ng mga paa ni Jessica sa lupa, agad siyang tumalikod at mabilis na tumakbo palayo.Napatawa si Adrian, ngunit puno iyon ng galit at panunuya. Matagal na niyang inaasahan na tatangka itong tumakas. Sa bilis ng kanyang paggalaw, agad niyang nahablot ang braso ni Jessica at marahas itong itinulak sa pader. Napasinghap si Jessica sa lakas ng impact.Mariing idiniin ni Adrian ang dalawang balikat niya upang hindi siya makagalaw. Nanlilisik naman ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.“Jessica, bakit ka tumatakbo?”Matalim siyang tiningnan ni Jessica, punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.“Adrian, ako dapat ang nagtatanong niyan sa ’yo. Ano ba talaga ang gusto mo?” malamig niyang tanong sa lalaki. “Tatlong taon na tayong tapos. Ay mali. Ang totoo, natapos tayo bago pa man tayo magsimula. Kaya bakit mo ginugulo mo pa rin ako hanggang ngayon?”Bahagyang humigpit ang hawak ni Adrian sa kanyang mga balikat habang seryoso siyang nakatitig dito.“Ayaw kong matapos tayo, Je

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 800

    Samantala, masaya namang sumasayaw si Jessica kasama si Thalia nang biglang may malakas na humawak sa kanyang payat na braso.“Jessica!”Biglang naputol ang kanyang kasiyahan. Lumingon siya at agad na nakita si Adrian.“Adrian?”Sinubukan niyang bawiin ang kanyang braso.“Bitiwan mo ako!”Bahagyang kumunot ang noo ni Adrian. “Sino ang pumayag sa ’yo na pumunta rito at sumayaw?”Tumaas ang kilay ni Jessica, halatang naiinis.“Ano'ng pakialam mo kung sumasayaw ako rito o hindi?!”Hindi niya gusto ang kahit anong hawak mula rito kaya mariin niyang hinila pabalik ang kanyang braso.Humalakhak nang malamig si Adrian at sinabi, “Hindi ba mahilig kang sumayaw? Halika, sasayaw ako sa ’yo.”Naiirita siya sa mga lalaking nakapaligid sa dance floor. Ipinapakita nito ang alindog niya sa harap ng iba, ngunit sa loob ng tatlong taon, kahit ilang beses niya itong hanapin ay hindi siya nito kailanman pinansin.Tiningnan naman siya ni Jessica nang malamig.“Sino ba ang nagsabi na gusto k

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 799

    “Bumaba ka rito!”Mahigpit na hinawakan ni Crizza ang mahabang buhok ng bunny girl at marahas itong hinila pababa mula sa kandungan ni Adrian.“Ah!”Isang biglang sigaw ang kumawala sa bunny girl habang bumabagsak siya sa sahig, halos mawalan ng balanse sa lakas ng hatak.Ngunit hindi siya nagpatinag. Mabilis siyang tumingala, puno ng galit ang mga mata.“Sinampal mo ako?! Akala mo ba madali akong apihin?!”Tumayo siya agad at sumugod pabalik kay Crizza. Ang mahahaba niyang kuko ay kumislap sa ilaw bago mabilis na sumabog sa mukha nito.“Ah—”Napaurong si Crizza nang maramdaman ang hapdi. Isang pulang guhit ang agad na lumitaw sa kanyang pisngi.“Ang mukha ko!” sigaw niya, nanginginig sa galit. “Ikaw, bruha ka! Sinira mo ang mukha ko! Papatayin kita!”Sa isang iglap, nagkagulo ang dalawa. Nag-uunahang sumugod, nagtutulakan, at nagbabangayan sa gitna ng magulong silid. Natumba ang mesa, natapon ang mga inumin at alak sa sahig at sa coffee table, habang nagkalat ang mga basag n

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 121

    Agad na tumakbo ang mga lalaki papunta kay Maxine at Jessica. Maya-maya, biglang umalingawngaw ang sigawan sa buong paaralan.“May nangyayari! May gulo! May nag-aaway!”Samantala, si Damian naman ay abala sa pagwawasto ng mga papel sa opisina ng punong-guro sa mga oras na 'yon. Agad siyang lumabas

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 81

    Paglabas ni Maxine mula sa banyo, wala na si Shawn sa kwarto. Sigurado siya na tinawagan ito ni Monica kaya umalis ito agad. Napangiti na lamang si Maxine nang mapait habang nakatitig sa bakanteng espasyong iniwan nito.Bigla namang tumunog ang kanyang telepono at nakitang si Nora ang tumatawag.Sin

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 87

    Ilang sandali lang ang nakalipas ay nakatayo na si Shawn sa balkonahe at nasaksihan ang lahat. Nakita niyang binigyan ni Lucas si Maxine ng isang limited-edition na sapatos mula sa mamahalin at sikat na brand. Ngunit hindi ito tinanggap ni Maxine.“Sinabihan mo ba si Lucas na mahilig ako sa mga bran

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 107

    Inanyayahan nga ni Monica si Maxine na magkape.Hindi agad sumagot si Maxine, kaya nagtaas ng kilay si Monica habang nakangiti. “Bakit, Maxine? Ayaw mo bang subukan? Ilang beses ka lang nanalo kamakailan kaya ang taas na nang lipad mo. Ano ang nangyayari? Natatakot ka na ba sa akin?” sambit ni Mo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status