Share

Chapter 5

Simula nang araw na 'yon ay hindi na naman ulit nakita ni Zaver si Sky. Ewan ba niya kung saan nakatira ang babaeng 'yon at hindi sila magkakita-kita sa maliit na mundong ito. 

Hindi din niya naman hiningi ang number nito o kaya naman ang address nito, baka mamaya sabihin na naman no’n na nagiging interesado na naman siya dito kahit hindi naman totoo.

Hindi porque gusto niyang hingin ang number at address nito ay interesado na siya dito. Hindi niya din ito nahatid sa kanila dahil may dala itong sariling kotse.

"Babe, pagkatapos nating kumain dito, bigyan mo ako ng dessert mamaya, ah," malanding sabi ng babae na nakapulupot ang kamay sa braso niya.

"Sure. Ano bang gusto mo? Cake? Salad?"

"I want hotdog,” bulong nito sa tenga niya saka ito dinilaan dahilan para makaramdam siya ng kiliti at mabuhay ang katawan niya.

"Gusto mo ako na din ang kainin mo?" nang-aakit niya sabi sa babaeng kasama niya.

"Later, Babe. Right now, gutom na talaga ako. And besides, I need to eat now dahil kailangan ko ng maraming energy para sa gagawin natin mamaya.”

Kinagat nito ang mapupulang labi saka kumindat sa kanya. Bigla tuloy gusto niyang matapos na agad sila sa pagkain para ito naman ang kainin niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin muna ang sarili.

"Zaver.” Napatingin siya sa tumawag sa kanya.

"Mom?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mommy niya sa may entrance ng resto na pagkakainan sana nila.

Parang ngayon ay gusto niyang maging invisible para hindi siya nito makita.  Sigurado siyang hindi siya makakatikim ng dessert ngayon. What a bad timing!

"What are you doing here?" Hinalikan niya ito sa pisngi nang makalapit na siya sa ina. 

Kung pwede nga lang mag-pretend siya na hindi niya ito nakita ay ginawa na niya. Wala talaga siyang magiging dessert nito ngayong gabi.

"I'm meeting with my friend. What about you? What are you doing here? Akala ko ba magkikita kayo nina Ice?" sunod-sunod na tanong nito.

"Yeah kanina, pero umuwi na sila."

"I see." Tumango ito saka napatingin sa kasama niya. "Oh, you're with your?"

"Friend,” agad niyang sagot. Ayaw niyang sabihin na girlfriend niya ito dahil maliban sa wala naman silang relasyon nito ay baka biglang sabihin pa ng mommy niya kung kailan agad sila magpapakasal nito. "Mom, this is Camille. Camille, this is my mom."

"Hi, Tita,” malambing nitong bati sa mommy niya saka nakipagbeso-beso.

"Hi, Darling. You look beautiful."

Para naman itong kinilig. Inipit nito ang ilang hibla ng buhok sa gitna ng tenga nito. "Thank you, Tita."

"Anyway, bakit hindi na lang kayo sumabay sa amin? Kakain din naman kayo, di ba?"

"Yes."

"No,” sabay nilang sagot dahilan para malito ang mommy niya. "Actually, dumaan lang talaga kami, Mom, pero aalis na din kami."

"Don't be silly, son. Sumabay na kayo sa amin. I want you to meet my friend's daughter."

Napasimangot siya. Maliban sa hindi niya mai-enjoy ang gabing ito ay may irereto na naman sa kanya ang ina. Wala silang nagawa ng i-insist nito na sabay silang kumain.

Habang papasok ay bigla na lang bumulong sa kanya ang kasama niya. "What's my name again?"

"Ahm…" napaisip naman siya bigla. Sa lahat ng tanong ng mga babae na nakakasama niya ay ito ang ayaw niyang sagutin dahil hindi niya alam. Ano nga ba pangalan nito? "Caroline?"

"Damn you, Zaver! It's Carla."

Nanlaki ang mga mata niya. Damn! Kaya babe tinatawag niya sa kanilang lahat, eh, para hindi nila mahalata na nakalimutan niya ang mga pangalan nito.

"I'm sorry, Babe. I didn’t mean to forget your name.”

Damn! Remember her name this time, Zaver, kung ayaw mong wala kang good time ngayon.

Nagtampo ito kaya naman nilambing niya. Niyakap niya ito sa tagiliran saka mahinang pinisil ang bewang nito. "Huwag ka nang magtampo, Babe. Babawi ako sa ‘yo. I promise, papaligayanhin kita mamaya."

"Promise 'yan, ah?" Tiningnan siya nito na tila naniniguro.

"I promise." Hinalikan niya ito sa labi dahilan para kiligin ito. Mabuti na lang.

ILANG minuto lang ay dumating na din ang sinasabi ng mommy ni Zaver na kaibigan nito. Kung titingnan niya ito ay magkasing-edad lang ito ng mommy niya. Ngunit ang ipinagtataka niya ay wala itong kasama. Pinakilala sila ng mommyn niya kay Tita Blaire.

"Nasaan na ang anak mo? Akala ko ba isasama mo siya?" tanong ni Nova pagkatapos umupo ni Blaire.

Napabuntong-hininga ito. "Hindi ko nga mahanap, eh."

Nagulat ito. "Ha? Nawawala ang anak mo?"

Natawa ito. "Not literally. Nalaman kasi niya na isasama ko siya kaya hindi siya nagpakita sa akin. Akala niya ipapa-blind date ko siya."

"Ayaw niya?"

"Yeah. Sumasakit na nga ang ulo ko kay Lher kasi hanggang ngayon ay ayaw pa rin mag-asawa. Gusto ko pa naman ng apo. Well, she’s our only child kaya sa kanya lang talaga ako magkakaroon ng apo."

Napabuntong-hininga din si Nova. "Same here, Blaire. Kaso, itong mga anak natin ay ayaw ata tayong bigyan."

Pinandilatan niya ng mga mata ang mommy niya dahil sa pagpaparinig nito sa kanya pero hindi siya nito pinansin. Nakakahiya. Sa narinig niyang sinabi ni Blaire ay natuwa siya dahil ayaw din mag-asawa ng anak nito. Ibig sabihin, hindi 'yon mairereto sa kanya ng mommy niya. Ngiting tagumpay ang lumabas sa labi niya.

Ilang oras sila sa resto bago sila umuwi. Buti na lang at hindi naudlot ang kasayahan niya ngayong gabi.

"SKY," lumapit si Sky kay Fin. Finley Doughlas, ang nag-iisa niyang kaibigan. "Makikipagkakera ako, manood ka ha?" Itinaas-baba nito ang dalawang kilay nito habang malaki ang ngiti sa labi.

"Nandito na ako, may choice pa ba ako?" Pinisil nito ang pisngi niya.

"Napaka-supportive mo talagang kaibigan. Kaya love na love kita, eh,” may pagkasarkastiko nitong sabi.

"Oh, ano na? Magkano ang ipupusta mo?" tanong ng lalaking makakalaban ni Fin sa karera.

"Ten Thousand," sagot ni Fin dito.

"Ang liit naman."

"Bakit? Magkano ba gusto mo?"

"Hmm…" nag-isip ito saka napatingin sa kanya dahilan para magtaka siya. "Two Hundred Thousand ang ibibigay ko kapag ikaw ang nanalo, pero kapag ikaw ang natalo, okay na sa akin ang Ten Thousand mo."

Kumunot ang noo niya sa narinig. Hindi ba parang lugi ang mga ito kapag gano’n? Napatingin siya sa mga maaangas nitong mga mukha. Mukhang may hindi tama.

Tumango-tango naman si Fin, tila nagugustohan ang offer. "Ayos 'yan. Okay sa akin ang deal mo."

"At ang kasama mong babae."

Napatingin sa kanya si Fin. "Siya?" tanong nito sabay turo sa kanya.

Maangas itong tumingin kay Fin saka sumagot, "Oo siya. Gusto ko din na siya ang makalaban ko sa karera."

"Aba'y gago ka!" Susugurin na sana ito ni Fin nang pinigilan niya ito. "Kasama na nga siya sa premyo na gusto mo tapos gusto mo pa na siya ang makalaban mo? Hindi siya marunong makipagkarera." Nagulat siya sa sinabi nito pero kinindatan lang siya nito.

Lintek na lalaking 'to, oh. Ipapahamak na naman ako.

"Mas mabuti nga na hindi siya marunong para madali siyang mapasaakin, ‘di ba, boys?"

"Yes, Boss,” sagot ng mga bata nito.

Napangiwi siya nang basain nito ang sariling labi. Biglang tumayo ang mga balahibo niya dahil sa mukha nitong manyakis.

"Sige. Call ako." Sinuntok niya si Fin sa braso dahilan para mapaaray ito.

"Gago ka! Ibibigay mo ako sa manyakis na 'yan?" Tinuro niya ang mukhang unggoy na kapustahan nito.

"Hindi ka naman magsisisi, Babe, kapag nasa akin ka na. Pangako, papaligayanhin kita.” Para siyang masusuka sa ginawa nito. Kinagat lang naman nito ang labi na parang nang-aakit. Brrr. Para namang nananakot ito sa ginawa nito. Putek! “Saka mas sasaya ka sa akin dahil kapag naging akin ka na ay pangako, hindi kita ibibigay sa kahit kanino, hindi katulad ng kasama mo ngayon.”

Nginiwian niya ito dahil hindi siya natutuwa sa pinaggagawa nito at pinagsasabi. Inakbayan siya ni Fin saka lumayo ng kaunti sa kanila.

"Pumayag ka na, Dude. Sayang 'yong Two Hundred Thousand."

Napapikit siya sa inis saka niya ito siniko sa tiyan dahilan para mapaaray ito. "Gago ka talaga. Talagang ipagpapalit mo ako sa pera?"

Pinisil nito ang ilong niya. "Alam mong hindi 'yan totoo, Dude. Isipin mo na lang, malaking tulong na din sa atin ang perang ‘yon."

Napabuntong-hininga siya. Kung hindi lang makakatulong sa kanila ang pera ay hindi talaga siya papayag. "Sige na nga."

"Yown! Sinasabi ko na ba na papayag ka, eh." Bumaling si Fin sa mga lalaki. "Call kami."

"Game."

NAKASAKAY na si Sky sa isa sa paborito niyang kotse at pinapainit ang makina nito. Naghahanda na sa karera. Bwesit na Fin, oh. Hindi niya naman ito gagawin kung hindi lang sa malaking pera na nakapusta, malaking tulong na rin 'yon.

"Hoy, Dude." Malamig niyang tiningnan si Fin. "Huwag kang magpapatalo, ah. Sayang ang pera." Nag-igting ang panga niya sa sinabi nito. "At saka huwag mong hahayaan na makuha ka ng manyakis na 'yon. Ay nako! Sinasabi ko sa ‘yo magsisisi ka talaga kas—"

Hindi na nito natapos ang sinasabi nito nang hilain niya ang kwelyo nito dahilan para magtama ang noo nito sa sasakyan niya. Napahawak ito sa noo nito.

"Kapag natapos ang karera na 'to, sinasabi ko sa 'yo magtago ka na."

Tinapik-tapik nito ang kamay niya na nakahawak sa kwelyo nito saka ngumiti.

"Mamaya na ako magtatago kapag nakuha ko na ang pera." Tinapik nito ulit ang kamay niya ng hindi niya pa rin ito binitawan. "Bitaw na, Dude. Mag-uumpisa na ang karera." Marahas niya itong binitawan na agad naman nitong inayos ang damit. "Good luck, Dude. Galingan mo!"

Napailing na lang siya saka tumingin sa daan. Hindi niya magawa na ma-inspire sa cheer nito dahil naiinis pa din siya sa kaibigan. May babae sa gitna ng daan at may hawak na flag. Kapag binaba na nito ang flag ay hudyat na umpisa na ang karera.

Ilang segundo lang ay ibinaba na nito ito kaya agad niyang ginalaw ang kambyo ng kotse. Humarurot ang sasakyan nila ng sabay.

Mas inapakan niya pa ang silinyador ng kotse para maabotan niya ito. Binilisan din nito ang pagpapatakbo dahilan para magpantay ang takbo nilang dalawa. Mukhang wala talaga itong balak na magpatalo. Sabagay, sa ganda ba naman ng makukuha nito kapag nanalo ito at syempre hindi ito papayag.

"Akin ka na lang kasi, Miss. Hinding-hindi ka talaga magsisisi!" sigaw nito mula sa loob ng kotse nito.

Hindi niya ito pinansin at mas nag-focus lang sa pagmamaneho. Inilagay niya sa uno ang kambyo saka mas pinabilis pa ang pagpapatakbo ng sasakyan para matapos na ito. Nakaikot na siya ng dalawang laps, nauuna siya sa kalaban at isang ikot na lang niya ay panalo na siya.

Napatingin siya sa side mirror nang nakita niyang nasa likuran na niya ito. Hindi niya ito pinansin saka mas pinabilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse.

Malapit na sana siya sa finish line ng bigla nitong banggain ang likod ng kotse niya dahilan para mawalan siya ng balanse sa pagmamaneho.

Umikot-ikot ang kotse niya dahil ilang beses siya nitong binangga. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang mababangga siya. Pinindot niya ang button para mawala ang bubong ng kotse niya.

Bago pa mabangga ang kotse niya ay agad na siyang tumalon pataas. Malakas ang pagbangga ng sasakyan. Kung napasali pa siya doon siguradong masama ang tama niya.

Napatingin siya sa likod nang huminto ang kotse saka bumaba ang kalaban niya sa karera nang nakangisi.

Papalapit ito sa kanya. "Pasensya na, miss. Hindi ko sinasadya. Bigla kasi akong nawalan ng balanse kaya nabangga kita. Mabuti na lang at ayos ka lang. Walang gasgas sa maganda mong mukha."

May pag-aalala ang mga sinasabi nito pero halata naman sa boses nito na sinadya nito, lalo pa't nakikita niya ang ngisi sa maitim nitong labi.

Ngumiti siya dito dahilan para mapangiti din ito sa kanya. "That's okay. Accidents happen." Lumapit siya dito saka hinawakan ito sa magkabilang balikat na animo'y nilalambing niya ito.

Mas lumaki ang ngisi nito dahil sa ginawa niya. Ngumisi siya dito saka biglang sinamaan ito nang tingin at sinipa ang kinabukasan nito.

"Arrgh! Shit!" Napadaing ito at napaluhod dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nito.

"Accidents happen, but this," hinawakan niya ang buhok nito saka pinatingala sa kanya. "is not an accident.” Sinuntok niya ang mukha nito dahilan para pumutok agad ang labi nito. "Muntik ka ng makapatay sa ginawa mo, hayop ka!" Sinuntok niya na naman ang mukha nito. "At para hindi na maulit, kailangan kitang bigyan ng leksyon."

Malakas niyang tinapakan ang paa nito dahilan para mabali ang mga buto nito at mapasigaw ito.

"Ito pa!” Sinakyan niya ito saka sinuntok nang paulit-ulit sa mukha. "Itong isa, sa aksidenteng hindi mo sinadya,” sabi niya sabay suntok sa mukha nito. "Ito para sa kotse kong sinira mo." Sinuntok na naman niya ito. "At ito, para sa muntik mo nang pagpatay sa akin." Ilang beses niya itong sinuntok dahilan para maligo na ng dugo ang mukha nito.

"Hoy, tigilan mo na 'yan!" sigaw ng mga kasama nito.

Lalapit na sana ito sa kanila ngunit agad na humarang si Fin. "Huwag na kayong makialam," seryoso nitong sabi.

"Anong huwag makialam? Kita mo nang binubugbog na ang bossing namin. Paanong hindi kami pwedeng makialam?"

Pinunit niya ang damit ng binugbog niya saka tumayo. Wala na itong malay. Pinunasan niya ang dugo na nasa kamao niya gamit ang damit nito.

"Alam mo bang pwede ka naming kasuhan sa pambubugbog mo sa kanya?" Tinuro siya ng kasama nito.

Binasa niya ang labi saka maangas na tumingin sa kanila. "Sige. Magdemandahan tayo. I can sue you homicide. Total marami naman ang nakakita dito kung ano talaga ang nangyari." Ngumisi siya dahilan para bahagyang mapaatras ang mga ito. "I'll see you in court then."

Umalis na siya sa harapan nila. Agad naman na sumunod sa kanya si Finley. Hinawakan nito ang kamay niya saka mabilis na naglakad. Hila-hila siya nito palabas.

"Nagmamadali ka ba?" Napataas ang kilay niya. Ang bilis kasi nitong maglakad.

"Pupunta tayo ng hospital."

"Hospital? Anong gagawin natin do'n?"

Huminto ito sa paglalakad saka siya inis na tiningnan. "Baka kakain tayo do'n, Sky." Mas nainis ito nang tumango siya. "Ano ba?" sigaw nito.

"Bakit ba? Bakit ba galit na galit ka diyan?" Hindi niya na din maiwasan na mapasigaw.

Sa naaalala niya ay ito ang may kasalanan sa kanya pero bakit parang ito pa ang galit sa kanya? Baka naman naggagalit-galitan lang ito para makalimutan niya ang kasalanan nito sa kanya.

"Pupunta tayo ng hospital para ipagamot ito!" Itinaas nito ang kamay niya na nagkasugat dahil sa makapal at magaspang na pagmumukha nang binugbog niya kanina.

"Iyon lang? Pwede namang sa bahay na lang 'to gamutin. Okay na ang first aid dito."

"Anong 'yon lang? Hindi pwedeng first aid lang ang i-apply diyan. Kita mo ng kinakalawang ang mukha no'n. Paano kung magkaimpeksyon 'yan?"

Hindi niya mapigilan ang mapatawa sa sinabi nito at hindi na din siya tumutol dahil baka magkaimpeksyon talaga ang kamay niya. Kinakalawang na nga ang mukha no'n, eh.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang astig ni Sky
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status