LOGINGalit na galit si Jessica kay Adrian. Noong nakaraang gabi, akala niya ay tuluyan na niya itong naalis sa buhay niya. Ngunit hindi pa pala tapos ang lalaki. Ngayon, ginagamit pa nito ang pangalan ng dalawang pamilya upang muling mapalapit sa kanya.“Mom, ayoko siyang makita!” malamig na sabi ni Jessica. “Totoong may kasunduan sa kasal noon ang pamilya Castro at pamilya Carlos, pero si Adrian mismo ang sumira roon nang lokohin niya ako kasama si Crizza. Siya rin ang unang nagkansela ng engagement. Matagal nang tapos ang usapan na iyon. Hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya.”Tahimik naman na nakinig si Mrs. Pablo bago marahang nagsalita.“Jessica, alam mo namang nasa panig mo kami ng daddy mo,” malumanay ang tinig nito ngunit bakas ang seryosong pag-aalala sa mga mata. “Ang isang babae ay dapat mapunta sa lalaking totoo siyang mamahalin at pahahalagahan. Noon pa man, alam naming hindi ka totoong minahal ni Adrian. Ginamit ka lang niya para mapalapit sa pamilya natin, at hindi iyon
“K-Kuya!”Agad na napalingon si Thalia habang nanginginig ang boses niya sa pananabik.Natigilan naman si Jessica.Sa isang iglap, naalala niya ang unang pagkakataong nakita niya rin ang lalaking iyon. Tulad ni Thalia, napagkamalan din niyang si Raven ito noon.Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang braso ni Thalia.“Thalia, hindi siya ang kuya mo.”“Paano mangyayaring hindi siya?” mariing sagot ni Thalia habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. “Siya ang kuya ko! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga si kuya!”Tatlong taon na niyang hindi nakikita si Raven. Si Raven na lamang ang natitirang kamag-anak niya sa mundong ito. Kaya paano siya magkakamali?Hindi siya maaaring magkamali.“Thalia, kumalma ka muna,” marahang sabi ni Jessica habang pilit siyang inaalo. “Hindi talaga siya si Raven.”Mula sa driver’s seat, malamig naman na tumingin ang lalaki kay Thalia.“Nagkakamali ka lamang ng akala,” malamig niyang saad. “Hindi ako ang kuya mo.”“Hindi ako naniniwala!” sig
Nauutal naman na sumagot ang tauhan sa kabilang linya dahil sa matinding kaba.“Mr. Carlos, g-ginawa na po namin ang lahat para mag-imbestiga, pero walang kahit anong impormasyon ang taxi company tungkol sa driver na iyon. W-Wala pong laman ang mga records niya.”Nanigas ang mukha ni Adrian. Sa lawak ng impluwensiya ng pamilya Carlos sa Tycoon City, imposibleng hindi nila kayang hukayin ang impormasyon ng isang ordinaryong taxi driver.Pero ngayon, wala silang kahit anong mahanap. Galit siyang napamura.“You are all a useless trash!”At pagkatapos, agad niyang ibinaba ang tawag.Muling sumagi sa isip ni Adrian ang mukha ni Jessica. Ang maputi at maselang mukha nito. Ang elegante nitong kilos habang sumasayaw sa dance floor noong gabing iyon, at ang malamig ngunit nakakaakit nitong aura.Unti-unting nag-init ang kanyang buong katawan. Habang mas hindi niya nakukuha si Jessica, lalo siyang nahuhumaling dito.Tuluyan nang sinindihan ni Jessica ang kanyang pagnanasa. Muli niyang ki
“Ano 'yon...”Sa sandaling napagtanto ni Jessica ang nangyari, agad na namula nang todo ang kanyang maliit na mukha. Para siyang pinakuluan sa sobrang hiya. Mabilis siyang umayos ng upo, saka mariing lumingon sa lalaki.“Bastos!”Nakasuot ng maskara ang lalaki sa driver’s seat kaya hindi makita ang kanyang mukha, ngunit sa malamig nitong mga mata ay may bahagyang kislap ng aliw.“Bakit mo ako tinatawag na bastos?” kalmado nitong tanong. “Wala naman akong ginawa.”Tila inosente pa ang tono nito. At dahil diyan, mas lalong namula si Jessica. Pakiramdam niya ay para siyang sasabog anumang oras.“Wala kang ginawa? Eh ‘yong kanina—”“Ang ano?” mahinahon nitong putol habang sumulyap sa kanya.Biglang natigilan si Jessica. Hindi niya magawang sabihin nang direkta ang nangyari kanina.Sa sandaling iyon, muling humarurot ang Ferrari ni Adrian at mabilis na nakadikit sa kanila.Hindi niya inasahan na sa kabila ng husay niya sa pagmamaneho, hindi niya pa rin mahahabol ang isang ordinary
Isang matinding alon ng desperasyon ang bumalot kay Jessica.Sa isip niya, mahuhuli ba talaga siya ni Adrian ngayong gabi?Sa mismong sandaling iyon, isang taxi ang mabilis na sumulpot sa kalsada at biglang huminto sa tabi nila ni Thalia.Bumaba ang bintana ng driver.“Sakay.”Mababa at malamig ang tinig nito.Parang nakakita ng pag-asa si Jessica. Agad na nagningning ang kanyang mga mata habang mabilis niyang binuksan ang pintuan sa likod.“Thalia, bilis! Sakay!”Nagmadaling sumakay si Thalia sa likuran, habang si Jessica naman ay agad na pumuwesto sa passenger seat sa harapan.“Manong driver, pakiusap, bilisan n’yo po! Umalis na tayo!” nagmamadali niyang sabi.Walang kahit anong sagot ang driver. Sa sumunod na segundo, mabilis nitong inapakan ang accelerator at rumagasa ang taxi pasulong.Sakto namang nakalapit si Adrian kasama ang kanyang mga tauhan.“Huwag silang hayaang makatakas!”Ngunit huli na ang lahat. Mabilis nang nakalayo ang taxi at tuluyang naglaho sa mahaban
Pagkapatong ng mga paa ni Jessica sa lupa, agad siyang tumalikod at mabilis na tumakbo palayo.Napatawa si Adrian, ngunit puno iyon ng galit at panunuya. Matagal na niyang inaasahan na tatangka itong tumakas. Sa bilis ng kanyang paggalaw, agad niyang nahablot ang braso ni Jessica at marahas itong itinulak sa pader. Napasinghap si Jessica sa lakas ng impact.Mariing idiniin ni Adrian ang dalawang balikat niya upang hindi siya makagalaw. Nanlilisik naman ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.“Jessica, bakit ka tumatakbo?”Matalim siyang tiningnan ni Jessica, punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.“Adrian, ako dapat ang nagtatanong niyan sa ’yo. Ano ba talaga ang gusto mo?” malamig niyang tanong sa lalaki. “Tatlong taon na tayong tapos. Ay mali. Ang totoo, natapos tayo bago pa man tayo magsimula. Kaya bakit mo ginugulo mo pa rin ako hanggang ngayon?”Bahagyang humigpit ang hawak ni Adrian sa kanyang mga balikat habang seryoso siyang nakatitig dito.“Ayaw kong matapos tayo, Je
Nanlamig at dumilim ang ekspresyon ni Shawn.“Malayang nakakagalaw ang lisensyadong plaka ni Joshua Alvarez sa buong Manila. Huli na para i-block ang mga kalsada.”“Sir, ano po ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Mike sa kanya.Walang pag-aatubili, inilabas ni Shawn ang kanyang telepono at tinaw
Galit si Shawn. Galit siya dahil sinabi ni Maxine na iyon na ang huli, at huwag na siyang hanapin kahit kailan.Nang dumikit sa kanya ang malambot at mapulang labi nito, agad niya itong itinulak palayo nang may pagkainip.Ngunit ang maliit na kamay ni Maxine, na kanina ay nakapatong lamang sa kany
Sa dormitoryo ng mga babae...“Aw! Ang sakit! Jessica, dahan-dahan lang…”Nakabalik na si Maxine mula sa mansyon ni Shawn, papunta sa dormitoryo. Pinapahiran siya ni Jessica ng yelo sa namamaga niyang mukha.Nang marinig ang daing ni Maxine, napamura si Jessica sa galit.“Hayop talaga 'yang si J
Alam ni Shawn na mabilis siya, pero hindi niya inaasahang ganito rin kabilis si Maxine.Kahit kailan ay hindi pa nakatagpo si Shawn ng karapat-dapat na kalaban sa gaming, hanggang ngayon. At ang kalabang iyon ay si Maxine pa.Nakipagsabayan ito sa kanya, laban kung laban.Ang pangyayaring itong a







