LOGIN“Umalis ba siya matapos lang sagutin ang isang tawag?”Napakunot-noo si Craige habang nagsasalubong ang matatalas nitong kilay. Malamig at mabigat ang aura nito, sapat upang manikip ang dibdib ng sinumang kaharap niya.“Alam mo ba kung sino ang tumawag?” malamig nitong tanong.Umiling si George at sinabi, “Sir, hindi ko po alam.”“Sige. Maaari ka nang umalis.”“Yes, sir.”Tahimik na yumuko si George bago mabilis na lumabas ng opisina.Naiwang mag-isa si Craige sa malawak na silid. Matayog itong nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window habang nakatanaw sa abalang lungsod sa ibaba. Bahagya nitong hinila ang kurbata sa leeg, ngunit hindi pa rin nabawasan ang iritasyong unti-unting kumukulo sa dibdib nito.Malinaw niyang sinabi kay Jessica na manatili sa opisina at hintayin siya upang sabay silang maghapunan mamayang gabi.Pumayag ito. Ngunit umalis pa rin.Kagabi lamang, naging opisyal ang relasyon nila. Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, tunay na nakaramdam si C
Tiningnan ng personal na assistant na si George si Craige bago marahang itinuro ang leeg nito.“Sir, gusto n’yo po bang takpan ang marka ng halik na 'yan?”Bahagyang huminto si Craige at sumilip sa sariling repleksyon sa salamin.Sa maputi nitong leeg ay malinaw ang mapulang marka. Isang markang iniwan ni Jessica kagabi.Sa halip na mainis, lalo lamang gumanda ang mood nito. Bahagya nitong itinaas ang matalim na kilay habang may bakas ng kasiyahan sa mga mata.“Hindi na kailangan,” kalmadong sagot niya. “Tara na.”Sumunod agad si George habang lumalabas sila ng opisina.Pagdating sa labas, sabay-sabay na yumuko ang mga empleyado at magalang na bumati.“Sir.”Diretso at matatag na naglakad si Craige patungo sa meeting room. Tulad ng dati, malamig at dominante pa rin ang aura nito.Ngunit nang tuluyan itong makalayo, agad namang nagkagulo ang buong floor.Hindi napigilan ng mga empleyado ang excitement at sabik na nagbulung-bulungan.“Nakita n’yo ba ‘yong kiss mark sa leeg ni
'Manatili sa kanya?'Hindi pa kasal si Jessica, at ganoon din naman siya. Sa totoo lang, wala namang masama kung magsama sila.Ngunit may tatlong taong agwat sa edad nila, kaya bahagyang nahiya si Jessica habang mahina siyang nagsalita.“Kailangan ko munang pag-isipan.”Yumuko nang bahagya si Craige at tinitigan siya nang diretso sa mga mata. Malalim at dominante ang boses nito nang sabihin, “Miss Pablo, hindi kita binibigyan ng pagkakataong mag-isip pa. Ang gusto ko lang ay makasama ka.”Pagkasabi no'n ay muli niya itong hinalikan. Para kay Jessica, ang bawat halik nito ay parang honey na unti-unting natutunaw sa kanyang puso, matamis, mainit, at nakakalasing. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang mga salita nito.'Ang gusto ko lang ay makasama ka...'Sa isip niya, napaka-dominante talaga ng lalaki.****Binuhat ni Craige si Jessica patungo sa CEO office nito. Maingat niya itong tinulungang maligo bago marahang inihiga sa kama ng resting room.Sobrang pagod ni Jes
Namula ang mapupusyaw na mga mata ni Jessica habang nakatingin kay Craige.“Craige, maaari mo naman sanang sabihin sa akin noon.”Tahimik lamang siyang tinitigan ni Craige. Marahang hinaplos nito ang kanyang mukha, tila gusto nitong kabisaduhin ang bawat detalye nito.“Noon, isa kang mayamang dalaga habang ako naman ay isang hamak na walang-wala. Hindi ako nararapat para sa ’yo.”Bahagya itong ngumiti, ngunit bakas sa mga mata nito ang pait ng nakaraan.“At higit sa lahat, ayokong madamay ka sa panganib dahil sa mga problema ko.”Unti-unting bumigat ang dibdib ni Jessica sa mga salitang binitawan ng lalaki. Tahimik niyang ibinaon ang mukha sa leeg nito at mahigpit itong niyakap.“Ang tanga-tanga mo…” paos niyang bulong.Mahigpit din siyang niyakap ni Craige, wari ay ayaw na siyang pakawalan kailanman.“Tapos na ang lahat ngayon,” marahan nitong sabi.Dahan-dahang tumingala si Jessica upang tingnan ito.“Kung gano’n, ano’ng nangyari sa mukha mo?”Sandaling tumigil si Craige.
Pumasok si Craige sa likurang upuan ng sasakyan. May gusto sanang sabihin si Jessica, ngunit bago pa man siya makapagsalita ay marahan nang hinawakan ni Craige ang kanyang mukha. Yumuko ito at agad siyang hinalikan.Napasinghap si Jessica sa isang mahinang ungol.“Mmph…”Parang agad na nanghina ang buong katawan niya sa init ng halik nito. Mahigpit ngunit maingat siyang niyakap ni Craige sa baywang at marahang iniupo sa kandungan nito habang lalo pang pinalalalim ang kanilang halikan.“Craige, nasaan tayo?” kinakabahang tanong ni Jessica sa pagitan ng kanilang paghinga.Napansin ni Craige ang pag-aalala sa kanyang mukha kaya agad itong sumagot sa mababang tinig.“Sa parking garage ng kumpanya ko. Huwag kang mag-alala, walang pumupunta rito.”Doon lamang bahagyang kumalma si Jessica.Marahan niyang itinaas ang mga braso at niyakap ang leeg nito bago dahan-dahang inabot ang maskarang suot nito.Bahagyang ikiniling ni Craige ang ulo.“Ano’ng ginagawa mo?”“Gusto kong tanggalin
Parang gusto nang maghukay ni Jessica ng butas sa lupa at doon na lang magtago.'Bakit naman pati sa contraceptives section ay may sales assistant?' aniya sa sarili.At ang mas masama pa roon, wala talaga siyang ideya kung anong klase ang dapat niyang bilhin.Namumula ang mukha niyang nagsalita. “I-Iyong simpleng klase lang.”Agad na kumuha ng isang kahon ang sales assistant mula sa estante at sinabi, “Kung gano’n po, ito na lang ang basic type.”Iniunat ni Jessica ang kamay niya at tinanggap iyon.“Okay.”Ngunit hindi agad iyon iniabot ng assistant. Sa halip, ngumiti pa ito nang propesyonal at nagtanong.“Miss, anong size po ang gamit ng asawa ninyo? May small, medium, large, at extra-large po kami.”Dahil diyan, tuluyan siyang natigilan. Pakiramdam niya ay gusto na niyang mawalan ng malay sa kahihiyan.Sa isip niya, bakit kailangan pa niyang sagutin ang gano’ng klaseng tanong?'“A-Ako…” nauutal niyang sabi habang umiiwas ng tingin. “Hindi ko alam…”“Miss, nasaan po ang
Agad na tumalikod si Elias para umalis na sa lugar na 'yon. Ngunit, may biglang pumigil sa kanya.“Teka lang!” sigaw ni Jared, pinipigilan siyang umalis.Napatigil naman si Elias sa kanyang paghakbang.Samantala, tiningnan naman ni Jared si Maxine at galit itong sinermunan.“Maxine, tao ka pa ba? Si
Nanlaki ang mga mata ni Elias dahil sa kanyang narinig, at mgayon niya lang tuluyang naintindihan. Simula pa nang makalabas siya ng kulungan, si Maxine ang unang nakaalam, at matagal na pala siyang hinihintay nito.Pinaniwalaan ng lahat na hinding-hindi na niya babanggitin ang madilim na nakaraan n
Nang bigla niyang masambit ang salitang mommy, labis ang pasasalamat ni Shawn na siya lang ang nakarinig nito. Sa isip niya, wala ba siyang pakialam sa dignidad niya?Kailanman sa buong buhay niya, hindi pa siya gumawa nang ganoon. Mabuti na lang at kumalma si Maxine sa mga salitang ‘narito lang si
“Ibinenta ko ang lahat na meron ako, pati ang mga kaldero at kawali para lang maipadala siya sa paaralan. Ibinuhos ko ang lahat upang maipadala siya sa malaking siyudad. Pero ngayon, hindi na niya ako kinikilala. Nahihiya na siya sa akin at gusto niya akong palayasin pabalik sa probinsya…”Habang u







