Share

Chapter 6

Nasa hospital si Zaver ngayon dahil sinamahan niya ang kanyang ina dahil biglang sumama ang pakiramdam nito. Hindi siya pumasok sa opisina para lang samahan ito. Nasa isang business trip pa naman ang daddy niya kaya wala itong kasama. Nasa labas lang siya ng clinic ni Doc. Ong—ang Doctor ng mommy niya—nakaupo sa waiting chair.

Napatingin siya sa taong tumabi sa kanya at nagulat nang makilala niya ito. Si Sky. Mukhang hindi siya nito napansin dahil nakatutok lang ito sa kamay nitong may bandage. Napakunot-noo siya at nagtataka kung anong nangyari sa kamay nito.

"Anong nangyari diyan?" tanong niya nang hindi na niya napigilan ang sarili dahil nako-curious talaga siya. Na-curious lang siya, hindi siya tsismoso.

Kunot-noo naman itong napatingin sa kanya at may bahid ng gulat nang makilala siya. Tama nga ang hinala niya. Hindi nga siya nito napansin.

“Ikaw pala, Mr?”

Sinamaan niya ito nang tingin dahil mukhang hindi na naman nito naaalala ang maganda niyang pangalan. Bakit ba makakalimutin ang babaeng ito?

"Zaver!" may diin niyang sabi dito. Binigyan na nga niya ito ng calling card nang huli silang magkasama, nakalimutan pa din ang pangalan niya.

"Yeah. Zaver nga. Hindi mo kasi agad ako pinatapos."

Umikot ang mga mata niya sa sinabi ng dalaga. "Tsk! Patatapusin pa ba kita? Eh, halata namang nakalimutan mo na naman ang pangalan ko."

Tumawa ito. "I'm sorry about that. Ano nga pa lang ginagawa mo dito?" pag-iiba nito ng usapan.

"Sinamahan ko lang ang mommy ko na magpa-check up. Ikaw?"

"Mommy mo or girlfriend mo?"

"Mommy ko." Sinamaan na naman niya ito nang tingin. Hindi niya alam kung bakit ginigiit nitong girlfriend niya ang sinasamahan niya, eh, wala nga siyang girlfriend.

"Owws… Eh, bakit dito ka sa harap ng OB naghihintay?" Napakunot-noo siya sa sinabi nito.

Tinuro nito ang opisina na kaharap nila at nanlaki ang mga mata niya nang makitang clinic nga ‘yon para sa mga buntis.

"Huwag ka ngang mambintang. Nando’n ang mommy ko." Tinuro niya ang katabi ng OB.

"Owws? Eh, bakit dito ka naghihintay?"

"Eh, kasi, kasi ano…" Bigla siyang nataranta at nag-isip agad ng isasagot sa dalaga. Hindi niya alam kung anong meron dito at napapataranta siya nito.

"Kasi ano?" Pinanliitan siya nito ng mga mata. Hinihintay ang magiging sagot niya.

"Kita mo ng wala ng upuan doon." Tinuro niya ang waiting chair na kaharap ng clinic ni Doctor Ong. Sinamaan niya ito nang tingin nang tumawa ito. "Ano bang nakakatawa?" Nagsisimula na siyang mainis dito. “Pinagloloko mo ba ako?”

"Ang sarap mo kasing inisin. Ang cute-cute mo."

Biglang uminit ang magkabila niyang pisngi dahil sa sinabi nito na hindi niya malaman kung bakit! Kinikilig ba siya dahil sinabihan siya nito ng cute? Napailing-iling siya. Imposible dahil hindi nga siya kinikilig kapag sinasabihan siya ng gwapo, cute pa kaya?

Napaiwas siya nang tingin dito para hindi nito makita ang namumula niyang mukha at baka mas tuksuhin pa siya nito kapag nagkataon.

Hindi niya lubos akalain na may isang babae na kayang painitin—hindi lang ang katawan niya kung hindi pati ang mukha niya—sa isang simpleng compliment lang nito. Ngayon lang din kasi may nagsabi sa kanya na cute siya. Ang madalas kasi niyang naririnig ay gwapo siya.

Napailing na naman siya. Nababakla na ata siya. Damn! Para lang sa mga babae ang pag-blush!

"Ano nga pa lang nangyari diyan sa kamay mo?" pag-iiba niya ng usapan.

"Ito ba?" Itinaas nito ang kamay para ipakita ang naka-bandange nitong kamay. "Napaso lang." 

"Ang tanga mo naman."

"Oo nga, eh." Ngumiti ito na nakapagpatulala sa kanya.

Sa sobrang lutang niya ay hindi niya napansin na may isang lalaki na pala na nakatabi ang dalaga. Tiningnan niya ang lalaki ng mabuti. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ‘yong lalaking sinundo ni Sky sa bar dahil lasing na lasing ito.

"Ito ang mga gamot,” narinig niyang sabi nito. "Kailangan araw-araw linisin 'yang sugat mo dahil baka magkaimpeksyon."

"Hanggang kailan naman daw?" nakangiwi nitong tanong.

Pinitik nito ang noo ni Sky. "Syempre hanggang sa gumaling 'yan."

"Nakakatamad naman no'n,” nakangusong sabi ng dalaga.

"Kung tinatamad ka ako na ang maglilinis niyan araw-araw."

"Sabi mo 'yan, ah. Wala ng bawian."

"Ewan ko na lang sa 'yo. Kung hindi mo naman kasi binugbog ang lalaking magaspang ang mukha, hindi sana magagasgasan 'yang maganda mong kamay."

Binatukan naman ito ni Sky. "Kung hindi mo naman kasi ako pinagkarera kanina, walang gano'n na mangyayari."

"Sayang din naman kasi ang pera. Hindi pa natin nakuha."

"Yan, ipagpapalit mo talaga ako sa pera,” singhal nito sa binata. Hanggang ngayon ay naiinis pa ito sa nangyari kanina.

Inakbayan ni Fin si Sky dahilan para maging masama ang tingin ni Zaver dito. Napaisip ito kung gano’n ba talaga ka-close ang dalawa para akbayan ito ng binata? Ano kaya ang relasyon ng dalawang ito? Boyfriend kaya ito ni Sky?

"Alam mong hindi kita ipagpapalit sa kahit na anong bagay o sino mang tao, Dude. Alam mo naman na ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon."

Napangiti siya nang alisin ni Sky ang kamay ng binata na nakaakbay dito saka marahas na binitawan.

"Ewan ko sa 'yo. Lokohin mo ang lolo mong panot."

"Hoy! Hindi panot ang lolo ko, alam mo 'yan. Baka isumbong kita kay lolo, sinabihan mo siya ng panot." Itinaas pa nito ang hintuturo at tila tinatakot ang dalaga.

Umikot ang mga mata nito. "Sige, sabihin mo nang masabi ko din sa kanya kung anong ginawa mo ngayong araw."

Biglang napanguso ang binata na ikinangiwi niya. Hindi bagay para dito. "Sige na, hindi na."

"Mr. Doughlas," tawag ng isang assistant dahilan para mapalingon ang dalawa.

"Diyan ka lang muna, magbabayad lang ako." Tanging tango lang ang sinagot ni Sky kaya naman umalis na ito.

Nang mawala na sa paningin niya ang binata ay tumingin siya kay Sky ng seryoso. "Napaso pala, ah,” sarkastisko niyang sabi.

Ngumisi naman ito. "Sinubukan ko lang kung makakalusot."

Natawa siya ng mapakla. "Grabe ka! Akala ko sa kama ka lang nambubugbog, pati pala sa labas."

Bigla nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya dahilan para manlaki ang mga mata niya at mapalunok ng mariin. Hindi niya inaasahan ang gagawin ng dalaga. Bigla siyang hindi makagalaw.

"Hindi ko nga inaakala na makakabugbog din ako sa kama, eh." Tumingin ito sa labi niya dahilan para mapatingin din siya sa mapupula nitong labi. Pakiramdam niya ay biglang nanuyot ang lalamunan niya. Muli siyang nagulat nang ipagkiskis nito ang tungki ng mga ilong nila. "Sa 'yo ko lang naman kasi binigay ang sarili ko."

Ngumisi ito dahilan para kumabog ng mabilis ang puso niya. Bigla siyang pinagpawisan kahit pa naka-aircon naman sa hospital. Ano bang meron ang babaeng ito at nakakaramdam siya ng mga ganito sa katawan niya? Hindi niya maintindihan.

"Tara na, Dude." Doon lang siya natauhan nang marinig niya ang boses ng binata na kasama ni Sky.

Sinamaan niya ito nang tingin. "Liar!” may diin niyang sabi. Bigla siyang nakaramdam ng galit sa dalaga "Eh, sino 'yang kasama mo? Hindi mo ba 'yan boyfriend? Hindi ka ba nakokonsensya? Niloloko mo siya. Nakipag-one night stand ka sa akin kahit pa may boyfriend ka."

Natawa ito na mas lalong ikinainis niya. Bakit ba parati na lang itong tumatawa kahit wala namang nakakatawa? Hindi naman inaasahan ni Sky na iisipin ng binata na boyfriend niya si Fin.

Nagkibit-balikat ito. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala, pero alam mo sa sarili mo na ikaw ang nauna."

"Dude?"

Ngumisi muna sa kanya ang dalaga bago tumalikod at lumapit kay Fin. "Tara. Kumain na tayo, gutom na ako."

Ako nga ang nauna sa'yo pero paano naman ako nakakasigurado na ako lang ang lalaking nakagalaw sa 'yo. Tsk! 

Bigla siyang na badtrip dahil naalala niya ang nangyari noon sa kanya. Sabi nito sa kanya noon ay siya lang ang mahal nito. Siya lang at wala ng iba pa, pero malalaman niya lang na meron din pala itong iba at pinagsabay pa sila.

Kaya hindi na siya maniniwala sa kahit na sinong mga babae. Lahat sila ay gagamitin, lolokohin, at paglalaruan lang siya. Fuck them!

"Let’s go, son." Napatingin siya sa kanyang ina na hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya dahil sa lalim ng iniisip niya.  "Ayos ka lang ba, anak? Bakit magkasalubong ‘yang mga kilay mo?"

Umiling siya saka ngumiti dito. Tumayo na siya saka hinawakan ito sa balikat. “I’m okay, Mom. Tapos ka na sa check up mo?”

Tumango naman ito. "Yeah."

Nagsimula na silang maglakad. "Anong sabi ng Doctor?"

"Sa panahon lang daw ito. Wala namang dapat ipag-alala." Ngumiti ito sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ang magkasakit ang pinakamamahal niyang ina.

Napatanong naman siya sa sarili kung may mga babae pa ba na kagaya ng mommy niya? Loyal, mapagmahal, at maalaga sa pamilya. Napailang na lang siya. Hindi niya alam at hindi siya sigurado dahil halos lahat ng mga babae na nakikilala niya ay panandaliang saya lang ang hinahanap. Walang nagseseryoso.

Seseryosohin nga siya sa una pero kapag nakakita ito ng mas gwapo ay iiwan din siya na parang basura lang. Parang basahan na kapag wala ng pakinabang ay itatapon na lang.

NATUTUWA naman si Sky habang papaalis ng hospital. Hindi man sila gano’n ka-close o kakilala ng lubos si Zaver ay magaan ang loob niya dito. Hindi niya alam kung bakit gano’n ang nararamdaman niya para dito pero natutuwa talaga siya kapag naiinis ito.

Ang cute kasi nitong magalit. Parating magkatagpo ang dalawang kilay. Hindi niya alam kung bakit parang ang bilis nitong mapikon sa kanya. Tatawanan niya lang ito ay naiinis na agad. Pakiramdam niya ay ayaw siya nitong patawanin.

"Kilala mo ba 'yon?" tanong ni Fin nang makalayo-layo na sila sa kinauupuan ni Zaver.

"Sort of," kibit-balikat niyang sagot. Kumunot ang noo nito pero hindi na ito muli pangnagtanong.

Hindi na din niya ikinuwento kay Fin ang nangyari sa kanila ni Zaver. Maliban sa private ay ayaw din niyang isipin nito na binigay niya lang ang sarili niya sa taong hindi pa niya lubos na kilala.

Napaisip siya sa sinabi kanina ni Zaver sa kanya. Sa uri ng pananalita nito ay parang may hinuhugot ito. Napaisip tuloy siya kung nasaktan na ito noon kaya gano'n ito kumilos at magsalita.

Kung meron man, she don't care.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status