Share

Chapter 10

Simula nang araw na ‘yon ay hindi na muli pang nagkita sina Zaver, at Sky. Kahit ilang beses na siyang pumupunta sa bahay ampunan ay hindi niya nakikita doon ang dalaga.

Nagtanong na siya pero ilang araw na nga daw hindi pumupunta doon ang dalaga. Nagtataka nga ang mga tao doon dahil kahit anong busy nito sa buhay ay wala naman itong araw na hindi dumadalaw.

Hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala sa dalaga. May pinagsamahan na din naman sila kahit papaano kaya normal lang na mag-alala siya para sa kaibigan kahit pa hindi niya alam kung kaibigan din ba ang turing nito sa kanya.

Nagkasakit kaya ito o kaya naman may emergency? Ayos lang kaya ito? Napailing-iling na lang siya. Mukhang hindi niya napapansin sa sarili na palagi na lang nasa isip niya ang dalaga.

Sinampal niya ang magkabila niyang pisngi. Hindi ito pwede! Hindi siya pwedeng mahulog dito dahil ayaw na niyang maloko at masaktan muli. Hindi pa niya kayang masaktan muli. At mas lalo siyang hindi pwedeng mahulog dito dahil wala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawang Zaver,huwag Kang mag alala magkita pa rin kato
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status