KHEENE'S POV After the wedding.. "Congratulations, Kheene, my son!" Bati ni mama sa akin tapos niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik. Nasa labas na kami ngayon ng simbahan, nagha-handa sa pagpunta sa lugar kung saan gaganapin ang reception. Speaking of reception... "Ahm, ma?" bulong ko sa rito. Bumitaw naman siya sa pagkaka-yakap sa akin. "Ano 'yun?" tanong niya. "Hindi na po ako a-attend ng reception, pagod na ako. 'Tsaka papasok pa 'ko bukas sa opisina," sabi ko habang kumakamot sa likod. Kanina pa ako kating-kati sa gown na ito. Wala pa ako sa simbahan kanina pero gusto ko na agad alisin sa katawan ko ang nakakainis na damit na 'to. Hind
CHAPTER 5KHEENE'S POV2 years later...Doon nagsimula ang lahat. Sa unang araw ng pagiging mag-asawa namin ay maayos naman. Parang normal lang ang ginagawa ko, gigising, papasok sa trabaho, tapos pag-gabi na ay uuwi na ako. May isa nga lang problema...Sa tuwing uuwi ako galing sa trabaho ay magluluto pa ako. Magluluto at ipaghahanda ko pa siya ng pagkain niya.Ang galing, 'di ba?Tulad na lang ngayon, kagagaling ko lang sa opisina pero heto't nasa kusina ako at nagluluto ng makakain namin ngayong hapunan. Hindi na rin coat at necktie ang suot, kung hindi apron. Gawain niya dapat 'to pero bakit ako ang gumagawa?Badtrip! Pasalamat na lang siya dahil t
ASHLEE'S POV Maaga akong nagising ngayong araw. Balak ko kasing maglinis at ayusin itong bahay para naman kahit papaano ay may magawa akong matino. Simula kasi ng ikasal kami, puro lang lamyerda ang ginawa ko. Bar dito, bar doon. Babae dito, babae doon. Natalo ko pa si Kheene sa pangba-babae dahil halos gabi-gabi ay mayroon ako. Pero hanggang kiss at himas lang naman ang ginagawa ko sa mga nagiging babae ko. No sex. Just kiss. At iniiwan ko rin agad sila kapag nag-sawa na ako saka maghahanap ng panibago. Yeah, I admit it. I'm a womanizer. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Humihikab pa ako habang pababa sa sala. Pagbaba ay pumunta agad ako sa kusina, dumiretso ako sa refrigerator at binuksan iyon. Nanlumo ako na makitang wala man lang kal
ASHLEE'S POV Time checked: 10:30 am Tinanghali na ako ng gising. Mag-aalas dos na kasi ako nakatulog kagabi dahil sa kalalaro sa cellphone ko. Hindi kasi ako sanay matulog nang maaga, laging pa-umaga na. Mabuti nga't kagabi hindi ako alas kuwatro natulog, maaga na para sa akin ang alas dos. Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Habang nagto-toothbrush, bigla na lang tumunog nang malakas ang tiyan ko. Senyales na matindi na ang pagka-gutom ko. Binilisan ko na lang ang pagsi-sipilyo at paghihilamos, tapos at bumaba na ako. Nakangiti akong naglalakad papunta sa kusina. Iniisip kung ilan ang ipina-deliver ni Kheene na tapsilog at longsilog. Pero sana hindi niya nakalimutan magpa-deliver. Kung hindi... Naku!
ASHLEE'S POV Sabado ng umaga... Isang himala ang araw na ito dahil alas siete palang ng umaga ay gising na ako. Samantalang maga-alas tres na kagabi bago ako makatulog. Kaya imbes na pilitin ang sarili na matulog ulit, magpapa-pawis na lang ako. Umakyat ako sa ikatlong palapag nitong bahay. May mga gamit kasi si Kheene doon na pang-workout tulad ng treadmill, stationary bikes, punching bag, cable pulley and free weights like barbells and kettleballs. Kaya kaysa lumabas pa ako para magtungo sa isang gym, dito na lang ako sa bahay tutal mayroon naman. Alas nuebe na ngayon ng umaga. Hindi ko namalayan na dalawang oras na pala akong nagwo-workout. Masiyado kasi akong nag-focus sa ginagawa ko kaya hindi ko na napansin ang oras. "
KHEENE'S POV Sabado ng gabi... 7:30 na ng gabi pero hindi pa din lumalabas sa kuwarto niya si Tiburcio, mula pa kaninang umaga. Nakapag-luto na ako ng hapunan pero ni anino niya, hindi ko pa din nakikitang bumaba. Hindi na din siya nakapag-tanghalian. 'Hays! Ba't ko ba kasi ginawa 'yon sa kaniya kanina?' 'Pinatahimik mo lang naman siya, e. Ang ingay niya!' sabi ng isang part sa utak ko. 'Ganon ka ba magpa-tahimik, ha? Edi 'pag maingay din pala si Secretary Anj, hahalikan mo para tumahimik?' sabi naman ng isa pang parte sa isip ko. 'Bakit ko hahalikan 'yon? Lalaki kaya 'yon...' 'Ba
KHEENE'S POVLinggo ng umaga...Sinadya kong magising ng maaga para makapag-simba. Matagal na rin kasi mula nung huli akong nakapasok sa simbahan- iyon ay nung ikinasal kami ni Tiburcio. Matapos nun ay hindi na nasundan pa dahil mas naging abala ako sa kumpaniya.Lumabas ako ng kuwarto at bumaba na. Kumakanta-kanta pa ako habang naglalakad papunta sa kusina para makapag-handa ng agahan namin ni Tiburcio nang may maamoy akong parang nasusunog na kawali. Sinundan ko ang amoy na iyon at dinala ako ng aking mga paa sa kusina.At nakita ko nga si Tiburcio, natataranta siya at hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Bukod kasi sa mayroong nakasalang na kawali-nasusunog na iyo-bukas pa ang gripo sa lababo. Ang kalat ng buong kusina. Aakalain mo tuloy na dinaanan iyon ng malaking del
Sandali akong nawala sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdam gayong kaharap ko na taong nanakit sa akin matagal na panahon nang lumipas."Sophie..." Banggit ko sa pangalan niya. Mahi-himigan ang gulat at pagka-lito sa boses ko."I miss you so much, king... I'm sorry," sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaka-yakap sa akin.Sa umpisa ay hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat, pero nang maalala ko si Tiburcio, mabilis kong kinalas ang mga braso niya sa pagkaka-yakap at inilayo siya sa akin."Stop calling me king. Matagal na tayong tapos." Walang emosyong sabi koKing at Queen ang endearment naming dalawa noong kami pa. Pero ngayong wala na kami, wala na rin dahilan para i