FAZER LOGINNaramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba ko, feeling ko pati kaluluwa ko nakikita na ni Sir Lucas.
Nanatili kaming nakaupo sa maliit kong kama. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya pati yung init na nanggagaling sa katawan niya, parang oven na nakabukas. Ang bango-bango niya talaga, amoy mayaman na may halong mamahaling fabric softener. Lord, ganito ba talaga amoy ng mga lalaki? Bakit yung mga tambay sa kanto namin amoy kalsada at menthol lang? “Sir, bakit kailangan niyo pang bumaba rito?” tanong ko para lang mabura ang awkward na katahimikan. “Pwede niyo naman po akong ipatawag sa intercom o kaya i-text.” Pumunta kaya siya dito kasi nahulog na siya sa ganda ko at di na nakatiis na puntahan ako kahit dis oras na ng gabi? Kinikilig ako sa mga naiisip ko! What if nakita niyang chance to para bisitahin ako? Charot! “I left my phone in the study, and I didn't want to wake the whole household,” sagot niya habang nakatingin sa mga poster ng K-drama sa dingding ko. Parang sinusuri niya kung anong klaseng nilalang ako base sa mga lalakeng nakadikit sa pader. “I thought you’d be awake. I didn’t expect you to be... like this.” “Like what po? Mukhang haggard?” Hala, baka amoy laway ako! Tumingin siya sa akin, mula ulo hanggang... sa gitnang bahagi ng katawan ko. Nanliit ang mga mata niya. Umiwas siya ng tingin pero binalik niya rin agad nang may halong pagtataka. “Anya,” tawag niya. Yung boses niya, pang-voiceover ng commercial ng kape sa lalim. “Po?” “Why aren’t you wearing a bra?” Parang may sumabog ang isang dosenang confetti sa utak ko. Awtomatikong napatingin ako sa dibdib ko at doon ko lang narealize. Dahil sa nipis ng t-shirt ko at sa pagkakayakap ko sa kanya kanina, parang may dalawang pasas na gustong magpakita sa kanya. Sino ba namang matutulog na naka-bra? Masakit kaya sa ribs 'yun, parang nakakulong sa rehas ang mga alaga ko! “S-Sir!” Agad kong niyakap ang mga tuhod ko. “G-Gabi na po kasi! Alangan namang matulog ako nang naka-armor! Nakakahinga po ba ang balat 'pag ganoon?!” Natataranta kong paliwanag. Teka lang, ang landi landi ko sa isip ko pero ayoko muna ipakita sa kanya ang tinatago ko. Kahit pa naramdaman niya ang mga ito kanina, iba pa rin kapag nakita niya ng walang saplot! Bahagyang natawa si Lucas, isang maikling tawa na nakaka-fall. Sa tawa niyang iyon, parang gusto ko agad i-surrender sa kanya ang virginity ko. “I’m not complaining. I was just... surprised. It’s a bit distracting.” Distracting?! Ano’ng ibig mong sabihin?! Na-distract ka sa view? Gusto ko na lang maging alikabok pero part of me, yung malanding part, ay biglang nag-cheer. “Pasensya na po, hindi ko naman po alam na may VIP guest ang kwarto ko,” bulong ko. Gustong-gusto ko na talagang magtatalon sa tuwa pero pinigilan ko. Gusto ko siya pero pa-hard to get muna ako. “It’s fine. Let’s just... talk about something else,” mabilis niyang bawi. Siguro naramdaman niyang magha-hyperventilate na ako. “So, these guys on your wall. Is that your type? Lean, pale, and looking like they’ve never seen the sun?” Nakahinga ako nang maluwag. “Uy, Sir, huwag niyo silang i-judge! Magaling silang umarte. At tsaka, tingnan niyo naman yung jawline, pwedeng pang-hiwa ng sibuyas!” “They look high-maintenance,” puna niya, sabay sandal sa sandalan ng kama ko. Napansin ko ang pag-igting ng panga niya. “Do you actually think life is like those dramas? Where a rich guy falls for a clumsy maid?” Napa-sibangot ako. “Hindi naman po ako ilusyunada, Sir. Alam ko namang sa totoong buhay, ang mayamang amo, strikto at mahilig mambulyaw ng labandera.” Tumingin siya sa akin nang malalim. “I don’t shout at you.” “Kasi po sinusunod ko lahat ng utos niyo,” sagot ko naman. “Kahit nakalimutan kong tiklupin 'yung mga polo shirt niyo.” Natawa siya ulit, pero sa pagkakataong ito, mas matagal. Mukhang gumaan ang loob niya. Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa kung anu-anong bagay. Tungkol sa paborito niyang kape, tungkol sa kung gaano kahirap mag-manage ng kumpanya, at kung paano ang ginawa ko kanina. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko na Amo ko siya at katulong lang ako. Para lang kaming dalawang tao na nagtataguan sa gitna ng gabi. Pero habang nagkukwento ako, napansin kong medyo malikot siya. Inilipat niya ang posisyon ng upo niya. Kanina pa siya ganyan kaya tinanong ko na siya. “Sir, okay lang po ba kayo? Masikip po ba? Gusto niyo po sa lapag na lang ako?” tanong ko, kunwari concerned pero ang totoo, gusto ko lang siyang titigan. Tumingin siya sa akin, pero may kakaiba sa mga mata niya. Hindi siya sumagot agad. Napansin kong humigpit ang hawak niya sa gilid ng kama. Dahil sa lapit namin, hindi ko maiwasang mapatingin sa gitna ng mga binti niya. Nanlaki ang mga mata ko. Sa ilalim ng manipis na silk pajamas niya, may napansin akong kakaibang umbok na tila tumitigas at bumabakat. Hala. Hindi ako tanga. Alam ko kung ano 'yun. Hindi 'yun cellphone dahil sabi niya naiwan niya sa study. Hindi rin 'yun wallet. Napalunok ako. Tumingin ako sa mukha niya at nakita kong nakatingin din siya sa akin, ang mga mata niya ay madilim at parang may kung anong apoy na nagniningas doon. Ang hininga niya ay naging mas mabigat. “Anya...” tawag niya sa boses na mas malalim pa sa dati. “S-Sir?” nauutal kong sagot. Ang puso ko, parang gustong tumalon palabas ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumakbo o manatili lang doon. Hahalikan na ba niya ako? Dahan-dahan niyang inabot ang mukha ko, ang hinlalaki niya ay dumaan sa ibabang labi ko. “You really shouldn't have hugged me that tight under the blanket.” Hindi ako makapagsalita. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang mahinang pag-ikot ng electric fan sa sulok. Ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanya, isang init na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin, at sa bawat segundo na lumilipas, mas lalong nagiging tensyonado ang hangin sa loob ng kwarto. “I think... the hallway is clear now,” sabi niya, at bumitaw siya. Huminga siya nang malalim, pilit na kumakalma. Tumingin siya sa orasan at pagkatapos ay tumayo na, dala ang basket ng mga damit niya. Ang umbok sa pajama niya ay nandoon pa rin, bakas na bakas, kaya mabilis akong umiwas ng tingin at tumingin sa sahig. “Go to sleep. Just forget about what you saw. It was just a natural reaction since you hugged me too tight earlier.” Mabilis siyang lumabas ng pinto nang hindi na lumingon pa. Naiwan akong tulala sa kama, hawak-hawak ang dibdib kong parang sasabog na. Nasasayangan ako na hindi man lang kami nag-kiss pero okay lang, pwede ko namang ibigay sa kanya ang first kiss ko anytime. Nararamdaman kong may epekto ang ganda ko sa kanya!Habang bumibiyahe kami, pasulyap-sulyap ako kay Sir Lucas. Lord, bakit ganoon? Kahit yata mag-drive siya ng truck ng basura, magmumukha pa rin siyang hari ng kalsada. Ang higpit ng hawak niya sa manibela, kitang-kita ang ugat sa braso niya na parang gusto kong kabitan ng dextrose. Saka ang rinig ko sa mga maugat, malaki ang….."Stop staring, Anya. You might cause an accident," seryoso pero may bahid ng panunukso niyang sabi."Ay, accident agad? Hindi pa nga tayo nagkikiss?" pabulong kong sagot."What was that?""Sabi ko po, Sir, ang galing niyo mag-drive! Smooth na smooth, parang balat niyo lang!" palusot ko habang kinakamot ang ulo. Tumawa siya nang mahina, yung tawang parang musika sa pandinig ko. Grabeng lalaki ito, bawat galaw, kinikilig ako. Sir, sana mahulog ka na sa kamandag ko para matawag kitang baby nang hindi pabulong.Nang malapit na kami sa kanto ng aming barangay, unti-unti nang sumisikip ang daan. Ang mga tricycle ay parang mga langgam na nagsisiksikan, at ang mga nagti
Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik. Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para akong lantang gulay na naglilinis ng mansyon. Pero sa loob ng mga araw na iyon, nakita ko ang ibang mga Villamor na bihira ko lang masilayan.Isang hapon habang nagdidilig ako sa garden, may isang pulang sports car na pumarada sa harap. Bumaba doon ang isang babaeng parang galing sa takip ng magazine. Si Cindy Villamor, ang bunsong kapatid ni Sir Lucas. Dumaan siya sa gilid ko nang hindi man lang tumitingin. Wala kaming imikan. Para lang akong isang ornamental plant sa paningin niya, maganda, pero hindi kinakausap. Future sister-in-law mo kaya ako girl!Narinig ko lang siyang nagsusungit sa phone habang papasok ng pinto. "I told you, I want the dress in emerald, not mint!" Hay, buhay mayam
Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba ko, feeling ko pati kaluluwa ko nakikita na ni Sir Lucas.Nanatili kaming nakaupo sa maliit kong kama. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya pati yung init na nanggagaling sa katawan niya, parang oven na nakabukas. Ang bango-bango niya talaga, amoy mayaman na may halong mamahaling fabric softener. Lord, ganito ba talaga amoy ng mga lalaki? Bakit yung mga tambay sa kanto namin amoy kalsada at menthol lang?“Sir, bakit kailangan niyo pang bumaba rito?” tanong ko para lang mabura ang awkward na katahimikan. “Pwede niyo naman po akong ipatawag sa intercom o kaya i-text.”Pumunta kaya siya dito kasi nahulog na siya sa ganda ko at di na nakatiis na puntahan ako kahit dis oras na ng gabi? Kinikilig
Pagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan kanina, pero pagbagsak ng likod ko sa manipis na kutson, tinalo na ako ng antok.“Mamaya na lang... five minutes lang,” bulong ko sa sarili ko habang yakap-yakap ang unan. Pero ang five minutes, nagtuloy-tuloy. Nakalimutan ko na nang tuluyan ang basket ng mga de-kalidad na tela na nakatambak sa gilid ng higaan ko.Maghahating-gabi na nang magising ako dahil sa isang mahinang kaluskos. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko, iniisip na baka si Gina lang na naiihi o si Tess na nananaginip na naman. Pero kakaiba ang tunog. Mabibigat na hakbang, seryoso, at parang galing sa direksyon ng pintuan ko.Dahan-dahan kong iminulat ang isang mata. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang matangkad na
Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang nakatoka sa’yo? Good luck, gurl. Suwerte mo sa view, pero malas mo sa kuskos.”Lumapit ako sa malaking washing machine at dahan-dahang inilapag ang basket. “Bakit naman malas sa kuskos, Ate Gina? Mukha namang malinis si Sir, ah? Amoy baby powder na mamahalin pa nga,” sabi ko sabay singhot nang palihim sa isang itim na polo shirt. Lord, patawad, kailangan ko lang ng oxygen.Nagtawanan silang tatlo. “Naku, Anya, akala mo lang ’yan,” sabat naman ni Tess, ’yung isa pang maid. “Si Sir Lucas, sobrang pihikan niyan. Isang mantsa lang na kasingliit ng tuldok, ipapaulit niya sa’yo ang buong batch. At huwag na huwag mong gagamitan ng matapang na fabcon, sumasakit ang ulo n’yan. Gusto niya, amoy ‘fre
Hindi ko maitago ang saya ko habang naglalakad pauwi. Halos liparin ko ang daan patungo sa aming bahay. Pagpasok ko palang, bumungad na agad si Nanay na naghihiwa ng kangkong habang si Lola naman ay nakasandal sa aming upuang kawayan.“Nay! Lola! May trabaho na ako!” malakas kong sigaw na halos ikalaglag ng kutsilyo ni Nanay.“Jusko kang bata ka, akala ko naman kung napano ka na!” bulyaw ni Nanay, pero bakas ang ginhawa sa mukha niya matapos akong makita. “Saan ka nakahanap? Sigurado ka bang matino ‘yan?”“Sa mga Villamor po, Nay. Stay-in maid ako doon,” sagot ko habang inilalabas ang limang libong binigay ni Lucas. “At tingnan niyo, binigyan na agad ako ng advance payment ng amo ko. Pambili niyo ito ng gamot, Lola, at pang-grocery niyo rito sa bahay habang wala ako.”Nanlaki ang mga mata nila. Para kaming nanalo sa lotto na hindi naman tumataya. “Totoo ba ito?” tanong ni Lola, bakas ang gulat. “Aba, napakabait naman palang amo iyon.”Mabait at masarap sa mata, Lola! Bulong ng malandi







