공유

Chapter 2

작가: vienriaz
last update 게시일: 2026-05-01 00:12:43

Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.

“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’.

“Si Sir Lucas ba ang nakatoka sa’yo? Good luck, gurl. Suwerte mo sa view, pero malas mo sa kuskos.”

Lumapit ako sa malaking washing machine at dahan-dahang inilapag ang basket. “Bakit naman malas sa kuskos, Ate Gina? Mukha namang malinis si Sir, ah? Amoy baby powder na mamahalin pa nga,” sabi ko sabay singhot nang palihim sa isang itim na polo shirt.

Lord, patawad, kailangan ko lang ng oxygen.

Nagtawanan silang tatlo. “Naku, Anya, akala mo lang ’yan,” sabat naman ni Tess, ’yung isa pang maid.

“Si Sir Lucas, sobrang pihikan niyan. Isang mantsa lang na kasingliit ng tuldok, ipapaulit niya sa’yo ang buong batch. At huwag na huwag mong gagamitan ng matapang na fabcon, sumasakit ang ulo n’yan. Gusto niya, amoy ‘fresh air’ lang.”

“Saka ingat ka rin sa mood niya,” bulong ni Gina habang lumilingon-lingon, tinitiyak na wala si Manang Ruchel, takot sigurong mapagalitan. “Mabait naman si Sir, galante ’yan mag-bonus. Pero kapag puyat sa trabaho o stressed sa kumpanya, daig pa ang Bulkang Mayon na sasabog. Tahimik pero nakakamatay ang tingin.”

“Ganoon ba?” sagot ko habang sinisimulang paghiwalayin ang de-kolor sa puti. Kahit maging bulkang Mayon pa siya, handa kong tanggapin ang lava niya. Charot!

“Eh, may girlfriend ba siya? O baka naman... asawa?” Pasimple kong tanong.

Halos mabilaukan si Tess sa iniinom niyang tubig. “Asawa? Wala pa sa bokabularyo niyan ang kasal. Girlfriend? Maraming umaaligid na model at sosyal na babae, pero wala kaming nakikitang seryoso. Parang robot ’yang si Sir, trabaho at gym lang ang alam. Minsan nga iniisip namin kung tao ba talaga ’yan o display sa museum sa sobrang perpekto.”

Walang girlfriend? Yes! Clear path! Tuwang-tuwa na ang malandi kong puso. Ibig sabihin, may pag-asa pa ang duster ko at ang ganda kong pang-barangay pageant!

Lumipas ang dalawang oras sa paglalaba. Pinagbuti ko talaga ang pagkuskos sa mga kuwelyo niya. Bawat kuskos, iniisip ko na parang minamasahe ko na rin ang balikat ni Lucas para dagdag motivation.

Nang matapos na, bitbit ko ang planggana palabas sa garden area kung saan naroon ang mga sampayan. Tirik ang araw, perpekto para matuyo agad ang mga underwear ni Sir—este, ang mga polo niya. Habang isa-isa kong isinasampay ang mga tela, ninanamnam ko ang hangin. Ang sarap maging mahirap na may mayamang inspirasyon!

“You’re doing it wrong.”

Muntik ko nang mabitawan ang sipit ng damit nang marinig ang baritono at malamig na boses na iyon mula sa likuran ko. Paglingon ko, nandoon si Lucas. Nakasuot na siya ngayon ng puting t-shirt at shorts, pero kahit balot na ang katawan, bakas pa rin ang hulma ng mga muscles niya.

“S-Sir! Nagulat naman ako sa inyo. Akala ko po multo, “ biro ko pero agad akong napatakip ng bibig. Hindi naman siguro ako matatanggal sa trabaho, no?

Tumaas ang isang kilay niya. Lumapit siya sa sampayan, ang bango niya ay humahalo sa amoy ng sabon. “The hangers. Huwag mong gagamitan ng clip ang balikat ng mga polo shirt ko, it leaves marks. Ibutones mo nalang.”

“Ah, opo! Sorry po, Sir. Akala ko kasi baka tangayin ng hangin, sayang naman kung madudumihan ulit ang kagandahan... ng damit niyo,” mabilis kong sabi habang mabilis na tinatanggal ang mga sipit.

Pinanood niya lang ako. Nararamdaman ko ang titig niya sa likod ko kaya lalo akong naging clumsy. Nahulog ang isang panyo sa damuhan. Sabay kaming yumuko para kunin iyon, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagdampi ang mga daliri namin.

Para akong nakuryente! Napatingin ako sa mga mata niya. Malalim, parang dagat na masarap lundagan kahit hindi ako marunong lumangoy.

“You’re very energetic for someone who started at 6:00 AM,” puna niya, sabay bawi ng panyo. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang may dumaang konting ngiti sa labi niya. “Anong pangalan mo ulit?”

“Anya po, Sir! Anya na laging handang mag-serbisyo sa inyo, 24/7, with a smile and extra rice!”

Bahagyang gumaan ang mukha niya. “Anya. Okay. Just make sure you follow Manang Ruchel’s instructions. Ayaw ko ng palpak sa bahay na ’to.”

“Promise, Sir! Kahit itanong niyo pa sa mga bituin, ako ang pinakamasipag na maid sa balat ng lupa,” sagot ko habang nag-pa-pacute. Sana tablan siya ng ganda ko.

Tumango lang siya at nagsimulang maglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin at hindi maiwasang mahumaling. Pati ba naman paglalakad, nakakaakit? ’Yung pag-galaw ng balakang niya, parang may sariling soundtrack. Sana maging exercise mat na lang ako para araw-araw mo akong apakan, Sir!

“Ahem.”

Biglang nawala ang pantasya ko nang sumulpot sa gilid ko si Manang Ruchel. Nakapamewang siya at ang hitsura niya ay parang nakakita ng krimen.

“Tapos ka na bang makipag-landian sa hangin, Anya?” matalim niyang tanong.

“Ay, Manang! Hindi po, nag-uusap lang po kami ni Sir tungkol sa... sa hangers! Opo, napaka-educational po ng usapan namin tungkol sa hanger,” palusot ko.

Lumapit sa akin si Manang Ruchel, ang mukha niya ay seryosong-seryoso. Hinawakan niya ang braso ko, hindi naman masakit pero ramdam ko ang babala.

“Makinig ka sa akin, bata ka. Nakikita ko ang mga tingin mo kay Sir Lucas. Bago ka pa lang dito, kaya sasabihan na kita. Huwag kang masyadong umasa. Marami nang dumaang katulong dito na akala nila ay magiging Cinderella sila. Ang ending? Sinisante dahil naging sagabal sa trabaho.”

Napakurap ako. “Manang, nagagandahan lang naman po ako sa view—”

“Sir Lucas is a Villamor,” putol niya sa akin. “Langit siya, Anya. At kahit anong kuskos mo sa mga damit niya, ang amoy ng sabon ay hindi kailanman magiging amoy ng ginto. Huwag kang lumapit nang lumapit sa kanya kung ayaw mong mapaso. Trabaho ang pinunta mo rito, hindi pag-ibig. Maliwanag?”

Tumango ako nang dahan-dahan, pero sa loob-loob ko, gusto kong sumagot ng kahit mapaso ako, basta si Sir Lucas ang apoy, okay lang! Pero pinigilan ko dahil baka hadlangan ako ni Manang na makita si Lucas.

“Opo, Manang. Copy po. Trabaho lang, walang personalan,” sabi ko na lang para matigil na ang sermon.

Umalis si Manang Ruchel na tila isang itim na ulap na dumaan sa gitna ng maaraw kong araw. Napabuntong-hininga ako at tumingin ulit sa direksyong pinuntahan ni Lucas. Nawala ako sa mood.

Langit siya, lupa ako?

Malulungkot na sana ako ngunit bigla akong napangiti nang nakakaloko habang kinukuha ang hangers dahil sa naisip. Edi gagawa ako ng hagdan! O kaya, hihiling ako ng lindol para mag-collapse ang langit sa lupa.

Ipinagpatuloy ko ang pagsasampay habang kumakanta ng ‘Stupid Love’. Hindi ako magpapadala sa mga banta ni Manang, gustong gusto ko talaga si Lucas, noon pa man. Hindi naman mapipigil ang nararamdaman, basta itutuloy ko pa rin ang pantasya ko. Basta masilayan ko lang ang mukha niya, okay na ako.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 155

    Matagal bago tuluyang humiwalay ang mga bisig ni Lucas sa aking baywang. Kung ako lang ang tatanungin, handa naman akong manatiling nakadikit sa dibdib niya hanggang sa matapos ang taong ito. Ang bango-bango niya pa rin kahit galing siya sa matinding stress ng pagtakas sa sarili niyang kasal. Amoy mamahaling pabango na may kaunting pahiwatig ng 'sayo lang ako'. Isang kombinasyon na siguradong pamatay para sa isang marupok na tulad ko. Nang sa wakas ay lumuwag ang kaniyang yakap, hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at tinitigan ako nang may malambot na ngiti. Ang mga mata niyang kanina lang ay puno ng bigat ay mukhang gumaan na ngayon, salamat sa sagot kong nagpatahimik sa lahat ng kaniyang pag-aalinlangan. "Are you hungry? O gusto mo munang magpahinga?" tanong niya, habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha. Ang kaniyang malambing na boses ay may dalang kakaibang kuryente na dumaan diretso sa aking atay. Gusto kitang kainin! Bastos na sagot ng u

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 154

    Napakurap-kurap ako, tila hindi agad rumeshistro sa utak ko ang mga huling salitang binitawan niya. Ang galit na kanina lang ay nag-aalab sa dibdib ko ay biglang napalitan ng matinding kalituhan. Pakiramdam ko ay nawalan ng hangin ang buong silid habang nakatitig ako sa seryosong mukha ni Lucas. "A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong, unt-unting ibinababa ang aking mga kamay na kanina lang ay nakahanda nang itulak siya palayo. "Paanong may ibang pakakasalan si Yanna? Lucas, huwag mo nga akong biruin ng ganyan. Kasal ninyong dalawa ang nakaplano ngayong araw. Paanong magkakaroon ng ibang lalaki?" Bumitaw si Lucas sa aking balikat ngunit nanatili siyang nakatayo nang malapit sa akin. Ang kaniyang ekspresyon ay walang bakas ng pagbibiro. Seryoso siya. Masyadong seryoso para sa isang bagay na tunog imposible. "Yanna will marry Theodore," panimula niya, ang kaniyang boses ay patag ngunit may bigat ang bawat pangalan na kaniyang binabanggit. "He is a man of high status. He want

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 153

    Kinabukasan, nagising ako sa unti-unting pagsilip ng liwanag ng araw sa pagitan ng mga makakapal na kurtina ng hotel room. Ngunit bago ko pa man tuluyang maidilat ang aking mga mata, isang pamilyar at banayad na pakiramdam ang pumukaw sa aking ulirat. May kung anong mainit na humahaplos sa aking mukha. Isang dahan-dahang pagpapadaloy ng mga daliri mula sa aking noo, pababa sa aking pisngi, bago marahang huminto sa may gilid ng aking panga. Ang haplos na iyon ay may dalang pambihirang ingat, tila ba natatakot na sa isang maling galaw ay bigla akong maglaho na parang bula. Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata, ang sumalubong sa akin ay ang mga matang kay tagal kong kinasabikan na makita. Si Lucas. Nakahilig siya sa gilid ng kama, nakaupo sa sahig kung saan niya inilatag ang kaniyang higaan kagabi. Ang kaniyang buhok ay bahagyang gulo-gulo, at may kaunting itim sa ilalim ng kaniyang mga mata na nagpapahiwatig na hindi rin siya lubos na nakatulog. Sa kabila niyon, ang paraa

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 152

    "Titingnan ko kung ano ang mangyayari bukas, Lucas," mababa at seryosong saad ko, pilit na pinatatatag ang boses na kanina lang ay basag na basag. "Papanoorin kita. Ngunit huwag mong isipin na dahil pumayag ako ay ibig sabihin noon ay pinagkakatiwalaan na kita nang buo." Sa kabila ng aking malamig na pahayag, nakita ko kung paano biglang nagbago ang anyo ni Lucas. Ang kaniyang mga mata na kanina lang ay puno ng takot at pakiusap ay biglang sumigla. Ang kaniyang mga labi ay dahan-dahang umarko sa isang maliit, ngunit totoong ngiti. Hindi siya nagreklamo na kulang ang ibinigay kong tiwala, sa halip, tila ba sapat na ang munting pagkakataong iyon para bigyan siya ng pag-asa. "Thank you for giving me a chance," bulong niya, ang kaniyang boses ay punong-puno ng labis na pasasalamat. Bakas sa kaniyang mukha na ang malamig kong pagpayag ay sapat na para sa kaniya sa ngayon. "Just watch me tomorrow. I will prove everything to you." Hindi na ako sumagot at ibinalik ko na lang ang aking ting

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 151

    Tinitigan ko si Lucas. Ang kaniyang mga mata ay tila nag-aapoy na may kasamang malalim na sugat, isang pamilyar na mukha na biglang naging estranghero dahil sa tindi ng galit at paninibughong nakaguhit doon. Ang kaniyang dibdib ay mabilis na naghahanap ng hangin, parang naghahanap ng sagot na magpapakalma sa kaniya. Pero sa pagkakataong ito, wala akong balak ibigay ang kapayapaang hinahanap niya. "Bakit?" Natawa ako nang bahagya. Isang mapait at walang buhay na tawa na nanggaling sa kaibuturan ng aking pagod na puso. "Bakit mo ako tinatanong niyan, Lucas? Sino ka ba para hingan ako ng paliwanag?" "Anya, please. Don't be like that. I just really want an answer. I don't like what I saw earlier. How could you kiss someone else…” may bahid ng kirot na daing niya sa akin. Kung nung mga nakaraang araw niya ginawa ito, matutuwa ako. Pero dahil huli na ang lahat, wala na akong pakialam. "At ano naman sa 'yo?!" sa wakas ay sumabog na rin ako. Ang lahat ng luhang pinipigilan ko simula pa kan

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 150

    Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na ibinabaon ang sarili sa init ng kaniyang mga labi, nagbabasakaling ang estrangherong pakiramdam na ito ang magiging lunas sa unti-unti kong ikinamamatay na puso. Ibang-iba ang halik niya kumpara kay Lucas. Kahit mas hinahanap ng labi ko ang labi ng kapatid niya, itinuon ko ang pokus ko sa halik ni Nathan. Nadama ko ang marahang paggalaw ng kaniyang labi sa akin. Para akong isang taong nalulunod na pilit kumakapit sa kaniya para lang makahinga. Ang amoy ng kaniyang mamahaling pabango ay bumalot sa akin. Ngunit ang sandaling iyon ay mabilis na naglaho. Hindi pa man nagtatagal ang aming mga labi sa ganoong posisyon, naramdaman ko ang biglaang pagbago ng hangin sa paligid. Bago ko pa man tuluyang maiproseso ang nangyayari, marahas at mabilis na humiwalay sa akin si Nathan. Ramdam ko ang biglaang paghila sa kaniya palayo, ang tindi ng pwersa ay nagpabitaw sa kaniyang kamay na nakahawak sa aking panga at baywang. Isang malakas at nakakabinging tuno

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 52

    Si Ma’am Sofia ay hindi naman pala magtatagal ng isang buwan. Parang dumaan lang na bagyo, isang sosyal na bagyo. Pagkalipas ng ilang araw na pananatili niya rito sa mansyon, kung saan bawat galaw ko ay tila naka-CCTV sa ilalim ng kanyang mapanuring mga mata, oras na para mamaalam ang Mother-in-law

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 50

    Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang unang bumungad sa akin ay ang amoy ng mamahaling fabric softener na hinaluan ng panlalaking pabango. Yung amoy na tipong kahit nakapikit ka, alam mong nasa langit ka na. Pero teka, nasaan ba ako?Ay, oo nga pala. Nasa kwarto ako ng boss ko. Ng boyfrien

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 47

    Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama, bigla akong napatalon sa gulat nang marinig ang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Parang tumalon din ang puso ko palabas ng lalamunan ko. Lord, ito na ba ‘yun? Ito na ba ang pagsaboy ng malamig na tubig sa mukha ko? “Sir Lucas? Breakfast is ready po,” bose

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 43

    "What? Akala mo lang 'yon! Nakapikit kaya ako!" depensa ko agad, kahit ang totoo ay kulang na lang ay lumuwa na ang mata ko sa tindi ng pagkakatitig ko sa bawat hibla ng tela na bumababa sa katawan niya. Gusto ko sanang panindigan ang pagiging inosenteng Maria Clara, pero paano naman ako magiging

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status