FAZER LOGINMatapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik.
Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para akong lantang gulay na naglilinis ng mansyon. Pero sa loob ng mga araw na iyon, nakita ko ang ibang mga Villamor na bihira ko lang masilayan. Isang hapon habang nagdidilig ako sa garden, may isang pulang sports car na pumarada sa harap. Bumaba doon ang isang babaeng parang galing sa takip ng magazine. Si Cindy Villamor, ang bunsong kapatid ni Sir Lucas. Dumaan siya sa gilid ko nang hindi man lang tumitingin. Wala kaming imikan. Para lang akong isang ornamental plant sa paningin niya, maganda, pero hindi kinakausap. Future sister-in-law mo kaya ako girl! Narinig ko lang siyang nagsusungit sa phone habang papasok ng pinto. "I told you, I want the dress in emerald, not mint!" Hay, buhay mayaman. Problema nila ang kulay ng tela, problema ko kung paano pagkakasyahin ang sahod ko sa mga bayarin sa bahay. Kinabukasan naman, habang nag-aayos ako ng mga unan sa living room, dumaan si Nathan Villamor. Siya naman ang playboy na kapatid ni Lucas. Naka-gym shorts lang siya at may towel sa leeg, kitang-kita ang abs na parang pandesal na bagong hango sa oven. Pero kahit anong ganda ng katawan niya, hindi tumitibok ang puso ko. Kay Sir Lucas lang ako loyal, 'no! Mas masarap ang pandesal niya! Dinaanan lang din niya ako na parang invisible. Ni "good morning" o "tabi dyan" ay wala. Sanay na yata silang mga Villamor na ang turing sa amin ay parang bahagi lang ng furniture. Okay lang, kaysa naman mapansin ako at utusan ng kung anu-ano, mas gusto ko nalang maging stalker ni Sir Lucas habang break time ko. Binabasa ko yung mga article tungkol sa kanya. Naging normal ang mga sumunod na araw. Trabaho, linis, luto, at matinding pag-iisip kung kailan ba babalik ang amo kong nakaka-distract sa katinuan. Iniisip ko na ang next move ko kung paano siya maaakit. Dumating ang araw ng aking day-off. Plano kong umuwi muna sa amin para bisitahin si Nanay at ibigay ang kaunting sweldo na natanggap ko. Nagbihis ako ng paborito kong floral dress. Baka kasi biglang sumulpot si Sir Lucas at atakihin na naman ang puso sa ganda ko. Kailan kaya siya babalik? Bitbit ang maliit kong bag, naglakad ako palabas ng subdivision. Ang init ng araw, parang gustong iluto ang balat ko. Habang naglalakad, iniisip ko kung gaano kasarap ang luto ni Nanay na sinigang. Miss ko na rin ang ingay sa kanto namin, malayo sa seryoso at tahimik na buhay sa mansyon ng mga Villamor. Pagdating ko sa kanto kung saan humihinto ang mga jeep, tumayo ako sa lilim ng isang malaking puno. Pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay, pawis na pawis na ang kili-kili ko, Lord! Bakit ba kasi ang hirap sumakay dito sa pinas?! "Jeep! Jeep!" kaway ko sa bawat sasakyang dumadaan, pero lahat sila ay puno na kaya napapasimangot ako. Maaga pa naman, bakit puno agad ang mga jeep? Isang itim at makintab na SUV ang dahan-dahang huminto sa tapat ko. Akala ko ay may magtatanong lang ng direksyon, kaya inayos ko ang sarili ko at nag-ready ng helpful citizen look. Pero nang bumaba ang bintana, muntik nang malaglag ang panga ko. Ang bango. Yung amoy na kahit nakapikit ako ay kilalang-kilala ko. "Anya." Ang boses na parang anghel, yung boses na nagpapalambot sa tuhod ko. Si Sir Lucas! Naka-business suit pa siya, mukhang galing sa airport dahil may mga bag pa sa backseat. Pero kahit mukhang pagod, ang gwapo-gwapo niya pa rin, parang model ng kape na hindi natutulog pero laging fresh. "S-Sir Lucas?! Bakit po kayo nandito? Akala ko po bukas pa ang uwi niyo?" nauutal kong tanong. Ang puso ko, heto na naman, parang nagpapatakbo ng marathon sa loob ng dibdib ko. Tumingin siya sa akin, mula ulo hanggang paa. Nanliit ang mga mata niya nang mapansin ang pawis sa noo ko at ang namumulang mukha ko dahil sa init. Napangiwi ako. Ngayon na nga lang ulit kami magkikita, ngayon pang haggard ako. "The meeting ended early. I decided to head straight back," sagot niya, tapos ay tumingin siya sa kalsada kung saan nag-aabang ang mga tao ng jeep. "What are you doing here?" "Ah, day-off ko po ngayon, Sir. Uuuwi po sana ako sa amin, naghihintay lang po ng jeep," sabi ko habang pilit na ngumingiti kahit feeling ko ay malapit na akong matunaw sa init. Bahagya siyang kumunot ang noo, yung kunot-noo na parang naiinis pero ang gwapo pa rin tingnan. "In this heat? You'll pass out before you even find a seat." "Sanay po ako, Sir! Strong 'to, 'no!" pagmamayabang ko habang pinapakita ang maliit kong muscle. Hindi siya natawa. Sa halip, inabot niya ang pinto ng passenger seat at binuksan ito mula sa loob. "Hop in, Anya. I'll take you home." Nanlaki ang mga mata ko. "P-Po?! Naku, Sir, huwag na po! Nakakahiya naman po sa inyo, kakarating niyo lang. Saka baka madumihan ko po 'tong mamahaling upuan niyo, pawis na pawis po ako!" Pagpapakipot ko ng kaunti kahit gustong-gusto ko na talagang pumasok sa loob dahil nahihilo na ako sa init. "I don't care about the seat, Anya. Just get inside. It's an order." Dahil ayaw kong ma-fire at dahil na-miss ko talaga ang presensya niya, dahan-dahan akong pumasok at umupo sa passenger seat. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin Nang maisara ko ang pinto, saka ko narealize na sobrang lapit namin sa loob ng sasakyan, ramdam ko ang init na nanggagaling sa paligid. Tuwang-tuwa ang puso ko! "So," simula niya habang binubuhay ang makina. "Where is your home?" Nagpunas ako ng pawis ko. “Deretso lang Sir. Sa may Poblacion lang po ako.” Napatingin ako sa kanya nang hindi siya magsalita at nakita ko siyang pinapanood akong magpunas. Hala, nafall nanaman ba siya sa ganda ko?! Kinikilig ako pero kailangan ko nang makauwi at nag-iintay sakin si Nanay. Next time kita lalandiin, Sir pagbalik ko! "Sir, baka gusto niyo pong mag-drive na? Baka ma-traffic po tayo," pag-iiba ko ng usapan kahit ang totoo ay tuwang-tuwa ako na binibigyan nya ako ng pansin. "Right. Let's drive you home, Anya." At habang umaandar ang sasakyan, alam kong hindi lang ang biyahe ang nag-umpisa. Parang may bagong kabanata na namang magbubukas sa amin, at sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong hindi lang natural reaction ang makukuha ko sa kanya. Watch out, Sir Lucas, ang ganda ko ay parang traffic sa Manila, nakaka-stress pero hindi mo matatakasan!Habang bumibiyahe kami, pasulyap-sulyap ako kay Sir Lucas. Lord, bakit ganoon? Kahit yata mag-drive siya ng truck ng basura, magmumukha pa rin siyang hari ng kalsada. Ang higpit ng hawak niya sa manibela, kitang-kita ang ugat sa braso niya na parang gusto kong kabitan ng dextrose. Saka ang rinig ko sa mga maugat, malaki ang….."Stop staring, Anya. You might cause an accident," seryoso pero may bahid ng panunukso niyang sabi."Ay, accident agad? Hindi pa nga tayo nagkikiss?" pabulong kong sagot."What was that?""Sabi ko po, Sir, ang galing niyo mag-drive! Smooth na smooth, parang balat niyo lang!" palusot ko habang kinakamot ang ulo. Tumawa siya nang mahina, yung tawang parang musika sa pandinig ko. Grabeng lalaki ito, bawat galaw, kinikilig ako. Sir, sana mahulog ka na sa kamandag ko para matawag kitang baby nang hindi pabulong.Nang malapit na kami sa kanto ng aming barangay, unti-unti nang sumisikip ang daan. Ang mga tricycle ay parang mga langgam na nagsisiksikan, at ang mga nagti
Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik. Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para akong lantang gulay na naglilinis ng mansyon. Pero sa loob ng mga araw na iyon, nakita ko ang ibang mga Villamor na bihira ko lang masilayan.Isang hapon habang nagdidilig ako sa garden, may isang pulang sports car na pumarada sa harap. Bumaba doon ang isang babaeng parang galing sa takip ng magazine. Si Cindy Villamor, ang bunsong kapatid ni Sir Lucas. Dumaan siya sa gilid ko nang hindi man lang tumitingin. Wala kaming imikan. Para lang akong isang ornamental plant sa paningin niya, maganda, pero hindi kinakausap. Future sister-in-law mo kaya ako girl!Narinig ko lang siyang nagsusungit sa phone habang papasok ng pinto. "I told you, I want the dress in emerald, not mint!" Hay, buhay mayam
Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba ko, feeling ko pati kaluluwa ko nakikita na ni Sir Lucas.Nanatili kaming nakaupo sa maliit kong kama. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya pati yung init na nanggagaling sa katawan niya, parang oven na nakabukas. Ang bango-bango niya talaga, amoy mayaman na may halong mamahaling fabric softener. Lord, ganito ba talaga amoy ng mga lalaki? Bakit yung mga tambay sa kanto namin amoy kalsada at menthol lang?“Sir, bakit kailangan niyo pang bumaba rito?” tanong ko para lang mabura ang awkward na katahimikan. “Pwede niyo naman po akong ipatawag sa intercom o kaya i-text.”Pumunta kaya siya dito kasi nahulog na siya sa ganda ko at di na nakatiis na puntahan ako kahit dis oras na ng gabi? Kinikilig
Pagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan kanina, pero pagbagsak ng likod ko sa manipis na kutson, tinalo na ako ng antok.“Mamaya na lang... five minutes lang,” bulong ko sa sarili ko habang yakap-yakap ang unan. Pero ang five minutes, nagtuloy-tuloy. Nakalimutan ko na nang tuluyan ang basket ng mga de-kalidad na tela na nakatambak sa gilid ng higaan ko.Maghahating-gabi na nang magising ako dahil sa isang mahinang kaluskos. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko, iniisip na baka si Gina lang na naiihi o si Tess na nananaginip na naman. Pero kakaiba ang tunog. Mabibigat na hakbang, seryoso, at parang galing sa direksyon ng pintuan ko.Dahan-dahan kong iminulat ang isang mata. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang matangkad na
Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang nakatoka sa’yo? Good luck, gurl. Suwerte mo sa view, pero malas mo sa kuskos.”Lumapit ako sa malaking washing machine at dahan-dahang inilapag ang basket. “Bakit naman malas sa kuskos, Ate Gina? Mukha namang malinis si Sir, ah? Amoy baby powder na mamahalin pa nga,” sabi ko sabay singhot nang palihim sa isang itim na polo shirt. Lord, patawad, kailangan ko lang ng oxygen.Nagtawanan silang tatlo. “Naku, Anya, akala mo lang ’yan,” sabat naman ni Tess, ’yung isa pang maid. “Si Sir Lucas, sobrang pihikan niyan. Isang mantsa lang na kasingliit ng tuldok, ipapaulit niya sa’yo ang buong batch. At huwag na huwag mong gagamitan ng matapang na fabcon, sumasakit ang ulo n’yan. Gusto niya, amoy ‘fre
Hindi ko maitago ang saya ko habang naglalakad pauwi. Halos liparin ko ang daan patungo sa aming bahay. Pagpasok ko palang, bumungad na agad si Nanay na naghihiwa ng kangkong habang si Lola naman ay nakasandal sa aming upuang kawayan.“Nay! Lola! May trabaho na ako!” malakas kong sigaw na halos ikalaglag ng kutsilyo ni Nanay.“Jusko kang bata ka, akala ko naman kung napano ka na!” bulyaw ni Nanay, pero bakas ang ginhawa sa mukha niya matapos akong makita. “Saan ka nakahanap? Sigurado ka bang matino ‘yan?”“Sa mga Villamor po, Nay. Stay-in maid ako doon,” sagot ko habang inilalabas ang limang libong binigay ni Lucas. “At tingnan niyo, binigyan na agad ako ng advance payment ng amo ko. Pambili niyo ito ng gamot, Lola, at pang-grocery niyo rito sa bahay habang wala ako.”Nanlaki ang mga mata nila. Para kaming nanalo sa lotto na hindi naman tumataya. “Totoo ba ito?” tanong ni Lola, bakas ang gulat. “Aba, napakabait naman palang amo iyon.”Mabait at masarap sa mata, Lola! Bulong ng malandi







